"Hindi mo kalaban ang ibang tao, kundi ang iyong sarili." Marami na tayong napagdaanang mga pagsubok. At alam natin, kapag tayo'y naging matagumpay ay iba ang sayang dulot nito. Lalo na sa sports at iba pang contest. Kailangan nating matalo ang aking kakumpitensya upang manalo, upang makamit ang ating mga pangarap at kasiyahan. Ngunit, kung minsan, may mga kalaban tayong hindi natin matalo-talo. Buong buhay nating itong linalabanan. Buong buhay natin ito tinitiis. Buong buhay natin ay pinahihirapan tayo nito. Takot.