The Revenge

By DarioChoi

24K 1.2K 42

Andrei and Yvonne shared a deep bond of friendship ever since Yvonne was abandoned by her parents because of... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45

CHAPTER 30

445 27 0
By DarioChoi

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 30]

• QUIM VALENCIA POV:

Kanina ko pa napapansing nasa bintana si Anthony at nakatingin sa malayo na mukhang malalim ang iniisip, napapansin kong mukhang malungkot sya sa mga oras na to kaya agad ko syang nilapitan.
Tumayo ako sa likod nya at pinag masdan ko sya habang nakatingin sya sa malayo, akala ko kilalang kilala ko na si Anthony pero hindi ko alam na ganto pala sya mag tago ng problema nya.
Sinasarilo nya lang ang mga problema nya na tipong ayaw nyang madamay ang iba dahil sa kanya, ngayon ko napatunayan na sobrang bait pala ni Anthony.

"Kanina ka pa nakatingin sa malayo, may problema ba?"

Tanong ko kay Anthony sabay hawak sa balikat nya habang nakatingin sya sa malayo, nararamdaman kong malalim ang iniisip nya kaya lumapit ako sa kanya para naman gumaan ang loob ni Anthony.

"Naisip ko lang yung mga magulang ko Quim"

"Gusto mo ba silang makita?"

"Ayos lang ba sayo? Pag nalaman nilang ako si Andrei masisira ang mga plano natin"

"Alam kong mas importante ang pamilya kesa sa kahit anong bagay Anthony, kung makasama lang sila ang mag papasaya sayo hindi ako tututol"

"Importante sila sakin Quim, pero hindi ko hahayaang masira ang mga plano natin... Kaya nung nakita ko silang pumunta sa taping nung TV show na pinag guest ako, tinaboy ko ang mga magulang ko"

Napayakap nalang si Anthony sakin habang umiiyak, halatang halata kay Anthony na gustong gusto nya ng makasama ang pamilya nya pero hindi nya magawa dahil sa mga plano namin.

"Naiintindihan kita Anthony kung bakit mo ginawa yun, alam kong importante sayo ang mission natin"

"Wala akong ibang naisip Quim kundi itaboy sila para hindi malaman ng maraming tao na ako si Andrei, pero alam ng nasa itaas kung gaano ko sila gustong mayakap"

"Wag kang mag alala, gagawan natin ng paraan yan para makasama mo ang pamilya mo at maisagawa natin ang mga plano natin"

Kinausap ko si Ed para kausapin ang isa sa mga private investigator namin na si Sanchez, inutusan ko sila na hanapin ang mga magulang ni Anthony dahil may naiisip akong plano para makasama na ni Anthony ang mga magulang nya.
Alam kong mahirap malayo sa mga magulang dahil ako mismo ay naranasan ko yon, ayoko ng maranasan pa ni Anthony ang mga naranasan ko noon.

"Sir Quim, ito na yung bahay na sinasabi ko sayo"

"Ganun ba.. sigurado ka ba dito investigator Sanchez?"

Maya maya lang ay biglang lumabas ang ina ni Anthony nasi aling Linda, agad ko naman itong nilapitan para kausapin.

"Ikaw ho ba si aling Linda?

"Oho, sino ho kayo?"

Sinabi ko na lahat lahat kay aling Linda ang tungkol sa ginagawa namin ni Anthony, niyaya ko silang tumira sa bahay ko since wala naman akong kasama sa bahay kundi si Ed lang.
Ito ang supresa ko para kay Anthony dahil napaka buti nyang tao, deserve nya yung mga gantong bagay.
Sigurado akong kapag nakita ni Anthony ang mga magulang nya ay hindi na sya malulungkot, sapat na ang luha at pawis na binuhos nya sa mga taong nanakit sa kanya kaya hindi ko na hahayaan pang maulit yon.

"Buti naman Anthony gising ka na"

Bagong gising si Anthony nung bumaba sya sa kitchen para mag almusal, wala syang kaalam alam na nandito na pala sa bahay ang mga magulang nya.

"Bakit ang daming pagkain Quim, may okasyon ba?"

"Oo meron, sa totoo nga nyan Anthony may mga bisita ka"

Isa isang lumabas sina aling Linda mang Nestor at ang kapatid ni Anthony na si Jason, laking gulat ni Anthony ng makita nya ang pamilya nya na nasa loob ng aking bahay.

"Ma, Pa.. Kuya?!"

Yan ang sinabi ni Anthony nung mga oras na nakita nya ang mga magulang nya, tumakbo sya palapit sa pamilya nya at niyakap ito ng mahigpit.

"Namiss ko kayong lahat!"

