BHO CAMP #3: Clash Of The Pri...

By MsButterfly

4.6M 95.3K 6K

I'm Dawniella Davids. Kilala ako ng lahat sa pagiging mataray ko, kaya ilag sa akin ang lahat. Maliban kay Tr... More

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1
CHAPTER 1 ~ Folder ~
CHAPTER 2 ~ Monster and Master ~
CHAPTER 3 ~ Fun ~
CHAPTER 4 ~ The Island of Oooh and Aaah ~
CHAPTER 5 ~ A Leader ~
CHAPTER 6 ~ Dinner ~
CHAPTER 7 ~ Falling Hard ~
CHAPTER 8 ~ Real ~
CHAPTER 9 ~ Forgotten Past ~
CHAPTER 10 ~ Try ~
CHAPTER 11 ~ Finaliento ~
CHAPTER 12 ~ Trust ~
CHAPTER 13 ~ Love ~
CHAPTER 14 ~ This Time ~
CHAPTER 15 ~ His ~
CHAPTER 16 ~ Roar ~
CHAPTER 18 ~ Ready ~
CHAPTER 19 ~ Air Hockey ~
CHAPTER 20 ~ Dawn ~
CHAPTER 21 ~ Home ~
CHAPTER 22 ~ Crazy ~
CHAPTER 23 ~ Perfect ~
CHAPTER 24 ~ Attack ~
CHAPTER 25 ~ Uncomfortable ~
CHAPTER 26 ~ Mine ~
CHAPTER 27 ~ I-Madonna ~
CHAPTER 28 ~ Clash Of The Private A1 ~
CHAPTER 29 ~ Work Hard ~
EPILOGUE
Up Next
Special Chapter

CHAPTER 17 ~ TLT ~

137K 3K 223
By MsButterfly

CHAPTER 17

DAWN'S POV

Hindi ko alam kung bakit pero tumatakbo kami ni Triton. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang nahihintakutan na panaka-naka ay lumilingon sa pinanggalingan namin. Kahit hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari alam kong may humahabol sa amin na nakakatakot na bagay.

"T-Triton..."

"Maaabutan na niya tayo!"

"Ano ba ang humahabol sa atin?"

Tumigil siya sa pagtakbo at tinakpan ang bibig ko. "Hindi mo ba naririnig? Hinahabol niya tayo!"

"S-Sino?"

"Nakakatakot na halimaw-"

Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay may bigla kaming narinig na kaluskos. Animo itinulos si Triton sa kinatatayuan niya at namumutlang lumingon sa pinanggalingan ng tunog. Kinakabahang lumingon rin ako roon.

Napanganga ako sa nakita ko. "What the!"

Nakasimangot na tinignan ko si Triton nang ubod ng lakas siyang sumigaw. "Ano ka ba naman Tri? Pusa lang iyan!" itinuro ko pa ang kulay orange na matabang pusa na nakatingin lang sa amin.

Sunod-sunod na umiling siya. "Hindi mo ba naiintindihan? Siya ang pinakanakakatakot na halimaw sa buong mundo."

"What? You're crazy-"

Ako naman ang natigilan ng may marinig ako na ingay at kasunod ay malalaking yabag. Pakiramdam ko ay nalunok ko ang puso ko ng biglang sumulpot ang isang malaking leon. "Roar!"

"Tumakbo na tayo Triton!"

Nakangiti na na binalingan niya ako. "Hindi. Iyan ang kaibigan natin! At sabi niya, 'I Love You' daw."

"Roaaar!" malakas na umangol ang leon at tumakbo papunta sa amin. Ang mga matatalas na ngipin ay kumikintab, ang mga kuko ay nakahanda na upang salakayin kami. Ngunit bago pa siya tuluyang makarating sa amin ay huminto ito at lumikha ng ingay. "You're gonna hear me roar! Oh oh oh oh oh oh!"

Hinihingal na napamulat ako at wala sa loob na hinablot ko ang cellphone ko at pinindot ko iyon. Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ng boses mula sa kabilang linya. "Good morning, Master!"

"Triton Lawrence!"

Saglit na natigilan ang nasa kabilang linya. "Umm, yes, sweetie?"

"Bakit iba ang ring tone ng cellphone ko?!"

"Hindi mo ba nagustuhan? Ang cute nga eh! Bagay sa ating dalawa!"

