Promises Etched in Poetry (Ar...

By aLeiatasyo

15K 762 1.6K

Being madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up every... More

Promises Etched in Poetry
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Unang Tula
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Ikalawang Tula
Chapter 21
Chapter 22
Ikatlong Tula
Chapter 23
Chapter 24
Ikaapat na Tula
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Ikalimang Tula
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Huling Tula
from aLeiatasyo

Chapter 36

263 12 29
By aLeiatasyo

Bumagsak ang mga luha ko nang makita kong sumunod sa akin si Kenjiro. Walang nangahas na gumalaw sa aming dalawa, pero ang mga mata namin ay nakatitig sa bawat isa.

Hindi siya umiiyak pero nagsusumigaw ang mga mapupungay na mata niya ng pangungulila at pagsusumamo. Pinalis ko ang luha ko, "You're a lawyer now, huh?"

"Law student." 

"Unpredictable as always. Hindi ko na alam ang tumatakbo sa isip mo." 

"I wanted to."

"Bakit?"

"It's your dream, and I seem to claim everything related to you. I might as well just do it, you know, for the children." 

Hindi ako makapaniwala. Kakaiba ka, Manzanares. 

While I lost sight of my dream to fight for others, he remembered it, and is making it into a reality. 

Umiwas ako ng tingin, itinuon na lang ang tingin ko sa tanawin ng papalubong na araw. Ramdam ko pa rin ang tumatagos na tingin niya sa akin. 

"Kumusta?" tanong niya. Talaga? Wala ka nang ibang maisip na itanong?

Tumango-tango ako, "Ikaw pa rin." 

Alam naming dalawa na walang punto na magsinungaling pa sa isa't isa. Kilalang kilala niya pa rin ako, pero ako, hindi sigurado kung siya pa rin ba ang Jiro na nakilala ko. 

Narinig kong humugot siya ng malalim na hininga. Ayaw ko siyang lingunin dahil ayaw kong makita ang mukha niyang naaawa na siguro sa akin. Na habang siya ayos na, baka nga may bago na, tapos ako ay siya pa rin. 

"I never moved on from you, Trey." sambit niya dahilan para bigla ko siyang tingnan. Nagtamang muli ang mga tingin namin. Kinikilatis ko ang mga mata niya at naghahanap ng bakas ng pagsisinungaling at awa pero wala. 

"Walang iba?" 

"None. No one could ever compare to you. At tsaka hindi naman ako naghanap," tumawa siya sa huli niyang sinabi. 

"Paano mo nakakayang titigan ako ngayon? Ni hindi mo nga ako kayang tingnan noong huli."

Umiling siya at naglakas loob nang abutin ang mga kamay ko. Hinayaan ko siya dahil sa pangungulila at pananabik na nararamdaman ko. Gusto ko ring kumbinsihin ang sarili ko na totoo siyang nasa harapan ko ngayon at sinasabi na ako pa rin ang mahal niya.

"I don't care, Trey. You are my Astraea Lekha... no one else." Gumapang ang mga kamay niya sa magkabilang baywang ko.

"That took you five years to realize?"

"It took five years for the pain to subside... I didn't want to burden you with my issues. And thank you for letting me go."

"Was it worth it?"

"Nothing is worth if it means having to say goodbye to you. But it helped me become a better person... for myself... and for you. I deserve you better now."

"I lost everything after you left."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "What?"

"Iniwan ako nila Amiel... ni Tita... ni Lola. Nawala sa akin lahat, Ji..." Sa harap niya, kayang kaya kong magpakita ng kahinaan. Kitang kita niya sa kasalukuyan kung gaano ako nasasaktan. 

My person. 

Kung hindi niya ako hawak ay mapapaluhod ako dahil sa panghihina. Pinirmi niya ako sa kinatatayuan ko at mataman na tiningnan sa mata, pinagdikit ang noo naming dalawa.

"We'll find them. I promise you that. So please," he said, then kissed my forehead.

Pinunasan niya ang luha ko. "We lost years, baby..." bulong niya sa tainga ko. 

Unti-unti niyang inilapit ang mukha sa akin, hinahaplos ng hinlalaki niya ang pisngi kong basang basa ng luha. "Can I kiss you?"

