"Dear CM, It's been 6 years, 6 years na kitang hinahangaan sa malayo. 6 years ko na ding tinatago ang feelings ko sayo, 6 years na akong nakukuntento sa pasulyap sulyap ko sayo at lihim na dumadaan sa classroom mo para makita ka kahit man lang saglit. At 6 years narin akong parang hangin na nadadaanan mo lang at kahit anong paganda ko ay hindi mo man lang nililingon kahit sulyap lang. Pero bakit ngayon imbis na ma inis na ako sayo at mawala na tong feelings ko dahil sa ugali mo ay parang nadagdagan pa ang attraction na nabibigay mo saakin? Mahal na yata kita..."