Iba siya. Iba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko. Hindi siya katulad ng ibang babaeng pag nakita ako ay halos mamatay na sa kilig at akala mo'y mauubusan ng boses pag sumigaw. Iba siya. Pag nakikita niya ako ay para lang akong hangin at kasin' tahimim niya yon. At para saakin ay wirdo siya. Hindi siya katulad ng ibang babae na hindi marunong manapak. Eh kung manuntok nga yun eh parang professional boxer at red belter sa taekwondo kung sumipa. Basta para saakin ay hindi siya normal na babae. Wirdo siya dahil ngayon lang ako nakakilala ng ganyang babae.