Just a Friend (On-Going)

By 2Tarts

1.2K 187 124

Story partially experienced by the Writer. Started 12|08|20 (ONGOING) More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 5

83 13 9
By 2Tarts

"Persuasive text comes in a form of argument, review, advertisment and disposition. It is used to convince people to agree with our facts, share our values, accept our arguments and conclusion and lastly, adopt our way of thinking"

Isang linggo na ang nakakalipas ng pumunta sila sa bahay at isang linggo na din matapos ko masilayan ng solo ang ngiti niyang kay tamis na akala mo ay may napagtagumpayan.

Klase ngayong ng aming amazonang guro na si Ms. Allen at kasalukyang nagtuturo tungkol sa kung paano ka mangungumbinsi ng tao.

Hindi ako nakikinig sa kaniyang itinututo sapagkat nabasa ko na ang tungkol dito. Mahilig kasi ako magbasa ng mga libro kung kaya kapag may bakanteng oras kami ay nagpupunta lamang ako sa library at doon uubusin ang nalalabing mga oras.

Naalala ko kinabukasan matapos sila magpunta sa bahay binigyan ako ni Kyle ng isa pa sa paborito kong pagkain. Sinabi ko nga na hindi na dapat siya nag-abalang abalahin ang kaniyang ina upang ipagluto ako ng pagkain ngunit ayaw niya.

"Pambawi ko iyan sa iyo kasi ako nilutuan ni Tita ng paborito ko kaya bilang kapalit nagpaluto din ako kay mommy ng paborito mo"

Pagkakatanda ko sa eksantong sinabi niya habang iniaabot sa akin ang pagkain.

Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin kaysa ako ay kulitin pa ni Kyle maghapon.

"Bro, makinig ka kaya. Pag ikaw nahuli ni ma'am tatawanan kita" sabi ni Ced.

"Ok lang, alam ko na din naman iyan kasi nabasa kona noong nagpunta ako sa library noong isang araw"

Sagot ko kay Ced na hindi manlang ako tinignan.

Minsan nga naiisip ko paano niya nagagawang mag focus sa dalawang bagay ng sabay.

Tandang-tanda ko pa noong nanood kami ng katatakutan sinagot niya din ako nang hindi manlang tinitignan.

"Mr. Maño, pls stand up" pag-uutos nito kay Kyle na dahan-dahan namang tumayo at mapaghahalataang kinakabahan.

Takot ito, panigurado! sabi ko sa aking isip.

Makikita mong nagpapawis ang noo nito kaya't madali kong nasabi na kabado ito, idagdag mopa na kinatatakutan ni Kyle ang teacher naming ito.

"Ako po?" kabadong tanong ni Kyle habang papatayo.

"Yes. If you would selling something, how are you going to make your customers buy your products?" diretsang tanong nito.

"I-I'm going to ask t-them to buy" nauutal na sagot ni Kyle na halos hindi makatingin kay ma'am na ngayo'y nasa gilid nito.

"I know. What I mean is how will you make them buy at you" dagdag nito sabay kuha ng pamaypay sa bulsa.

"I-I---"

Hind ko na pinatapos si Kyle magsalita at agad ako nagtaas ng kamay upang saluhin ito.

Nakakaawa na kasi ang kaniyang itsura. Pawis na pawis na at panay ang pag kutkot nito sa kuko ng daliri kaya bago pa maubos ang kaniyang kuko ay agad na akong sumaklolo.

"Ms." sabi ko habang nagtataad ng kamay.

Agad akong tinignan ni Kyle at nagsabi ng pasasalamat ngunit walang tunog sa pagliligtas ko rito.

"Yes, Mr. Mortel?" mataray na sabi nito. Kung iba ang nakatayo ngayon at hindi ako siguradong manginginig na ang mga tuhod nito ngunit iba ako. Hindi ko talaga alam kung bakit imbis na takot ay paghanga ang nararamdaman ko rito.

"Can I answer Mr. Maño's question?" magalang kong tanong at tinanguhan nito.

"If I will sell something, It is given that you want them to buy, but aside from asking them to buy I should also include the content of my product, so as how effective it is" diretso kong sinabi sabay upo.

Naibsan naman ang muka ni Ms. Allen at saka pinaupo si Kyle.

"Yabang" mahina ngunit rinig kong bulong ng katabi kong si Ced.

Hindi ko na lamang siya pinansin at hinintay na matapos ang pagtuturo.

Bagot na bagot akong naghintay matapos ang pagtuturo ni Ms. Allen kaya't minabuti ko na lamang na maghanap ng maaaring magawa sa aking bag ng hindi nahahalata ni ma'am.

Kinuha ko ang aking bag at dahan dahan itong bibuksan upang hindi makagawa ng anumang tunog na maaaring makakuha ng atensyon ni ma'am.

