My Secret Admirer (Completed)

My Secret Admirer (Completed)

3.8K Reads 62 Votes 6 Part Story
jan lauwrence By MrManiac Completed

Ako nga pala si Trisha mae Alejandro. First year college na ako sa kursong Hotel & Restaurant Management. Ngayon ang unang araw araw ng pasok. Dahil sa sobrang excited ko naligo na ako at nagbihis para pumasok.

Pinagmasdan ko muna ang eskwelahan. Sobrang laki at sobrang ganda. Kung hindi lang siguro ako scholar hindi siguro ako makakapasok rito. Ang mga estudyante ay may kanya-kanyang sasakyan, pagandahan ng gamit at bag.

Papunta na ako sa unang klase ko. Tinignan ko yung room na unang madadaanan ko. 040, 031 yung room. So, nasa dulo yung room ko? Ang haba naman ng lalakarin ko.

Habang naglalakad ako, nakita ko na yung mga kagaya kong estudyante na paparating at parami na sila ng parami.

*Boogsh

"Bwahaha." tawanan ng mga estudyante.

"Sh!t." bulong ko. Ang tanga ko naman. Nadapa ako!!. Napatid ko yung sarili kong paa, Bobo!

"Miss, Ok ka lang?" tumingin ako sa nagsalita. Wow! Ang pogi ni kuya. Singkit siya! "Miss, Ok ka lang?" tanong niya sakin ulit. Naglahad siya ng isang kamay p...