Promises Etched in Poetry (Ar...

By aLeiatasyo

15K 762 1.6K

Being madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up every... More

Promises Etched in Poetry
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Unang Tula
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Ikalawang Tula
Chapter 21
Chapter 22
Ikatlong Tula
Chapter 23
Chapter 24
Ikaapat na Tula
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Ikalimang Tula
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Huling Tula
from aLeiatasyo

Chapter 32

186 12 26
By aLeiatasyo

"Hello? This is Astraea Lekha Salonga,"

"Oh! Yes, good morning!" 

"I accept your offer for the job. Thank you for reaching out to me, I'm sorry for the late reply, though."

"Alright! Can you see me in my office by Monday?"

"Yes. Thank you, ma'am."

Sino kaya ang nagbibigay ng speech ngayon sa graduation? Their Summa Cum Laude is absent. Wala naman akong dahilan para pumunta. Sasaktan ko lang ang sarili ko roon kapag hindi ko nanaman nakita sina Lola doon. Pati si Jiro...

Ilang araw na nga ba akong hindi lumalabas ng kwarto? Marami na rin ang narinig ko naglabas masok sa bahay, siguro'y binubuhat na paalis lahat ng gamit. Maliban sa kwarto ko. 

"Trey? You can't keep doing this to yourself." Pang-ilang beses na rin ni Elron na kumatok sa pinto ko. Hindi ko na mabilang sa daliri kung ilang beses siyang pumasok para mag-iwan lang ng pagkain dahil lagi akong nagkukunwaring tulog.

For the first time since then, I opened the door. Gulat na mukha ni Elron ang bumungad sa akin, hindi niya siguro inaasahan na pagbubuksan ko siya ngayon. Ang gulat na iyon ay napalitan ng pag-aalala nang nagkatinginan kami. 

Wala siyang ibang sinabi, pero agad niya akong hinila para yakapin.

"What is wrong with you? 'Wag mo naman pabayaan ang sarili mo ng ganito..." mahinahon niyang sabi habang hinahaplos ang likod ko para patahanin. Hindi ko kayang magpigil ng luha. Masyado pa silang marami. 

Humiwalay ako sa yakap niya para ilibot ang tingin ko sa bahay na walang bakas nina Amiel. Wala nang kagamit-gamit. Walang kahit ano. Sa katunayan, wala na akong ibang maalala rito kung hindi ang mga masasakit na alaala mula pagkabata.

Kaya kong mag-isa. Kayang kaya ko dahil bata pa lamang ako ay wala na akong katuwang sa buhay. I had to fend for myself if I didn't want to die. Kaya sa unang beses na nakahanap ako ng makakasama, mawawala rin pala. Siguro, para sa akin na talaga ang pag-iisa.

Sa isang iglap ay parang nakalimutan ko na wala na nga pala si Kenjiro, dahil dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape niya sa umaga. Napatigil lang ako nang makita na wala na talagang kahit ano roon.

Kahit sa katapat nito na living area, kung saan kami palagi naglalaro ni Amiel, at kung saan kami tumatambay ni Jiro. 

"They're really gone," bulong ko.

Wala nang dahilan para manatili ako rito kaya kahit mahirap, lumuwas ako ng Maynila. Nagkataon na natanggap din si Elron sa pagtatrabahuhan ko, hindi ko alam kung sadya niya ba iyon para samahan ako kahit ilang beses kong sinabi na ayos lang.

Unang gabi ko pa lang rito, wala na agad akong tulog. Naninibago ako sa lugar. Nasa taas pa ng building ang unit na binabayaran ng kompanya na papasukan ko kaya sa labas ng bintana ay kita ko ang mailaw na siyudad. 

Ibang-iba ang lugar na ito sa nakasanayan kong tahimik na subdivision. Lahat dito ay bago sa akin, pero kailangan kong masanay. Hindi pwede na iiyak ako rito bawat gabi. 

Sa lahat ng tao, isa ako sa mga nakakaalam kung gaano kahirap ang buhay kaya hindi ko alam kung bakit sobrang pighati ang nararamdaman ko ngayon. Para bang hindi na ako nasanay. 

"Puyat ka agad? Tandaan mo, wala na tayo sa school. Wala akong office na pwede mong tulugan." tumatawang sabi ni Elron sa akin.

"Malay mo, ako, meron." sabi ko.

"Alright, yabang." 

Ang taas na kasi ng posisyon na binigay sa akin sa newspaper publishing company na papasukan ko. Editor agad dahil nagkataon na nagkaroon ng opening noong lumabas ang resulta ng mga may Latin honors.

