Hindi naman niya ginusto ang bagay na iyon. Sino ba siya para mabigyan ng ganoong klaseng misyon? Sa dinami rami ba namang tao sa mundo para mapili, bakit siya pa? Siya pa na walang alam kundi gumawa ng kapalpakan. Siya pa na hindi marunong gumawa ng diskarte at paraan. Bakit si Yssay pa? Si Yssay na laging may baon na kalokohan. Si Yssay na walang kamalay-malay sa mundo na ang tanging alam lang na gawin ay ipahamak ang sarili. Masyado na ba siyang pinagpala para siya ang mapili? Pero teka kailangan ba talaga niyang maranasan ito? O nanaginip lang siya? O baka naman nababaliw na siya? x