"Akala ko ako yung taong hindi makakaramdam ng ganito, akala ko wala akong pake kahit wala akong kahawakan ng kamay o kayakap, akala ko ako lang yung taong kahit kailan hindi makakaramdam ng pagmamahal. Pero bakit ganito? Simula nung dumating ka ang daming nagbago. Hindi lang sa buo kong pagkatao kundi pati narin dito sa puso ko, rinig na rinig ko yung pagbabago ng tibok nito, yung tipong pag nakasalubong kita yung puso ko parang hindi mapigilan ang saya. Oo inaamin ko, sa mga unang sinabi ko alam ko nagkamali na ako." - Arvhie Fernandez