Sabi ni Anthony habang yakap yakap nya ang kanyang ina at ama, bumubuhos ang luha ni Anthony sa sobrang saya dahil sa wakas ay nakita nya na ang pamilya nya.

"Salamat Quim, salamat dahil dinala mo sakin ang pamilya ko"

"Wala yon Anthony, sinabi ko na sa kanila na nag panggap kang si Anthony kaya napilitan kang itaboy sila sa taping ng TV show na pinuntahan mo... Lahat lahat sinabi ko na"

"Maraming salamat talaga, ang laki na ng utang na loob ko sayo"

"Wala yon Anthony, ang gusto ko lang ay yung makatulong sayo... Ayokong nakikita kang malungkot at nahihirapan dahil hindi mo makasama ang pamilya mo"

Lumapit sakin si Anthony at bigla akong niyakap, ramdam na ramdam ko kay Anthony ang saya aa kanyang puso ng makasama nya muli ang kanyang pamilya.

"Sir Quim, kung may bukas pang kahit anong posisyon sa kumpanya mo mag tatrabaho ako sayo kahit walang sahod maibalik ko lang ang kabutihang binigay mo kay Andrei at sa mga magulang ko"

"Hindi na kailangan Jason, tulad nga ng sinabi ko... Ayos na sakin ang makatulong sa inyo"

"Salamat talaga sir Quim sa pag kupkup mo sa anak naming si Andrei, utang na loob namin sayo lahat ng to"

"Makita ko lang ho kayong masaya na mag kakasama nila Anthony mang Nestor ayos na ho sakin yon"

"Sobrang bait mo talaga Quim, hindi ko akalaing makakatagpo ako ng lalaking katulad mo"

"Para sayo yan Anthony, para hindi kana maging malungkot"

Masaya nakong makita sina Anthony at ang pamilya nya na masaya, maluwag sa loob kong makatulong sa kanila dahil tulad nila ay dumaan din ako sa hirap.
Alam ko ang pakiramdam na wala ang mga magulat o mahal mo sa buhay dito sa tabi mo, kaya ganon nalang ang pag pupursigi ko na makasama ni Anthony ang kanyang pamilya.
Ayokong nakikitang nalulungkot si Anthony dahil nalulungkot din ako para sa kanya, sana isang araw matutunan muli ni Anthony maging masaya.

• ANTHONY CHENG (ANDREI) POV:

Sigurado akong sa gagawin kong to mababaliw si Yvonne kakahula kung sino ba talaga ang kumakalantari sa kinakasama nyang si Freddie, lahat ng mga pasakit na binigay nila sakin noon ibabato ko lahat sa kanila ngayon.
Tignan lang natin kung makabangon pa silang lahat pagkatapos kong wasakin ang mga buhay nila.

"Good morning, Freddie!"

Bati ko kay Freddie ng pumasok ako sa loob ng office nya, nakasandal ako sa pinto habang kausap sya.

"A-Anthony? Anong ginagawa mo dito?"

"Can't you remember? Diba ako na ang bagong president of share holders ng company na to?"

"Ay oo nga pala! I'm sorry, nakalimutan ko na"

"It's okay, alam ko namang posisyon ko lang ang nakakalimutan mo... But I'm pretty sure, hindi talaga ako maalis dyan sa isip mo"

"I'm lying if I said no, kakaiba ka kasi Anthony... Hindi ko ma explain pero iba ang dating mo sakin, parang ang lakas mo talaga sakin!"

"Really? Kung malakas talaga ako sayo, can I invite you for a dinner tonight?"

Hindi nakatanggi si Freddie for inviting him na mag dinner kaming dalawa, ngayon natin malalaman kung hanggang saan ang kayang tiisin ni Yvonne ngayon nakikipag landian sakin ang kinakasama nyang si Freddie.

"You know, I love this restaurant! Kailan mo pa na discover to, Freddie?"

Tanong ko kay Freddie habang nag lalagay ako ng wine sa baso, nakatulala sya sakin na parang hindi sya makapaniwalang kasama nya ako ngayong gabi.

"Excuse me, nakikinig ka ba Freddie?"

"A-Uhm.. Ano nga ulit yung sinasabi mo?"

"It looks like you're not in yourself, may problema ba Freddie?"

"Uhm... Wala!.. Hindi lang talaga ako makapaniwala na nandito ka at nakakasama kita"

"Sabi ko naman sayo diba, for now on palagi mo na akong makakasama!"

Talagang palagi akong makakasama ni Freddie dahil hindi ako mag sasayang ng sandali para mag higanti sa kanila hangga't may mag kakataon ako, sisiguraduhin kong sa bandang huli sila naman ang manlilimos ng awa sakin.

