Isang grupo ng kabataan ang nabigyan ng natatanging pagkakataon na mabigyan ng kapangyarihan at naatasang puksain ang misteryo na nakakapit sa kanilang lugar. Si Addy Javier ang pinaka pinagpala sa lahat dahil tinataglay niya ang pinakamalakas na kapangyarihan bilang isang Mamak. Si Ysmael Saavedra ang isang mayamang binatilyo na ninanais na di mapansin ng kanyang pamilya. Si Aiko Cruz ang dalagang maraming alam. Si Maki ang binatilyong di alam ang kanyang pinagmulan. Si Leo Javier ang nakakatandang kapatid ni Addy na nagtataglay rin ng malakas na kapangyarihan. Alamin ang hiwaga sa buhay ng bawat isa sa mga kabataang ito. Alamin ang misteryo ng lagim sa kanilang lugar. Alamin ang totoong hiwaga sa buhay ng mga MAMAK.