The Revenge

By DarioChoi

24K 1.2K 42

Andrei and Yvonne shared a deep bond of friendship ever since Yvonne was abandoned by her parents because of... More

CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45

CHAPTER 1

4.4K 79 3
By DarioChoi

Title: The Revenge
Genre: Drama/Revenge/Romance/Thrill/Temptation
(BXB: Matured Content Rated SPG)

[CHAPTER: 1]

• FREDDIE LIU POV:

("Waah! Ang gwapo mo Fred!")
("Fred, Idol na idol kita!")
(Fred, notice me please!")
("I love you, Fred!")
yan ang mga sigaw sa akin na mga babaeng baliw na baliw sa akin hindi ko naman sila masisisi dahil napaka gwapo kong lalaki.
Kilalang kilala ako sa iba't-ibang sulok ng pinas dahil sikat na sikat ako sa internet, isa lamang ako sa mga pinakamaraming followers sa isang sikat na app at ito ang naging dahilan para makilala ko ng maraming tao.

"Grabe ang dami na talaga nating fans sa tiktok at IG! Sikat na sikat na yung binuo nating gang!"

"Sabi ko naman kasi sayo Paolo eh, sisikat tong ginawa natin! Ikaw ba naman ang maging leader eh haha!"

"Pero hindi talaga to magiging patok sa mga tao kung wala kayo nila Axel at Shaun!"

Isa din sa mga naging dahilan para mas lalong akong sumikat ay ang ginawa naming gang ni Paolo na XForce, naging patok ito sa bawat sulok ng pinas.
Maraming nakilala samin Paolo madalas kaming batiin ng mga tao sa bawat nakikita nila kami sa daan at kumuha din sila ng litrato na kasama kami.

"Paolo? Fred?! Waaah! Ang swerte ko nakita ko kayo!!"

May babaeng lumapit sa amin at bigla kaming niyakap ni Paulo, sanay na kami sa ganitong sitwasyon kaya hindi na kami nagugulat kung may biglang ibang tao na lumalapit sa amin.

"Pwede ba mag pa picture? Grabe, idol na idol ko talaga kayo!!"

"Sure, ako muna ba o dalawa na kami ni Freddie?"

"Pwede bang tatlo na tayo ni Freddie?!"

"Oo naman, pwedeng pwede! Oh Fred, alam mo na!"

Nagpa picture ang babaeng ito na kasama kaming dalawa ni Paolo, nakita ko sa mga mata niya natutuwa siya ng makita nya kami ni Paolo.
Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan sa kanya, hindi mo pala kailangan maging artista para makilala ka dahil sapat na ang internet para makilala ka ng buong mundo.

"Freddie, saan ka nanaman ba nang galing?"

"Ano bang kailangan mo, Vanes?"

"Hindi ba ako pwede mag tanong?! Kanina pa kaya kita hinahanap!"

"Wala akong pakealam sayo, tsaka isa pa bakit ba nandito ka sa kwarto ko?"

"Uhmm wala lang, gusto lang talaga kita makita..."

"Sabi ko sa mga maids wag kanang papasukin eh, tsk nakakainis talaga yang mga maids na yan!"

"Wag kang magalit sa kanila, ako ang nag pumilit na pumasok sa bahay mo!"

"Ano ba kasi talagang kailangan mo ha, Vanes?!"

"Namimiss lang talaga kasi kita, bakit kasi ayaw mo sakin ha Freddie?! Pangit ba ako?!"

"Wala akong oras para sa mga gantong usapan, Vanes! Kaya please, get out of my room!"

"No! Hindi ako lalabas hangga't hindi mo sinasabi sakin kung bakit ayaw mo sakin!"

Maya-maya lang ay biglang dumating si paolo, nagulat ako dahil kasama niya ang buong tropa.
Nagtaka rin sila kung bakit nasa loob ng kwarto ko si Vanessa, hindi ako nakasagot agad sa mga tanong nila at naging dahilan ito para asar asarin nila ako na may namamagitan sa amin ni vanessa.

"Di mo sinasabi samin Fred na girlfriend mo na pala to si Vanessa?!"

"Hindi ko girlfriend yang si Vanessa, Axel no!"

"Eh bakit nag de-date kayo dito sa room mo? Haha!"

"Oo nga naman, tama nga naman si Axel! Bakit nga ba kayo nag de-date dito sa kwarto mo?! Hahaha!"