"Kailan ba ako tumanggi?" natatawa kong sabi pero hindi siya nagpaligoy-ligoy at kinuha ang oportunidad na iyon para halikan ako. Agad kong ipinikit ang mga mata ko at hinalikan ang mga labi na kay tagal kong hinanap-hanap. 

"I missed you. So much..." sabi niya sa pagitan ng paghahalikan namin. Nararamdaman ko rin ang mga luha niyang walang tigil sa pag-agos. Kahit may pananabik ay marahan ang paraan ng pagdampi ng labi niya sa akin.

Sobrang maalaga.

I rested my hands on his nape. "I missed you so much, Jiro."

"I know." Humiwalay siya at may kinuha mula sa bulsa ng coat niya. Ang libro ko na pinirmahan ko noong booksigning. "I didn't want to assume, pero parang para sa akin lahat."

"Sa'yo nga." 

Binalot niya ako sa mainit niyang yakap. Kanlungan...

"That's enough proving that we can stand on our own, huh? I am not saying goodbye to you again. Trey, I barely survived without you..."

Ngumiti ako sa kaniya, pero hindi ko na kailangang pilitin ang ngiti ko. Dati ay napapagod akong magkunwari pero sobrang natural dumating ng ngiti na ito. "I love you, Ji."

"Mas mahal kita. You have no idea, Trey. I swear to God," 

Tumingkad ako para halikan siya nang mabilis sa labi. "Oo na."

Biglang may tumugtog mula sa kung nasaan ang mga kaibigan namin, mukhang may nagaganap na sayawan doon. Kinuha ni Jiro ang kamay ko at ipinatong sa balikat niya. 

Ang isang kamay niya ay hinawakan ako sa baywang habang ang isa ay hawak ang isa ko pang kamay. Si Ashriel at Nyx ang kumakanta. Walang ibang maririnig kung hindi ang musikang ginagawa nila at ang mahinang pagdaan ng hangin. 

Sa ilalim ng kalangitan kung saan nag-aagawan ang kulay kahel at dilaw, sumayaw kami. 

Ang mga braso niyang nasa akin, ang hininga niyang tumatama sa balat ko, ang pagmamahal niya, nawala sa akin dati... pero nandito na ulit.

Kasama ko na ulit siya. Ang pakiramdam na nasa mga bisig niya ay hindi nagbago, ganoon pa rin tulad ng mga sa alaala ko lang. 

"O irog, dinig mo ba ang pagtibok ng aking puso?" pabulong na sinabahan ni Jiro ang kanta. 

Hinilig ko ang ulo ko sa dibdib niya, at tila nagsabay ang tibok ng puso naming dalawa.

"At kahit mawala ka pa, hinding hindi mawawala... ang damdamin ko'y sa'yong sa'yo." nababasag ang boses niya sa pagkanta pero hindi siya tumigil. 

Nag-iba ang puwesto namin at ngayon ay magkayakap na lang kaming dalawa habang ang mga humahakbang naming paa na lang ang sumasabay sa musika. 

"Ang damdamin ko'y sa'yong sa'yo," sabay naming bulong nang magkatinginan. 

"O irog dinig mo ba, ang pagtibok ng ating puso?" 

Hanggang sa huli, Jiro, ikaw ang ititibok ng puso ko. 

"Where have you two been?" tanong ni Kaius na may malisyosong tingin sa aming dalawa pagbalik namin doon. Nag-iba ang set up sa garden, mga upuan na nakapaikot na lang sa bonfire ito. Parang paborito nilang magkakaibigan ang ganito. 

Nagtinginan silang lahat sa direksyon namin at nanlaki ang mga mata sa magkahawak naming kamay.

Si Ashriel ang unang nagreact, tumatawa. "I knew you'd do it eventually, but I didn't expect that it would be this soon." 

"You know how miserable he was without her." sabi ni Nikolai. Siguro'y laging magkasama itong si Ashriel at Nikolai dahil parang nagiging magkaugali na.

Umupo kami sa dalawang bakanteng upuan doon. Sinubukan kong alisin ang hawak niya sa kamay ko dahil naiilang ako sa mga tingin nilang mapang-asar pero hindi siya natinig. 

"Huy, bitaw muna."

"What? I told you I'm not letting you go ever."

"Not literally!"

"No?" inosente niyang tanong.

Unbelievable. 