Napasapo ako sa noo ko. Kung hindi lang talaga! Kung naging leon lang ako baka matagal ng guraguranit si Triton sa akin. "Triton, listen to me. You don't hack my phone, you don't change my ring tone, and you don't touch my phone ever! Get me?"

"Is that a bad thing?"

"Yes!"

"Oh. Okay!"

Huminga ako ng malalalim. Calm down, Dawniella. Tandaan mo na ang kausap mo ay ang taong may attention span ng squirel, utak ng six years old, at ang taong pinili ng pesteng puso mo na hindi ata alam ang matino sa baliw.

Hingang malalim, Dawn. Come on, come on. "Ano bang kailangan mo? It's..." I looked at the clock on my bedside table. Six o'clock in the morning. "Still early. Gusto mo bang barilin kita?"

"Nang pagmamahal? Sure!"

"Triton, wala ng ibang classification ang 'barilin' maliban sa bubutasan ko ang katawan mo gamit ng humahagibis na bala."

"Sweetheart naman." angal niya.

"Anong kailangan mo?"

"Ikaw."

"Triton!"

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Okay, okay. Ang aga-aga ang init ng ulo mo. Anyway, I'm right at your door. May dala akong breakfast."

Hindi na ako nagsalita at pinatay ko na ang phone. Tumayo na ako at sinuot ang silk robe ko at pagkatapos ay tinungo ko ang pintuan. Pagbukas ko n'yon ay bumungad sa akin si Triton na may dala-dalang paper bag.

"Good morning!"

"Morning." I murmured.

Hinayaan ko na na siya ang magsarado ng pintuan at naglakad na ako papunta sa kusina ko. Hindi katulad sa kwarto ng ibang mga agents ay mayroong partition ang kusina ko at ang living room. Nang makapasok roon ay hinila ko ang wooden window niyon para mabuksan, kasabay ng pag upo ni Triton sa isa sa mga high stool ko.

"I really love your space." Triton said as he looked around.

Imbis na sagutin siya ay pinameywangan ko na lang siya. Nangingiti na pinatong niya ang paper bag sa marble counter at kiunuha ko naman iyon. "You cooked?"

"Nope. Nagluto si Mama ng breakfast kaya sinabi ko na rin sa kaniya na damihan niya."

"Hindi ba sila nakahalata?"

"I don't think so. For all they know I'm just lazing around my room."

Kung sabagay. Kapag tinatamaan kasi ng katamaran si Triton ay tumatambay na lang siya sa kwarto niya at umuoorder na lang ng pagkain.

Iniayos ko na ang dala niyang sandwiches sa isang pinggan. Tinapunan ko ng tingin si Triton at napailing ako ng makita ko siyang halos dumapa sa marble counter at nakastretch ang mga kamay para maabot ako. "Para kang timang."

"Come here."

"Ayoko."

Umayos siya ng upo at nagalumbaba habang nakatingin pa rin sa akin. "If you don't come here, I'm gonna get you there."

Itinuro ko ang pintuan ng kusina. "I can lock the door."

"I can jump over the counter's window."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Triton, magbebreakfast tayo diba? Pwede bang magtino ka muna at ng maihain ko muna ang mga ito?"

"I forgot something so come here."

"Triton."

"Sweetie, come here."

Umiling ako at binigyan siya ng masamang tingin. Wala pa sa wisyo ang utak ko dahil kagigising ko lang at higit sa lahat binulabog niya ako kaya wala akong balak na makipag-asaran sa kaniya ngayon. My day is already taking a bad path.

"Sweetie, I'm not gonna ask again."

Nameywang ako muli. "Inuutusan mo ba ako? Sa pagkakaalam ko, ako ang boss dito."

Ngumiti siya na animo naaamuse sa akin. "Pareho lang tayo na boss."

"I got the upper hand."

"Like I've said, pareho lang tayo na boss."

Alam kong lukot na lukot na ang mukha ko ngayon sa sobrang inis. Ano bang nakain ng taong ito at nakikipagtalo sa akin? "I always win, Tri."

"I do too."

Calm down, Dawniella. Paano ako kakalma?! I was sleeping and now I'm not and I'm hungry and this man is irritating me! "Ako lagi ang nanalo sa pagitan nating dalawa! Ako! Lagi! Got it?!"

Nangingiti pa rin na pinagmamasdan ako ni Triton. "That's because I roar you and I let you win. Always."

The arrogant ass! "Then what are you doing now dimwit?! You're irritating the hell out of me! Natutulog lang ako tapos bigla mo ng sinira ang araw ko! Jerk!"

