Impius Academy 2: The Truism...

By Missloorh

177K 7K 4.9K

Wag niyo itong basahin hanggat di niyo nabasa ang book #1 ++++++++++ Warning: not edited so expect typos etc. More

Warning
Prologue
Chapter ♥ 1
Chapter ♥ 2
Chapter ♥ 3
Chapter ♥ 4
Chapter ♥ 5
Author's Note
Chapter ♥ 6
Chapter ♥ 7
Chapter ♥ 8
Chapter ♥ 9
Chapter ♥ 10
Chapter ♥ 11
Chapter ♥ 12
Chapter ♥ 13
Chapter ♥ 14
Chapter ♥ 15
Chapter ♥ 16
Chapter ♥ 17
Chapter ♥ 18
Chapter ♥ 19
Chapter ♥ 20
Chapter ♥ 21
Chapter ♥ 22
Chapter ♥ 23
Chapter ♥ 24
Chapter ♥ 25
Chapter ♥ 26
Chapter ♥ 27
Chapter ♥ 28
Chapter ♥ 29
Chapter ♥ 30
Chapter ♥ 31
Chapter ♥ 32
Chapter ♥ 33
Chapter ♥ 34
Chapter ♥ 35
Chapter ♥ 36
Chapter ♥ 37
Chapter ♥ 39
Chapter ♥ 40
Chapter ♥ 41
Chapter ♥ 42
Chapter ♥ 43
Chapter ♥ 44
Chapter ♥ 45
Chapter ♥ 46
Chapter ♥ 47
Chapter ♥ 48
Chapter ♥ 49
Chapter ♥ 50
Chapter ♥ 51
Chapter ♥ 52
Chapter ♥ 53
Chapter ♥ 54
Chapter ♥ 55
Chapter ♥ 56
Chapter ♥ 57
Chapter ♥ 58
Chapter ♥ 59
Chapter ♥ 60
Epilogue
Special Thank you
Must read
Special Chapter
MUST READ
New fantasy novel

Chapter ♥ 38

1.9K 78 54
By Missloorh

Blaire POV

Namamalengke ako ngayon para maghanda sa pang agahan. Ilang araw narin ang lumipas mula nong tinangay ako ni Four paalis ng akademya. Simula non ay naging tahimik ang aming buhay at masaya kami sa isa't isa. Lumapit ako sa tindahan ng mga prutas at iniisa isa ko itong tiningnan. Pumili ako ng mansanas, mangga, dalandan at iba pa. Agad ko naman itong binayaran at nilagay ko lahat iyun sa dala kong supot. Di nakasama si Four sa pamamalengke na ito dahil abala siya ngayon sa pagsibak ng kahoy.

Habang abala ako sa pagtingin ng mga paninda, may narinig akong kaguluhan at nagmula iyun sa dinadaan ko kanina. Hindi ko lang iyun pinansin dahil ayaw kong madisturbo sa aking ginagawa.

"Tabi!"

"Habulin niyo!"

"Wag niyong hayaan makalayo!"

"Tumabi kayo!"

Parang bumagal ang takbo ng mundo nang may humablot sa aking braso kasabay ng pagbitaw ko sa aking mga nabili at lahat iyun nagsibagsakan nalang sa lupa. Natangay ako sa taong humatak sa akin patakbo at gusto ko na sana itong sipain dahil sa inis ngunit hindi iyun natuloy. Kitang kita ko sa kanyang mukha ang pagkabahala kaya nangunot nalang ang noo ko.

"Four bakit tayo tumatakbo?" takang tanong ko sa kanya habang wala parin kaming tigil sa pagtakbo.

"Just keep running" saad niya at lumingon sa likod ngunit agad ding ibinalik ang tingin sa unahan. Lumingon ako sa likod at napaawang ang aking bibig dahil sa dami ng mga kawal na humahabol sa amin. Nasa treinta silang lahat. Bakit nila kami hinahabol? Mas binilisan ko ang pagtakbo at ganun din si Four.

"Four magteleport nalang tayo" hinihingal kong suhestiyon at nilingon naman niya ako. Tumango siya bago nagteleport kasama ako.

Para naman kaming itinulak habang nakayuko pagkatapos ng teleportation. Nangunot ang noo ka dahil may mga pare-parehong bota ang nakikita ko. Dahan-dahan akong nagtaas ng tingin at napalunok ako dahil sa mga kasuutan nito. Nanlaki ang aking mga mata dahil ang nasa harapan namin ay ang treinta ka kawal. Agad akong napalingon kay Four.

"Four ano_" naputol ang sasabihin ko nang agad nagteleport si Four dala ako. Tumambad naman amin ang maraming paninda. Agad kaming napalingon sa likod at nakita namin sa unahan ang mga kawal.