"Di you enjoy your dinner?"

"Oo naman Freddie, ngayon pa at kasama kita... Talagang masaya ang araw ko"

"Alam mo Anthony, sayo ko lang naramdaman to... Sa lahat ng mga nakarelasyo ko, ibang iba yung nararamdaman ko para sayo"

"Ako din naman Freddie, too bad may babae ng humahawak sa leeg mo"

"Kahit may babae nakong kinakasama hindi mo parin naman ako iiwan diba?"

"Bakit naman kita iiwan?"

Lumapit ako kay Freddie sabay hinawakan ang dibdib nya habang nakatingin sa mga mata nya, nahahalata kong kinakabahan si Freddie habang pinag papawisan.

"You know Freddie, I like you! Minsan lang ako mag kagusto sa isang lalaki... You're lucky dahil ikaw ang unang nagustuhan ko"

"T-Talaga Anthony?!"

"Of course, I want you to be mine! Kaso may isang babae na pilit hinahawakan ka sa leeg"

"W-Wag kang mag alala kay Yvonne, please Anthony... Bigyan mo naman ako ng chance para maging boyfriend mo!"

"You know, I love playing games! Specially the dirty one!"

Nilapit ako ang ilong ko sa ilong ni Freddie hanggang sa mag dikit ito habang nakatingin sa kanya, hindi nga ako nag kamali dahil kumakagat nga talaga si Freddie sa pang aakit ko.
Mukhang hindi nakatiis si Anthony nung mga oras na yon kaya sinungaban nya ako ng halik ngunit mabilis kong naiwas ang labi ko sa labi nya.

"B-Bakit? May problema ba Anthony? Bakit ayaw mo mag pahalik?"

"Let's just say... Hindi pa to ang tamang panahon"

"P-Pasensya na, nabigla ata kita"

"I need to go, Freddie... Thank you sa masarap na dinner!"

"Sige... Gusto mo ba ihatid na kita?"

"Hindi na, susunduin din naman ako dito ng kaibigan ko"

"Sige... Mag iingat ka Anthony ah?!"

"Zàijiàn wǒ de ài! (Bye my love)"

Alam kong kinikilig si Freddie nung sinabi ko sa kanya yan, he's a half Chinese and I know na naiintindihan nya ang sinabi ko.
Ilang saglit lang at dumating na din ang kotseng susundo sakin, hindi alam ni Freddie na si Quim ang sumundo sakin sa restaurant.

"Kamusta naman ang dinner nyong dalawa?"

"Okay naman, kumakagat si Freddie sa mga plano ko"

"Ang pakiramdam mo nung nakasama mo ulit si Freddie sa dinner?"

"Wala nakong pakiramdam simula nung patayin nila ako sa mga isip nila, walang ka alam alam si Freddie na pinahidan ko sya ng pabango sa balikat"

"Ha, para saan naman yung pabangong nilagay mo sa kanya?"

"I'm sure Quim maaamoy ni Yvonne ang pabangong pinahid ko sa balikat ni Freddie at hindi lang yon, I know Yvonne very well... Sigurado akong mag hihinala si Yvonne na may babae si Freddie, she didn't even know na lalaki pala ang magiging karibal nya sa kinakasama nya ngayon!"

"Bakit kailangan mo pa bang akitin si Freddie, Anthony? Alam mo pinag aalala moko sa ginagawa mo eh"

"Kung nag aalala ka dahil mahuhulog ako ulit kay Freddie nag kakamali ka Quim, hinding hindi na ako mahuhulog sa taong sumira ng buhay ko"

Hindi ko na hahayaan pang makapasok pa sa buhay ko si Freddie sa pag kakataong to, masyadong malalim na ang sugat na natamo ko sa kanya at impyerno ang naranasan ko noong kapiling ko sya.
Ang lag mamahal ko noon para kay Freddie ay mapalitan ng galit at pagkamuhi, kaya humanda silang lahat sakin dahil sisiguraduhin kong masisisi silang binuhay pa nila ako.

• YVONNE LUSTRE POV:

"Yvonne, ano bang araw ngayon?"

Tanong sakin ni Freddie habang kumakain sya ng breakfast, ito ang araw na may importanteng meeting sya with Mr Chavez.

"It's Monday, bakit?"

"Monday?! Shit! Ngayon pala yung meeting namin ni Mr Chavez!"

Nag mamadaling maligo at mag bihis si Freddie para makaabot sa meeting nila ngayon ni Mr Chavez, agad ko naman syang inasikaso para mas mabilis syang matapos.

"Nasaan na yung susuotin kong damit, Yvonne?!"

