{Completed} A Hopeless Heart...

By IHeartYongSeo09

3K 98 28

It's just a typical short story of a man and a woman. They are bestfriends since then. All the people around... More

A Hopeless Heart {AHH}
*A-H-H, Ch.2
*A-H-H, Ch.3
*A-H-H, Ch.4
*A-H-H, Ch.5
*A-H-H, Ch.6
*A-H-H, Ch.7
*A-H-H, Ch.8
*A-H-H, Ch.9
*A-H-H, Ch.10 ( Finale - Epilogue )

*A-H-H, Ch.1

388 13 7
By IHeartYongSeo09

*A-H-H, Ch.1

~HER POV~

*Tok* *Tok*

"Anak? Gising na. Malalate na kayo ng bestfriend mo." rinig kong sabi ni tita sa taas.

Nandito ako ngayon sa bahay ng bestfriend ko para sabay kaming pumasok sa school. Excited na nga ako kasi 1st day to ng pagiging 2nd yr college namin. :Dkaso mukhang malalate kami. -__-

Napatingin ako sa bumababang si tita. Tumingin sya sakin, "Hay nako ija. Kahit kelan talaga napakahirap gisingin ng bestfriend mo."

Ngumiti ako at tumayo, "Don't worry po tita. Ako na pong bahala."

Napabuntong hininga sya, "Ocge. Akyatin mo na dun."

"Okay po!" sabi ko sabay akyat sa 2nd floor.

Nang nasa tapat na ako ng room ni bestfriend ay hinanda ko muna ang sarili ko.

Pinihit ko ang door knob. Alam ko naman na bukas to. Minsan lang naman magsara ng pintuan to eh. Hehe.

Binuksan ko na ang pinto ng dahan dahan para hindi nya ko maramdaman.

Hehehe. Tingnan natin kung hindi pa magising mula sa panaginip nya ang isang to.

Dahan dahan kong sinara ang pinto at naglakad palapit sa natutulog kong bestfriend.

Nang nasa tapat na ko ng higaan nya ay huminga muna ako ng malalim at ngumiti tapos,

"YAAAAAAAH! BESTFRIEND GUMISING KA NAAAAAAAA!!! ANONG ORAS NAAAAAA!!! MALALATE NA TAYOOOOOO!!!!" sigaw ko habang nakasakay sa likod nya. Nakadapa kasi sya nung natutulog eh. Kasalanan nya yun. Sakto tuloy sa plano ko. Hahaha! ;D

"Ah! Sh*t!" sabi nya.

Tumatalon talon ako habang ganun ang posisyon, "GISING NA! GISING NA! WAG KANG KILOS PAGONG! 1ST DAY NATIN NGAYON! KAYA BANGON NA!"

Pinilit nyang humarap sakin pero hindi nya magawa. Hahaha! Ang bigat ko kaya. ^_____^

"Hey! Ano ba! Bumaba ka na!" sabi nya.

Umiling iling ako, "AYOKO! AYOKO! AYO---AHH!"

Nagulat nalang ako ng bigla nyang nahawakan ng kaliwang kamay nya ang kanang bewang ko at pinahiga sa kama nya.

"Matulog nalang muna tayo." sabi nya.

Tiningnan ko ang kaliwa ko at nakita ko ang mukha nya. Nakapikit sya habang sinabi nya yun.

Hmm. Well. Kung idedescribe ko sa inyo ang bestfriend ko, masasabi ko na talagang gwapo sya. Matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata, may mapulang labi at makinis na mukha. Tss. Sa totoo lang daig pa ko nito eh. -__-

"Bestfriend." sabi ko.

"Hmm?"

"Bangon na."

Hinigpitan nya ang paghawak sa bewang ko at dinasog ako palapit sa kanya, "Maya na. Masarap matulog."

Kung nagtataka kayo at ganito ang turingan namin sa isa't isa. Eh isa lang naman ang explanation dyan. GANITO TALAGA KAMI. Yun lang. Haha! De joke lang. ;)Sanay na kasi kami sa isa't isa. Lagi kaming magkasama eh. Simula palang nung bata kami.

Pinilit kong alisin ang pagkakadantay ng braso nya sa tyan ko pero mahigpit talaga eh. -__-

"Isa. Hindi ka ba talaga babangon dyan?" seryoso kong sabi.