Napilitan siyang bitawan ako nang tinawag ako ng girls para sa picture taking. Nagpose kaming lahat sa tapat ng camera na si Nikolai ang may hawak. "Marunong ba yan?!" reklamo ni Ryna.

"Chill. I'm a pro at this."

"Model ba naman ang hinahabol-habol mo, magiging pro ka talaga." pang-aasar ni Isaiah sa kaibigan. 

"Shut up, Isaiah. You don't get to say that to me."

Nagtawanan naman sina Jiro at Ashriel dahil mukhang si Isaiah naman ngayon ang na-target. Sila lang ang nagkakaintindihan, sa totoo lang. Pero matagal ko naman nang alam na may crush si Nikolai, hindi lang ako sigurado kung sino at kung hanggang ngayon ba. 

Kung mag-asaran kami ay parang mga high school pa rin. 

"Bilisan niyo na! Badtrip na si Jiro, kakabalikan lang pinagkakait niyo agad," ani Kaius.

Kanina pa kasi nakatitig ito sa amin at halatang atat nang bumalik ako sa tabi niya. Bahala siya dyan. Natutuwa pa ako sa pagtingin ng mga picture na kinuha ni Nikolai! Ang galing niya nga!

"Kami nga ni Trey, take a picture of us! Lai!" sabi ni Nyx. Pero natigilan kami nang papalapit na si Ashriel at Jiro sa amin. Tumabi silang dalawa sa amin, napapagitnaan kami. 

"Okay. Kaming apat, Kai." utos ni Jiro na nakahawak na sa likuran ko. 

"That's a fuck ton of nicknames."

Tumawa si Nyx sa reklamo ni Nikolai at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkinang ng mga mata ni Ashriel sa pagtingin sa kaniya. "Someone's whipped." bulong ko. 

Tumingala ako kay Jiro para ituro sila Nyx pero nakatitig rin siya sa akin tulad ng ginagawa ni Ashriel kay Nyx. Birds of the same feather.

Pagkatapos kaming kuhanan ng litrato ay tinaboy ni Jiro ang dalawa para kami na muna. 

"Sige na, Trey. Remembrance." pagpipilit ni Jiro sa akin dahil sawa na ako sa pagpopose sa harap ng camera. 

"Gago, anong remembrance?"

Humalakhak siya, "Remembrance ng kung paano mo ako binalikan sa unang araw-" natigil siya nang tinampal ko ang bunganga niya. "Ang kapal ng mukha," sabi ko kahit nangingiti na ako. 

Bagay nga ang mga damit namin dahil nakasuot siya ng kulay itim na turtle neck at grey ang mahabang coat niya. Hanggang sa may tuhod niya iyon pero kung ako ang magsusuot ay sasayad sa lupa. 

"Aight. I give up," Si Nikolai na mismo ang sumuko dahil hindi makuntento si Jiro sa mga kuha. Maghahanap pa sana siya ng papalit kay Nikolai pero hinila ko na siya pabalik sa upuan. 

Tahimik ang lahat at komportableng katahimikan iyon habang ang malakas na apoy sa gitna ang naririnig namin. 

"It's like you two were never even away from one another for a long time. I can't even imagine na kanina, mag-isa si Trey na pumunta dito. Seeing you two just feels so... natural." sambit ni Elyza.

Kahit ako. Walang pag-aalinlangan sa puso ko ngayon dahil alam ko na kahit anong mangyari, kahit magpakipot ako ay sa ganito rin naman kami babagsak ni Jiro. Para ako sa kaniya, at para siya sa akin. 

Hindi na kami bata para maglaro pa. 

Alam na namin ang gusto namin, at ito iyon. 

Palalim na nang palalim ang gabi pero wala ni isa ang may balak na tapusin ang araw na ito. Ngayon na lang rin talaga nagkasama-sama, at nakakatuwa na naging kabilang ako sa pagkakaibigan na ito. 

Jiro brought wonderful people into my life. 

"So, kailan pala ang kasal?" tanong ni Isaiah. 

"As soon as possible, kung ako ang magdedesisyon." sagot ni Ashriel. Nagtawanan kami dahil sa huli niyang sinabi, alam na naming hindi siya ang masusunod. 

"Well, we're still both very busy this year especially him, may malaking project. So baka next year?"

