Dianne Anilou Hernandez, ang pangalan na kung marinig mo ang una mong iisIpin ay maganda, artistahin at malamodel ang hitsura at katawan. Pero ang lahat ng iyon ay kabaligtaran kung makikita mo sa personal. Siya ay simpleng babae lamang na may simpleng pangarap sa buhay, ang maiahon ang kanyang pamilya sa kahirpan , makilala at makasama ang lalaking itinadhana sa kanya forever. Ngunit paano kung siya ang tipong babae na palaging hinuhusgahan? Madalas ay palaging naririnig ang mga salitang pangit, baduy, manang at mukhang katulong. Si Kier, the man of her dream, paano kung maging kumplikado ang sitwasyon sa kanya dahil may lihim siyang pagtingin dito samantalang gusto naman ito ng super ganda niyang kaibigan na si Athena. Si DJ, pinsan ni Kier na palagi siyang hinuhusgahan sa tuwing magkita sila. Ano kaya ang mga nakakakilig at nakakasabik na mga pangyayari sa istoryang ito? Naniniwala ka ba sa forever? Oo man o hindi ang sagot mo dapat mong basahin ang kwentong ito dahil ang kwentong ito ay para sayo. ----- ''Hindi naman ako tumitingin sa kung anumang panlabas na kaanyuan, minahal kita dahil sa buong ikaw. Kung sino ka at maging sino ka man noon, kahapon, ngayon, bukas at magpakailanman ay mamahalin at mamahalin pa rin kita ng buong-buo hanggang sa tumanda tayo at kumulubot ang mukha natin.''