Maraming offer, pero ito ang pinakamalaki. An offer of a lifetime. To think na balak ko pa itong tanggihan dati. 

"I think this is the office," sabi ni Elron nang tumigil kami sa tapat ng isang malaking pintuan. Tumango ako at nagpaiwan na doon. "Trey, wait." tawag niya sa akin bago ako pumasok.

"Yes?"

"Let's grab lunch later. I'll wait."

"Oh sige,"

Pagpasok ko sa loob ay isang malaking opisina ang bumungad sa akin at sa gitna noon ay dambuhalang lamesa, nakaupo sa likuran noon ang sa tingin ko'y boss ko. 

"Good morning po!" pilit akong ngumiti.

May katandaan na ang babae, parang mas matanda lang nang kaunti ang Lola ko. 

Nagliwanag ang mga mata niya nang makita ako. She seems kind. I'm sure my credentials had to do something with it, though.

"Miss Salonga! Come in, welcome!" sabi nito. Pinaupo niya ako sa isa sa mga upuan sa harap ng lamesa niya kung saan may isa pang babae. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Angel iyon. Iyong kasama namin ni Nigel sa publication dati!

"Ms. Salonga, this is Angel Soriano. She's in charge of showing you around." 

Nag-iba na ang itsura niya. Mas nagmukha na siyang propesyunal. Hilaw na ngiti ang ibinigay niya sa akin nang harapin niya ako. "Nice to meet you," agap niya bago ko pa masabi na kakilala ko siya.

Kumunot ang noo ko. Hindi niya lang ba talaga ako naaalala o sinasadya niya 'to?

Lumabas na kami roon para daw ituro na kung saan ang opisina ko. "I have an office?" nanlalaking mata kong tanong.

Tumango lang si Angel. Desperada akong makakuha ng mga salita sa kaniya dahil isa siya sa mga nagpapaalala sa akin ng Pampanga. She's from my home, too. I am desperate for something familiar right now. "Kumusta ka na pala, Gel?"

"Hm? Ayos lang naman... Ikaw ba?" taas-noo siyang lumingon sa akin. Mas matangkad ako sa kaniya pero nakasuot siya ng heels kaya magkalebel ang mga mata namin ngayon.

"Ayos lang rin," sagot ko. Automatic na sagot kung ayaw mo na ng kung anu-ano pang tanong. Isa pa, mukha namang walang pakialam sa akin ngayon ito.

Nakakatampo naman, close naman kami noong college kami. 

Pumasok kami sa isang pintuan na may clear glass na pinto. Sa loob ay isang katamtamang laki na kwarto, pero kumpleto ang gamit at mukha talagang opisina. "Sa akin ito?" tanong ko.

"Yeah. This is what you get when companies have been eyeing you since you were in high school."

Napatingin ako sa kaniya dahil walang humor ang pagkakasabi niya nito. Pakiramdam ko tuloy ay kasalanan ko pang nandito ako. Kahit walang ganito at kahit sa mababang posisyon ako magsisimula ay ayos lang sa akin.

Nagkunwari na lang ako na hindi ko narinig ang sinabi niya at umupo sa malaking swivel chair. Para gumaan ang mood ay ngumiti ako, "Oh! Yung office mo, saan? Para naman may mabisita ako rito minsan!" excited kong sabi.

Ang seryoso niyang mukha ay mas lalong sumama ang timpla. "Oh. Wala. Hindi ako kasing galing mo."

Huh? Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Bago pa man ako makahanap ng salitang sasabihin, "I'll just be by the department cubicles if you need something." sabi niya bago lumabas. 

May nagawa ba ako sa kaniya bago siya nag graduate? Naging maayos naman ako na junior niya, ah. Sumusunod naman ako sa mga utos niya noong siya ang senior ko. Nagkataon lang na noong fourth year siya at third year ako, ako na ang EIC ng publication. 

Tsaka, anong ibig niyang iparating doon sa sinasabi niyang mula high school ay minamata na ako ng mga kumpanya? This is what I get? 

Hindi ko ba deserve ito? Sa tingin ba nila ay nagshortcut ako? 

Tinanggap ko lang naman ang offer sa akin. Ganoon na ba talaga kasama ang gustuhin na makakuha ng magandang bagay, kahit minsan lang sa buhay?

Halos mapatalon ako pagkatapos kong mawala sa lalim ng iniisip ko nang may kumatok sa pinto at pumasok doon si Elron. "Ang lalim ng iniisip mo, ah." 

"Nakita mo na si Angel?" tanong niya.

"Ah, oo. Siya yung nagdala sa akin dito, actually."

