6ix Days Book Two

بواسطة dirkyleo

8.2K 658 47

A second chance. A new life. Will moving to Canada make....or break.... Lise and Chanel's relationship? All r... المزيد

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29

Chapter 9

234 23 1
بواسطة dirkyleo




Two minutes.

Ganoon ako katagal naghintay bago ko sinundan si Skylar sa banyo.

Kahit imbiyerna ako sa kanya, kung may mangyari, ako pa din ang mananagot dahil kami lang ang nasa bahay.

Baka mamaya eh mauntog siya at mawalan ng malay sa banyo, ako pa ang mapagbintangan.

Nakaawang ang pinto at mula sa labas ay naririnig ko ang pagsuka niya.

Kumatok ako bago pumasok.

Tulad ng lahat ng banyo dito, marmol din ang sahig at granite ang countertops.

Minsan naisip ko na baka may toilet bowl dito na gawa sa ginto.

Pero wala daw sabi ni Nel.

Nakasalampak si Skylar sa sahig, nakayakap sa toilet bowl at nakayukyok ang ulo sa toilet seat.

Nag-angat siya ng tingin ng makita ako.

"Are you okay?"

Yumuko siya at isang malakas ng pag-uwak ang sagot.

Pinaghalong amoy ng pizza, cheese at beer ang suka niya.

Natakpan ko bigla ang ilong ko.

Mahina ako pagdating sa ganito.

Noong kami pa ni Dan, nagising siya sa natuyong suka sa katawan niya.

Hindi ko talaga kayang linisin.

"I'll be back." Lumabas ako ng banyo.

Naramdaman ko ang pag-akyat ng pait sa lalamunan ko.

Baka imbes na ako ang tumulong kay Skylar, ako pa ang tulungan niya.

Tumayo na lang ako sa pinto at nagmatyag.

Nang marinig ko ang pagtulo ng tubig sa gripo, saka lang ako pumasok ulit.

"Do you need anything?"

Umiling lang siya at hindi tumingin sa akin habang binabasa ang mukha.

Maputla ang kulay ni Skylar.

Ang labi parang binabad sa suka.

Napansin ko na tumutulo ang luha niya.

"Are you sure you don't need anything?" Pangungulit ko. "Water? Hot tea?"

"I'm fine." Sigaw niya.

Gagang ito.

Ako na nga ang nagmamalasakit, siya pa itong galit.

"Okay. Suit yourself." Tumalikod na ako at bumalik sa mga nililinis.

Inabot din ako ng halos isang oras sa paglilinis ng kalat nila.

May pitong kuwarto pa na naghihintay sa akin.

Shit!

Sana nandito si Nel.

Sumakit ang likod ko sa pagbubuhat ng mga mabibigat na bangko at pagtutulak ng sofa.

Bahala na kung nagasgasan ang sahig.

Paki ko.

Sana man lang binalik nila sa dating puwesto.

Nasa loob ako ng isang kuwarto at kasalukuyang nagva-vacuum ng may tumapik sa balikat ko.

Napapitlag ako sa gulat.

Nakatayo sa harap ko si Skylar.

Nagbihis na siya ng navy blue hoodie at gray joggers.

Tanggal na din ang make-up niya.

Lalo siyang bumata.

Mukha din siyang nalugi.

Pinatay ko ang vacuum at inalis ang suot na ear plugs.

Idea ito ni Nel para hindi daw ako mabingi lalo na at ang ingay ng vacuum cleaner.

"I need a favor from you." Diretsang sabi niya.

Ano naman kaya ang kailangan nito?

"What do you want?" Nakakunot-noo na tanong ko.

Kung nagulat siya sa kaprangkahan ko, hindi naman niya pinahalata.

"Do you know how to cook?"

Aba!

Balak pa akong gawing kusinera.

Katulong yata talaga ang tingin niya sa akin.

Dapat siguro mag-charge ako sa extra service.

Nang hindi ako agad sumagot, sinabi niya na babayaran niya daw ako.

"I can do that." Sabi ko. "You just have to ask nicely."

Ngumiti siya.

May dalawang malalim na dimple pala siya sa pisngi.

Ang ngipin, sobrang puti.

Veneer siguro.

O baka naman maganda ang oral hygiene?