"Shaun, hindi kami nag de-date! Sa totoo nga gusto ko ng paalisin yang si Vanessa eh!"

"Tama na yan Shaun at Axel, wag nyo na asarin si Fred! Baka topakin nanaman to bahala kayo, kayo rin mahihirapan hahaha!"

"Lumabas kana nga, Vanes! Inaasar nako nila Paolo oh, please lang!"

"Fred please naman oh! Tayo nalang kasi"

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kita gusto, Vanes?!"

"Fred naman oh, please naman!"

"Please lang din, Vanes.. lumabas ka na!"

Walang nagawa si Vanessa kundi lumabas ng kwarto, alam ko naman talaga dati pa na may tinatagong pag tingin sakin si Vanessa pero matagal ko na ding sinasabi sa kanya na hindi ko to maibabalik.
Isang babae lang talaga ang nag patibok ng puso ko, isang babaeng na nakaintindi sakin at minahal ko ng lubos.

"Kailangan na nating gumawa ng panibagong video, medyo ilang araw na din kasi tayo nagiging inactive eh"

"Oo nga, Pao! Teka nasaan na ba yun si Fred?"

"Tignan mo nga doon sa loob ng CR baka kung ano ano nanamang ginagawa non don, Axel"

"Ayoko nga, utusan mo si Shaun! Mamaya sigawan nanaman ako non tulad nung nakaraan eh!"

"Oh bakit ako nadamay sa usapan nyo dyan?! Kayo nalang tumawag kay Fred wag nyo nakong idamay, alam nyo naman yan pag ini istorbo eh!"

"Hays mga wala talaga kayong kwenta! Ako na nga tatawag! Hays... Utos ko sunod ko!"

Pinuntahan ako ni Paolo sa CR, nakita nya akong nag aayos ng buhok at kinakausap ang sarili ko sa salamin.

"Bakit ba kasi nawala ka pa, Yvonne.. edi sana tayong dalawa yung sikat na couple ngayon sa social media.."

"Oy Fred! Ano ba ang tagal mo naman!"

"K-Kanina ka pa dyan, Pao?!"

"Dito? Hindi! Pero doon sa may sofa na nag hihintay sayong lumabas dyan, OO!"

"Ga-Ganun ba? Pasensya na.."

"Tara na, mag LIVE na tayo!"

"Sige sige susunod nako!"

At yan na nga nag simula kaming mag live sa tiktok sinimulan namin dito sa app nato dahil dito kami may pinakamaraming followers at dito rin active ang mga fans namin, naging maganda ang takbo ng live namin sa tiktok may mga fans kami na nagme message samin at dahil mabait kami nire-replyan namin syempre.

• ANDREI DELOS SANTOS POV:

"WAAAAH!! NAG REPLY SILA SAKIN!!"

Yan ang sigaw ko nang reply-an ako ng isa sa mga hinahangaan kung tao sa tiktok at hindi lang iyon, dahil na-notice din ako ng ultimate crush ko na si Freddie Liu.
Sobrang saya ko dahil napansin nila ang isang tulad ko na hindi naman talaga babae, akala ko nung una babae lang ang pinapansin nila pero mali pala ako dahil pinapansin din nila ang mga katulad ko.

"OMG!! NAPANSIN NILA AKO!! YUNG PUSO KO!! FREDDIE MY LOVES, I LOVE YOU SO MUCH!!"

Halos mabaliw ako ng mga oras na iyon dahil hindi ko talaga inaasahan na mapansin ako ng ultimate crush ko na si Freddie, grabi sobrang saya ko talaga ngayon parang anytime pwede na akong kunin ni lord joke lang.

"Sino ba yung mga idol mo na yan? Ako nalang ata yung hindi nakakakilala sa kanila ah?"

"Hay nako, Yvonne! Wag mo na kilalanin no baka agawin mo pa sila sakin lalo na si Freddie my loves!"

"Freddie? In fairness may kapangalan sya na kilala ko ah!"

"Kilala mo? Sino naman yun?"

"Yung childhood friend ko yun"

"Ah.. Eh nasaan na sya ngayon? Hindi na ba kayo nag kikita?"

