Promises Etched in Poetry (Ar...

By aLeiatasyo

16K 856 1.6K

Being madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up every... More

Promises Etched in Poetry
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Unang Tula
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Ikalawang Tula
Chapter 21
Chapter 22
Ikatlong Tula
Chapter 23
Chapter 24
Ikaapat na Tula
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Ikalimang Tula
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Huling Tula
from aLeiatasyo

Chapter 28

241 15 30
By aLeiatasyo

Naging busy si Jiro nang ilang araw sa mom niya at sinisikap niyang isingit sa oras niya ang kitain pa ako, pero ngayong araw ay sabi kong huwag na muna. Magkakasakit siya sa pagod kung magpapatuloy ang set up na ganito.

Susurpresahin ko rin naman siya ngayon. Nasa UGA ako para puntahan siya at ang mga kaibigan namin. Pagkatapak ko pa lang dito kanina ay halos maiyak ako dahil kakaiba talaga ang binibigay na comfort sa aking ng lugar na ito. Tahanan nga naman.

Tanggap ko naman na hindi na ako dito pumapasok. Nakakamiss lang talaga ang mga araw na nandito pa ako, pati ang mga kaibigan ko.

Una akong dumiretso sa building ng School of Nursing and Allied Medical Sciences, dahil nandoon sina Ambrose. Hindi naman ako naligaw dahil kabisado ko ang pasikot-sikot sa sobrang laking campus ng UGA.

Nang makita ko ang matangkad na lalaking naka-unipormeng puti na parang sa nurse ay agad ko siyang nakilala. "Ambs!" sigaw ko habang tumatakbo para yakapin siya.

"What are you doing here?" ang bungad niya sa akin. Ang sungit kunwari pero nakayakap din naman sa akin pabalik! Medyo nakatingkad pa nga ako dahil sa higpit ng yakap niya. 

Namiss ako nito, pero hindi ko muna siya aasarin.

"To congratulate you! Grabe ka,"

President's Lister lang naman siya sa department nila ngayong sem. Rank 1 pa. Naninibago rin ako sa itsura niya ngayon dahil hindi na siya nakasalamin. Natuloy na nga ang eye surgery na sinasabi niya. 

"Ang pogi mo talaga pag walang salamin!"

"Shall I wear one again?"

"Huh? Baliktad nito! Pogi mo nga ngayon!"

"I am so going to wear one again."

Tinawanan ko lang siya at kinulit nang kinulit sa hallway. Nakakamiss naman asarin ang isang 'to. Ginugulo gulo ko rin ang buhok niya. Gwapo nito. Sana naman magkaroon na ng girlfriend para hindi puro aral ang inaatupag.

Nakahilig kami sa may railings habang tinatanaw ang malawak na campus nang lumitaw sina Jiro sa baba. Kasama niyang naglalakad si Ashriel. Itong dalawang 'to talaga, hindi mapaghiwalay.

"Jiro!" malakas kong tawag na nakuha ang atensyon ng marami. Nahiya ako bigla kaya nagtago ako sa likuran ni Ambrose nang kaunti. 

Tumingala naman siya, hinahanap ang boses ko. Nang magtama ang mata namin ay lumawak ang ngiti niya, at ako naman ay nagmadaling bumaba sa hagdanan para puntahan siya. 

Niyakap ko siya nang mahigpit kahit nagkita naman kami kahapon. "Hello, miss," tumatawa niyang sabi habang binabalik ang yakap ko.

"Dude, that's not fair." rinig kong sabi ni Seth sa gilid namin. 

Tumawa ako, "Hindi mo sunduin sa school niya? Itakas mo, sabihin mo kaibigan ka ng may ari."

"Miss mo na agad? Kakakita niyo lang kahapon! Baka masakal," pakikisali ni Kenjiro sa pang-aasar sa kaibigan niya. 

Nanliit ang mata ko at ni Seth sa kaniya. "You were literally just ranting about how you miss Astraea. Like three minutes ago."

Humalakhak doon si Jiro kahit sobrang pula na ng tainga niya dahil sa pagkapahiya. Sus, kung alam niya lang na ako rin ay ganoon. Masasakal ba siya nun? Eh ako, hindi naman. 