"Alam niyang dito ako magtatrabaho, pero ikaw hindi, kaya panigurado natuwa iyon ngayong nakita ka, 'no?" natatawang sabi niya.

"Oo naman," sagot kong nakangiti kahit parang kabaliktaran ng inaasahan niya ang tunay na nangyari. Gusto ko tuloy kausapin si Angel para malaman ang talagang issue dito.

Kaya ko namang mag-adjust. Kung may taong mahalaga sa akin na ayaw ang presensya ko, irerespeto ko iyon. Iyon nga lang buong araw ay hindi ko na nakita ulit si Angel dahil pagkatapos naming kumain ng lunch ni Elron ay bumalik na kami sa condo dahil bukas pa naman talaga kami magsisimula. 

"Hindi ako masyadong umiinom, ah." paalala sa akin ni Elron, nakaupo kami sa carpet ng maliit kong living room. Nakapatong ang mga inumin at pagkain sa coffee table sa harap. 

Masyado maganda ang unit na ito para sa akin na baguhan pa lang sa kumpanya. Sa building na ito rin naman si Elron at iba pang empleyado. Sosyalin nga, eh. 

Tumawa ako habang nagsasalin ng Cuervo sa baso. Wala pang masyadong gamit rito maliban sa mga built-in appliances. Gagastusin ko na lang ang ipon ko sa pamimili ng mga gamit.

Wala na rin naman akong paglalaanan ng mga 'yon. Lahat ng plano ko, wala na lahat. 

Nag-play kami ng How to Get Away with Murder sa TV. "Ginusto kong maging abogado," panimula ko.

Lumingon naman sa akin si Elron, handa ulit makinig nang buo sa kahit anong sasabihin ko. "Naisip ko kasi na kung ordinaryo akong mamamayan na walang legal standpoint tulad ng abogado, hindi ko maipaglalaban 'yong mga bata na pinagkaitan ng karapatan..."

"You can. You're literally Astraea Lekha Salonga. What can you not do?"

Marami akong hindi kayang gawin. 

Ngumiti ako nang mapait. Pangarap ko talaga na may magawa para sa mga bata, nang sa gayon ay hindi na nila mapagdaanan ang pinagdaanan ko. 

Iyon ang gusto kong gawin pero sa hindi malamang dahilan ay parang nabulag ako ng sakit at nawalan ako ng gana na ipagpatuloy pa ang kahit ano.

Na para bang sobrang sakit na para sa akin ang mabuhay. Halos hindi ko na kayanin. 

Lahat ng mayroon ako ay kulang pa para panatilihin ang sarili ko sa tamang pag-iisip. Wala akong ibang magawa kung hindi ang magdasal na sana, bumalik na ako sa dati. 

Maraming may kailangan sa akin, kahit hindi ko pa sila kilala.

"Elron,"

"Hm?"

"Thank you."

Nasa kalagitnaan siya ng pagnguya nang natigilan siya sa sinabi ko. Natawa ako dahil hindi niya tuluyang naisubo yung chichirya. "Para saan?" kunot-noo niyang tanong.

Umiwas ako ng tingin dahil ako mismo ay naiilang sa susunod kong sasabihin. "Para sa lahat. Para sa pananatili sa tabi ko. Sobrang laking bagay sa akin na hindi mo ako hinayaang mag-isa."

"Damn, I forgot how you can speak straight Tagalog." sabi niya kahit namumula na ang mga pisngi niya. Hindi ko alam kung dahil sa alak o kung ano.

Binato ko siya ng unan. Iyon talaga ang pinsansin! "Mas nakakakilig pala kapag sinabihan ka ng ganun pero in Filipino!" tumatawa niyang sabi. 

Sa ilang taon ko talagang nakasalamuha si Ashriel na Englishero at si Jiro na nauna nang nahawa sa kaniya, ang dami nilang naimpluwensiya sa akin. Pero ako pa rin naman 'to. Makata kung magsalita, sabi pa nga ni Lola.

"You're welcome." ngumiti siya nang humupa na ang pang-aasar niya. 

Alam kong palagi kong iniisip na kakayanin ko naman mag-isa, pero sa panahon na ito, parang ikababaliw ko na kung wala akong makakasama. Palagi ko siyang pinapaalis, dahil ayaw ko na abalahin pa siya, pero hindi niya ginawa. 

Nandito si Elron, at iyon siguro ang dahilan kung bakit nakatatayo pa ako.

Hindi ko kailangan ng maaasahan, kailangan ko lang ng makakasama habang sinusubukan kong kayanin. Hindi rin tulad ng dati na mahihila ko si Ryone sa kung saan-saan, abala rin iyon sa buhay niya, lalo na sa law school.