Narinig naming lahat ang pagpoprotesta ni Ashriel. "That's too long. Uunahan na tayo ni Kenjiro."

"Damn right, I will."

Gusto ko siyang hamunin na panindigan niya ang sinabi niya pero kilala ko si Jiro, talagang gagawin niya iyon, baka ngayon pa. Kaya nanahimik na lang ako. Si Nyx at Ashriel muna.

At tsaka, hahanapin ko muna sina Amiel. 

Naglabas ng mga inumin at nagsimula nang lumalim ang mga usapan nang maramdaman kong kinalabit ni Jiro ang braso ko. "Let's go,"

"Huh? Saan punta?"

"We can't... kiss here. I mean, I can, but you won't let me."

Ang bisyo talaga nito! "Later."

"How late is later?"

Hindi ko na napigilan ang irapan siya dahil sa kulit. Buong gabi ay 'di ko siya pinagbigyan kaya parang bata siyang inagawan ng candy rito sa tabi ko. Nang matapos na at napagod na ang lahat ay pinatuloy muna kaming lahat sa mansion at pinaglaanan ng mga guest room.

"Good night, Trey! Ji!" paalam ni Elyza sa amin kasama si Gian bago sila pumasok sa room na katapat lang ng sa amin dito sa hallway. "Night!" sabi ko pabalik.

Napipikit na ako pero ang kasama ko ay parang buhay na buhay pa ang diwa. Pagsarado ko nang pinto ay napatili ako nang bigla akong binuhat ni Jiro, bridal style. "What the!" 

Alam ko na mabigat ako kaya hindi ako makapaniwala na sa isang iglap ay nakayanan niya akong iangat! Kumapit ako sa leeg niya sa takot na mahulog ako. Inilapag niya rin naman ako agad sa kama at inalis ang suot kong heels. 

Pagkatapos ay pumatong siya sa akin, nakasuporta ang mga kamay sa gilid ko para masiguradong hindi niya ako nadadaganan. 

"Say no if you don't want me to kiss you." sabi niya. Muli ay hinalikan niya ako ng mga mararahan at mabababaw na halik, dahilan para mainis ako. 

"Jiro," tawag ko sa pagbabaka sakali na laliman niya ang mga iyon. Do it properly! 'Wag mo akong bibitinin!

"Marry me..." bulong niya. Nakakamiss pala na marinig ito sa kaniya araw-araw. 

"Gusto ko, nandoon sina Amiel,"

Tumigil siya sa paghalik at nakipagtitigan sa akin, pero kalaunan ay tumango rin siya. "I told you we'll find them. They'll come home to you, baby."

Hinila ko siya palapit sa akin at ginawaran ng mahabang halik sa labi. Adik na adik na talaga ako. Hindi ko na alam paano ko kinaya ang withdrawal noong nawala sa akin ito.

Gumala ang kamay ko sa ilalim ng damit niya at hinaplos ko ang tiyan niya, pero matigas na abs ang naramdaman ko. "Wow, consistent pa rin sa gym? May pinormahan?" asar ko.

He groaned. Hinuli niya ang kamay ko na para bang napapaso siya rito at ipinirmi sa kama bago siya umalis sa pagkakapatong sa akin. Ibinaliktad niya ang pwesto at ngayon ay ako naman ang nakapaibabaw sa kaniya, pero talagang nakahiga ako.

"Mabigat ako, ah." paalala ko sa kaniya habang tinatago ang mukha ko sa leeg niya. Naramdaman ko ang higpit ng yakap niya sa akin. 

"I love you, Trey."

Sa wakas, hindi na siya hanggang panaginip lang. 

"I'll finally get a good night's sleep after so long."

"Welcome back home, baby."

Continue Reading

You'll Also Like

3K 188 53
[noun] /di·lem·ma/ - a difficult situation or problem Karlette Marqueza has always been the smart and competent girl in their class- not until she sl...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
292K 3.6K 31
Hindi stalker si Shanna, admirer siya. Bakit? Stalker ba ang tawag sa babaeng alam ang passcode sa condo ng isang lalaki? Ang alam ang cellphone numb...
1.1K 103 42
Sometimes, the best memories can be created by a simple coincidence... unexpected eye contact, small smile, a mistake.... and everything can suddenly...