49

4 1 0
                                    

Agad kong naintindihan, nang ibaba niya ang kamay ko ay pinatong ni Jace ang kaniyang braso sa sandalan ng monoblock na inuupuan ko

Kita ko sa peripheral ko na matalim ang tingin ni Aj sa akin, sa amin ni Jace. Ramdam kong kita ni Jace iyon hindi lang nag papahalata.

Ako na hindi kinakausap si Jen at Aj. Ganoon din Si Jace kahit na alam kong gusto nang suntukin nito si Aj dahil sa mga pinapakita niya sa akin pero ako lang ang pumipigil sa kaniya, ayoko na ng gulo at ayokong may masaktan kahit isa sa kanila

"Hija, napansin namin na hindi mo ginalaw ang kuhol. Subukan mo lang masarap 'yan" wika ng isang babae, agad kaming napatingin kay Jen

"Yes, Jen try mo lang masarap 'yan" wika ni Sindy, may pang aasar sa boses niya

"Try it" wika ni Mark

Agad nagsunuran ang iba maliban kay Jace, ako at si Jess. Napatingin ito kay Aj, tumango si Aj na parang sinasabi ay gawin niya.

Kita ko ang pamumutla niya "Wala pala kay Ate Ysa at Ate Sindy 'yan" wika ng babaeng kalapit ni Jess sa bandang dulo, napatingin ako sa reaction ni Jen.

Umirap ito sa akin, sinubukan niya naman at halos masuka siya. Hindi sanay.

Hinayaan na namin at patuloy lang kami sa pag kain.

Kwentuhan doon kwentuhan dito, tawa doon tawa dito.

Kahit papaano ay nakalimutan ko ang mga sakit na nararamdaman ko, maya maya pa ay biglang tumunog ang cellphone ko

"Hello" sagot ko agad, ramdam ko ang tingin ni Aj nang umalis ako sa pag kakaupo ko sa kalapit ni Jace

[How's your vacation? Are you happy? Or in pain?] napasimangot ako sa huling tanong ni Kuya Lavi

"How's my vacation? Okay naman masaya pero Happy? In Pain? Pwedeng both? Haha" pekeng tawa ko at lumingon kung nasaan sila Jess. Matalim pa din ang tingin ni Aj sa akin.

[Why? Is there something wrong? Ah wait, don't tell me nakikipagharutan siya sa harap mo]

"Anak ka ba ni Madam Auring?" Pagbibiro ko

[No, 'wag ka nalang lumayo kay Jace. I Already talked to him, just pretend that you're not affected]

"At talagang kinausap mo pa Kuya, nakakahiya" reklamo ko

[He volunteer]

"Hay nako, pero kamusta? Nakapag usap na ba kayo?"

[Yes, She changed her mind. Hihiramin niya si Liam sa akin pag uwi niya dito]

"Okay lang sayo?"

[Yes, mas okay na din iyon para mabawasan ang tanong ni Liam. Naaawa na din ako kay Liam, miss na niya Mommy niya and I want that situation, kahit hiramin niya basta lumaki siya na hindi malayo ang loob niya sa Mommy niya] napangiti ako ng mapait, siguradong magiging masaya si Liam kahit ganoon ang situation at darating din ang oras na maiintindihan niya iyon. Hindi ako nakapag salita agad

"Kuya, what if maging maayos kami ni Aj? Papayag ka ba na bumalik ako sa bahay niya?" May pag dadalawang isip kong tanong, until now umaasa pa din ako na sasabihin niya ang dahilan kung bakit siya nagkaganoon.

Umaasa pa din ako na magiging maayos kami

[Kung iaayos niya ang ugali niya, Why Not? Show his sincerity not just for you also for his self. Kung mahal ka niya talaga magiging tapat siya sayo pati na sa sarili niya]

Beautiful In WhiteOnde as histórias ganham vida. Descobre agora