"Please? Can you cook for me? I'm starving." Nakatitig pala siya sa akin.

Inalis ko ang tingin sa ngipin niya.

Aaminin ko na cute si Skylar.

At lalo siyang naging cute dahil nag-smile siya.

"Okay." Binitawan ko ang handle ng vacuum at nilapag sa sahig.

"Do you mind if I work longer than four hours then?"

"I don't mind. You can stay as long as you want."

Lumapit siya sa pintuan at una akong pinalabas ng kuwarto.

Habang naglalakad papunta sa kusina, nagsalita siya ulit.

"I should apologize to you."

"For what?" Nilingon ko siya.

Para siyang maamong tupa.

Baka siguro dahil sa hangover kaya mabait.

"For the mess, for making you work harder, for asking you to cook and for being rude the last time you were here." Nag-smile siya ulit.

Unlike the last time na nagtalo kami, her eyes were dancing from a combination of embarrassment and mirth.

Natatakot siguro na baka magbago ang isip ko at hindi siya ipagluto.

Pagdating sa kusina, hinila ni Skylar ang bar stool sa tapat ng kitchen island.

Lumapit ako sa two-door chrome refrigerator.

Pagbukas ko, well-stocked naman.

Meron ding itlog, isang block ng mild cheddar cheese at red bell peppers.

"What do you want to eat?" Nilingon ko siya habang pinapatong ang mga ingredients sa counter.

Nginangatngat niya ang dulo ng daliri habang nakatingin sa akin.

"Whatever. I'm not picky."

"Are you sure?"

"Yes."

"Do you have food allergies?"

Nabanggit ito sa akin dati ni Nel.

Sa menu nila, may nakalagay tungkol sa mga allergens tulad ng nuts.

"I'm only allergic to people who don't knock." Nanunukso ang tingin niya.

"And I'm allergic to people who don't lock their doors." Banat ko naman.

Tumawa siya.

Malakas.

Aliw na aliw sa asaran namin.

"I like you, Lise."

Natigilan ako sa pagkuha ng box ng itlog.

Hindi lang dahil sa sinabi niya kundi dahil sa natandaan niya ang pangalan ko.

Narinig ko ang pag-usog ng upuan.

Pagharap ko, nakatayo si Skylar at lumapit sa isang pintuan.

Paglabas niya, may bitbit na isang pack ng whole grain bread.

"Do you need anything from the pantry?"

Wow!

Walk-in ang pantry nila.

"No, but can you get the salt and pepper and the pan too?"

Hindi ako pamilyar sa mga lalagyan ng gamit.

Yumuko sa tabi ko si Skylar.

Binuksan ang bottom cabinet at kinuha ang kawali.

Inabot niya sa akin at pinatong ko sa stove.

"Do you want garlic with this?"

"No."

"Do you need help with anything else?" Sumandal siya sa countertop.

"Can you slice the peppers?"

Automatic ang sagot ko.

Kahit siya ang employer ko, labas sa obligasyon ko ang ipagluto siya kaya malakas ang loob ko na utusan siya.

"Do you want me to grate the cheese too?"

"Sure."

Habang binabati ko ang itlog, tinanong ko siya kung hindi siya marunong magluto.

"No. We had help before. A really nice Filipina named Maria."

"Almost every female in the Philippines is named Maria." Mabilis ang comment ko.

Natawa na naman siya pero hindi pinansin ang sinabi ko.

Patuloy siya sa pagkikuwento.

"She tried to teach me but I would run away whenever the oil starts to splatter. I was afraid I'll burn myself."

"But I learned to cut vegetables and stuff like that so I was like her little helper." Hiniwa niya ang bell pepper at inalis ang mga buto.

Naconscious ako sa presence ni Skylar dahil we only have a few inch of space between us.

Kumportable ba siya sa akin or isa siyang personal space invader?

Kahit hindi kami magkaharap, nakikita ko na mabilis siyang maghiwa.

Small cubes ang ginawa niya sa bell pepper.

Steady ang kamay at sigurado sa ginagawa.

Sanay siyang humawak ng kutsilyo.

Good job, Maria.

"What happened to Tita Maria?"

"Tee-tah?" Muntik na akong matawa sa baluktot niyang dila.

"Tita is the equivalent of aunt in Filipino. We use that to show respect to those who are older than us."

