The Art of Loving You

By patriciaxo

102K 2.8K 755

Serendipity Series II (TAoLG book two): Aly's choice has been nothing but pure bliss. But when love is not en... More

Start
Step - 1.
Step - 2.
Step - 3.
Step - 4.
Step - 5.
Step - 6.
Step - 7.
Step - 8.
Step - 9.
Step - 11.
Step - 12.
Step - 13.
Step - 14.
Step - 15.
Step - 16.
Step - 17.
Step - 18.
Step - 19.
Step - 20.
Step - 21.
Step - 22.
Step - 23.
Step - 24.
Step - 25.
Step - 26.
Step - 27.
Step - 28.
Step - 29.
Step - 30.
Aly.
Enz.
Kiel.
Final Step
Alternate Ending

Step - 10.

2.8K 95 30
By patriciaxo

Hindi ako mapakali habang itinatapik-tapik ko ang mga daliri ko sa dashboard ng sasakyan ni Kuya Timothy.

Hindi naman traffic at malapit na kami sa Xela pero pakiramdam ko, hinihila ang oras. Na parang imposibleng may maabutan pa kami.

"Stop biting your lips, Aly. It's going to bleed if you continue to do that," mariing saway sa akin ni Kuya Timothy nang muli na naman akong napakagat sa labi ko.

"Enz is looking for me..." sabi ko naman habang nakatingin sa phone ko na puno ng text messages galing kina Kuya Elmo at kay Enz.

Almost everyone's looking for me. Kahit ang mga college friends ko na invited, hinahanap din ako dahil naghihintay sila ng signal ko para sa isa pang surprise. Kasali sana ang barkada pero mas kailangan nilang samahan si Kiel.

"Malamang," sagot niya habang diretso siyang nakatingin sa kalsada at naka-focus sa pag-da-drive niya.

"Are you still mad at me? I'm sorry," panunuyo ko pagkatapos kong itabi ang phone ko.

Wala akong sinagot na texts dahil alam kong guilty ako at mas gusto kong mag-explain in person lalo na kay Enz. I know that I have a lot of explaining to do and he deserves to hear it sincerely and not just from a text message.

"You know that you're my favorite cousin, right? So, how can I be mad? Kung tutuusin, hangga't kaya kitang kunsintihin, gagawin ko," paliwanag niya. "Pero hindi ka ba napapagod sa cycle niyong tatlo? It's never-ending, Aly."

"We're not in a cycle anymore, Kuya. Kiel is my friend and Enz is my boyfriend. That should be clear by now," paliwanag ko habang palapit na kami nang palapit sa Xela. "And this is not about the three of us. It's about Kiel's family and I want to be there for him as a friend."

"I understand your point," sagot niya. "But you still have to prioritize. Dahil baka sa susunod, maging magulo na naman. Ayaw lang kitang masaktan at ayaw ko ring makasakit ka ulit."

"Kuya, I know that you're only looking out for me and I thank you for that," sincere komg sabi. "Pero hindi naman na siguro magkakagulo. Ayoko namang mangyari 'yon."

"Dapat lang," sabi niya naman at nakita kong papasok na kami sa parking ng Xela. Sana may abutan pa kami.

"Bilisan mo. Nand'yan pa sila. I asked the guys to stall the party," sabi sa akin ni Kuya Timothy habang naglalakad kami.

Tahimik kaming pumasok sa entrance ni Kuya Timothy at pansamantala niya akong iniwan dahil pupuntahan niya raw muna si Ate Alex.

Nilibot ko agad ang tingin ko sa buong Xela. Masaya ako dahil maraming pumunta at maayos ang kinalabasan ng party. Nakita ko pa sina Tita Lorna at Tito Anton, ang parents ni Enz. Katabi nila si Lhexine, ang bunsong kapatid ni Enz, at nasa iisang table sila kasama ang parents ko.

"Good evening po, Tito, Tita. Pasensya na po kung ngayon lang ako dumating," sabi ko agad pagkatapos kong bumeso sa kanila pati na rin kina Mama't Papa.

"Don't worry, Hija. We understand," paninigurado sa akin ni Tita Lorna.

"Naipaliwanag na namin ng papa mo kung anong nangyari," bulong ni Mama sa akin kaya nagpasalamat ako sa kanya.

Muli akong humingi ng pasensya kina Tita Lorna at Tito Anton bago ako nagpaalam dahil kailangan ko pang magpakita kay Enz. Nasa harap siya at kasama niya ang mga pinsan niya.

