Malapit ng mag tik tok ang biological clock ni Kristina naturalmente ay bothered siya dahil dun and as if adding insult to injury kung ipa-mukha pa ng mga tao sa paligid niya na dapat na siyang mag kumahog sa pag ha-hanap ng jowa na para bang ganun lamang kadali yun and besides hindi pa naman siya ganun kahayok para bumigay agad sa unang lalaking mag papakita ng interes sakanya, she has her standards dahilan siguro kaya maalat sakanya ang salitang lovelife. May kilala siyang ika nga ay pasok na pasok sa banga, kung tutuusin ay dingding lamang ang pagitan nilang dalawa pero sa tingin ni Kristina ay milya-milya naman ang layo niya sa mga natitipuhan ni dok pogi. 'Di kaya?
37 parts