"Hindi na eh, simula nung mamatay si Mom at Dad dahil sa sunog"

"Ganun ba? Hmm sorry napaalala ko pa tuloy sayo yung pagkamatay ng mama at papa mo"

"Okay lang, matagal tagal naman na din yun Andrei kaya hindi nako masyadong nalulungkot... Tinanggap ko na wala na sila kaya okay nako ngayon, masakit pero kailangan ko talagang bumangon... Masaya nga ako dahil hindi nag dalawang isip si tita Linda na kupkupin ako"

"Ano ka ba, syempre kababata ni mama yung mom mo! Best friend kaya sila kaya dapat best friend din tayo, isipin mo yun 10 years na tayong magkasama! Oh diba, halos ituring na kitang parang kapatid kaya dapat bff na tayo ha!"

"Kahit hindi mo naman sabihin sakin yan Andrei talaga namang tinuring kitang bilang kapatid ko pati na rin yung kuya mo na Jason"

"Nakaka touch naman hehe! Halika nga dito payakap!"

Niyakap ko ng mahigpit si Yvonne para mabawasan ang lungkot na nararamdaman nya, hindi man nya sabihin sakin pero alam kong nalulungkot sya sa pag kamatay ng mga magulang nya hanggang ngayon.
Hindi naman talaga kasi madaling tanggapin ang mga nangyari sa buhay nya, alam ko din na pinipilit nya lang mag pakatatag para sa sarili nya kahit hindi man nya ito aminin sakin kitang kita ko naman ito sa mga mata nya.

"Yvonne, saan ka ba nang galing? Tanghali na oh, nag tanghalian kana ba?"

"Auhm tita Linda tapos na po, kumain po ako sa labas dyan sa karindirya habang nag hahanap ng ma aapplyang trabaho"

"Trabaho? Bakit?"

"Tita nahihiya na po kasi ako, pagkatapos ko po mag aral hanggang ngayon hindi parin po ako nakakatulong sa inyo... Gusto ko naman po bumawi sa mga kabutihang binigay ng pamilya nyo sakin"

"Yvonne, wag mo ng intindihin yon... Hindi kana iba samin, anak na ang turing ko sayo... Hindi mo naman kailangan mag trabaho dahil may negosyo naman kami ng tito Nestor mo"

"Kahit na ho tita Linda, hindi naman po pwedeng umasa nalang ako sa inyo... Gusto ko namang bumawi sa inyong lahat"

"Kung yan ang gusto mo hindi na kita mapipilit pa, pero wag mong aabusuhin katawan mo ah? Nandito lang kami para sayo, Yvonne"

"Salamat po tita, wag po kayong mag alala lahat po gagawin ko makabawi lang po sa inyo"

"Sabi ko naman sayo, wag mo ng isipin yon... Mag ipon kana lang para sa sarili mo, Yvonne... Wag mo na kaming intindihin.."

"Tita napakabuti nyo po sakin, mas lalo po tuloy akong nahihiya sa inyo"

"Tulad nga ng sinabi ko, wag kang mahiya dahil hindi kana din naman iba pa samin"

"Salamat ho ng madami tita"

Masaya akong nakikita sina Mama at Yvonne na mag kasama dahil parang tunay na anak na ni Mama si Yvonne, sana lang napupunan namin ang pangungulila ni Yvone sa pamilya nya dahil ayoko ng nakikita pang nalulungkot sya.
Napaka importanteng tao na ni Yvone samin at hindi namin kakayaning mawala sya, kabilang na kasi sya sa pamilya namin kaya ganon nalang ang pag papahalaga namin sa kanya.

"Yvonne, nandyan kana pala! Halika, saluhan moko dito sa ginawa kong ube pie! Masarap to promise!"

"Talaga? Hehe patikim nga!"

"Ano masarap ba?"

"Oo Andrei, masarap nga! Saan mo to natutunan?"

"Natutunan ko yan kay Mama, tinuruan nya ko dahil yan kasi yung favorite ko hehe... Salamat naman nagustuhan mo"

"Hehe syempre naman, napaka sarap naman talaga tong ginawa mong ube pie eh!"

"Pero teka, maiba tayo! Ano kamusta yung bago mong trabaho?"

"Okay naman, medyo nakakapagod pero kaya ko naman sya Andrei!"

"Uy wag ka masyadong mag paka subsob sa trabaho mo ah, baka napapagod ka dyan ng husto?"

