Before Rosa

Od hyperever

40.2K 3K 1.3K

Best friends Raffy and Sia had a drunken intercourse. This resulted to an unplanned gift of new life -- Rosa... Více

Rosa
Before Rosa
[BR 1]
[BR 2]
[BR 3]
[BR 4]
[BR 5]
[BR 6]
[BR 7]
[BR 8]
[BR 9]
[BR 10]
[BR 11]
[BR 12]
[BR 13]
[BR 14]
[BR 15]
[BR 16]
[BR 17]
[BR 18]
[BR 19]
[BR 20]
[BR 21]
[BR 22]
[BR 23]
[BR 24]
[BR 25]
[BR 26]
[BR 26.5] - an extra scene
[BR 27]
not an update. it's just me rambling.
[BR 28]
[BR 29]
[BR 30]
[BR 31]
[BR 32]
[BR 33]
[BR 35]
[BR 36]
[BR 37]
[BR 38]
[BR 39]
[BR 40]
Epilogue
[BR 29.5] - some extra scenes

[BR 34]

719 58 13
Od hyperever

R A F F Y
Before Rosa 34

○○○

According sa mga chismosa rito sa lamay, binaril si Mayor Alejandro de los Reyes sa simbahan pagkatapos na pagkatapos ng Misa de Gallo. He was dead on the spot. Maliban sa kaniya, wala namang ibang nasugatan o nasawi sa kaguluhan. Ang haka-haka ay sniper ang tumira. Asintado, at sa puso mismo tinamaan.

Habang nagnoNoche Buena ang buong mundo, nagluluksa ang bayan ng Cierra Estrella sa pagkamatay ng lider nila. That's when Sana called Sia.

I can still picture the look on Sia's face when she came back from talking to Sana that night. Ang putla niya, na parang any minute ay matutumba siya. When she told me what happened, I barely heard her. Parang nawalan siya ng lakas at kahit simpleng pagsasalita lang ay nahihirapan pa siya.

I understand her. I've been there. I know that losing a parent is emptiness in the midst of a crowded room.

Ghaaad, bigla ko tuloy na-miss si Tatay. Laging sinasabi ni Nanay, carbon-copy raw ako ng Tatay ko sa hitsura, ugali, at ilang mannerisms, maliban na lang sa bakla ako at ito'y hindi. I'm not sure what Nanay meant about that, I never got to know. Namatay si Tatay, grade six ako. I knew him only as a father, but not as a person. I don't know the things we share, or if we really had those similarities Nanay said we have. 

But still, his death broke something inside me.

Ano pa kaya kay Sia na umabot ng 26 years ang pagkakakilala niya sa Papa niya. Naging maganda man o hindi ang pagsasama nila ay nakasama niya pa rin ito nang mas matagal.

Now, back to the chismisan ng mga Marites sa lamay na 'to. Umagang-umaga, nakatambay na sila at nakikikape rito kina Mayor. Buti't welcoming ang Mama ni Sia. Pinapasok sila as early as 4am -- oras ng paggising ko dahil namahay ako. 

Iniwan kong tulog na tulog pa si Sia. Hindi ko na muna siya ginising dahil kailangan niyang matulog at magpahinga. Bumaba na lang ako para magkape, at ito nga ang naabutan ko - Chikahan sa Lamay, Episode 3, dahil mukhang tatlong araw na silang pabalik-balik rito.

Ginalingan ko ang pakikinig habang nagtitimpla ng 3-in-1. May tatlong Marites ang nagchichikahan sa balkonahe, dalawang nakaupo at isang nakatayo. Pasimple lang ako sa side table kung saan nakapatong ang mga kape, ilang mani, dalawang plato ng puto, at ang dispenser.

"Ay, ako, natatakot na 'ko. Pa'no na lang kung may biglang bumaril sa kung sinong kapamilya ni Mayor dito? Naku," ani Marites 1, iyong nakaupo sa kaliwa. Natatakot daw siya pero nakade-quatro pa habang nakaupo, na akala mo'y sa kanya 'tong balkonahe na 'to.

