Promises Etched in Poetry (Ar...

By aLeiatasyo

15K 762 1.6K

Being madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up every... More

Promises Etched in Poetry
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Unang Tula
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Ikalawang Tula
Chapter 21
Chapter 22
Ikatlong Tula
Chapter 23
Chapter 24
Ikaapat na Tula
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Ikalimang Tula
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Huling Tula
from aLeiatasyo

Chapter 29

210 12 25
By aLeiatasyo

"Take care po, we will miss you here." malungkot kong paalam kay Tita bago siya pumasok sa departure. Nakayakap sa mga balikat ko si Jiro at alam kong malungkot din siya. 

Nagpaalam si Jiro sa mama niya in Japanese at ang huli lang ang naintindihan ko, "I love you, ma."

Tita Saki, or Mama Saki as she wants me to call her, has been very, very nice to me. Noong pinakilala ako ni Kenjiro sa kaniya ay hindi man lang niya ako sinubukang iintimidate. Agad niya akong sinalubong ng ngiti.

Sadly, hindi natupad ang hiling ni Jiro. Nagkabati ang mga magulang niya pero hindi tulad ng hinihingi niya. Alam kong masakit pa rin sa kaniya dahil sa ilang taon na pamamalagi dito ng mama niya ay hindi man lang naging sapat para umayos... pero hindi ko sila masisisi. Baka kung ipilit nila ay mahihirapan din sila sa huli, pati si Jiro.

Nang mawala sa paningin namin si Tita ay binaon ni Jiro ang mukha ko sa dibdib niya at binalot ng yakap. Sa paghinga niya palang ay alam kong ginawa niya iyon para itago ang mga luha.

"I'm proud of you." bulong ko nang kumalas at pinunasan ko ang mga luha niya. Nangulila siya sa ina nang matagal mula pagkabata at nakakataba ng puso na naranasan niya muli ang pagmamahal ni Tita sa saglit niyang pag-uwi rito. 

He is loved. Jiro is very much loved by his parents. 

Pagkatapos ng nakakapagod na araw na iyon ay ilang linggo kaming nanatili lang sa unit niya o kaya naman ay sa bahay namin. "Kumain na ba kayo?" tanong ni Tita Ameliora nang dumating siya sa bahay isang gabi at naabutan kami ni Jiro sa sala.

"Opo," si Jiro na ang sumagot. Ang daming nang nagbago. Hindi na ako pinagbubuntungan ni Tita kaya sobrang madalang na lang kaming mag-usap. 

Noon ngang inuwi ko rito si Jiro at unang beses silang magkita ay wala siyang sinabi.

Tumakbo si Amiel papunta sa amin at padarag na kumandong sa akin. "Ouch," inda ko. Hindi na siya baby, kaya ang bigat bigat na! 

He's turning six soon pero syempre, sa mata ko ay siya pa rin ang baby ko. Mas lalong nakikita ang kapogian ni Amiel ngayong lumalaki na siya. Sa daycare niya nga ay ang dami na raw nagkakacrush sa kaniya, sabi ng teacher.

Naku, sasakit yata ang ulo ko nito. Both my boys are girl magnets.

Nag-aayos kasi kami ngayon ng bahay para sa paparating na birthday ni Lola. Graduating na ako at tapos na sa final requirements kaya marami akong oras para tumulong. Si Jiro naman ay may isang taon pa. 

Noong finals ko nga ay kahit hindi kailangan, sinasamahan niya akong magpuyat para daw hindi ako antukin. Unfair daw na siya, tulog na, habang ako ay nagpapagod pa.

"Astraea. Kenjiro. Fetch some groceries first." utos ni Tita nang hindi tumitingin sa amin.

Kinuha ni Jiro agad ang susi ng sasakyan, "Is there something specific we have to get, Tita?" tanong niya na inilingan ni Tita. "Just something to stock up our kitchen."

Napansin ko ang pagkamangha ni Amiel sa kaniya.