Hindi ko napigilan pisilin ang pisngi niya. Ang cute cute mamula! 

Naglilingunan sa amin ang mga schoolmate nila, karamihan ay kababaihan. Nga naman, sobrang tikas at gwapo nila sa mga uniform nila. Si Ashriel ay suot ang sa Architecture. Mayroon siyang parang tube na nakasabit sa likod niya. Doon siguro nilalagay ang plates?

"Saan pala kayo papunta?" tanong ko dahil mukhang papalabas na sila kaninang makita ko. 

"Fetch Lyrica,"

"Susunduin ka,"

Sabay silang sumagot at nagkatinignan pa sila matapos noon. "Lover boys ampota!" si Jiro na mismo ang nagkomento sa kanilang dalawa ni Seth. Tumawa si Seth na sobrang dalang ko lang makita.

"Alright. Una na ako." Hinayaan na namin siya dahil kanina pa talaga siya mukhang hindi mapakali. Halatang miss na miss nga ang girlfriend. 

Yayakap sana ulit si Jiro sa akin pero may tumawag bigla. Sina Keann! Wala pa akong mukhang ihaharap sa kanila pagkatapos ng nangyari noon sa coffee shop. Ngayon ko nalang kasi ulit sila nakita, 'di tulad ni Ashriel na ilang beses ko nang nakasama ulit dahil dikit kay Jiro kapag wala si Nyx.

"Kumusta, Trey? Namiss na kita, ah. 'Di ka na dumadaan sa shop."

Kasama rin nila si Kaius na mag-isang hindi bumati sa akin. Iniiwas niya ang tingin niya sa akin. Problema nun? "Pinagalitan yan kasi ni Jiro." bulong ni Ke.

Bakit naman? Dahil ba nung sa coffee shop? Eh nagsabi lang naman siya ng totoo! At tsaka, wala na sa akin iyon. Masaya na kami ngayon. 

"May lakad kayo? Sama na lang kayo sa amin, Jiro?" yaya ni Ryna, palipat-lipat ang tingin sa amin ni Ji. Papayag naman ako dahil nakakahiyang tumanggi sa mga kaibigan niya pero si Jiro ang tumanggi.

"Next time, sige."

"Okay! Kayo na ang may jowa!" pabirong sabi ni Elyza.

Pagkatapos ng kumustahan ay naghiwa-hiwalay na rin kami. Laking ginhawa na mukhang hindi naman sumama ang tingin nila sa akin matapos kong saktan ang kaibigan. Ayaw ko nang isipin pa ang maaaring sinabi nila nang naiwan doon si Ji na umiiyak.

Hinihila ko si Jiro paikot sa campus nang wala sa sarili. "Trey, baby," pagkuha niya ng atensyon ko nang tumigil siya sa pagpapahila kaya natigil rin ako.

"Ano?"

"My friends love you. If that's what you're worried about."

Ngumiti na ako doon, dahil naniniwala ako sa kaniya. Ako lang talaga ang nag-iisip ng ganoon. Alam ko naman na sobrang babait ng mga kaibigan nila at nirerespeto ang mga desisyon ng bawat isa. 

Hinawakan ko ang patatsulok na mga nunal sa mukha niya at nakiliti yata siya roon dahil hinuli niya ang kamay ko. "Where do you want to go?" tanong niya dahil ang dami naming nakukuhang atensyon dito. 

"Ewan ko, nakakatamad yata."

"Stay in? Order food?" suhestyon niya.

"Saan naman? Hindi pwede sa amin,"

"Sa unit ko, pero magulo, eh. Ayos lang?

Pumayag na ako dahil wala ako sa kondisyon lumabas ngayon. Tsaka lang nag sink in sa akin na unang beses ko nga palang pupunta doon nang nasa harap na kami ng pintuan! Kumalabog ang puso ko dahil sa naiisip ko.

I know Jiro, masyado siyang maginoo at hindi naman pagsasamantalahan ang pagkakataon na ito. Ang kinakakaba ko ay ang mismong sarili ko!