"Huwag ka nga," sita ni Marites 2, iyong nakaupo sa harap ni Marites 1. Kinuha nito ang tasa ng kape na nakapatong sa coffee table at uminom doon. "Baka marinig ka ni Madam Alice. Mamaya, paalisin tayo rito."

Pasimple akong umirap habang hinahalo ang kape. Nakatalikod si Marites 3 sa akin pero kita ko ang posisyon niya. Nakahalukipkip siya pero iyong kanang kamay niya'y may hawak na tasa. Uminom siya mula roon. "Ang iniisip ko, sa totoo lang, ay kung sino ang hahalili kay Mayor ngayon. Batang bata pa 'yung anak nilang lalaki."

"'Yung bunso?"

Tumango si Marites 3.

"Eh may dalaga naman si Mayor, ah?" paka-helpful na dagdag ni Marites 2. "'Yung Professor sa Maynila. Si--"

"Alesia?" 

"Ayun."

Natigil ako sa paghalo. Nakita kong nag-tinginan ang mga Marites, tila nagtetelepathy. 

"Buntis 'yun. Hindi 'yun papayag," bulong ni Marites 1 na may paglapit pa sa ibang Marites para siguro isekreto ang pinag-uusapan nila.

Umiwas ako ng tingin pero nakikinig pa rin. Parang gusto kong pasuin ang mga dila nila sa hot water ng dispenser. Gigil nila 'ko.

"Sa Oktubre pa naman ang filing. Sa tingin ko ng tiyan noon, ilang buwan na lang ang hinihintay."

Pasimple akong uminom sa tasa para tikman ang kape. Kinonsider ko ang sinabi ni Marites 3. Oktubre ang filing. By that time, 8 months old na ang baby girl namin. Tapos, next May ang election.

"Tingin mo, 'yun ang dahilan kung ba't umuwi 'yun?" tanong ni Marites 1, dahilan para mabulunan ako sa iniinom po. Agad kong tinakpan ang aking bibig at ginawa ang lahat para lumikha ng ingay.

Urgghhh. Pumasok sa ilong ko ang kape. Langya.

Pero mas masakit sa utak ang tanong ni Marites 1. Okay lang ba siya? Hindi ba niya naisip na baka kaya umuwi si Sia ay dahil PATAY ANG PAPA NITO?! at wala itong kung ano mang political agenda?! Mayghaaaad.

"Walang kasalanan ang dispenser sa 'yo," ani ng pamilyar na boses sa tabi ko. Hindi ko namalayang ang sama na pala ng tingin ko sa water dispenser na nasa tabi. Iniwas ko ang aking tingin at tiningnan kung sino ang nagsalita. Umirap na lang ako nang makilala ang bulawang buhok nito.

"Bea," I said, a tinge of dread in my tone.

"Annyeong, Oppa," nakangiting bati niya. "Kailan kayo dumating?"

Pinanuod ko siyang kumuha ng cup at 3-in-1 coffee. "Kagabi."

Tumango siya. "Si Mayora? Tulog pa?"

Tumango ako. Nang tumango rin siya at hindi na nag-salita ay bumalik ang atensyon ko sa usapan ng mga Marites. Pinagdedebatehan na nila kung si Sia ba o ang Mama nito ang kukuha ng posisyon. It's either one of them, or the line of Mayors from the de los Reyes family stops now. Kung ganoon, hindi raw nila alam kung sino ang iboboto. Wala raw kasi silang tiwala sa ibang linya ng kakandidato.

"Kukunin 'yun ni Mayora," ani ng katabi kong tumitikim na sa kapeng tinimpla niya. "Sigurado ako."

Nilingon ko siya at tiningnan nang masama. "Hindi ka sure. Huwag mo ngang pangunahan si Sia."

Nilingon niya rin ako. She's pouting when she said, "Pero nagpromise ka, 'di ba? Sabi mo, hahayaan mo si Sia na i-fulfill ang destiny niya. Huwag kang KJ."

