[R18+] Bakit nga ba masarap gawin ang bawal? Para kay Aviona Serafina Ros na gusto ang lahat ng bawal... Nandoon na sa tanong ang sagot. Bakit masarap gawin ang bawal? Simple lang, masarap eh. Bawal na pagkain, bawal na gawain, bawal na tanawin at kung ano pang mga bawal. Ayos na sana ang lahat kung hindi niya lang nakilala si Lazarus Alfonse Del Madrid. Ang pinakabawal sa lahat ng bawal. Mahirap kunin dahil malakas ang pananampalataya. Mahirap mahalin dahil labag sa mata ng batas at lalong-lalo na sa Diyos. Siya ang naging mansanas na naging sanhi upang si Lazarus ay maging makasalanan. Masarap gawin ang bawal. Mahirap mahalin ang taong nagsisilbi sa Diyos. Mahirap mahalin ang pari na mahal rin ng lahat. Labag ito sa batas. Imoral. Nakakarimarim. Bakit nga ba masarap gawin ang bawal? Masarap kasi si Lazarus, eh. Paiiralin nila ang damdamin nila. Mapusok. Malaya. Pero paano kung bigla silang paglaruan ng tadhana? Paano kung magbunga ang kasalanang ginawa nila? Paano nila reresolbahin ito?