Umiling sya pero nakangiti naman. Ngiting aso. -__-

Sinubukan kong tumayo pero pinabalik lang nya ako, "Ri--"

Bago ko pa masabi ang pangalan nya ay nagulat nalang ako ng nasa tapat na ng mukha ko ang mukha nya, "Kahit kelan talaga napakakulit mo no?" sabi nya sabay pisil sa ilong ko.

"Aray!" T_T ang sakit naman kasi.

"Hahaha! Namumula ilong mo bestfriend! Cute mo! Haha! Sige na. Babangon na. Hintayin mo ko ah." ;)

Tumayo na sya kaya napabangon na din ako at tiningnan sya ng masama, "Tse! Bahala ka sa buhay mo! Iiwanan kita!" sabi ko sabay alis sa kama nya at pupunta na sana sa pinto pero hinarangan nya ko.

"Bestfriend naman." sabi nya saka ako niyakap, "Sorry na. Bawi nalang ako."

Napangiti ako. But not my normal smile. ;D

Tumingala ako at tiningnan ko sya. Ganun din naman sya, "Talaga? Pupunta tayong mall? Treat mo?"

"Tch. Sabi na nga eh. Napapasubo ako sayo lagi eh."

"Ehehe. Yaan mo na! Mahal naman kita eh." sabi ko sabay wink. Hahaha!

Napangiti sya at umiwas ng tingin. Abaa kinilig si bestfriend. Hoho! ^0^

"Pasalamat ka mahal din kita."

***

"Ma, alis na po kami." paalam ni bestfriend kay tita.

"Sige. Mag-iingat kayo ah? Ingat sa pag-drive anak, ok?"

Sumaludo si bestfriend kay tita, "Sige po tita! Hanggang sa muli!" nakangiti kong sabi.

Ngumiti nalang si tita at inakbayan ako ni bestfriend. Naglakad kami papunta sa sasakyan nya. White honda jazz.

Sumakay na kami at nag-drive sya papuntang school. Sa C.U o Chua University.

Nang makarating kami ay bumaba na kami sa sasakyan nya. Syempre pinagbuksan nya ko ng pinto. Hehe.

"Ready?" tanong nya.

"Naman! Kanina pa!" masigla kong sagot.

Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko.

Habang naglalakad kami papasok ay mga nakatingin ang ibang estudyante samin o sa kanya lang?

Sanay naman na kami dito eh. Kung hindi nyo naitatanong eh sikat tong si bestfriend dito sa university namin. Gwapo daw kasi. Dancer din kasi tong isang to at sya ang leader ng dance troupe dito. Umaapaw kaya ang fangirls nito. :D

"SHELBIE!" parehas kaming napalingon ni bestfriend sa tumawag.

"Uy. Krane." nakangiti kong sabi.

Ako nga pala yung tinawag nya. So ladies and gentlemen, I'm Shelbie Uriceson C. Morales. 17 y/o. Taking up Bachelor of Science in Hotel & Restaurant Management. 5'4 in height. Simple with blonde hair. Music Club president. I have my band and Krane is one of the member. Volleyball captain. Friendly. Single & definitely NOT available. ;)

"May practice daw mamaya." sabi ni Krane.

"Ay oo nga! Hala! Muntik ko ng makalimutan!" >.<

"So pano? Kita nalang tayo mamaya? Orientation pa naman ngayon. Hindi pa magkaklase."

"Ocge. Pero san ka pupunta?"

"Ha? Ah dyan lang. Hehe. Sige ah." tumingin sya kay bestfriend, "Sige. Una na ko." ngumiti sya tapos umalis na.

Tiningnan lang naman sya ni bestfriend. Isa din kasi si Krane sa mga fangirls ni bestfriend. Pero suplado kasi tong isang to. Hindi namamansin ng mga fangirls.

Tiningnan ko sya. Nakatingin din sya sakin, "Bakit?"

"Pano tayo pupunta ng mall?"

*___* Hala! Isa pang hala! Oo nga! Paano nga ba?! >.<

Nag-pout ako, "Oo nga no? Siguro next time nalang." (_ _)

Hinigpitan nya ang pagkakahawak sa kamay ko, "Papanoorin nalang kita mamaya." sabi nya.

"Ha? Ayoko nga!"

"Bakit?"

"Mang-aasar ka lang eh." -__-

"Hindi ah. Tara na."

Magrereact pa sana ako kaso hinila na nya ko. ~__~

Sayang yung sa mall ah! Pagkakataon ko na yun para magpalibre ng todo kay bestfriend eh! >_<

~END OF SHELBIE's POV~

~HIS' POV~

Tsk. Badtrip naman. Bakit ngayon pa nangyari to.