"Hindi naman, Andrei... Nag me-make up lang naman ako sa parlor eh, kanina lang masyadong madaming costomer kaya medyo napagod ako pero okay naman na ko ngayon Andrei.."

"Salamat naman, basta wag kang mag papakapagod sa trabaho mo para hindi ka magkasakit"

"Oo Andrei hindi ko naman pinapabayaan sarili ko eh, okay naman ako"

Masaya ako dahil kahit papano nagiging maayos yung buhay ni Yvonne, sa kabila ng mga nangyari sa buhay nya nagagawa nya paring tumayo sa sarili nyang mga paa.
Nakakainggit ang katapangan na pinapakita sakin ni Yvonne, sana lang katulad nya ako na malakas ang loob at kayang harapin ang hamon ng buhay.

• YVONNE LUSTRE POV:

"Nakakasuka! Hindi ko na kayang mag panggap pa, bwiset!"

Buti nalang talaga natapos na ang bait baitan mode ko doon sa pamilya ni Andrei, hindi ko na talaga masikmura pa yung pamilya nya.
Kung meron lang talaga akong mapupuntahan hindi nako mag tyatyaga sa walang kwentang pamilya ni Andrei.
Nasusulasok nako sa pamilyang to, hindi ko na talaga masikmura ang kadramahan na pinapairal nila.

"Buti nga napipigilan mo pa yung sarili mo kapag kausap mo yung nanay ni Andrei haha!"

"Nako, Danny!! Kung alam mo lang talaga, kung nakikita mo yung itsura ko kapag kausap ko yung mga magulang ni Andrei! Talagang hindi mo mahahalatang pinaplastik ko lang sila!"

"Mars naman kasi eh bakit kasi hindi ka pa lumayas doon?!"

"Iipunin ko muna yung sasahurin ko sa parlor para makalayas nako don, hinding hindi na talaga ako babalik sa pamilya ni Andrei once makaalis ako!"

"Eh paano yan, kakasimula mo lang diba doon sa parlor? Matatagalan pa bago ka makaalis sa bahay nila Andrei"

"Kaya nga eh, nakakainis! Alam mo ba, may pinakain sakin si Andrei na ube pie ba yon? Ang pangit ng lasa putek! Gusto kong isuka talaga, Danny!!"

"Haha ano kayang itsura mo kapag nakikipag plastikan ka doon sa pamilya ni Andrei?"

"Nako, hindi mo magugustuhan yung ginagawa ko don kung ikaw yung nasa posisyon ko!"

"Adik din yang Andrei na yan mars no? Masyadong obsessed doon sa idol nyang singket!"

"Kaya nga eh, buang na buang sya! Di ko nga alam doon sa hayop na yon kung baliw ba yon o kulang sa buwan!"

"Hahaha grabe ka naman talaga mars, iba din yung galit mo dyan sa pamilya ni Andrei ah!"

"Nakakabwiset kasi, hindi ko na talaga kayang masikmura pa! Tapos puro pa ka baklaan yung Andrei nayon, nakakasulasok!"

"Hahaha grabe ka mars tama na yan durog na durog na yon sa mga salita mo!"

"Hindi mo naman talaga ako masisisi dahil matagal nakong nag titimpi na kasama sila!"

"Sabagay, may point ka dyan mars haha!"

Matatag at palaban akong tao pero sa ibang level yung pag titimpi ko na kasama yung pamilya ni Andrei no, ang hirap nilang pakisamahan at isa pa puro kadramahan yung tumatakbo sa mga isip nila.
Minsan hindi ko matiis yung mga sinasabi nila at napapa bulong nalang talaga ako ng mga masasamang salita, hindi ko kasi minsan nako control yung bibig ko kaya madalas dinadaan ko nalang sa bulong lahat ng mga pabalang kong sagot.

"Yvonne, nakita mo ba yung libro na nilagay ko dito sa kama?"

"Hindi ko alam, hindi ko nakitang may nilagay ka dyang libro Andrei"

"Sigurado ka? Dito ko lang kasi nailagay yon eh... Nawala na sya, Yvonne.."

"Paanong hindi mawawala eh napaka burara mo"

"Ano yon, Yvonne?"

"Ah sabi ko nandyan lang yon, tignan mo baka nahulog sa ilalim"

"Hinanap ko na nga dyan sa ilalim wala parin akong nakita, nasaan na kaya yon?"