Umirap ako. Akala niya naman ikina-cute niya ang pagpout. Iba pa rin kapag si Sia ang ngumunguso nang ganiyan. Huwag nga siya.

Pinadaan ko ang aking kamay sa 'king buhok at tiningnan siya nang maayos. "First of all," sabi ko, "hindi ako nagpromise. 'Di ba't sabi ko sa 'yo, wala akong say sa mga desisyon niya. If she decides to do it, wala akong karapatang pigilan siya."

Bea nodded, as if considering my argument.

"Second of all," patuloy ko. "I don't think Sia is the type of person who'll leave everything behind just to fulfill a childhood dream. Lalo na kung hindi niya naman gusto na ang mga taong makakasalamuha niya."

As I saw it, Sia hates being in Cierra Estrella. She never talked about this place, or the people in here. She dreaded each time we come here. I can't imagine her actually wanting to stay here for good.

Ngumuso si Bea habang nag-iisip nang malalim, though napaisip ako kung gaano kalalim ang abot ng isip niya. (Oops. Sorry, that was mean. Gigil lang talaga 'ko sa babaeng 'to ever since. Pagpasenyahan.) Nang mukhang nakuha na niya ang sagot, umangat ang tingin niya sa 'kin.

"Unang-una," aniya, "pa'nong wala kang say sa decisions niya eh 'di ba't boyfriend ka niya? Huwag mong sabihin break na agad kayo. Ni hindi pa nga kayo nagto-two months--"

Kumuha ako ng puto at pinasok 'yun sa bibig niya nang matigil siya kadadada. "Ako talaga, gigil na 'ko sa 'yo. Simula pa lang."

Sinamaan niya lang naman ako ng tingin habang nginunguya ang sinubo ko.

"Hindi kami break." Umirap ako at nag-flip ng imaginary hair for effect. Naglakad ako palabas ng balkonahe dahil ayaw kong marinig ng mga Marites ang sinasabi ko. Sumunod naman si Bea sa 'kin papunta sa metal na swing chair sa malawak na front yard ng mga de los Reyes.

"Pero kahit pa majowaels kami," patuloy ko sabay upo. Umupo naman si Bea sa harap ko. "Wala akong say sa plans niya sa buhay dahil dapat, ang priority ni Mameh ay life niya, family niya, at ang baby namin. Ako, support ako. She can consider me sa decision making niya pero hindi ko siya didiktahan. Okay?"

"Martyr," bulong ng babae sabay lulon ng kaniyang kinakain. 

Hindi ko na lang siya pinansin. Nagde-quatro na lang ako at tumingin sa malayo, sa balkonahe kung saan nagchichikahan pa rin ang mga Marites ng Cierra Estrella. Inisip ko kung tapos na ba silang pag-debatehan ang susunod na Mayor ng Cierra Estrella. Kung ganoon, sino ang nanalo?

To be honest, natatakot rin akong malaman. I'm kinda hoping Sia considers me, kahit slight lang. Kapag kasi kinuha niya ang posisyon, malalagi na siya rito. Eh may trabaho ako sa Manila. Hindi pwedeng basta na lang akong aalis doon. Also, our kid. How do we raise the baby if she's here and I'm in Manila? Iniisip ko pa lang, sumasakit na ang ulo ko.

"Hipokrita," comment ni Bea mula sa harap ko. Lumingon ako at pinag-taasan siya ng kilay.

"Haba ng speech mo tungkol sa --" she made face and mimicked my voice, " 'wala akong say sa desisyon ni Sia,' pero 'yung mukha mo, halata namang problemado."

I glared at her. "Real talk ategurl: pwede akong kabahan sa desisyon niya while at the same time, hahayaan ko siyang mag-decide mag-isa. Allowed 'yun. Tao lang kems. Kinakabahan din."

Bea shrugged. "Okay."

I eyed her. Pinanuod ko siyang uminom sa kaniyang kape. I didn't believe that she'll let me go that easily. Nakararamdam ako ng "pero".