All Amiel talks about is Jiro and how cool he is. Hindi ako magtataka kung gagayahin niya na talaga ito hanggang paglaki niya. 

"Hindi ba kayo nagsasawa sa isa't isa? Going four years? Gosh," umirap si Ryone na kinita muna namin bago kami tuluyang namili ni Jiro sa grocery.

Pinanliitan ko sila ng mata, "Bakit? Nigel naman, sawa na yata 'to sayo! Isang taon pa lang kayo, ah!"

"Why? I make sure I keep her entertained."

Tumawa si Jiro sa tabi ko at mukhang silang dalawang lalaki lang ang nagkaintindihan. 

Ry rolled her eyes. Binago sila ng Maynila, pero ang kaartehan nito ay buhay na buhay pa rin. "Pero seriously, how did you stay in love for that long?"

"Always say sorry first," kay Nigel sinabi ni Jiro iyon.

Hinampas ko siya, "Ano? Are you saying na hindi ako nagsosorry?" Totoo naman ang sinabi niya na palagi siyang nauuna magsorry kapag nag-aaway. Minsan nga ay mauuna ang sorry niya bago ang away.

"You cry, then I say sorry." humagikgik siya. Mas naging matipuno ang itsura at katawan niya sa mga nagdaang taon sabi ng mga kakilala namin, pero para sa akin ay parang wala namang nagbago. Baka dahil palagi ko naman siyang nakikita. Magkamukha na nga rin daw kami!

"Magaling 'yan umiyak! 'Wag kang nagpapaloko!" sabi ni Ry.

"I can't stand seeing her cry, and I don't mind having to go after her all the time,"

"Arte talaga ni Trey!"

"Nigel, dati pa ay nagtataka na ako kung bakit ba patay na patay ka dito kay Ry, ngayon ay hindi ko na mawari kung bakit mo pa ginirlfriend!" biro ko.

"Aba syempre, I'm so pretty kaya! Right, Nigel?" 

Humalakhak na naman si Jiro. Inilapit niya ako sa kaniya kahit wala naman nang space, parang hindi pa sapat ang lapit namin. Hinalikan niya rin ang sentido ko.

Dati, akala ko, nagkakasawaan ang mga magkasintahan sa katagalan kaya naghihiwalay, pati mga mag-asawa, pero hindi pala totoo. It's been years, but I'm still deeply in love with this man.

He's matured a lot, and he made me mature too. Pero kaming dalawa ang pinakakilala ang isa't isa, at alam rin namin na sa likod ng maturity ay ang mga puso namin na bata. Hindi namin tinatago ang mga naiisip namin na minsan ay childish talaga, iintindihin pa namin. 

Noong bago-bago pa kami sa relasyon ay madalas ang tampuhan at sa huli ay siya palagi ang nagpapakumbaba. Ngayon ay bago magtampuhan ay pag-uusapan na agad bago pa lumala. Karamihan sa mga away namin ay dahil lang selosa ako, pinagseselosan ko ang mga babaeng lapit nang lapit sa kaniya kahit hindi niya naman pinapansin. We were young then.

Mas importante nang matalo sa pinag-aawayan, wag lang siyang mawala. There are a million things more important than pride, and losing them over it will never be worth it.

One thing I have learned after being in a relationship with him, is to always try to understand. 

Sa susunod ko sigurong buhay ay ipis na lang ako dahil masyado na akong sinuwerte sa buhay ko ngayon. Sige, ayos lang. 

Pagkatapos naming mag grocery ng sandamakmak na stocks para sa bahay at sa party ay pumunta pa kami sa mall para bumili ng regalo para kay Lola. Hawak ni Jiro ang kamay ko na para bang bata akong mawawala kapag binitawan.

"I love you," biglang sabi niya habang tumitingin ako sa mga bag na tipo ni Lola.

"Yeah right," 

Kinabahan yata siya sa sinabi ko kaya hinarap niya ako, "Why?"

