SYPNOSIS: Minsan na siyang nagmahal ngunit siya'y sinaktan. Minsan na siyang pinangakuan ngunit siya'y niloko lamang. Minsan na siyang nagtiwala ngunit siya'y pinagsamantalahan. Pano mo ba mapapaamo ang isang babaeng winasak ng lubusan? Pano mo ba mapapalambot ang puso niyang pinatigas ng sangkatauhan? Handa ka bang pumasok sa masalimuot niyang buhay? At pano kung nakapasok ka na? Makakalabas ka pa kaya sa makamandag na patibong niya?