And, of course, I wasn't wrong. Kasi pagkababang-pagkababa niya ng kaniyang cup ay nagsalita na ulit siya. "Pero anong gagawin mo kapag nag-decide si Sia na tumakbo?"

Tiningnan ko siya nang masama. "Anong gagawin mo kapag sinampal kita?"

Naaaliw na umiling si Bea sabay sabing, "Tsk tsk tsk. Oppa needs to chill." Mukhang natuwa pa siya sa pag-trigger niya ng dragona sa loob ko.

I didn't answer. Ibinaba ko na lang muna ang cup sa upuan para magamit ko ang aking kamay pandukot ng cellphone na nasa bulsa ko. 

"May nahulog," ani Bea. Tinuro niya ang isang green na papel sabay pulot noon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marealize kung ano 'yun.

Ang note ni Dino.

"Akin 'yan--!" aagawin ko sana pero nabuksan na ni Bea.

"Dino?" Mula sa papel, inilipat niya sa 'kin ang kaniyang tingin. Dahan-dahan, mala-slowmo, na lumaki ang kaniyang mga mata. She opened her mouth to say something but no words came out.

"Amin na--" I reached for her, which caused for the swing to move. Nagalaw ang cup ng kape at muntik nang matumba kung hindi ko ito naagapan.

While I was busy with my coffee, though, Bea had the time to leave the swing and gape at me from distance. "Last chance, Raffy."

Literal hairs on my arms stood up when I heard what she said. Binabasa niya nang malakas ang note.

"Last meeting. Valentines next year. Sa usual. The usual. - Dino."

Bea and I locked eyes. Sobrang laki ng mga mata niya. Hula ko'y kasing laki na ng kwek kwek. Sarap tusukin.

"Are you cheating on Sia?" she asked and gasped, again, putting a hand over her mouth. Sana may mahigop na langaw, isip ko. But sadly, mukhang wala. Nagpatuloy lang siya sa paghy-hysterical. "Omo. Traydor kaaa!"

Tinungga ko muna ang kape para wala nang matapon bago ako tumayo at hinabol siya. I tried taking the note back from her but she kept running away. Para kaming mga batang naghahabulan dito. Buti na lang at wala pang masyadong tao at nawala na rin ang mga Marites sa balkonahe. Baka may almusal na sa kusina kaya pumasok na sila.

"Akin na nga!" sigaw ko kay Bea. "You've got it all wrong!"

"Unang-una, laking kalye ako, Raffy. 'Di mo 'ko mahahabol, ga'no ka pa katulin tumakbo. Pangalawa, kung mali ang iniisip ko, edi ano ang tama? Bakit ganito ang nakasulat? Ang tagal pa ng Valentines day pero may plano na kayo." Tumigil siya ilang metro ang layo sa 'kin. Umiiling-iling siya na parang disappointed siya sa 'kin. "All this time I was kind of rooting for you." 

"Kind of lang?" humihingal kong tanong. Tumigil din ako at humawak sa 'king mga tuhod. Feeling ko'y mauubusan na 'ko ng hininga. Pero nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Hindi 100%? You're telling me, you had doubts?"

Umirap si Bea. "Syempre, hindi naman tayo close, noh. Aigooo."

Napanga-nga ako sa sinabi niya. "Pero ang lakas ng loob mong pagpromise-in ako--"

"Na hindi mo naman ginawa," agap niya.

"Still!" giit ko. Tinuro ko siya habang ang isa kong kamay ay pumunta sa 'king dibdib. Napagod ako katatakbo, shet. "Lakas mong magpa-promise, wala ka naman palang tiwala sa 'kin."

Nagpameywang siya. Parang hindi manlang siya napagod sa habulan namin. "Osige. Sabihin mo nga sa 'kin. Kung ikaw ang nasa posisyon ko ngayon, pagtitiwalaan mo rin ba ang sarili mo?"

Ngumuso ako. "Malamang sarili ko 'to, ba't 'di ko pagkakatiwalaan?"

Lumapit siya at binatukan ako -- well, the most effort a short girl like her can do to slap my nape. Tapos, maliksi siyang lumayo. "Sinabi kong isipin mong nasa posisyon kita! Gaga!"

