Beautiful In White

By QueenAustine

773 144 9

"How's your feeling? Are you in pain now?" "Oh, nadito ka? Si Jace ang kailangan ko, baka hinahanap ka ng fia... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
.17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
Epilogue
Author's Note

34

9 3 0
By QueenAustine

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na saktong nakatapat sa akin, lumingon ako kung saan ang pwesto ni Aj. Ngunit wala na siya doon. Umayos ako ng higa at naisipan na ding tumayo.

Nag hihikab pa ako nang mabaling ang mata ko sa isang papel na nasa side table. Kinuha ko ito at binuklat

Your breakfast is ready, 1:00pm ka na pumasok Take Care I love you!
-Love

Napangiti ako napakagat sa ibabang labi. Pinipigilan ang ngiti kahit pa ay walang makakakita. Naisipan ko na din bumaba.

Nang makababa ay wala talaga tao, kami palang ni Aj ang nandito. Wala pa ang mga maids at security na nai-hire nila Tito at Tita para sa amin.

Dumeretso ako sa kusina at nag buklat ng mga may takip doon. Nakita ko ang isang mug na may laman na kape at hindi pa ito kanaw.

Nang binuklat ko naman ang isa pang takip ay nadito ang kanin at ulam. Sinangag, hotgod, spam at fried egg.

Sinimulan ko na din ang kumain. Kinuha ko ang phone at nag tipa ng text kay Aj

To Love
Good Morning, sorry ngayon lang ako nagising. Thank you sa breakfast I love you!

Habang tinitipa ang mensaheng iyon ay hindi ko maiwasan ang mapangiti.

Nag play ako ng music mula sa cellphone ko habang nag huhugas ng pinagkainan. Napahawak ako sa aking sintido nang makaramdam ako ng pagkahilo.

"Sh*t" wika ko nang mas lalo akong nakaramdam ng pagkahilo.

Unti unti kong kinapa ang upuan at naupo ako doon. Pinikit lang ang aking mata at inintay na mawala ang hilo. Hindi naman ako nabigo sa pag iintay dahil ilang saglit palang ay nawala na din.

Nang mawala ay itinuloy ko ang aking pag huhugas. Nang matapos ay nakarinig ako ng doorbell mula sa labas

Agad ako nag tungo doon. May dalawang babae at lalaki ang nadoon.

"Ah magandang umaga ho, ito po ba ang bahay ni Ms. Ysabelle Fernandez at Mr. Alex Lorenzo?" Tanong ng isang babae na may dala ding isang maleta

Nakatingin naman ang mga kasama nito sa akin. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa short na suot ko

"A-ahh opo ako nga po si Ysabelle, ano pong maipaglilingkod ko?" Nakangiting wika ko

"Ah kami po 'yung pinadala ni Sir Anthony Lorenzo, kasambahay po at Guards" sabay turo sa mga kasama niya.

"Ah osige, teka pasok po kayo" wika ko naman at binuksan ang gate, agad din silang pumasok

"Pasensya na po, dapat po ay kahapon ang dating namin kaso naiwan po kami ng bus papunta dito sa Maynila" paliwanag ng hindi katandaang isang babae

"Okay lang po, naiintindihan ko naman po" wika ko naman at ngumiti sa kanila

"Tara po sa loob" pag aya ko at tinuro ang direksyon papasok sa bahay

Nang makapasok ay dumeretso ako sa kusina at kinuha sila ng maiinom. Dinala ko na din ang cellphone ko para ipaalam kay Aj na nadito na ang mga maids at guards

"Eto, inom po muna kayo mukang pagod po k- -" agad pinutol ng isa sa kanila ang aking sasabihin

"Nako, Ma'am kami po dapat ang gumagawa niyan" wika ng isa

"Ayos lang po, teka tatawgan ko lang po si Aj ipapaalam ko po na nadito na kayo" wika ko at binuksan ang cellphone

"Ang ganda ng amo natin, sigurado gwapo si Si- -" agad ding naputol ang sinasabi ng isa sa kanila dahil piniit ito ng isa sa mga guard

"Love, busy ka?" Agad niyang nasagot matapos ang dalawang ring

[No, katatapos lang last meeting. Why? Something happened?] ramdam ko ang pag aalala sa boses niya, ngayon lang kasi akong tumawag ng ganito sa kaniya at ganoon pa ang bungad

"Ah, nadito na kasi 'yung mga pinadala ni Tito at Tita. Maids and Guards"

[Oh, alright. You don't need to go here. I'll go home early]

"Baka magalit si Tito sa atin?"