Habang naglalakad ako, nakita ko ang mga college friends ko at ang mga college friends ni Enz. Hindi sila magkakasama sa table pero magkalapit lang sila kaya bumati muna ako at nagpasalamat sa pagpunta nila.

"Uy Aly, pakilala mo naman ako ro'n sa mga boys na college friends ni Enz," bulong sa akin ni Cip habang pa-simple niyang tinuturo sina Drix.

"Mamaya na, baks! Pigilan mo muna ang harot na nararamdaman mo," nakatawang saway ko sa kanya. "Pupuntahan ko lang si Enz."

"Uy, tuloy pa ba 'yong surprise?" tanong naman ni Dian. "Balita namin nasa ospital lahat ang barkada mo para sa daddy ni Kiel kaya wala sila rito."

"Mga college friends daw ni Enz ang papalit sa mga barkada. Narinig daw kasi nila 'yong pinag-u-usapan niyo kanina kaya nag-offer sila tumulong," nakangiting paliwanag ko.

"Buti nagawan ng paraan," sabi naman ni Yza habang kumakain sila ng nachos nina Mikee, Ann at Quincy.

"Oo nga, eh. Kailangan ko kasi talagang bumawi kay Enz dahil late ako."

"Kanina ka pa nha hinahanap nun," sabi naman ni Wendy na umiinom ng beer kasama sina James at JP.

"Kaya nga, eh. Pupuntahan ko na muna siya," paalam ko sa kanila.

Hindi pa man din ako nakakalapit kay Enz, hinila na agad ako ni Kuya Seph papunta sa backstage.

"Hindi pa alam ni Enz na nandito ka," sabi niya pa. "'Wag ka muna magpakita. May surprise ka pa, 'di ba?"

"Sa entrance kami dumaan ni Kuya Tim, malalaman niya pa rin naman na nandito na ako kasi marami na ang nakakita sa akin," sagot ko naman.

"Mukhang hindi pa naman niya alam na nandito ka," sabi naman ni Kuya Kael.

"Okay, then let's do this!" excited kong sabi at wala na kaming sinayang na oras.

Nang dumating sina Ate Alex at Ate Julie sa backstage, nag-ready na kami ng Kryptonite at mabilis akong nagpalit ng pulang dress na baon ko kanina para sa birthday ni Enz.

Unang lumabas sa stage ang Kryptonite para mag-sound check at mag-intro. Sina Ate Alex at Ate Julie na raw ang bahala na magbigay ng signal sa iba pang involved sa gagawin kong surprise at sila na rin daw ang bahala kung sakaling magkakaro'n pa ng problema.

"Good evening po ulit," rinig kong bati nilang lima habang binabasa ko ang lyrics ng kanta sa phone ko dahil natatakot ako na baka makalimot ako sa stage.

"You guys havin' fun?" rinig kong tanong ni Kuya Elmo at nagpalakpakan naman ang mga bisita.

"It's past ten already and the party's almost over," sabi naman ni Kuya Kris. "Pero syempre, hayaan niyong tugtugan muna ulit namin kayo bago magbigay ng message ang birthday boy."

Habang nakasalip ako sa backstage, nakita ko na tumatawa si Enz pero hindi umaabot ang ngiti niya sa mga mata niya. Halatang may hinahanap siya at alam kong ako 'yon dahil kanina niya pa ako kinukulit sa phone kahit hindi ako sumasagot.

"Enz, dude... alam namin na kanina ka pa may hinihintay," rinig kong sabi naman ni Kuya Timothy. "Kaya nga may dinala kaming chick para hindi ka na malungkot."

"Loyal ako, Kuya Tim! Si Aly lang gusto ko," rinig kong sagot ni Enz at nagtawanan naman sina Kuya Timothy pati ang mga bisita niya.

Mukhang wala talaga siyang ideya na nandito na ako. Siguro nasabihan na rin nina Ate Alex ang ibang guests na nakakita sa akin na 'wag munang magsalita.

"We'll see," ngiti ng pinsan ko at nagsimula na silang tumugtog ng intro.

"Itong awiting ito ay alay sa'yo, sintunado man 'tong mga pangako sa'yo ♪" panimula ko at dahan-dahan akong naglakad palabas ng backstage.

Nagsimula na ring mag-play sa projector ang video presentation na ginawa ko para kay Enz. Compilation 'yon ng mga stolen pictures niya na naka-save sa phone ko, pictures niya kasama ang mga friends, family at relatives niya pati na rin ang mga pictures naming dalawa.

"Ang gusto ko lamang, kasama kang tumanda ♪" patuloy ko sa pagkanta at nag-se-sway-sway pa ako habang tumutugtog ang Kryptonite.