Napaisip ako. Nang maisip ko na'y hindi ko siya matingnan sa kaniyang mga mata.

"Kita mo," ani Bea. Iiling-iling siyang lumapit ulit sa 'kin. She took my hand and slapped the note into it. "Geulaeseo, huwag kang pa-pout-pout kapag pinili ni Mayora na tumakbo."

○●○

Sia and I barely saw each other the whole day. She was mostly with her mom and sister, talking about funeral stuff and other family related concerns. Nanatili akong espiya sa mga chismosa ng bayan. I would talk to some, ask few questions. Chinichika rin nila 'ko pero dahil hindi naman nila 'ko kilala ay wala silang napipiga galing sa 'kin. I had the upperhand.

Napag-alaman kong hindi lang ang mga Marites kaninang umaga ang nag-iisip na magja-jack and poy ang mag-ina sa posisyon ng yumaong Mayor. And most of them actually want it to happen, na isa kina Sia at Madam Alice ang tatakbo next election. I didn't realize that their family has this much influence. Dala rin siguro ng ilang henerasyon ng lider na nagmula rito.

The only time Sia and I finally had time together was bedtime. Naabutan ko siyang nagsusuklay sa harap ng study table nang pumasok ako sa kuwarto. Mukhang kaliligo niya lang. Lumingon siya sa 'kin nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. 

"Hi," bati ko.

She gave me a weary smile. "Hi."

I spread my arms and asked. "Hugs?"

Sia pouted a little. "Maligo ka muna. Buong araw kang nakipag-chismis sa mga bisita namin, ni hindi mo nga 'ko nilapitan."

"Running for Ms. Congeniality kasi ako, ano ka ba," biro ko. I went to my bag and took a change of clothes. "Tsaka, mukhang busy ka kaya hindi na kita nilapitan."

Tumango siya. "Oo na. Bilisan mo nang maligo, kundi tutulugan kita."

"Okay, okay," natatawa kong sabi. "Wait lang."

Mabilis nga akong pumunta sa banyo at nag-ayos ng sarili. Paglabas ko, wala na si Sia sa dati niyang posisyon. Nasa kama na siya, nakahiga habang nagsecellphone. I slipped in next to her.

Agad na tinabi ni Sia ang kaniyang phone pagkahiga ko. She scooted over to me and used my arm as a pillow. I thought, mangangalay ako nito, mamsh. But when she heaved a deep sigh, I stopped myself. Ginalingan ko pa lalo ang pagiging unan niya.

"Mama talked to me," she started, lying on her side, staring at a spot on my chest.

"Mm-hmm," I said, tucking some strands of her hair.

"She wants me to take Papa's position, Raf. Para sa next election."

Napapikit ako. Why does it sound worse when Sia is the one telling me? Parang totoo na kapag siya. Parang hindi na chismis lang. 

"Narinig ko nga." 

Tiningala niya 'ko. "Saan?"

I shrugged. "Sa mga chismosa ng bayan? It's all I heard from them the whole day."

Napapikit si Sia. "Wala talagang ibang magawa ang mga tao rito. Jusko."

"But... uhm... are you..." 

Dumilat si Sia, dahilan para magtama ang aming mga mata.

"Are you gonna do it?" I finished.

Sia avoided eye contact. A bad sign, I thought. When someone avoids eye contact, that always meant I won't like what they're planning.

Napapikit na lang din ako. Minura ko si Bea sa isip ko, naiinis na baka nga tama siya.

To be continued...

note --
How's your 2021 so far?
-A.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

1.3M 39K 57
Alexa Isabelle D. Rosales Story
39.8K 2.1K 49
- THE QUEER SERIES 1 - A Dare that made two person meet. A Dare that made both of them fall in love. A Dare that made them realize how much they love...
713K 21.8K 31
Perfectly In Love With My Gay Husband Written By: YooAckerman Prologue: Isang baklang boss na ubod ng sungit at pilit ginagawang lalaki ng kanyang pa...