"Run!" agarang usal niya at nagsimula na naman kaming tumakbo. Bakit kasi ganun ang nangyari sa pagteleport namin, dahil ba hindi lubos pamilyar ni Four ang lugar nato? Imposible. Pero ang laking katanungan ko ay kung bakit kami hinahabol ng mga kawal?

Mahaba haba narin ang aming natatakbuhan kaya nakaramdam narin ako ng pagod.

"Four bakit nila tayo hinahabol?" pagod kong tanong sa kanya. Nilingon naman niya ako habang nakahawak parin ang kamay niya sa pulsuhan ko at walang tigil sa pagtakbo.

"Threes I'll tell you later but now, we must find a place where we can hide" determinado niyang saad kaya tumango nalang ako.

Pumasok kami sa kagubatan at malayo layo narin kami sa nayon. Takbo lang kami ng takbo habang nakalikot ang mga mata sa paligid. Tanging mga huni ng mga ibon lang ang nagbibigay ingay sa gubat na ito. Alam kong nakasunod parin ang mga kawal sa amin ngunit may kalayuan sila. Ilang ulit narin kaming lumiko at may nadadaanan nadin kaming sapa. Pagod na ang mga tuhod ko, na parang gusto ng bumigay.

"Four pagod na ako" nahihirapan kong sabi. Tumigil siya sa pagtakbo kaya napatigil narin ako. Agad akong napahawak sa tuhod dahil sa pagod.

Binalingan ko siya ng tingin na ngayon ay naglibot siya ng tingin sa paligid. Napadako naman ang tingin niya sa isang malaking puno na may malalaking gamot. Hinatak niya ako papunta doon kaya napabuga nalang ako ng mabibigat na hininga. Huminto kami sa tapat ng puno at nakita kong may maliit na yungib ito sa ilalim ngunit madilim.

"Dito muna tayo" saad niya at nagpalabas siya ng apoy sa kanyang kamay. Pumasok kami sa loob at malinaw naming nakita ang paligid. Puno ito ng maliliit na gamot ngunit hindi naman masyadong madumi.

Umupo siya sa gilid at isinandal ang likod niya sa mga gamot. Umupo din ako sa gilid niya at sinandal ang ulo sa kanyang balikat. Tahimik ang kinaroroonan namin ngayon. Tiningnan ko naman ang mukha niya at nakita kong nakakunot ang kanyang noo na parang kay lalim ang iniisip.

"Four, bakit nila tayo hinahabol?" muli kong tanong sa kanya. Nilingon naman niya ako at matiim niyang tiningnan ang aking mga mata.

"They want us to go back to a academy" mahinang saad niya habang namumungay ang kanyang mga mata. Napabuntong hininga nalang ako sa aking narinig. Nagbaba ako ng tingin, akala ko maging madali na ang lahat. Bakit sa tuwing ika'y sasaya ay may laging katumbas na lungkot?

"Don't worry, I won't let that happen" determinado niyang saad. Sumiksik ako sa dibdib niya at  bumigat naman ang talukap ko dahil siguro sa pagod. Pumikit ako at agad naman akong hinila ng dilim.

Naalimpungatan ako dahil may liwanag na tumama sa aking mukha. Minulat ko ang mga mata at bumungad sa akin ang kunting liwanag na nagmula sa labas. Napatingin ako kay Four at nakita kong tulog na tulog ito. Binaling ko muli ang tingin sa labas. Ngayon ko lang napagtantong gabi na pala. Nawala na kasi ang liwanag sa labas kanina. Kumalas ako sa pagkakayakap ni Four at dahan dahang humakbang habang nakayuko dahil maliit lang ang espasyo ng yungib na ito. Nakalabas ako ng aming pinagtataguan at agad kong nilibot ang tingin. Nangunot ang noo ko nang may naaaninag akong bulto ng tao sa unahan.

Maingat akong humakbang para lapitan ito. Nang nakalapit na ako sa kanya ay bigla kong naalala si HM dahil kapareho niya ang tindig ng taong ito. Mabuting may buwan dahil nakikita ko parin ito kahit papano.

"Sino ka?" kunot noong tanong ko sa kanya. Katahimikan naman ang namamayani sa buong paligid. Dahan dahan itong humarap at napahakbang ako ng isang beses dahil si HM nga ito ngunit paano niya kami natunton?

"HM" usal ko. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin kaya napayuko na lamang ako.

"Hanggang kaylan kayo magmamatigas ng ulo?" seryoso niyang tanong kaya nag angat ako ng tingin. Hindi ako likas na bobo para hindi maintindihan ang gusto niyang ipahiwatig.

"HM_" magsasalita na sana ako nang agad niya akong inunahan.

"Blaire, akala ko ba'y matalino ka. Bakit parang hindi mo naintindihan ang maaring mangyayari sa ginagawa niyo?" pang iinsulto niya sa akin. Para namang binagsakan ako ng langit dahil dun.

