Dumidilim na ang kalangitan ngunit wala parin kaming makitang mas ligtas na pweding mapaglipasan ng gabe. Mas delikado kase dito lalo na't puro puno lang ang nandidito. "M-may naririnig ba kayo guys". Nanginginig pang wika ni abby. "Wala naman ah.. wag ka ngang manakot dyan!". Pagtataray pa ni Helga. "Sssshh.. wag kayong maingay". Suway pa ni Kuya Chad dahil doon lahat kami ay nanahimik. Bawat isa samin ay nakikiramdam hanggang sa may narinig kaming alulong ng aso nakakatakot na talaga. "Ahhhhh!! Guys sa ti--tingin ko ka-kataposan na natin". Takot na takot pang wika ni ken saka sabay turo sa malaking asong naglalaway napapalapit samin. "Ito na ba!? Ito na ba ang kataposan natin!". Mangiyak-ngiyak na wika ni Devine habang yakap-yakap ang kanyang sarili. "Kung ito na nga ang magiging kataposan natin hinding-hindi kuna sasayangin ang pagkakataong ito matagal na kitang Minamahal Yumi" "Matagal na din kitang mahal Edward..". Hanggang sa muling pag-agos ng aking mga luha. Nakita ko sa kanyang mga mata ang sayang ni minsan di ko nasilayaan noon. Mas lalong humigpit ang paghawak nya saking kamay at sa unang pagkakataon ginawaran nya ako ng napakatamis na halik punong-puno ng pagmamahal kasabay nang pasugod ng mga malalaking aso sa amin. Ngayon ito na ang kataposan namin. But I'm wrong little did I know, that it was not the end. Infact it was only the beginning. Ano tutuloy ka pa ba? Kaya mo bang lusongin ang kakaibang mundo ng Misteryo? _Horror with a Mystery/Thriller _
3 parts