32

7 3 0
                                    

Maaga palang nagising na ako, unang umaga namin dito sa bagong bahay at gusto kong pagsilbihan si Aj. Pagod siya lagi eh

Maya maya pa ay naramdaman ko na ang kaniyang presensya, kababa lang mula sa taas. Naka-sando at boxer short.

"Good morning" bati ko at ipinatong ang ulam sa lamesa

"Morning Love" sagot niya at dumeretso sa akin ng yakap

"How's your sleep?" Tanong ko dito at hinubad ang apron na aking suot

"Literally I don't have plan to go to work, I want to enjoy this morning with you. No work for today but - - " pinutol ko iyon

"But we have a lots of work today" dugtong ko at pinilit na siyang umupo para makakain na, hindi naman niya ako pinahirapan at kumain na din agad.

Nang matapos ay pinapaligo na niya ako, siya na daw ang mag huhugas. Hindi na ako nakipag talo at umakyat na para maligo.

Nang matapos ay naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko habang ako ay busy sa pag bibihis.

Maya maya pa ay siya naman ang pumasok sa banyo para maligo, busy na ako ngayon sa pag aayos ng aking bag. Nag palit na din muna ako, hindi muna backpack.

Nakalabas na siya at ako naman ay nakahrap na sa cellphone, iniintay nalang siyang matapos para makaalis na.

Nakita ko na naman ang katawan niyang kaakit akit. Talaga namang hindi mo agad mai-aalis ang paningin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon ko.

Ibinalik ko ang aking mata sa cellphone at nag scroll lang sa news feed.

Nang matapos na siya ay bumaba na kami para umalis, naiwan akong nag sasara at siya naman ay pinapainit muna ang makina ng sasakyan.

Nang maisara ay dumeretso ako sa sasakyan sa passenger seat para ilagay muna ang gamit ko.

"Where are you going?" Tanong niya nang isasara ko na ang pinto

"Bubuksan ko na ang gate, wala pa naman security. Why?" Tanong ko dito habang hawak ang pinto ng sasakyan

"Nothing, thanks love" sagot niya, agad na din akong ngumiti at isinara ang pinto.

Nang mabuksan ay lumabas na siya at pumarada sa tapat para intayin ako.

Nang makasakay ay umalis na din kami agad. Dederetso kami ngayon sa Uno, doon mag hahanap ng mga kakailanganin para sa birthday ni Tito.

Ngayon na ang birthday niya at gusto ni Aj na i-surprise si Tito, kinausap na din niya si Tita Shienna kaya naman hindi kami mahihirapan sa pag sorpresa.

Ang balak kasi ay sa meeting room gaganapin ang surprise, mag papatawag ng emergency meeting.

Nang makadating kami sa uno ay agad nag tinginan ang mga tao, hindi sa akin kundi kay Aj.

Anlakas kasi ng dating, nakasuot siya ng black long sleeves na naka-tupe hanggang siko at bakat ang kaniyang biceps.

Nakatingin lang ako dito ng masama.

"What?" Seryoso and tingin niya, luminga linga "Don't mind them" sambit niya at umakbay na sa akin papasok sa uno

"Wala, tara na daming nakatingin sayo" sambit ko at hinawakan ang kamay niya

"Jealous girlfriend" bulong niya, akala ay hindi ko narinig

"No, I'm not" sagot ko dito, narinig ko naman ang kaniyang pag ngisi.

Nang makarating kami sa party store ay dumeretso kami kung saan mga naka-display ang mga balloons at popper confetti.

Bumili din kami ng candles para sa cake, naka order na si Aj kaya naman candles nalang.

Beautiful In WhiteWhere stories live. Discover now