Kinabukasan ay ang totoo na talagang unang araw ko sa trabaho. Pagpasok ko sa floor kung saan ang department namin ay lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makitang may malaking barandilya roon para sa pagtanggap sa akin. 

"Welcome aboard, Miss Salonga!"

Ang mga officemate ko ay malalaki ang ngiti sa akin. Isa-isa silang nagsilapit sa bawat hakbang ko upang magpakilala. Nasa likod ko rin pala si Elron, "Nagpapa-good shot na sa boss."

Halos kalalakihan ang nagpakita ng interes sa pagdating ko. Ang iba naman ay parang hilaw ang mga ngiti habang kinakamayan ako. 

"Congrats, Trey!" malawak ang ngiti ni Angel nang binati niya ako nito. Ibang-iba sa pinakita niya sa akin kahapon. Natigilan ako sa paglalakad at tiningnan siya.

"Thank you?" hindi ko siguradong sabi. 

Sumulpot si Elron sa pagitan namin. "So? Reunion 'to, ah? Why not grab a drink later?"

"Sure! Name the time and place, I'll be there!" si Angel ang sumagot, nakakapit sa braso ni Elron. Tumango na rin ako dahil kahit mas gusto kong manatili na lang sa unit ko't magmukmok, nakakahiya nang tumanggi. Plus, it's Elron. Kahit ngayon man lang ay magliwaliw siya para hindi puro ako ang inaalala.

Nang makaabot na ako sa tapat ng pintuan ng opisina ko ay hinarap ko silang lahat. "Thank you, ha? Sa totoo lang, kinakabahan ako sa trabaho na ito pero dahil sa inyo, pakiramdam ko ay kakayanin ko. I feel welcomed, really. Salamat ulit!" huli kong sinabi bago pumasok.

Umupo ako sa lamesa at nakahinga na nang maluwag. Nakakapagod ngumiti nang matagal. Masaya naman na sa wakas, may mapatutunayan na ako... pero mas masaya kung nandito pa yung nangako na pakakasalan ako kapag mayroon na akong napatunayan. 

At para kanino pa? Wala na si Lola. Wala na si Tita. Wala na si Amiel.

They're all gone. 

Kahit anong pilit ko sa sarili ko na nagbakasyon lang sila at babalik rin, masyadong malinaw sa alaala ko iyong araw na pinili nila lahat na iwanan ako. Gabi-gabi ko pa rin napapanaginipan iyong iyak ni Amiel at ni Lola. Kung paano nila nagawang umiyak sa paglisan sa akin pero hindi nila piniling manatili.

Iniisip ko, kung bang iba ang sitwasyon at may kaya na ako sa buhay, pinili ba nila ako? Kung kasalanan ko ba na wala pa akong maipangsusuporta sa kanila? Saan ba kulang?

Nakakainis. Unang araw ko sa trabaho pero umiiyak na naman ako. 

Hinga nang malalim, punas ng luha. Hinarap ko ang mga papeles, trabaho na naghihintay sa akin. Ito ang mga naiwanan ng pinalitan ko at kailangan ko na raw tapusin ang mga ito ngayong linggo. Wala na dapat akong panahon para umiyak.

"Good afternoon, Miss Salonga." Napatingin ako sa pintuan habang nasa kalagitnaan ng pagtitipa ng dokumento. Sumisilip ang isang lalaking empleyado mula sa department na hinahawakan ko.

He looks so painfully familiar. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakilala.

Tumayo ako para batiin siya. "Ah! 'Wag na po!" nagpapanic na sabi niya kaya hindi ko na tinuloy ang pagtayo. "Yes? How can I help you?" nangingiti kong tanong. 

Pinaglaruan niya ang I.D. niya. "Uhm, ano po kasi- nag-set po kasi sila ng night out mamayang gabi. To celebrate po. Pinapasama po kayo."

"Oh? Pero kasi, sina Angel-"

"Kasama po sila! Pati po yung bagong lalaki, yung Elron po."

Tumango ako. "Oh sige, kitain ko na lang doon ha? Send me the location."

Sumuntok siya sa hangin, sobrang saya na pumayag ako. Natawa ako roon dahil biglang sumeryoso ang mukha niya't namumula nang marealize ang ginawa. 

"Yes ma'am! See you there! Excuse me po," Nagmamadali siyang umalis sa opisina ko.

Mukhang magiging mahaba ang gabi. 

Bago ako pumunta doon sa bar na napili nila ay pumunta muna ako sa unit ko para magpalit ng damit. High waist pants at button down na croptop ang sinuot ko. Isinuot ko rin ang buhok ko sa isang messy bun. 