"Baka nandyan lang yon, Andrei! Hindi yon mawawala dyan"

"Sana nga eh, napakaimportante pa naman ng laman non"

"Bakit ano bang laman non, Andrei?"

"Hehe wala fan thingy lang yon! Hehe nandun kasi yung mga nag papaalala sakin about kay Freddie"

"Akala ko pa naman importante talaga!"

"Uy importante yun ah, mahalaga kaya yon kasi yun yung bumubuhay ng puso ko!"

"Ah... Tignan tignan mo lang dyan, baka nandyan lang yan hanapin mo!"

"Wala talaga eh, paano na yan? Nandun pa naman yung mga fan things ko kay Freddie!! Hays, nakakainis naman oh..."

Puro nalang kalandian yung mga lumalabas sa baklang to, hindi nako mag tataka kung isang araw mabaliw to.
Wala na syang ginawa kundi mag pakatanga doon sa Freddie na yun eh kahit ano namang gawin nya hindi naman sya magugustuhan nung lalaking yon dahil bakla sya.
I'm sure na hindi pumapatol yon sa mga katulad nya, kahit magpaka baliw pa sya hinding hindi sya magugustuhan non.

"Yvonne, bakit ngayon ka lang? Anong oras na oh, kailan ka pa natutong umuwi ng hating gabi?!"

"Sorry po tito Nestor, may inasikaso lang po ako kanina kaya ngayon lang ako nakauwi"

"Hindi ka dapat nauwi ng gantong oras, alam mo namang madami ng masasamang tao dyan sa labas eh"

"Hindi na po mauulit tito, pasensya na po talaga"

"Sa susunod ayoko ng nasa labas ka pa ng gantong oras ha, imbis na maila lock na yung gate natin hindi mai lock dahil nasa labas ka pa!"

"Tito, pasensya na po talaga!"

"Pa? Ano po bang nangyayari bakit po ang taas ng boses mo?"

"Ito kasing si Yvonne eh, ngayon lang umuwi Andrei... Ilang beses nya na tong ginawa kaya pinag sabihan ko na"

"Akala ko pa naman katabi na kita kanina, nasa labas ka pa pala Yvonne... Bakit kasi ngayon ka lang umuwi"

"Nag over time lang ako sa parlor, sayang naman kasi kung bibitawan ko yung over time"

"Ganun ba... Wag ka naman masyadong magpaka pagod sa trabaho mo, baka mag kasakit ka nyan"

"Hindi naman, Andrei! Kaya ko naman eh"

"Kahit ano pang rason mo Yvonne hindi dapat ang isang babaeng katulad mo ay nasa labas pa, delikado ng gantong oras kaya dapat maaga palang nasa bahay kana"

"Pasensya na po talaga tito, hindi na po talaga mauulit"

"Talagang hindi na to mauulit dahil simula ngayon may curfew kana! Dapat nga 7pm nasa bahay kana"

"Pero tito 6pm po ang out ko sa parlor tsaka malayo po ang parlor dito sa bahay natin, imposible pong isang oras lang po ang byahe ko"

"Wala nakong pakealam don, Yvonne! Basta ang gusto ko alas 7 ng gabi dapat nandito kana!"

"Pero tito"

"Wala ng pero pero! Tapos na ang usapang to!"

Wala nakong nagawa sa kagustuhan ni tito Nestor dahil wala naman akong karapatan sa bahay na yon, nakakainis lang talaga yung matandang yon dahil masyadong pakeelamero sa mga ginagawa ko.
Simula nun palagi nalang akong nag hahabol ng oras pauwi, kulang nalang takbuhin ko na simula parlor hanggang bahay namin dahil sa curfew ko.

𝐓𝐎 𝐁𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐈𝐍𝐔𝐄 •••

Continue Reading

You'll Also Like

157K 5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
129K 1K 7
Mahirap at isang payak na pamumuhay ang kinagisnan ni Ezrael. Marami siyang pangarap sa buhay na gusto niyang matupad ngunit hindi sapat ang pangara...
46.9K 1.1K 38
[BASED ON A TRUE STORY!] LOVE, TRUST and BETRAYAL
9.2K 393 38
Highest rank achieved: #1 "Giving up doesn't always mean you are weak, sometimes it means that you are strong enough to let go." - Kyth Sandoval All...