Ako si Delance Grace Valdez. Isang grade 9 student na adik sa k-pop. Halos hindi na nga ako makatulog kada gabi para lang mapanuod ko yung oppa ko eh. Pero okay lang....worth it naman hehehehe. Hindi naman ako ganon ka pangit noh! Madaming pimples nga lang. Gusto ko talagang makapunta sa korea kaso wala kami pera eh. Hindi ko alam kong saang lupalop napunta si papa. Basta ang alam ko lang ay hiwalay na sila ni mama. Si mama ay isang maid. Sumasideline din sya bilang online seller. Madaming lumalait sa akin kasi nga maid si mama pero okay lang yun. Sanay na ako. Kesa naman sa mangholdap kami diba? Mas mabuti na din to. Crush ko talaga si Min Ho!! Eiiiiiii!! Sana makita ko sya. Kaso ang layo nya eh! Hmph! Sana magkaroon ako ng powers tas lilipad ako papuntang........KOREA!