Konti pa!

Pagkatapos buksan ng dahan-dahan ay pasimple ko namang idinausdos ang aking mga kamay papasok sa aking bag.

Kapa dito, kapa doon ang aking ginawa. Kahit sa kasulok-sulukan ng aking bag ay aking kinapa sa pag aakalang may makakapang pwedeng mapaglibangan. Maging ang mga bulsa gayundin kahit sa pinaka maliit ay aking hindi pinalampas.

Malapit ko nang maikot ang kabuuan ng aking bag at sa aking huling bulsang kinapa ay mayroon akong naramdaman.

Maliit lamang ngunit matigas!

Nag-iisip ako kung ano ang bagay na iyon. Ayon sa aking pakiramdam, matigas ito ngunit nalulusaw kapag hinawakan ng matagal. May mga bloke din ito na naghahati sa iilang parte.

Dahan-dahan at maingat kong iniangat ang bagay na iyon at ng aking makita ay lubos na nasiyahan.

Chocolate! Tamang-tama pang pa wala ng kabagutan!

Akin itong binuksan ng marahan upang hindi makagawa ng kahit anong ingay.

Ng mabuksan ko ang kapirasong parte ay agad akong pumilas ng isang bloke.

Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Clear!

Pag-iinspeksiyon ko sa paligid at nang matiyak na walang maaaring makakita ay dali-dali ko itong isinubo at saka nginuya.

Ansarap!

Habang ngumuya ay naisip ko kung kanino ba nang galing ang chololate sa aking bag gayong wala naman akong natatandaan na bumili ako nito o may nag-bigay.

Hinayaan ko nalamang ang isiping iyon at ipinagpatuloy ang pagkain sa chocolate.

Mangangalahati na ang oras ng pagtuturo ni ma'am at halos kalahati nalang din ang natitirang parte ng chocolate kaya hinati ko ito sa dalawa upang maibahagi sa dalawang kaibigan sa aking magkaibang gilid.

Dahan-dahan at pasimple kong inabot ito sa kanila ng nakaharap sa unahan.

"Kainin nyo"

Bulong ko habang inaabot sa kanila upang magising ng matamis na chocolate ang kanilang diwa. Agad nila itong kinuha at pasimple ding nilantakan.

Sa pagbigay ko ng chocolate sa dalawa sila ay ginanahan kaya't hindi na sila inantok pa.

Kakatapos lamang magturo ng aming ikalawang guro matapos si Ms. Allen.

At kasalukuyang palabas na ng classroom ngunit kami ay pinigilan ni Lette dahil may iaanunsyo daw siya.

Agad kaming nagsibalikan sa kaniya kaniyang upuan upang marinig ang kaniyang anunsyo.

"Good morning students, this is Jacob, Students Council President. I just want to orient you all that there will no afternoon class because there will be club registration and audition for each and everyone" basa ni Lette sa sulat na kaniyang kinuha matapos ipatawag lahat ng presidente ng bawat classroom.

Bulong-bulungan ang inanunsyo ni Lette at maririnig mong nagdedesisyon na ang iba sa kung anong club ang sasalihan nila.

Hindi na ako nag abala pang nag-isip ng sasalihan gayong ang aking sasalihan din nama'y ang aking sinalihan mula ng ako ay dito mag-aral.

"Angella, 'sang club ka?" tanong sa kaniya ni Ced.

"Kani-kanina nag-iisip ako ng maaari kong salihan. Yung ni minsan dikopa nasubukan kaya ayun ang napili ko" sabi niya habang nag-aayos na upuan.

Maldita minsan, ngunit madalas mabait at maasahan.

Isip ko habang inoobserbahan si Angella sa pag-aayos ng upuan.

"Si Anne, ano ang kaniyang sasalihan" tanong naman ni Kyle.

"Sa totoo lang hindi ko inaasahan na doon siya sasali gayong napaka mahiyain niya. Pero alam ko namang kaya niya makapasok doon dahil minsan nung mga bata pa kami nakita ko na siyang magpakitang gilas" sabi ni Angella na nasa pinaka huling upuan na.

"Saang club?"

"Music club!" masaya nitong sabi.

Inilibot ko ang aking mga mata upang hanapin siya at nakitang masayang nakikipag-usap sa iba.

"Nice!" sabay na sabi nila at nag apir sabay tingin sa akin.

"Oh, bakit?" maangas kong tanong sa kanila.

"Wala naman" sagot niya ngunit hindi ako kumbinsido sa kaniya na kung makangiti ay parang tanga.

"Kayo ba?"

"As usual naman, Angella" sagot ko rito.

"Talaga?! Edi magkakasama pala tayo kung gayon!?" masaya nitong sabi.

Tapos nang magligpit si Angella sabay kuha sa bag at tawag kay Anne upang maka punta na sa canteen.