Imbis na magsalita, sa gulat ko, ay dumukwang siya at hinawakan ang magkabila ko na bewang. He lifted me and I found my ass sitting on the counter while his lips were against mine. It's not just the touch of the lips, but something searing and intense.

Nang pakawalan niya ang mga labi ko ay nakangiting sinalubong ni Triton ang mga mata ko. Nanatiling nakatingin lang din ako sa kaniya, hindi makapagsalita sa bilis ng pangyayari.

"There, sweetie. That's not so bad right?"

"M-Monster."

Lumawak lalo ang pagkakangiti niya sa sinabi ko. "Because I already got my morning kiss, now we eat."

Sinimangutan ko siya. "Bahala kang mag-isa mo diyan."

Pinigilan niya ako ng akmang bababa na ako sa counter. Nakangiting dumukwang lang siya at kinuha ang plato na pinaglagyan ko ng mga sandwich at inilagay niya iyon sa tabi ko. Kumuha siya ng isang slice niyon at kumagat.

"Yum."

I stared at him open open mouthed as he closed his eyes in satisfaction. Tinalo pa niya si Sarah Geronimo sa commercial ng Jollibee sa papikit-pikit niya ngayon na arte. "Adik ka."

Nagdilat siya ng mga mata. His lips curved his sexy smile and then he teasingly licked his lips. "Best thing I've ever eaten. For now."

My jaw dropped as I watch his eyes turning liquid. I don't need to be a genius to understand what he meant. "K-Kumain ka na lang."

"Sure." kumuha siya ulit at kumagat. Ngumiti siya at pagkatapos ay inumang niya sa akin ang kalahati niyon. "Here."

"Ayoko nga. Kinagatan mo na yan eh."

"Sweetheart, we kissed. With tongues, I must say."

Pakiramdam ko ay lalagnatin na ako sa sobrang pag-iinit ng mukha ko sa sinabi niya. Padarag na kinuha ko sa kaniya ang sandwich at isinubo ko iyon. Nang magawa ko na iyong lunukin ay binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Happy?"

"Nearly."

Ilang beses pa na naulit iyon hanggang sa ako na ang kusang kumukuha ng sandwich ko. Pero bago ko pa maubos ang hawak ko ay kinakagatan niya din iyon. We end up sharing every piece of the sandwich.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Now. Happy?"

Tumayo siya at kinintalan ng halik ang tungki ng ilong ko. "My sweetheart is cute."

"I am not."

"Roar."



NAG-ANGAT ako ng tingin mula sa chinecheckan ko na mga papel ng bigla na lamang may nagkukumahog na mga yabag ako na narinig. Napakunot ang noo ko ng makita ko ang dalawa ko na estudyante na si George at Steve na animo hinahabol ng sampung hyena sa pagmamadali.

"You two! You're late. Tapos na kaming mag test and I don't have plans on giving a special one."

"Ma'am hindi na iyon importante!" natatarantang sabi ni Steve.

Lalong nangunot ang noo ko. Isa si Steve sa mga matataas ang grado sa klase ko. To be exact pangatlo siya sa highest. "What do you mean? Gusto mo bang ipa-guidance kita-"

Pinutol ni George ang sasabihin ko at ipinakita niya sa akin ang tablet na dala niya habang si Steve naman ay habol-habol pa ang hininga niya. "Look at this Ma'am."

Tinignan ko ang tinutukoy niya at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Isang group sa Facebook na ang pangalan ay 'DELTON'. Iniscroll down ko iyon at nagulat ako sa mga nakita ko. Puro post ng mga fans ni Triton na binabatikos ang relasyon namin. May ilan pa doon na posts na mayroong larawan. Hindi kita ang mukha ko dahil sa anggulo at sa sinag ng araw pero kitang-kita doon si Triton.

Bitch, slut, whore, mang-aagaw, gold digger, social climber. Ilan lang iyan sa mga salita na ipinantukoy nila sa akin. And to make it worst, nasa twenty thousand na ang miyembro ng nasabing grupo.

"Wag kayong mag-alala Ma'am, na counter attack na namin ang group nila." sabi ni Steve at ipinakita naman sa akin ang tablet device niya. "Ang TLT. True Love ni Trei group. Alam kasi namin Ma'am na hindi mo gugustuhin na ipost namin ang pangalan mo kaya gumawa na lang kami ng paraan. Kami lang ng Literature class ang nakakaalam na ikaw talaga, Ma'am, ang tinutukoy namin."

