Si Hoper ay isang ulila na at namumuhay kasama ng tiyahin at pinsan. Ngunit pilyo at makulit sya, hilig din niyang makipag basag-ulo sa kahit na sinong matipuhan niya. Pero isang gabi ang dating walang buhay at malabong mangarap na binatilyo ay nagbago dahil sa isang nilalang na impossibleng paniwalaan ng karamihan. Isang diwata, sya si Fairy Charity Castle sa mundo ng mga pangarap. Sya ang tutulong sa kanya para matuto at mahalin kung anong meron sya. Sya ang magiging dahilan sa pagtupad sa pangarap ng binatilyo. Bawal umibig ang diwata sa mundo nila sa mga tao pero nangyari ang kinatatakutan niya, tuluyan nga bang naglaho si Fairy Charity? o nabuhay muli dahil sa pangarap na itinanim niya sa buhay ng isang taong sa una, tilawalang malay.