"Pano na dude? Anong plano mo?" tanong saken ni Rembert.

Binigay ko sa kanya ang cellphone nya at sumandal sa upuan ko, "Ewan ko."

"Ganda ng sagot mo ah. Hanep."

Nandito kame ngayon sa practice room. Katatapos lang ng practice namen ng biglang may magtext kay Rembert.

"Hindi ko alam ang gagawin ko."

"Panong di mo alam?" tanong nya.

"Kung pupunta ko dyan, hindi ko mapapanood si Shelbie."

Napailing sya, "Tsk! Tsk! Tsk! Oo nga. Pero mahalaga din to."

Tiningnan ko sya, "Anong ibig mong sabihin?"

"Tss." tiningnan nya ko ng seryoso, "Parang hindi ikaw si Rian na kilala ko. Dati pag may ganito sugod ka kaagad. Ngayon, nagdadalawang isip ka na?"

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Kahit ako, hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.

Rian Joseph H. Madrid ang pangalan ko. University dance troupe leader. I know how to use musical instruments because of Shelbie and she knows how to dance too because of me. 5'6". Soccer is my sports. BSHRM din ako. Kaso hindi ko kaklase si Shelbie.

Tumayo na ko at kinuha ang jacket ko sa upuan. Tiningnan ko si Rembert na takang taka sa kinilos ko, "Ano pang hinihintay mo? Tara na!"

Tumayo na din sya at umalis na kami. Sorry Shelbie. Next time nalang kita papanoorin at babawi nalang ulit ako sayo.

Mas importante kase to.

~END OF RIAN's POV~

~SHELBIE's POV~

"Shelbie. Hindi ka pa uuwi?" tanong sakin ni Krane.

Ngumiti ako, "Hindi pa. Hinihintay ko si Rian eh."

Tumango tango sya, "Pero gabi na. Baka nakauwi na yun."

Umiling ako, "Hindi pa. Magtetext naman sya kung nakauwi na sya eh."

"Ocge. Sabi mo eh. Ok lang ba na iwan kita dito? Baka kasi---"

"Ok lang. Sige na. Baka hinahanap ka na sa inyo." nakangiti kong sabi.

Ngumiti sya, "Sige magiingat ka ha?"

Tumango nalang ako at umalis na sya.

Umupo nalang ulit ako dito sa waiting shed ng C.U. Tinext ko naman si Rian na dito nalang nya ko puntahan.

Ang totoo nagtataka pa rin ako kung bakit hindi sya nanood ng practice namin kanina. Sabi nya kasi manonood sya. Pero baka busy lang sya o may nangyaring importante.

Ilang minuto pa kong naghintay dun. 8pm na. Hanggang ngayon wala pa ding Rian na nagpapaki---

*Beep!*

*Beep!*

Napatingin ako sa harap ko at nasilaw ako sa ilaw ng sasakyan na nakatapat sakin.

Tinakpan ko ng kamay ko ang mga mata ko, "SHELBIE!"

Napatayo ako. Nahinaan naman ang ilaw ng sasakyan. Mas nakikita ko na ngayon kung sino ang tumawag sakin, "Rembert?"

Kumaway sya, "Ako nga. Halika na! Sakay na!"

Napakunot ang noo ko, "Teka, si Rian kasi---"

"Nandito si Rian." sabi nya.

Nandun daw si Rian? Pero kung nandun sya bakit hindi sya ang tumawag sakin?

Naglakad na ko palapit sa sasakyan. Sinabi sakin ni Rembert na sa backseat ako umupo dahil nandun si Rian.

Sinunod ko naman sya at binuksan ko na ang pinto kaso nabigla ako sa nakita ko.

"Omygosh."

Napatakip ako ng bibig ko. Dahan dahan akong umakyat ng sasakyan, "Rian..." mangiyak ngiyak kong sabi.

"Ayaw nyang magpadala sa ospital eh. Sabi nya kailangan ka pa daw naming daanan dito." sabi ni Rembert sabay paandar ng sasakyan.

Hinawakan ko si Rian at isinandal ang ulo nya sa balikat ko. Gusto kong magalit sa gumawa sa kanya nito.

"Bakit? Bakit ganito ang ayos nya?" tanong ko kay Rembert habang yakap ko si Rian.

"A-ano kasi.."

"Ano?!" medyo napalakas kong sabi.

"S-Shelbie.." rinig kong sabi ni Rian. Nanghihina sya.

