Tunay at wagas ang pagmamahalan nila Magdalena de la Rosa at Sebastian Torres. Mahal na mahal nila ang isa't-isa ngunit sadyang marami ang humahadlang sa kanilang pag-iibigan. Paano kung ang tadhana na ang humadlang sa dalawang pusong nagmamahalan? Paano kung hindi ito ang nakatakdang mangyari sa hinaharap? "Marahil ay hindi iyon ang tamang panahon para sa ating dalawa, mahal ko. Ngunit hindi ako makakapayag na hindi pa rin ito ang tamang panahon sa pangalawang pagkakataon." - Magdalena Ating samahan ang dalagang pilipina na si Magdalena na mula pa sa taong 1758 sa taong 2018, upang hanapin ang GGSS (Gandang-Ganda Sa Sarili) na si Mandy Lei Zamora at ang nerd na si Topher Ryle Cuevas na siyang susi upang maisakatuparan sa pangalawang pagkakataon ang pagmamahalan nila ni Sebastian. Magtagumpay kaya si Magdalena kung parehong ayaw ni Mandy at Topher sa isa't-isa, dahil sa malaking pagkakaiba nila? --*-- B.C. By: BlueIsPanda Date Started: January 27, 2018 Date Finished: ...