45

6 2 0
                                    

Matapos kong isaksak ang cellphone ko ay nag simula na akong mag linis. Walis sa taas pababa ng sala at kusina, ligpit ng ibang laruan ni Liam, punas ng mga table at iba pang naaalikabukan.

Nang makaramdam ako ng pagod ay uminom muna ako ng tubig saka nag upo sa sala. Tapos ko na ang lahat, maliligo nalang ako.

Nag pahinga ako na halos thirty minutes yata,umakyat na ako para mag handa sa pagligo.

Di nag tagal ay natapos din ako, naka- dolphin short at malaking t-shirt lang ako.

Nang makababa ay agad akong nakarinig ng may nag press ng doorbell. Sumilip muna ako sa bintana, isa sa mga bilin ni Kuya.

Lumabas din ako nang makitang si Adi ang nasa labas may hawak siyang paperbag

"Hi, Ma'am. Pinapadala po ni Sir, lunch at meryenda niyo daw ni Liam" nakangiting wika ni Adi nang makalapit ako hindi pa man nabubuksan ang gate

"Maka-Ma'am, sabi ko sayo Ate lang haha" tumawa din ito at napakamot sa ulo

"Kamusta? Halika pasok ka muna" pag aaya ko, pero napakamot muli siya "Bakit? Pinag mamadali ka ba ni Kuya?" Tanong ko, kunot noong tanong

"Ah hindi po, dinaan ko lang po ito at uuwi na din" tinaas niya ang paper bag

"Ah ganoon ba, osige" wika ko at kinuha na ang pagkain "Ingat ka ah, thank you" pasasalamat ko, agad na din siyang nag paalam, may nag iintay na taxi

Nang makaalis siya ay pumasok na din ako agad, nag handa na ako ng pagkain sa lamesa at tinakpan.

Base sa sinabi ni Kuya na tanghali daw ang uwi ni Liam, ay panigurado pagod at gutom ang bata.

Matapos akong mag handa at wala pa din si Liam, tinakpan ko muna ang mga pagkain. Nasa tupperware ang mga iyon.

Naupo akong muli at nanood ng tv. Hindi nag tagal ay may narinig akong busina mula sa labas, agad akong tumayo at sumilip sa bintana.

Nang si Liam ang makita kong ibinaba ng isang lalaki at lumabas na ako para salubungin siya.

"You're here, Tita? I thought- -"

"Sabi ni Daddy mo, dito ang trabaho ko. Ang samahan ang baby ko" nakangiting wika ko, muling sumilay ang ngiti sa labi niya

Agad ko na din hinatak papasok at hawak ang backpack niyang spiderman

"Nasa sofa ang damit mo, palit ka muna tapos kakain na tayo" wika ko, agad siyang nag tungo sa sofa kung saan nakalagay ang kaniyang isusuot na damit.

Agad siyang nag palit at ako naman ay pinag handa siya ng malamig niyang gatas.

"Tita, ano po oras uwi ni Daddy?" Tanong niya nang makadating sa kusina

Lumapit ako dito at iniupo siya sa upuan na kalapit ko at pinahawak ang kutsara't tinidor "Mamaya pa uuwi si Daddy mo" sagot ko, inayos ang magulo niyang buhok dahil sa pag bibihis

"I have assigment, I can't do it by my own" malungkot nitong wika, nangiti ako dahil muli ko itong matuturuan

"Nadito naman si Tita, pwede kitang turuan" nakangiting sagot ko, muka namang siyang nabuhayan

"Wala po ikaw gagawin?" Tanong niya

"Wala naman, tuturuan kita wag kang mag alala. Sige na kumain ka na tapos mag gagawa na tayo ng assignment at may sasabihin si Tita sa'yo" napangiti ito

Agad na din kaming sinimulang kumain....

"Tita, do you know where my mom is? I miss her so much" malungkot nitong wika, nakatingin sa chicken wings na hawak niya

Beautiful In WhiteDove le storie prendono vita. Scoprilo ora