"After you." pinagbuksan niya na pala ako ng pintuan.

Pagpasok ay tumama sa balat ko ang lamig ng aircon, at ang buong lugar ay kaamoy na kaamoy niya. Nakita ko na ito sa mga picture at video pero hindi ko pa rin maiwasan na mamangha sa interior ng unit niya. 

Sobrang ganda at halatang may hired interior designer at architect para dito. Loft style ito, open layout dito sa unang floor. Naupo kami sa malaking sofa, or more like, nakaupo ako habang nakahiga siya. Nasa kandungan ko ang ulo niya.

Alam ko agad ang gusto niya kaya sinuklay suklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. Inaantok siya at parang nahawa ako doon. Ang komportable ng lugar na kahit unang beses ko palang dito ay parang sanay na sanay na ako. O baka dahil kay Jiro ito? 

Tinagilid niya ang katawan niya at naharap sa tiyan ko ang mukha niya, tsaka niya ako niyakap sa baywang. Nangiti ako dahil komportableng komportable kami. Parang perpekto kami sa isa't isa. Everything just feels right.

"Magpalit ka muna ng damit." mahina kong sabi habang pinaglalaruan pa rin ang buhok niya.

"Hmm, ayaw."

Hinila niya ako pahiga at dahil malaki nga ang sofa ay nagkasya kami doon. Siya ang nasa dulo kaya siya ang unang mahuhulog kung sakali. Ang ilong niya ay nasa may pisngi ko, hindi nagtagal ay naramdaman ko sa lalim ng hinga niyang nakatulog na siya.

Hindi kami nagising hanggang sa lumubog na ang araw. Naramdaman ko kanina na tumayo na siya pero sa antok ko ay hindi pa rin ako sumunod, tsaka bumalik rin naman siya agad sa tabi ko.

Pagdilat ko ng mga mata ko ay mukha niyang sobrang lapit ang nasa harapan ko. Ang haba ng pilikmata niya, ang unfair. Ang kapal rin ng kilay. Ang gwapo naman nitong admirer ko.

"Gising na," sabi ko, tapos ay dinampian ko ng halik sa gilid ng labi.

Mukhang kanina pa siya gising dahil nagreklamo lang siya na hindi ko siya sa labi hinalikan. "Oras na, Jiro. Baka hinahanap na ako ni Amiel." 

Wala pa man din si Tita Ameliora kaya masyado nang nasanay sa akin si Amiel. Gusto ko nga iyon eh, pero iba pa rin kapag nanay ang kasama. Alam ko 'yon.

"Okay, okay. Pero kain muna tayo," 

Sermon ang inabot sa akin ni Jiro dahil pizza ba naman ang binili. Sinabi ko naman sa kaniya na bawas-bawasan na ang pag kain niya ng ganito! "Ikaw talaga kapag nagkasakit, sinasabi ko sa'yo!"

"Nasaan na ba 'yung pinamili natin nung isang araw? Niluto mo na?"

Umiling siya. "Hindi... ako marunong magluto." Pagkasabi niya nito ay halos magtago siya sa paningin ko sa likod ng island counter na pumapagitan sa amin.

Pumunta ako sa dambuhalang ref niya na punong puno. May iba't ibang klaseng inumin, pagkain, mga tsokolate at kung anu-ano pa. Nandoon pa rin ang mga ingredients na binili ko nung minsan. Hindi na pwede yung iba pero may mga maayos pa naman.

"Umupo ka dyan, ipagluluto kita."

"But Amiel?"

"Gising pa naman si Lola nyan. We just have to get there before she sleeps,"

Isa sa mga natutunan ko kay Jiro, ay sobrang clingy niya, mapagkakamalan na siyang tarsier. Agad kasi siyang umalis doon sa stool at yumakap sa baywang ko. "Ano ba yang niluluto mo?"

"Chopsuey."

"I don't eat that."

"Wala kang choice! Kaysa naman junk foods ulit!" 

Sinikop niya ang buhok ko at itinali iyon sa isang magulong ponytail. Napangiti ako dahil tinutulungan niya ako sa maliliit na paraan. Kung ganito lang sana palagi kadali ang buhay, wala na akong ibang hihilingin pa.

