Si Leslie na ata ang pinakamabait na nakilala ni Ian. Sa kapatid, hindi na niya kailangan pang humingi. Kusa itong nagbibigay. Minsang-minsan lang ito humiling sa kanya. At para kay Ian, para na ring hiniling ni Leslie any kanyang kamatayan... Gusto nitong hiwalayan niya ang nobyang si Imee dahil sa isang mababaw na dahilan. Mahirap lang ang dalaga. Tindera lang ng fishball. Hindi raw ito bagay sa kanya.