- Bible Verses and Parables W Trakcie
- Wyświetleń 5,983
- Głosy 89
- Części 14
The Bible is a collection of texts sacred in Judaism and Christianity. There is no single canonical "Bible": many Bibles have evolved, with overlapping and diverging contents. Genres: Religion, Prophecy, History, Law, Religious text, Wisdom, Parable, Poetry, Epistle Inspiring of bible Verses kailangan po nating magbasa ng bible lalo't na't malapit ng magbalik si Jesus 2015-2016 - ISLAM: BAKIT KO ITO NIYAKAP? W Trakcie
- Wyświetleń 168
- Głosy 5
- Części 1
Ang lahat ng Papuri at Pasasalamat ay tanging sa Allah lamang, ang Panginoon ng mga Daigdig. Nawa’y ang Kanyang pagpapala ay mapasa Kanyang Huling Sugo at Propeta na si Muhammad, sa lahat ng kanyang mga kasamahan, at sa lahat ng tumatahak sa tamang landas hanggang sa Huling Araw. Ang paglathala ng isang maikling babasahing tumatalakay sa mga kasaysayan ng ilang kababaihang yumakap sa Islam ang siyang unang proyekto ng nasabing kapisanan. Nais kong ibahagi sa mga mambabasa kung ano ang damdamin ng isang babaing yumakap sa Islam. Sa kabila ng labis na kalantaran ng lipunan at masalimuot na kalakaran ng buhay, mayroon pa ring kababaihang may pagpapahalaga sa kanilang dangal at naghahangad ng ganap na katiwasayan ng buhay. Mga babaing handang lisanin at talikdan ang nakagisnang tradisyon at kaugalian makamtan lamang ang tunay na kahulugan ng buhay. Hindi nasusukat ang kapayapaan sa kinang ng salapi, kislap ng yaman at makabagong pamumuhay. Higit na matatagpuan ang ningning ng buhay na handog ng Islam sa mga kaninumang naghahanap ng tunay na kapanatagan ng buhay. Sa kabila ng maraming paninira at panunuligsa ng mga kaaway ng Islam, nananatili itong isang wagas na relihiyon sa gitna ng masalimuot na agos ng mundo. Ang Islam ay patuloy na niyayakap ng iba’t ibang lahi sapagka’t nababatay ito sa likas na katuwiran at kaisipan ng tao. Hindi magtatagumpay ang anumang kasiraang iniuukol dito sapagka’t ang Diyos na Tagapaglikha ang Siyang nagtangi nito para sa sangkatauhan. Maraming relihiyon ang nagsulputan sa buong mundo, masigla sa simula nguni’t nang lumaon isa-isang naglalaho--- sapagka’t itinatag lamang ng tao ang mga ito. Walang karapatan ang sinumang tao na magtatag ng relihiyon sapagka’t ang tunay na kahulugan ng relihiyon ay pamamaraan ng buhay tungo sa kapayapaan at kaligtasan. Alhamdulillahi Rabbil Alameen! Sister Zainab P. Lucero President Philippine Association of Muslimah
Widzisz 2 z 2 wyników