"Steve, hindi niyo naman kailangang gawin ito. Hayaan niyo na lang."

"Hindi pwede na wala kaming gawin Ma'am. Binabastos ka nila eh hindi ka naman po nila kilala. Ni hindi nga nila alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa inyo ni Trei." putol niya sa sasabihin ko.

"Hindi niyo din naman alam kung ano ba talaga ang nangyayari."

"Ma'am." tawag ni George sa atensyon ko. "Alam ko po na bitter ako dahil kabebreak lang namin ng behbeh ko. Pero iyong mga sinabi sa inyo ni Trei Lawrence noong pumunta siya dito, hindi iyon sasabihin ng isang tao kung hindi naman talaga nagpapakatotoo."

"George."

"Kami pong mga lalaki, oo, mapaglaro. Pero kapag para sa totoo na naming mahal, gagawin namin ang lahat. Kahit na magmukha na kaming bakla sa mga sinasabi namin at ginagawa, wala kaming pakielam."

Hinawakan ko ang kamay ng binatilyo. "George, malapit na ang exams ninyo sa ibang subject. Wag ako ang intindihin ninyo."

Imbis na magsalita ay siniko niya si Steve. Binitawan ko ang kamay ni George at tumingin ako kay Steve. "Steve?"

"Ma'am gusto talaga namin para sa inyo si Trei."

"Leave that to us. We can handle it. For now study and-"

"Bihira po ang taong gagawin ang lahat sa kabila ng mga consequence na maaaring mangyari sa hinaharap. Kaya sana po ipaglaban niyo rin siya. Kasi sa nakikita namin Ma'am, kahit hanggang patayan ilalaban ka niya."

May pinindot siya sa tablet niya at ilang sandali ay lumipas ay nag play ang isang video. Base na rin sa petsa at oras ay mukhang kaninang alas onse lang ng umaga ang pagkuha sa video. Saglit na nanglaki ang mga mata ko ng lumabas roon ang mukha ni Triton habang pinagkukumpulan ng reporters.

Sa pagkakaalam ko nga ay umalis siya kaninang umaga ng matapos kaming mag-almusal. Mukhang nakorner siya ng mga reporters.

"Totoo ho ba na basta niyo na lang idinispatsa si Delta Villanueva pagkatapos niyong makakita ng bagong babae?"

"Buntis ba ang babae sa picture kaya hindi na matutuloy ang kasal ninyo ng fiance' mo na si Delta?"

"Ayon sa source may nagpaputok daw sa inyo ng mga oras na sinabi mo ang tungkol sa babaeng ito. Utos daw ito ni Delta dahil hindi niya matanggap ang paghihiwalay ninyo?"

"Bayarang babae ho ba ang kasama ninyo? Public stunt ho ba ito dahil sa wala pa kayong proyekto na lumalabas ngayon?"

Nakita ko na pinigilan ng isa sa mga humaharang sa mga reporter si Triton nang balingan niya ang huling nagtanong. Madilim ang anyo niya at mukhang handa na siyang suntukin ang kung sino mang reporter iyon.

I saw him trying his best not to beat the man into pulp. "Magkakaroon ako ng public announcement at doon ko sasagutin lahat ng mga katanungan ninyo. But remember this, I don't care where channel you are from, but if I hear you speak about my woman again that way, I'm gonna burn your asses."

"Ang career ninyo-"

"I don't care about anything else besides making sure my woman is safe from you all."

Napapikit ako ng mariin. This might end really badly. For his career...and for mine. Sooner or later malalaman din nila na ako ang babae na kasama ni Triton that time. Masyadong mabilis ang pang-amoy ng media para hindi nila malaman iyon agad.

I'm risking BHOCAMP because of this. And I'm risking my teaching career because of this.

Kaya naging dahilan ito nang pagtatalo ni Tito Craige at Tito Marveige noon. The agents being a reporter is one thing, being a part of a band is another thing, but being an actor is far out of the league.

Kapag reporter ka, hindi bubuligligin ng mamamayan ang pagkatao mo, kapag nasa banda ka...nakapokus sila sa musika, babaeng nalilink sa iyo, pero hindi sa buong buhay mo. Pero kapag artista ka, lahat ng mga mata nakasunod sa iyo.

That's a big risk for the organization. It's a bigger risk for both our careers.

"Ma'am."

