Pagsapit ng alas nueve y' medya ng gabi, nakasirado na ang university. Walang makakapasok, walang magtatangkang mangloob at magnakaw. Secure and safe. Pero hindi nila alam, hindi ito para walang makapasok kundi para di sila makalabas. Paaralan sa umaga, kulungan sa gabi. Yan ang hindi nila alam. ***** Matagal ng sinusundan si Mylene ng dilim pero hindi niya ito alam. Akala niya mag-isa na lang siya sa buhay, pero hindi niya alam na pag madilim, hindi siya nag-iisa. Ngayon papasok siya sa isang krimen kasama ng mga taong akala niya'y maasahan niya. Pero hindi niya alam na ang pag-aakalang pagnakaw lang ng isang cellphone sa kanilang unibersidad ay hahantong pala sa isang gabing puno ng katatakutan, sakit at kadiliman. Makakatakas pa kaya siya? Kung siya na mismo ang pumasok sa kadiliman? Sa kadilimang matagal na siyang hinahanap? Tunghayan ang istorya ni Mylene at ang isang gabing babago at gigimbal sa buhay niya... This is an on-going book and it will be finish soon.
10 parts