Tinulak ko siya pabalik sa island counter dahil hindi ako makagalaw nang maayos kapag sobrang lapit niya. Imbes na makapagluto ay nadidistract ako sa kaniya! 

"See, kinakain mo naman pala. Puro ka arte." sabi ko nang naubos niya ang niluto ko. 

"Minsan lang ako makakain ng pang-taong pagkain, pagbigyan mo na,"

Pagkatapos naming kumain ay nakalimutan ko nang umuwi dahil nagkuwentuhan kami sa sala habang kumakain ng prutas. "Anong sabi ni dad mo?"

"He said he'll find time to come home, I'm really hoping they get back together, you know?" sabi niya. Nakaupo siya sa carpet habang ako ay nasa couch. Hinahaplos ko ang likuran niya.

"Kung sa tingin mo ay may chance pa sila, baka mayroon talaga. Maghintay ka lang."

"I was deprived of a happy childhood because of a broken family, hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit nagka ganoon, pero still,"

I know, Jiro. You and I both want our parents around, but there is a big difference. Your parents want you, while I... my parents don't. 

"Really, I want to see them together. I may have grown up but the child in me is longing for that kind of family."

"Me too," sabi ko.

Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya para matigil na siya sa pag-iisip. Mapapagod lang siya sa pag-aalala ng mga mangyayari... at alam kong alam niya na may posibilidad na hindi magkatotoo ang hiling niya pero patuloy pa rin siya sa pag-asa.

"Let's not do that to our kids, yeah?" sabi niya sa mababang boses, nilingon ang ulo para maharap ako.

I leaned down to receive my kiss. "Yes, we won't."

Hindi man lang ako nagkaroon ng negatibong reaksyon doon sa sinabi niya dahil maging ako... ay siya na ang nakikita kong makakasama ko. Hindi ko ma-imagine ang hinaharap na wala si Jiro. 

I won't find anyone else. Alam ko iyon, kahit pa subukan ko. Wala nang papantay sa kaniya at sa tingin ko'y paborito na ako ni Lord sa parte na dinala niya ang ganito kapagmahal na lalaki sa buhay ko, pero may parte sa akin na natatakot. 

Ayaw ko na lang munang isipin. 

I just want to enjoy what's in front of me. Mahal ko siya at alam kong mahal niya ako, at sa ngayon ay sapat na sa akin iyon. Hindi ko nga lang maiwasan na hilingin na sana ay ganito na lang palagi, pero malupit ang buhay at alam kong hindi ganoon kadali. 

"Ang lalim naman ng iniisip mo," Isinusuot na pala ni Jiro sa akin ang jacket niya na sobrang laki sa akin. Ihahatid na ko at malamig na sa labas kaya pinasuotan ako.

Ang tanging nasa isip ko lang ay yakapin siya dahil iyon lang ang makapagpapawala sa ngayon ng mga alalahanin ko. "I don't want to lose you." pag-amin ko.

"You won't, ever. I'd be damned if I lose you again, Trey."

"Let us not grow apart."

"We'd grow together, baby."

Muli kong nilanghap ang halimuyak ng pinakamamahal ko. Hindi pa man ako nakakauwi ay namimiss ko na siya agad. Gusto kong mag-umaga na ulit para magkasama kami sa panibagong araw.

Ngayon lang ako naging clingy sa isang tao dahil wala sinuman ang pwede kong dikitan. Siya lang talaga, at mukhang ganoon rin siya sa akin.

Thank God we found each other.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 58.7K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
164K 4.4K 47
Art. Roses. Sweets. One Direction. Paris. And a baby. These are the things Cassidy Mendez are in love with since she experienced a traumatic heart br...
Take The Fall By ‎

Teen Fiction

44.4K 2.1K 40
WEST AVENUE SERIES #3 (COMPLETE) Kalila Rafaella Go, SHU Lioness' libero is born in a family that wasn't that well off so she sweats blood to be acce...
31K 1.1K 40
A Healthcare Management student with an amazing voice, Serene Veronica Harper, decided to pursue her passion in music instead of becoming the preside...