"Nandyan sa kama, hinanda ko na dyan kasi alam kong makakalimutin ka!"

Dali dali naman nag bihis si Freddie at inihagis nya nalang yung damit na sinuot nya kahapon sa kama.

"Yvonne, ikaw ng bahala sa mga damit ko ah, aalis nako!"

"Sige, mag iingat ka!"

Habang inaayos ko ang mga damit ni Freddie, may napansin akong may laman ang bulsa ng pantalon nya.
Agad ko namang dinukot ito, ang laman nito ay isang card.
Calling card na nag lalaman ng details about kay Andrei, nag init naman ang ulo ko nung nakita no ito sa bulsa ni Freddie.

"Bwiset na Freddie na to, nakakalimutan nya yung araw ngayon pero tong calling card ni Anthony hindi nya makalimutan!"

Nung hinawakan ko yung damit nya may naamoy akong pabango na pang babae, inamoy ko ulit to para makasikurado at tama nga ang hinala ko na pang babae nga ang pabango na nasa damit ni Freddie.

"Pabango to ng babae ha?! Teka naguguluhan ako kung si Anthony ba ang lumalandi kay Freddie o may iba pa!"

Bulong ko sa sarili ko habang pinupunit ko ang calling card na iniwan ni Anthony kay Freddie, hindi ko mapapalampas tong ginagawa sakin ni Freddie dahil hindi ako katulad ng ex partner nyang si Andrei na walang alam kundi mag pakatanga.

"Yvonne, nandito nako! Pakikuha nga ako ng tubig!"

Bungad sakin ni Freddie pagka pasok na pagkapasok nya sa pinto, nakatayo ako sa harap nya na nakapamewang at nakataas ang isang kilay.

"Bakit hindi ka kumuha mag isa mo!"

"M-May problema nanaman ba tayo?"

"Bakit hindi mo tanungin dyan sa ANTHONY mo! O baka naman may IBA PANG BABAE ha Freddie?!"

"Yvonne, ito nanaman ba tayo ah?"

"Alam mo Freddie, hindi naman ako mag kakaganito kung hindi mo ako niloloko eh!"

"Hindi nga kita niloloko Yvonne, ano ka ba?!"

Nilapag ni Freddie ang dala nyang bag sabay lumakad papuntang kusina para kumuha ng tubig, agad naman akong sumunod sa kanya para kausapin sya about sa mga natuklasan ko sa mga damit nya.

"Sabihin mo sakin Freddie! Wag mong tangkain na mag sinungaling sakin kundi puputulin ko yang dila mo!"

"Ugh Yvonne, ano ba? Sawang sawa nako sa mga sermon mo!"

Uminon ng tubig si Freddie nung mga oras na to ngunit bigla nya itong naluwa nung tanungin ko sya tungkol sa calling card ni Anthony na nasa pantalon nya.

"Sabihin mo sakin ngayon, PAANO NAPUNTA SA PANTALON MO ANG CALLING CARD NI ANTHONY?!"

"Alam mo lahat kami nabigyan nyan, lahat ng tao noon sa event binigyan ng calling card ni Anthony!"

"Siguraduhin mo lang na nag sasabi ka ng totoo Freddie, kundi ako ang MAKAKALABAN mo!"

"I promise, gusto mo iwasan ko na si Anthony para sayo!"

"Gagawin mo talaga yon?!"

"Oo naman! G-Gagawin ko talaga yon para matahimik kana!"

"Aba dapat lang Freddie dahil hindi ako papayag na umaaligid aligid yang Anthony na yan o kahit sinong babae sayo!"

Alam kong konting akit lang dito kay Freddie sira ang mga salitang binitawan nito, noon palang subok na subok ko na si Freddie.
Kung inaakala ni Freddie kaya nya akong paikutin at lokohin nag kakamali sya, kung nagawa nya mangabit noon kay Andrei ibahin nya ako dahil hindi ako tanga katulad ng dati nyang kinakasama.

𝐓𝐎 𝐁𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐈𝐍𝐔𝐄 •••

Continue Reading

You'll Also Like

9.2K 392 38
Highest rank achieved: #1 "Giving up doesn't always mean you are weak, sometimes it means that you are strong enough to let go." - Kyth Sandoval All...
4.6K 124 10
Muling nating patatagin ang ating mga pananampalataya bilang Katoliko. At gawing salamin ang kwento ng binatang si Hudas na biniyayaan ng nakakamangh...
129K 1K 7
Mahirap at isang payak na pamumuhay ang kinagisnan ni Ezrael. Marami siyang pangarap sa buhay na gusto niyang matupad ngunit hindi sapat ang pangara...
16K 871 21
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...