[No, don't worry I'll tell to him and I know He'll understand]

"Okay, text me okay? Take Care"

[Okay, I love you]

Sumagot naman ako at saka pinatay ang tawag. Bumalik ako sa sala para harapin sila.

"Ahmm uuwi daw po ng maaga si Aj, sa ngayon po tara po muna sa magiging kwarto niyo" pag aya ko sa kanila

Agad na din kaming lumakad sa direksyon ng kusina, may daan kasi doon at doon makikita ang magiging kwarto nila.

Dalawa ang kwarto doon, sa isang kwarto dalawa ang kama at may tig-isang CR.

Pinauna ko sila, nang makalampas ang isang maid sa harap ko ay napasimangot ako dahil nakaamoy ako ng hindi ko gusto. Mabaho siya sa pang amoy ko.

Hindi nalang ako nag pahalata.

"Si Aj po ang kakausap sa inyo mamaya pag dating, pahinga nalang po muna kayo" wika ko nang maihatid sila sa kanilang kwarto

"Ahm Ma'am, ilan po kayong nakatira dito?" Tanong ng isa

"Dalawa palang kami dito, at ngayon anim na kasama kayo" nakangiting wika ko

Nakita ko naman ang pag ngiti ng isa.

"Ako po si Lyn, dalawamput limang taong gulang po" pag papakilala ng isa, bata pa ang isang ito na halos isang taon lang ang pagitan namin. Halata mo naman sa muka nito

"Ako po si Lina, magkapatid po kami dalamput tatlong taong gulang naman po ako" pakilala naman ng isa, ngumiti ako. Siya yung na-amuyan ko ng hindi ko gustong amoy

"Ako po si Ysabelle. Ysa po for short girlfriend po ni Aj" pakilala ko naman.

Agad silang tumango at ngumiting muli, napalingon naman kami sa labas nang biglang bumungad ang dalawang lalaki

"Ako naman po si Rey"

"Ako naman po si Boy"

Agad ko silang binigyan ng ngiti at nag pakilala na din

Matapos iyon ay lumabas na ako sa kwarto nila, hindi ko inasahan na susunod pala si Ate Lyn at Lina. Hinayaan ko nalang

Agad akong nakaramdam ng pagsusuka, dumeretso ako sa lababo at ramdam ang pag sunod nila

"Ma'am okay ka lang po? Teka kukuha po ako ng tubig" namamadaling wika ni Ate Lyn

Agad itong kumuha at iniabot sa akin, matapos akong mag mumog gamit ang tubig galing sa gripo ay agad akong uminom, rinig ko ang pag hila ni Lina sa upuan na nasa likod ko at inalalayan ako sa pag upo.

"T-thank you po" pasasalamat ko sa pag tulong nila

"Ma'am mukang hindi po tinanggap ng tiyan niyo ang pagkain niyo" wika ng isa, napatango nalang ako.

"Muka nga po" wika ko. Matapos iyon ay hinayaan na nila ako pumunta sa sala at doon naupo.

Lumipas ang dalawang oras na aming pagkukwentuhan ay naisipan ko na ang maligo. Bumalik sila sa kanilang kwarto at pinagpahinga ko muna.

Nang matapos akong maligo ay napaharap ako sa salamin, sobrang pamumutla ang bumalot sa aking muka. Buti nalang ay kahit papaano ay marunong akong mag make up

Nag lagay lang ako ng kaunting cheektint at liptint

Nang matapos ay nag blower ako ng buhok ko.

Nang mahiga ako sa kama ay naramdaman ko ang pag hila ng antok. Hinayaan kong makatulog ako kahit pa medyo basa pa ang aking buhok.

Makalipas ang halos dalawang oras ay nagising ako, agad akong bumangon at lumabas ng kwarto.

Nang bumangon ay nakaramdam ako ng pagkahilo, hindi ko na maintindihan ang sarili ko nitong mga nakaraang araw.

Nang makababa ay nasa kusina sina Aj, Ate Lina,Ate Lyn, Kuya Rey at Kuya Boy. Nag uusap usap sila.

"Hi" bati ni Aj at inilahad ang kaniyang kamay sa aking bewang

Umakbay naman ako dito, nakaupo silang lahat maliban sa akin kaya't abot ko ang balikat ni Aj.

Maya maya ay humiwalay muna ako sa kanila, tumungo ako sa ref at nag hanap ng kung ano ang magustuhan. Ngunit mas may gusto akong kainin.

Gusto ko ng mangga at asukal.

