Akala ng iba totoong masaya ang tao kapag nakikita nila itong nakangiti, ngunit ang hindi nila alam ay may itinatagong lihim sa likod ng iyong magagandang ngiti at malulutong na tawa. Hindi nila alam ang iyong totong nararamdaman dahil akala nila okay ka lang at walang iniindang problema. Pero sa ganitong sitwasyon, nagpapakita lamang ito ng kawalang atensyon ng mga taong nakapaligid sayo. Hindi nila binibigyang pansin ang iyong nararamdaman kung malungkot ka ba o may problema ba dahil ang atensyon nila ay nasa iba, sa mga taong mas nakakatulong sa kanila at binibigyan sila ng atensyon. Si Amira ay magkokolehiyo na ngayong pasokan ngunit wala pa siyang gamit pang skwela kung kaya't minabuti ng kanyang ina na ipasok siya sa isang scholarship na magbibigay sa kaniya ng allowance sa pag-aaral. Kung kaya't sa araw ng orientation ay ibinigay na sa kanila ang perang ilalaan para sa pag-aaral ngunit ang kanyang ina ay biglang humingi sa kanya ng pera na naging dahilan sa kaniyang pagkalungkot at nakita iyon ng kaniyang ina kaya ito nagalit sa kanya. Maraming pagkakataon ng napapansin ni Amira ang ugali ng kaniyang ina na kapag siya ang nagkakamali o nagpapakita ng malungkot na emosyon ay nagagalit kaagad ang kanyang ina kung kaya't minabuti niya na hindi ipakita at iparamdam ang kaniyang nararamdaman sa iba dahil alam niyang kamumuhian siya. Napagdesisyonan ni Amira na itago ang kaniyang emosyon sa nakakarami ngunit ano ang magiging epekto nito sa kaniya? At anong mga karanasan ang kaniyang napagdaanan na nagdulot ng pagkamuhi niya sa kaniyang sarili at sa mundo? May tutulong kaya sa kaniya upang maibalik ang kaniyang dating sarili?