Ang mga mata niya ay seryoso akong tinitingnan, at hanggang ngayon ay sobrang napopogian pa rin ako sa kaniya't bumibilis pa rin ang takbo ng puso ko dahil sa kaniya. Buti na lang talaga ay alam ng lahat na taken na siya, wala nang masyadong lumalapit. Iyon nga lang, kapag bagong kakilala ay hinaharot pa rin siya.

Nangingiti kong tiningnan ang magkahawak naming kamay at ang daliri niyang may singsing. Binili niya iyon para sa sarili niya, na kapag daw may lumapit sa kaniya ay ipapakita niya iyon at isipin na kasal na siya. 

"I am so married to you," sabi niya nang mapansin na tinitingnan ko ang singsing.

Tumawa ako at umiling. Not yet, Ji. But we'll get there.

"Bagay ba 'to sa mga damit ni Lola?" tanong ko, ipinapakita ang kulay red na bag. 

Umiling si Jiro, "Try the brown one, mas bagay sa maraming outfit niya."

Minsan ay mas kilala niya ang pamilya ko kaysa sa pagkakakilala ko sa kanila! "Get that one. She'll like it." aprubado naman ang sunod kong kinuha.

Bumili rin siya ng regalo para kay Lola. Alahas naman iyon. Kahit pagalitan ko siya na 'wag gumastos ng ganoong halaga ay tinuloy pa rin dahil personal na regalo naman daw iyon. Sobrang spoiled na talaga nila kay Ji. Lalong lalo na si Amiel.

Pag-uwi namin ay nag-aabang na si Amiel sa gate palang. Bitbit ni Jiro ang lahat ng pinamili namin, may mga naiwan pa sa kotse dahil sa sobrang dami. Ayaw naman ako hayaang tumulong.

"You took too long!" reklamo ng pinsan ko.

"Marami kaming pinamili, Amiel. Binili ka namin ng maraming drinks, kunin mo doon kay Kuya Jiro mo." sabi ko bago siya tumakbo papunta sa kusina. 

Dumiretso ako sa kwarto dahil nahihilo ako sa pagod. Ang lamp lang sa bedside table ang nakabukas. Hay, pakiramdam ko talaga ay malapit na akong magretire dahil sa sobrang aga kong namulat sa buhay. Iilang trabaho na rin kasi ang pinasukan ko para makapag-ipon ulit. Hindi ko sigurado kung para saan ang ipon ko pero para sigurado na.

Natutulog na ako at nagising lang nang maramdamang umuga ang kama. 

"I'm sorry, did I wake you?" bulong ni Jiro na humihiga na sa tabi ko. 

"It's okay," sagot ko sa napapaos na boses. Hinila niya ako palapit sa kaniya para yakapin. Nakatalikod ako kaya mula sa likuran siya nakayakap.

Itinabi ko na ang mga teddy bear ko sa closet dahil may bagong paborito na akong niyayakap. Hindi siya kasing lambot nila dahil sa tigas ng mga muscles nito pero sa kaniya pa rin ako pinakakomportable. Walang nakakasawa sa kaniya.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko.

"Hm, Amiel... movie." na lang ang tanging nasagot niya dahil sa antok.

Kinabukasan ay hindi kami agad nagising. Magtatanghali na nang tumayo ako at iniwan ko pa doon si Jiro, ayaw kong gisingin dahil mukhang napuyat talaga dahil sa movie marathon nila ni Amiel. As expected, maging si Amiel ay tulog pa.

Maingay sa labas dahil sa mga trabahador ng event services. Nagsisimula na silang mag-ayos para sa birthday party mamayang gabi. "Good morning po," bati ko sa isa sa mga iyon habang naglalapag ng juice sa bench.

"Good morning, iha. Salamat dito ha?"

Ang malawak na garden namin ay may mga nakaayos nang magagandang arrangement ng tables and chairs. Engrande ang birthday na ito at ang alam ko ay ang boyfriend ni Tita, tatay ni Amiel ang isa sa mga gumastos.