At nang papunta ay rinig na rinig ko pang tinanong ni Kyle at Ced si Anne kung totoo ngang sa Music Club siya sasali na sinang-ayunan naman ng isa.

Aking siyang tinitigan mula sa likuran at inaral ang kaniyang postura.

Madaming nagbago sa kaniya nitong nagdaang bakasyon. Pumayat siya ng kaunti na bagay sa kaniya at mas lalong nagpaganda ng kaniyang hubog na marahil dulot ng kaniyang pagtatrabaho. At mas lalo siyang namuti kung kaya't maihahalintulad mo na talaga siya sa mga chinesse sa ibang bansa sa kaputian. Maputi ako sa aming lahat pero mas angat siya. Napansin ko din na mas lumaki ang kaniyang---

Hindi kona natapos aking naisip matapos malaman kung saan ito papunta kaya minabuti kong mauna upang hindi siya ang makita.

Kararating lamang namin sa aming lamesa dito sa canteen at nagprisinta na ako ang o-order para sa aming lahat.

Sinabi kong libre kona sa Anne ngunit ang mga kaibigan kong timang parang ewan kaya hindi na ako nag aksaya pang magpaliwanag upang sabihing pang bawi lang kay Anne para sa nakaraan.

Kaya hindi ko na sila isinabay kaya ngayon ay kasabay ko silang nakatayo at nakapila at maririnig mong nagtatalo ang dalawa.

"Ikaw kasi inasar mopa. Libre na naging bato pa!"

Sumbat ni Ced sa isa na akala mong walang pera gayong sa aming tatlo ay siya ang pinaka mapera.

"Diko mapigilan e. Sorry na!"

Sagot ng isa.

Matapos makabili ay saka kami nag-balik sa aming lamesa.

Inilapag ko ang pagkain na nabili ko para kay Anne at kaniya namang nginitian at nagpasalamat.

Habang kumakain ay hindi nakatakas kay Angella na itanong kung bakit napili niyang sa Music Club sumali gayong mahiyain itong tao. Nakikipag-usap at tawanan ngunit sa kakilala lamang.

"Akalain mo iyon, sa hinaba-haba ng panahon na hindi kita narinig na kumanta. Ngayong grade-10 pa na mas hindi ko inaasahan na maririnig ka. Hindi nako makapag hintay na mag tanghalian" masayang sabi ni Angella na parang kinikilig pa.

"Bakit mo nga pala naisipan?" dagdag na tanong niya pa.

"Wala lang. Na mi-miss ko na rin kasing kumanta at isa pa para makasama ko kayo. Paniguradong may tiyansa na magkasama sama tayo sa isang proyektong lima"

Iniisip ko na kung paanong kung sakali ngang magkasama kami sa proyekto at magkatambal pa.

Sa ilang taong kong pag sali sa Music Club ay puro pang dalawahang tao lamang ang aking napaparesan kaya maaaring magkatambal kami kung gaya nga ng sabi ni Angella na mahusay ito sa pagkanta at may napakalaking tiyansa na mangyari nga ito.

"Edi masaya lalo iyon!" masayang sabi ni Kyle.

Excited nako para mamaya na kinakabahan na baka mas lalong mahulog kapag siya na ang sumalang na kahit pa hindi para sa akin ay baka angkinin ko lang.

Hindi na namin inaksaya ang nalalabing oras sa pag-uusap sa kung anong maaaring maganap mamaya at tinapos na lamang namin ang aming pagkain at saka nag-balik sa classroom upang mag-aral.

To be continued.....

*****************************************
2Tarts
Just a friend

Continue Reading

You'll Also Like

188K 20.1K 56
"කේතු දන්නවද මම කේතුට කොච්චරක් ආදරෙයි කියල ?" "හැමතිස්සෙම වචනෙන් නොකිව්වත් සර්ගෙ ඇස් මගේ ඇස් එක්ක පැටලෙනකොට ඒ දිලිසෙන ඇස්වලින් මට පේනවා සර් මට කොච්...
14.7K 1.4K 17
" ඇයි අයියෙ ඔයා කොයි වෙලෙත් මාව සුදු අරලිය මලකට සමාන කරන්නෙ.." මං අයියගෙ මූන දිහා බලන් අහනකොට එයා මගෙ ඇස් දෙක දිහා බැලුවා.. මගෙ අයියගෙ මූනෙ ඇඳිලා තිබ...
41.2K 41 89
Stories you love to read by yourself. SPG. For offline reading. *All about: DXD | Non-Human
8.9K 1.2K 46
"මම අර වගේ ආදරෙයි ,මේ වගේ ආදරෙයි කියන්න මම දන්නේ නැ..එත් මම ආදරෙයි ....ආදරෙයි ..එච්චරයි ..."