Narinig ko na nagsisigawan ang mga college friends ko at tawa sila nang tawa dahil ngayon ko lang 'to ginawa.

Patatawanin kita 'pag hindi ka masaya,
bubuhatin kita 'pag may rayuma ka na.
O kay sarap isipin...
kasama kang tumanda ♪

Nag-video si Enz habang kumukanta ako sa stage. Halatang tuwang-tuwa siya dahil ang laki ng ngiti niya at pati ang mga pinsan niya, nagpi-picture rin.

"Sasamahan kahit kailanman, mahigit-kumulang 'di mabilang. Tatlumpung araw sa isang buwan, umabot man tayo ng three thousand one ♪"

Sumenyas na sina Ate Alex at Ate Julie sa mga college friends ko at college friends ni Enz habang abala siya sa panunuod sa akin.

Isa-isa silang naglakad palapit sa kanya at isa-isa nilang inabot ang nineteen blue roses na pinasadya ko pa.

Nauna mga college friends niya na sina Drix, JC, Ash, Maine, Ella at Faith. Kasama rin nila sina Isaiah, Hanzel, at Charles. Buti nga, nakapunta pa rin si Ash kahit wala si Pam. Susunod na lang daw siya sa ospital mamaya.

"Ipaglalaba pa kita matapos mamalantsa, kahit abut-abutin pa ako ng pasma. O kay sarap isipin... kasama kang tumanda ♪"

Pagkatapos ng mga college friends ni Enz, sumunod naman ang mga college friends ko na sina Cip, JP, James, Wendy, Lyn, Yza, Mikee, Quincy, Ann, at Trixie.

Naghanda ako ng twenty roses dahil twentieth birthday niya 'to at nasa akin ang huling rose. Ang mga high school friends naman ni Enz kasama si Sassica, naghawak ng mga cupcakes na may candles.

"Sasamahan kahit kailanman, mahigit-kumulang 'di mabilang. Tatlumpung araw sa isang buwan, umabot man tayo ng three thousand one ♪"

Pagkatapos i-abot ng mga college friends ko at college friends ni Enz ang blue roses sa kanya, isa-isa silang humilera sa gilid ng stage habang may hawak silang letters para mabuo ang 'Happy birthday, Enz! '.

"Loves na loves pa rin kita kahit bungi bungi ka na, para sa akin ikaw pa rin ang pinaka poging papa. O kay sarap isipin... kasama kang tumanda ♪"

Dahan-dahan akong naglakad sa stage pagkatapos kong makita ang formation ng mga kaibigan namin. Inilabas ko ang blue rose na kanina ko pa tinatago sa likod ko tsaka ako lumapit sa kanya habang patapos na ang kanta ako.

"At nangangako sa'yo, 'pag sinagot mong oo, iaalay sa'yo buong puso ko. Sumang-ayon ka lamang... kasama kang tumanda ♪"

"I love you, Ai. Happy birthday," bati ko sa kanya pagkatapos ng huling stanza ng kanta at niyakap ko agad siya pagkatapos kong i-abot ang blue rose na hawak ko.

Narinig ko na nagpalakpakan ang mga bisita at nakita ko na ang daming kumuha ng pictures naming dalawa.

"I love you, Ai. Thank you for everything that you've done just to make my birthday a special one," bulong niya at binuhat niya pa ako habang yakap pa rin ako. "Ang swerte ko talaga sa'yo."

"I'm glad you liked it," ngiti ko bago ko hinawakan ang magkabila niyang pisngi. "Sorry kung pinaghintay kita at kung hindi ako sumasagot sa mga tawag at texts mo kanina. Gusto ko kasi na personal na mag-explain sa'yo."

"You don't have to explain anything to me, Aly. I understand and I know what happened," paninigurado niya sa akin pagkatapos niyang isandal ang noo niya sa noo ko.

"Thank you. Thank you so much for always being an understanding boyfriend," naiiyak kong sabi at muli ko siyang niyakap.

"But I must admit, I won't appreciate this if you're not here," bulong niya. "'Cause you'll always be my main event, Aly. And I will always, always love you no matter what."

Continue Reading

You'll Also Like

Forgotten Love By B

Teen Fiction

187K 7.5K 32
"The worst feeling in the world is being forgotten by the one you'll never forget."
106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
22K 857 123
NCT Epistolary #6 belamour (n) one who is loved; a beloved person. Date Started: 03/23/21 Date Completed:
23.1K 1.2K 18
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...