Sana ikaw na nga ang sagot sa dasal
na makita kitang papunta sa altar,
may tuwa ang puso sa lahat ng bukas
sana ikaw na nga magpahanggang wakas.
Sana ikaw na nga ang bulong ng isip
dahil hanap kita't hindi matahimik
ikaw ang gabay ko sa panganib
pagkat sinugo ka mula sa langit.
sana ikaw na nga, mutya kong sinta
ang gamot sa pusong nagungulila
ikaw ang pintig ko saking mga tula
kalungkutan kita kung ikaw ay mawala.
sana ikaw na nga ang aking pangarap
pagkat katulad mo ang maputing ulap
sa t'wing mamasdan ko'y parang nangungusap
tulad ng mata mong kaygandang matuklas.
sana ikaw na nga, o aking pagibig
pagkat di ka makita'y di ko matitiis
luha koy babalon ako ay mahahapis
sana ikaw iyon, matamis na himig.