Tuwing magbabalak
ang aking isipang humabi ng tula,
inaapuhap ko
ang iyong larawang tanglaw ng gunita.
Parang nababasa
ang hanap kong salitang may tugma
sa walang katulad
at walang kawangis na maamong mukha.
Ikaw binibini,
na tanging dinsulan ng aking panulat
nagsisilbing bagwis
ng aking gunita sa kaniyang paglipad.
Tanging ikaw lamang
ang inspirasyon ko sa buong magdamag
kahit umagahin,
ang abang diwa ko'y hindi napupuyat.
At ang ganda mo'y
sa ubod ng puso'y hindi mawawala
at ang larawan mo'y
laging panauhin nitong aking diwa.
At nagkataginting
sa sining na ito ang diwa kong aba.