Sino ba ang hindi naging fan sa buong buhay nila? I am a fangirl. A certified one at that. Pictures niya dito, pictures niya doon, pictures niya kung saan-saan. I am crazy and so smitten about him. For me, fangirling isn't about being next to him, marrying with him or even bearing babies with him. Fan lang. Pangarap lang. Bawal yung pag-iilusyon, jusko ka. Baka mamaya, ikaw lang masaktan. Basta ako? Okay lang sa akin na hindi ako yung gusto niya. Yung makita ko lang na masaya siya, ayos na. Yung makita ko lang siya, ayos na ayos lang. Naiimagine ko pa nga simula pa lang nung bata pa ako na may pakakasalan siya. Isang napakaperpektong babae. Puno ng pagmamahal, ubod ng ganda at talino. Magkakaanak sila, at ako nakatanaw lang sa napakagandang buhay nila. At masaya ako para sa kanila. Until one day, biglang bumaliktad ang lahat sa isang hindi inaasahang pangyayari. What the hell? Ba't parang sarili ko na yung nakikita ko na kasama niya sa altar??