"So, I can call you ti-tah then?"

"Do you want me to cook or not?" Biglang umakyat ang kanang kilay ko.

Tinawanan lang niya ako.

"Are you always this spicy?" Todo ang smile niya.

Nahahalata ko na iniiwasan niya na mainis ako.

She looks so adorable.

Hindi niya pinipilit.

Likas sa kanya ang pagiging cute.

Lise, kalma lang.

Huwag masyadong tumitig. Banat ni konsensiya.

"Are you done with the peppers?" Isang strip na lang ang natitira.

"Yes, boss." Pang-asar na sagot niya.

Mabilis na hiniwa niya ang sili tapos binuksan ang block ng keso.

Tumalikod ako at lumapit sa stove.

Pinihit ko ang knob at bumuga ang asul na apoy.

Hininaan ko para gradual ang pag-init ng kawali.

Nakalimutan kong hingin ang oil kay Skylar kaya inutusan ko siya.

Pumasok siya ulit sa walk-in pantry at habang naglalakad pabalik ay pinipihit ang cap ng bote.

"Olive oil okay?"

"Yes."

Pag-abot niya sa akin ng bote, nagtama ang mga kamay namin.

Natigilan ako at ganoon din si Skylar.

Her eyes turned from brown to gold.

Biglang naging awkward at tense ang atmosphere.

Kinuha ko agad ang bote.

Binalikan ni Skylar ang ginagadgad na keso.

Nang matapos siya sa ginagawa, nilagay niya sa counter sa gilid ng stove.

Binuksan niya ang isang cabinet tapos kumuha ng dalawang plato.

"You're eating with me." It was a command.

"I don't like eating alone." Sabi niya habang nilalagay ang plato sa kitchen island.

May magagawa pa ba ako eh hindi niya naman ako binigyan ng choice.

Kunsabagay, medyo gutom na din naman ako dahil ang aga namin ni Nel nag-breakfast.

Alas sais ang pasok niya kaya alas-kuwatro y medya pa lang eh kumakain na kami.

Binuksan ni Skylar ang ref.

"What would you like to drink?"

"What do you have?" Nag-angat ako ng tingin.

"There's apple and orange juice, milk," May kinuha siya sa loob.

"Beer?" Nakakaloko ang ngiti niya habang inaalog ang bote.

"I'm working." Paalala ko sa kanya.

"I'm just messing with you." Binalik niya ang beer sa ref.

"Besides, you can drink if you want. This is not that kind of workplace." Kumindat siya.

"Orange juice is fine." Iniba ko ang usapan.

"Perfect." Dinala niya ang isang jug tapos kumuha ng dalawang baso.

Humingi ako sa kanya ng plato para sa omelette.

Pinapanood niya ako habang sinasalin ang itlog sa plato.

"Hmmm." Pumikit pa ang lola mo habang nilalanghap ang mabangong amoy ng pagkain.

"This smells delicious." Para siyang bata.

Dinala ni Skylar ang plato sa centre island.

Nang makita niya na huhugasan ko ang mga pinaglutuan, pinigil niya ako.

Kumain daw kami habang mainit pa.

Pinaupo niya ako at nag-toast siya ng tinapay.

"I miss doing this with someone." Sabi niya pagkatapos sumubo.

"Are you always alone in here?"

"Yes."

"Where's your family?"

Kinuha ni Skylar ang baso ng orange juice at uminom.

Bumalik na naman ang tensiyon na naramdaman ko kanina ng magtama ang mga kamay namin.

Akala ko hindi niya sasagutin kaya hindi ko na inulit.

Pero ng magsalita siya ulit, dinig sa boses niya ang lungkot.

"My parents are divorcing."

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

114K 4.5K 34
Totoo pala na sa isang iglap ay pwedeng bumaliktad ang mundo ng isang tao. Yung dating mahirap ay pwedeng maging mayaman. Yung dating laro ay pwedeng...
8.6K 166 7
They say when you meet your soulmate, everything is calm. You do not feel anxious. Back home to continue her studies, economics student Yuan Chen enc...
3.4M 93.7K 42
Catherine Reyes, a simple girl, has secretly loved a guy since their college days. Years later, they reunite and enter into an agreement that leads t...
326K 25.4K 5
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...