Olivia spent the last eight years trying to get her 'the one that got away' back. Hindi niya kayang mawala si Falcon sa buhay niya kaya kahit ano ay gagawin niya. Maging ipagamit ang sinapupunan niya upang mabuo ang mga batang hindi naman siya ang ina. So when Ava, Falcon's fiancé ran away after Olivia gave birth to the children, she was the one who took care of them. Siya ang nagpalaki sa mga bata at itinuring itong sarili niyang mga anak. They came from her womb after all. Ngunit kahit na ganoon ay hindi niya pa din masungkit sungkit muli ang pagmamahal ni Falcon. Agape is the highest form of love that someone can give. Hanggang saan nga ba nasusukat ang pagiging isang ina? Hanggang kailan mo nga ba kayang mag-mahal ng walang natatanggap na kapalit? Can Olivia really love Falcon, Kitty and Finch unconditionally despite the way Falcon treats her?