Nakita kong sumilip si Elron mula sa gate, "Uy, hello! Kailan ka pa nakauwi?" tanong ko habang pinagbubuksan siya ng gate.

"Last week pa, pero nagpahinga muna sa bahay lang." 

"Sakto! Punta kayo rito mamayang gabi, ha?"

"Oo naman. Kumusta ka na pala?"

"Naghihintay nalang ng grad. Kumusta ba sa Madrid?" Pumunta kasi siya doon pagkatapos niyang gumraduate para ituloy pa ang pag-aaral niya. 

"It was fine. Parang namang hindi tayo nagkukumustahan minsan." tawa niya.

Natigil ang tingin niya sa likuran ko kaya napalingon ako doon. Si Jiro na nakasuot pa ng pajama niya na match ng kay Amiel dahil sa request ng pinsan ko kagabi. Kinukusot niya ang mata niyang lumalapit sa amin. 

"Good morning," bati niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi bago humarap kay Elron.

"Wow, going strong ah?"

Jiro's hands snaked around my waist. "Of course. Come to the party later tonight."

Kaalis ni Elron ay pumasok na kami ulit ni Jiro sa loob nang tawagin kami ni Lola. May bumungad na sa amin na almusal doon pero nang makita kong may seafood ay inalis ko agad sa paningin ni Jiro. Kakainin niya 'yon dahil mahihiya siyang tumanggi sa pagkain.

Imbes ay pinangkuha ko siya ng tinapay at inilagay sa toaster iyon. "Wait for one more year, baby. I swear I'm going to make you my wife. I'd live for this view every morning."

"Ikaw yata itong hindi makapaghintay, eh." 

"Oo nga. When I said wait for one more year, I was talking to myself."

Nabulunan ako sa non-existent na iniinom ko dahil sa honesty niya. Sumipsip siya sa kape niya habang unti-unti nang nabubuhayan ng diwa. 

He was far from being a morning person, at least in the past. Magmula noong first year college kami ay nasanay na siya sa akin at nahawa, kaya kahit anong gawin niya ay gumigising na talaga siya nang maaga.

"One year is too early, Jiro. Wala pa tayong trabaho."

"Hmm, alam ko pero gusto ko nang matali sa'yo."

"Matagal mo nang itinali ang sarili mo sa akin!" Halos atakihin sa puso ang mga kaibigan namin sa tuwing sasabihin niyang 'wife' niya ako, eh! Minsan kahit walang nagtatanong ay sasabihin niyang asawa niya ako, lalo na sa mga sales clerk sa mall, o kahit sino. Parang tanga. 

"Eh, kahit na..."

"Halatang in love na in love, 'di mahiya." dinig kong bulong niya sa sarili.

Kung hindi lang talaga nanonood si Lola ay kiniss ko na 'to. 

Nilapag ko ang mga tinapay sa harap ni Jiro at kumain na kami. Tingin siya nang tingin sa akin hanggang sa hindi niya na nakayanan at kinuha ang kamay ko. Hinalikan niya ang ring finger ko.

"Patience, Kenjiro Louis." sabi ko kahit naghaharumentado na ang sistema ko. Hindi rin ako makapaghintay na dumating ang araw na iyon dahil doon din naman talaga papunta lahat ng ito. Siguradong sigurado na siya sa akin, sigurado din naman ako sa kaniya pero...

Gusto ko na may mapatunayan muna ako sa buhay bago iyon.

"I've been very patient, a few more years wouldn't hurt."

"Thank you," for understanding. Palagi 'yan.

"Pero please, 'wag masyadong matagal..."

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.5K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
246K 3.3K 52
Eliza and Adonis were married by their parents because of business, unbeknownst to Adonis, Eliza had a romantic feelings for him. But Adonis does not...
255K 6K 45
Umbrella Garceron was unaware of her selfishness during her juvenility. She was too young to understand it, was her excuse, that's why she kept on do...