Thank God for Ryone. Kahit papaano ay naimpluwensiyahan niya ako pagdating sa pananamit nang maayos. Tumingin ako sa salamin, elagante tingnan kahit simple lang.

Sinubukan kong tawagan si Elron pero hindi siya sumasagot. Baka nandoon na siya kaya pupunta na rin ako, baka hinihintay ako nila Angel.

Halos hindi ko gustong iwan ang unit ko dahil nakararamdam na naman ako ng lungkot, pero sa tingin ko'y mas ayos nang umalis at mag liwaliw kaysa umiyak mag-isa rito. 

"Cheers!" sabay-sabay nilang sabi pero hindi ko sila masabayan. Dalawa palang ang shot na naiinom ko pero nahihilo na ako. Wala pa rin sina Elron. 

"Sigurado ka bang pupunta sila?" tanong ko doon sa empleyadong nagyaya sa akin kanina. His name is Cielo. Nakangisi siya ngayon, malayo sa ugali niya kaninang mahiyain. "Yes, they'll be here soon."

"Hindi naman yata sila pupunta." mariin kong sambit. Naiirita na ako dahil sila-sila ang magkakakilala dito, pati mga pinag-uusapan ay hindi ko alam. Wala pa si Elron kaya wala akong makausap.

I am their boss and I am new. I should have known.

Narealize ko lang ang binabalak nila nang lumapit ang mukha ni Cielo sa akin, pero wala na akong lakas para lumaban. Everything was blurry, and I was awake, but I had no control over what I was doing. 

When he kissed me, that's when I finally realized who he was and why he's so familiar. He's the guy Kenjiro beat up because he touched me. I would have pushed him away by now, but I couldn't.

Kinabukasan ay wala akong naaalala sa lahat. Nagising ako sa unit ko na may kaunting kirot ang ulo. Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita kong nakapatong ang ulo ni Elron sa kama ko habang nakaupo siya sa isang upuan sa tabi. 

Hawak niya ang kamay ko kaya nang magalaw ko iyon ay nagising siya. 

"A-anong problema?" tanong ko nang nakitang namumugto ang mga mata niya.

"I'm sorry," Binaon niya ang mukha niya sa kamay ko, hinahalik-halikan ito. Sa hindi malamang dahilan ay kumalabog ang puso ko na sumasabay sa bawat hikbing pinakakawalan niya.

"I wasn't there, Trey. I am so sorry..."

"Anong nangyayari? Elron?"

Inabot niya sa akin ang cellphone niya gamit ang nanginginig na mga kamay. Pilit niya akong tinitingnan sa mata pero hindi ko siya kayang makita na umiiyak, lalo na't hindi ko pa alam ang nangyayari.

Video iyon at halos mapatalon ako sa gulat nang bumungad sa akin ang kumakalabog na tunog roon dulot ng malakas na music. Sa bar kagabi.

Lumipad ang palad ko sa bibig ko sa gulat nang makitang ako ang nasa video, nakapatong sa akin si Cielo at naghahalikan kami. "I-I was clearly drunk," agad kong paliwanag kay Elron.

"You were drugged. I'm sorry. I should have been there but Angel kept me from going! I should have known, Trey!"

Hindi ko na napigilan na sabayan siya sa pag-iyak. Angel. Ang nangyari ay sapat na para husgahan ako ng mga tao at kahit sino'y masasaktan roon. Pero ang isipin na ang taong itinuring ko na kaibigan nang ilang taon ay may kinalaman dito, para na rin akong pinatay. 

"I'm so sorry, Astraea..."

Hinila ko si Elron para yakapin... at para kumuha ng lakas. "It wasn't your fault." bulong ko.

"It wasn't your fault either."

While Cielo was glorified for what he did, I was shamed. It is unfair, but that's reality for you. I couldn't file a case because they all think that I wanted it. 

I lost the job that I deserved, all because my co-workers were envy. They all set me up just for me to lose the only thing that keeps me sane.

Kakayanin ko naman.

Kakayanin ko kung nandito lang sana siya.

Continue Reading

You'll Also Like

18.2K 628 54
[ESCADEJAS SERIES #1] Eros Jaireh Escadejas lives in a world that suits him perfectly, where everything is already laid out in front of him. He was d...
1M 32.5K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
71.6K 2.3K 48
Emory Myrcelle Detera never liked Inigo Rye Uvero. He's playful, he takes life so lightly and he's often seen with different girls. Lahat ng ayaw niy...
246K 3.3K 52
Eliza and Adonis were married by their parents because of business, unbeknownst to Adonis, Eliza had a romantic feelings for him. But Adonis does not...