ang pagibig talaga

200 4 5
                                    

pagibig nga naman talagang malikot

magulo sa isip, saya ng pagtibok

merong dalang tuwa, minsan namay lungkot

at bunton ng lakas sa bawat pagsubok

dahil ka ng tao upang mabuhay

ngunit pagka minsay kamatayan

at sa paglalakbay isa ring tanglaw

ngunit pintuan rin nitong kadiliman

may dalang pagasa sa namimighati

at mabisang gamot sa nagawang mali

kamandag ay lason na nagkukubli

upang katotohanay lagi nang masawi.

dahil sa pagibig mayroong damdamin

laging hinahangad kahit pa ang magtaksil

madaling matukso, madaling mapunit

sa tindi ng init ay lumalamig rin

pagibig nga naman kaydaling mahanap

sa pintig ng oras dali ring lumipas

pagibig ay sanhi ng kasinungalingan

ngunit susi rin ng katotohanan.

TulaWhere stories live. Discover now