Nakaraan

14 1 0
                                    

"Nakauwi na po ako."

Pasadong ika-lima ng hapon na akong nakauwi mula sa malakas na pag-iyak ng langit noong biyernes. Hindi ko inasahang magiging ganito ang panahon sapagkat napakaliwanag ng dakilang araw kani-kanina lang. Bago magbihis ay inasikaso ko muna ang aking mga kagamitan upang tignan kung may nabasa ba sa mga ito. Ligtas naman ang aking mga kwaderno at aklat. Ako lamang ang nabasa. Tumuloy na ako upang magpalit ng saplot. Naghanap ako ng makapal ba pang-itaas upang kontrahin ang lamig. Hindi ko kayang manatili ng matagal sa lamig. Hindi ako tulad ng ibang tao na kulang na lamang ay tumira na sa loob ng ref. Kumain muna ako ng miryenda bago magkulong sa aking silid at maglaro sa laptop.

Habang ako'y naglalaro ay naramdaman kong sumasakit ng bahagya ang aking ulo. Parang may tumutusok sa loob, at sobrang nakakainis nito sa pakiramdam. Hindi ako makapaglaro ng maayos. Mag-aalas nuebe na ng gabi. Hindi pa tulog ang aking mga magulang at kapatid. Pati narin ang mga palakang napakaingay sa labas ng aming palasyo. Siguro'y pagod lang ako mula sa buong araw na pag-aaral at pakikipagsalamuha sa mga tao. Huminto na lamang ako sa paglalaro at sinubukan kong matulog na lamang. Nakaugalian ko nang bago matulog ay mag-isip-isip ng mga bagay-bagay tulad ng mga nagawa ko sa araw na ito, o 'di kaya'y mga obserbasyon ko sa mga tao, at iba pa. Ilang minuto na akong nakahimlay at nakapikit ay hindi pa din ako makatulog. Marahil sa pag-iisip ko. Minsan ay mas nagiging malakas ang aking pag-iisip kumpara sa kagustuhang matulog ng aking katawan. Isang oras na rin ang nakalipas ay hindi pa rin ako makatulog.

"Gusto ko nang matulog.", banggit ko sa aking isipan.

Inimulat ko na lamang ang aking mga mata. Tinignan ko ang paligid sa kabila ng kadiliman ng aking silid. Ang mahinang liwag sa labas ng bahay ang nagbibigay ng anino sa mga bagay-bagay dito.

May napansin akong kakaiba. Ngunit hindi ko ito makita ng maayos dahil sa dilim. Ako'y nakahiga sa kama at may nakasabit na kulambo sa aking paligid. Sa aking bandang paa ay ang cabinet. Sa aking bandang kanan ay ang bintana, at sa aking kaliwa ay isang maliit na mesa. Malapit sa pintuan ng  cabinet, ay may isang anino. Parang isa itong kamay. Dahan-dahang gumagalaw papunta sa sahig. Napansin ko ang mga mata nito nang masinagan ito ng bahagya ng liwanag. Takot ang bumalot muli sa akin. Bata pa lamang ako ay takot na ako dito. Ngunit isa rin ito sa mga pinagkakatuwaan naming mga magkakaklase at magpipinsan. Ngunit, dahil sa mga turo ng aking mga guro at magulang, at dahil na rin sa aking patuloy na pag-unlad ng pag-iisip ay naintindihan ko nang hindi dapat sila ginagamit para sa kasiyahan. Importante sila sa pagbalanse ng ating mundo. Liwanag sa dilim, kadiliman sa liwanag.

Nanginig ang aking katawan. Hindi makapagsalita ang aking kaluluwa. Tumahimik ang aking isipan. Nandito siya. Nasa paligid lang. Nawala na sa aking paningin ang nilalang na iyon. Mas lalong natakot ang kabuuan ng akin. Tulog na ang lahat ng tao dito sa bahay. Pasado nang alas onse ng gabi. Sa kabila ng matinding takot, pinilit kong makatulog ang aking sarili. Pumikit ako. At ilang minuto pa'y nagdilim na ang lahat at 'di na nagpatuloy sa pag-iisip ang aking utak.

Manos de miedoWhere stories live. Discover now