"Pero HM, mahal namin ang isa't isa" pagmamatigas ko.

"Nangako kami na lalaban kami ng sabay, nangako kami na maging handa sa kahihinatnan ng napili namin" dugtong kong sabi at bawat salita ay sinasabayan ko ng determinasyon. Determinado akong ipapaintindi ang mga yun.

"Blaire! Hindi mo ba naisip na maaring mabibigo lamang kayo sa mga plano niyo?" diin niyang sabi at umiiling iling nalang ako dahil nanghahapdi na ang aking mga mata na parang gusto ko ng umiyak.

"Naisip ko na iyun HM, pero mamatay muna kami bago kayo madamay" desperada kong sabi.

"Kahibangan iyan Blaire! Talagang hindi mo naintindihan ang lahat!" napataas na ang kanyang boses habang sinabi ang mga yun. Kusang tumulo ang mga luha ko dahil sa sakit. Ang sakit kapag walang may gusto sa pagmamahalan niyo.

"Oo hindi ko naintindihan! Hindi ko naintindihan kung bakit kaylangan pang magkalayo ang nagmamahalan para maisakatuparan ang nakasaad sa propesiya, kung bakit kaylangan pa kaming masaktan para lang sa lintek na itinakda na yan!" naiiyak kong sabi at napasuntok ako sa aking dibdib dahil sumikip nalang ito.

"Blaire! Wag mong malintek lintek ang itinakda dahil kahit anong katiting ay walang wala ka sa kanya!" natigil ako sa kanyang sinabi, maski siya natigil din sa sarili niyang sinabi. Parang pinipiga ako puso dahil sa pang iinsulto niya. Alam kong nadala lang siya sa kawalan ng pasensya kaya niya nabitawan ang mga salitang iyun.

Lalapit na sana siya sa akin nang agad naman akong humakbang na parang nagbabatid na hindi ko gusto ang lumapit siya.

"Blaire, pasensya na pero para lang din ito sa kapakanan mo at ng lahat" pinakalma niya ang sarili habang sinabi iyun.

"Gusto mo bang mamatay ang lahat ng mga minamahal mo?" dugtong tanong niya sa akin. Di ako nakapagsalita, ayaw kong mangyayari iyun.

"Kung nangako kayong lalaban kayong dalawa hanggang kamatayan ay mawawalang silbi lamang iyun kung talagang mamatay kayo dahil masusunod kami, masusunod ang ibang minamahal mo" pagpapaintindi niya sa akin. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip dahil sa sinabi niya. Maaring tama siya, maaring pagkatapos ng kamatayan namin ay masusunod sila. Kung kaming dalawa lang ni Four ang lalaban ay maaring mamamatay lang kami ng hindi pa namin natapos ang problema. Sigurado akong magbabago ang propesiya kung magpapatuloy kami. Imbes magtatagumpay kaming mga mabuting imortal ay maaring kami pa ang mapuksa, kabilang na doon ang mga mortal na walang kamuwang muwang sa maaaring mangyari.

Oo, masyado kaming naging negatibo pero mas nakabubuti narin iyun para maging handa sa anumang mangyari.

Ang huling nakasaad sa propesiya ay dugo para sa tagumpay kung ganun ay may posibilidad talagang mababaliktad iyun. Nagpahid ako ng mga luha at determinadong tumingin sa kanya. Ayaw kong mangyari ang maaring mangyayari. Sana kakayanin ko ito. Isasakripisyo ko ang aking puso para sa ikakabuti ng lahat.

"Babalik si Four ng akademya" buo na ang pasiya ko. Ibabalik ko si Four sa akademya. Ngumiti naman siya sa akin at tinapik ang balikat ko.

"Tama ang naging pasiya mo Blaire, salamat" komportable niyang sabi at agad itong naglaho sa harapan ko. Napangiti nalang ako ng mapakla dahil sa aking naging pasiya. Ito naba talaga? Ito naba talaga ang katapusan ng kasiyahan ko? Aaminin kong ngayon lang naging malinaw sa akin ang lahat, na hindi sapat ang pangako naming dalawa para iligtas ang lahat ng mga inosenteng nilalang.

Lutang akong nagsimulang naglakad pabalik sa kinaroroonan ni Four ngayon. Babalikan ko siya, gusto kong masilayan ang mukha niya sa huling pagkakataon. Ngayon masasabi ko na ang malas ko pagdating sa pag-ibig. Pero sa una una ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit ko ito nararanasan dahil alam ko na ngang hindi pwede ang iibig kay Four, sinubok ko pa.

Siguro'y pinagtagpo kami pero hindi tinadhana

Ang saklap

@Missloorh

Hope you like it! Muahh!

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...