Hindi ko sya pinansin at tiningnan ko lang si Rembert, "Ano na? Bakit puro pasa ang isang to? Anong nangyari?!"

Napabuntong hininga si Rembert. Ramdam ko na nakatulog na si Rian. Sobrang nanghihina sya.

"Shelbie.. May nagtext kasi sakin kanina. Yun yung nagbabanta na pag hindi nakipagkita sa kanila si Rian ay gagalawin nila si Elthy."

Nakaramdam ako ng sakit ng sabihin sakin yun ni Rembert. So,, si Elthy pala ang dahilan kung bakit nagpabugbog si Rian.. Sya pala..

Hindi na ko nagsalita hanggang sa makarating kami sa subdivision namin. Sinabi ko kay Rembert na sa tapat ng bahay namin kami ihinto ni Rian. Malalagot na naman kasi ang isang to kung sa bahay nila mismo kami nagpababa at ganito ang itsura nya.

Nagpatulong ako kay Rembert na dalin sa kwarto ko si Rian. Nakita kami ni mama pero sinabi ko na bukas ko nalang ieexplain ang lahat.

Nang makarating kami sa kwarto ko ay nagpaalam na si Rembert. Nag-thank you ako sa kanya at itinuon ko na ang pansin ko kay Rian.

Kumuha ako ng 1st aid kit. Inalis ko muna ang sapatos nya at jacket nya.

Umupo ako sa gilid ng kama at ginising sya, "Rian.. Bestfriend.. Gumising ka muna.. Gagamutin natin ang mga sugat mo."

Unti unti naman nyang dinilat ang mga mata nya, "Shelbie.."

Tiningnan ko lang sya, "Tayo na."

Sinunod nya naman ako. Dahan dahan syang umupo sa kama. Ako naman ay inayos na ang mga kakailanganin ko para gamutin ang sugat nya.

"Bestfriend.." sabi nya at hinawakan ang isa kong kamay.

Hindi ko yun pinansin at inalis ko ang kamay ko na hawak nya. Tiningnan ko ang mukha nya, "Patingin ako." tinutukoy ko ang sugat sa gilid ng labi nya.

Ramdam ko na nakatitig sya sakin. Seryoso lang ako. Ganito talaga ako kapag naiinis o nagagalit. Konti lang ang mga salita na lalabas sa bibig ko. At alam yun ni Rian.

Ginamot ko na ang sugat kaya napailing sya, "A-Ah! Dahan dahan lang Shelbie."

Hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Dumadaing sya pero kasalanan nya naman yon. Ginusto nya yan eh. Tanggapin ang parusa.

Ilang saglit pa ay natapos ang panggagamot ko ng hindi ako nakikipag-usap sa kanya.

Inayos ko na din ang first aid kit. May band-aid na din ang mga sugat nya. Pati sa gilid ng noo.

Tumayo na ako, "Matulog ka na." aalis na sana ako ng hawakan nya ang isa kong kamay.

"S-Shelbie.. Galit ka.. Alam ko.." sabi nya.

Hindi ako nagsalita, "Sorry kung hindi ako nakapanood ng practice nyo. Sorry din kung pinaghintay kita.."

Inalis ko ang pagkakahawak nya sa kamay ko at tiningnan ko sya, "Hindi kasi yun Rian. Basta. Matulog ka na. Magpahinga ka. At bukas, mahabang paliwanagan na naman yan kila tita."

Pagkatapos ko yun sabihin ay lumabas na ko sa kwarto ko. Sa guest room nalang siguro ako matutulog.

Naglakad na ako papuntang guest room. Pumasok ako sa loob at nang maisara ko na ang pinto ay hindi ko na napigilan pa ang sunod sunod na pagpatak ng luha sa mga mata ko..

Hindi ko maintindihan kung bakit ako umiiyak ngayon..

Pero isa lang naman ang alam kong nararamdaman ko,

"Ang sakit... Ang sakit lang malaman na mas importante sya kaysa sakin..."

Nasasaktan ako sa katotohanan na,

May MAS importante na kaysa SAKIN,

Sa buhay ng bestfriend ko. :(

~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^

eto na ang chapter 1!!! ^__^ Hindi ko nga pala lalagyan to ng title chapter. xD. Para maiba lang. haha!

Yung name nga pala ni Rian pronounce as 'Rhian' hindi 'Ryan' oryt? ;D Ayun lang. xD.

VOTE COMMENT... BE A FAN.. THANK YOU~

I♥YongSeo09

Continue Reading

You'll Also Like

55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.7M 17.4K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
3.9M 159K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...