Tumingin ako kay Steve pero hindi ko nakuhang makapagsalita. Sa hindi malamang kadahilan ay parang nahihinuha nila ang iniisip ko. Or a part of it.

"Ma'am maaaring dahil dito hindi ka na namin maging professor. Pero maiintindihan po namin. Kahit po na natatakot kami sa iyo, wala pong duda na malaki po ang naitulong ninyo sa aming mga estudyante mo. Kahit ang ibang section at ibang courses sinasabi din iyon. Dahil kahit na anong hina namin sa subject na hawak mo po ay hindi mo kami hinahayaan na basta na lang bumagsak."

"Steve..."

"Ma'am, maaapektuhan po ang career ninyo bilang propesor dahil dito. Maaapektuhan din po si Trei. Pero sa nakikita namin, mukhang kahit iyon ay itinaya niya na para po sa iyo. Kaya po sana wag kayong manghinayang dahil dito."

"Steve-"

"You won't give up something he's not willing to give up for you."

Lahat alam mo pero hinayaan mo siyang makalayo sa iyo. Mahal mo siya pero hindi mo din siya ipinaglaban. Pareho lang kayo. Pareho lang kayo na naduwag na ipaglaban ang isa't isa.

That was Sky's words. Na pareho kaming naduwag ni Triton noon. Na kaya nawala samin ang isa't-isa dahil hindi kami natutong lumaban. But Triton's fighting for me now. He's giving all he got, risking everything.

Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ang mga papel. Nakita ko na dismayadong tinignan ako ni George at Steve pero hindi ko sila pinansin. Pero imbis na checkan ang papel ay tinatakan ko lahat iyon. Kumuha pa ako ng dalawang papel at tinatakan ko din iyon.

"Good job, class. Lahat kayo ay naka-one hundred sa exams."

Napangiti ako ng mag high five si George at Steve habang ang iba naman ay nagsisigawan at may iba pa na nagtatatalon. Tumayo ako at isinukbit ko ang bag ko. Pero bago ako tuluyang makalabas ay tinapik ko sa balikat ang dalawang binatilyo.

"Thank you."

Tuluyan na akong lumabas ng silid. Hindi ko na sila nilingon kahit na nararamdaman ko na nakasunod sila sa akin. Tuloy-tuloy ako sa labasan ng university. Hindi pa nakakarating roon ay may naririnig na ako na mga ingay.

That's why when I opened the door, I already expected what I'm gonna see. Reporters.

Narinig ko ang sigaw ni George at Steve kasabay ng pagsuot ng isa sa kanila sa akin ng bullcap. Inilibot ko ang paningin ko at di kalayuan ay namataan ko si Triton na lumalabas sa sasakyan niya at patakbong tinungo kami.

I declare that this is really my bad bad day. Why? Because I saw another car stopped in front of the university and I know who will gonna come out off it. My parents.

"Ma'am sa iba na tayo dumaan."

Nilingon ko si George at ngumiti. Tinanggal ko ang bullcap at inabot ko iyon sa kaniya. "Hindi na kailangan."

Bago pa niya ako mapigilan ay naglakad na ako at sinalubong ko ang mga reporter. Pero hindi sila ang pakay ko kundi ang lalaking ngayon ay kulang na lang ay hawiin ang mga tao para makarating sa akin. The look on his face as he kept on running towards me...the way his eyes never leave mine. Na kahit sa kabila ng dami ng tao...ako lang ang nakikita niya.

My Triton Lawrence.

"Dawn..." Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Nandoon ang takot, ang pangamba. Pero nasa mga mata niya din ang determinasyon. "Dawn, I'm sorry."

I didn't speak, instead I close the distance between us and kiss him.

Kaagad na kumawala siya at hinapit niya ako palapit sa kaniya. Pinoprotektahan ako sa mga reporters na patuloy sa pagtatanong at paggigitgit sa amin. "Kailangan nating makaalis dito."

"Tri, I trust you."

"Dawn-"

"I...roar you."

Continue Reading

You'll Also Like

1M 10.9K 32
Sikat na singer/actor si Raphael Kim. Pero dahil sa mga negatibong write-ups na lumalabas tungkol sa kanya, napilitan siyang sumali sa variety show...
21.4M 313K 54
It hurts the most when the person that made you feel special yesterday can make you feel unwanted today.
552K 16.1K 35
Disclaimer This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's i...
5.1M 98.1K 32
Now a published book. Available at all Precious Pages branches and other bookstores. I am Skylee Reynolds. I considered myself as the black sheep of...