Nang makakita ako ng mangga sa ref ay agad akong nag tungo kung saan mga nakalagay ang mga kape, asukal at iba pa

Nang matapos ay agad akong umupo sa kalapit ni Aj, hindi ako pinansin nito dahil busy siya sa pakikipag usap sa kasamabahay at guards

"Bawat sulok ng bahay sa labas may CCTV, isa sa inyo" tinuro ang dalawang lalaki "Ay magiging driver ng asawa ko" wika ni Aj at tumingin sa akin, ramdam ko ang pamumula ng muka ko dahil sa biglang pag init nito

"A-ahh Sir akala ko po Girlfriend" si Lyn, kita ko naman kung paanong tinusok ni Lina ang bewang nito

"Doon na din papunta iyon" seryosong wika ni Aj, kita ko sa peripheral ko kung paanong mag piit ng ngiti si Lina at Lyn

Mas lalong napukol ang tingin ko kay Aj, kita ko kung paano siyang mag piit ng ngiti at halata iyon sa pamumula ng kaniyang tainga

"Ah, Sir. Si Rey nalang po ang Driver ako na po ang bantay sa bahay kasama po sila" sabay turo ni Kuya Boy sa mga maids.

"Okay good, so that's all and here are you first salary. Ten thousand a month, just make sure that Ysa is safe when I'm not here" seryoso na ang kaniyang tono at agad napatango sina Kuya Rey at Kuya Boy

Nang matapos ay sinimulan na iikot sila sa buong bahay, tapos na din akong kumain.

"This is guest room, and those are another bedrooms for our kids" wika ni Aj, ramdam ko ang pag hawak ni Aj sa aking bewang at agad napatingin sina Ate Lina at Lyn sa akin. Tinuro ni Aj ang mga rooms na binanggit.

"And this is our room, papasok lang kayo kapag kailangan" wika niya at tumango ang dalawa

Nang matapos sa taas ay bumaba na din sila, nakahiga na ako at si Aj ay nakaharap sa kaniyang computer.

"Sorry, hindi na ako masyadong nakakapag trabaho" wika ko nang makalapit sa kaniya. Yumakap sa kaniya mula sa likod

"It's okay, wala ka naman masyadong gagawin" wika niya

Hinila niya ako hanggang sa nakaupo na ako sa hita niya, yumakap ito kahit pa ako ay nakatagilid. Nakasubsob ang kaniyang muka sa aking leeg, ramdam ko din ang pag halik niya dito.

Maya maya pa ay bumaba na din, para mag handa ng hapunan.

"Ma'am ano pong gusto niyong ulam? Sinigang, tinola, pakbet o caldereta?" Tanong ni Ate Lina

"Sinigang po" sagot ko, malaki ang ngiti. Agad itong tumango at umalis. Nautusan silang mamalengke.

Maya maya pa ay nakadating na sila at sinimulan mag luto, busy kami ni Aj sa sala. Nanonood ng TV

Amoy na amoy ko ang sinigang, ramdam ko ang pananabik ng aking tiyan doon.

Maya maya pa ay natapos na sila at inaya ko na si Aj kumain.

"Isabay na natin sila sa pag kain" wika ko kay Aj, ngumiti ito at hinaplos ng marahan ang aking pisngi. Unti unting lumapit ang kaniyang muka hanggang sa angkinin nito ang aking labi.

Pinunasan naman niya ang aking labi at inaya na ako.

Masaya kaming nag kainan. Sina Lina ang nag kukwento tungkol sa buhay nila sa probinsya.

Matapos iyon ay bumalik na kami sa kwarto ganoon din sila.

"Alam mo, masaya ako" wika ko habang nakatitig sa kisame

"Masaya ako na kasama ka, hindi ko na nararamdaman ang sakit na dinulot ni Tatay. Noon akala ko lahat ng lalaki katulad niya, hindi pala haha" ramdam ko ang pag iintay niya sa mga susunod ko pang sasabihin

"Don't judge the book by its cover, ika nga nila at totoo. Hindi mo kailangan mang husga ng tao lalo na't hindi mo kilala."

"Learning by doing. Nag mahal akong muli at natutunan kong mag mahal ng walang pag aalinlangan. Natuto akong mag mahal hindi lang sa pamilya o sarili pati na din sa ibang tao. Lalo na sa mga nakapaligid sa akin" wika ko pa, narinig ko ang pag buntong hininga niya.

Yumakap ito "I love you, always remember that. You taught me a lot. No need to cite all of those. I'm so lucky to have you, My love" wika niya at mas hinigpitan ang kaniyang yakap.

Natahimik kaming parehas, naramdaman ko na din ang pag hilik niya at hinayaan ko na matulog. Nakaramdam na din ako ng antok kaya hinayaan ko na din na hatakin ako ng antok.

*Please, don't forget to vote and leave comment. I hope you like it!*

Continue Reading

You'll Also Like

28.8M 914K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022