Promises Etched in Poetry (Ar...

By aLeiatasyo

15K 762 1.6K

Being madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up every... More

Promises Etched in Poetry
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Unang Tula
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Ikalawang Tula
Chapter 21
Chapter 22
Ikatlong Tula
Chapter 23
Ikaapat na Tula
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Ikalimang Tula
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Huling Tula
from aLeiatasyo

Chapter 24

248 15 51
By aLeiatasyo

"What the hell did you do, Lekha?!" sugod sa akin ni Tita Ameliora. Hindi na kasi kami hinayaan na pumasok pa. Maraming nurse ang nagkumpol doon kay Amiel at wala na yata ako sa tamang pag-iisip.

On other circumstances, I'd get mad at her and hold this against her. Pero ngayon, alam kong kasalanan ko. Hindi ko nalang dapat iniwan si Amiel doon.

"I'm sorry... Tita. Kasalanan ko po,"

"Yes, it is! Ipinagkatiwala ko sa'yo ng anak ko!"

Hearing her call Amiel as her son sounds so wrong to me. Ako ang nanay ni Amiel. But then again... how can I say that now that this happened? Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba na makita siya.

O makikita ko pa ba siya ulit? Maririnig ko ba ulit ang tawa niya?

What ifs flooded my mind. That things could have gone differently only if I slept in the same room. Kung sinama ko nalang sana siya sa kwarto ko. Kung sanang hindi muna ako umalis agad.

"I don't think any of this is her fault, Madame." rinig ko ang malalim na boses sa likod ko. Siya yung lalaki na naghatid sa amin dito. Hindi ko pa pala siya napapasalamatan.

Tita Ameliora looked deeply offended because of what he said. "What did you say? Do you even know what you're talking about, Elron?"

Oh, she knows him. Ako lang naman talaga ang hindi nakikihalubilo sa mga kapitbahay namin at kung hindi sila Elron ang una kong nilapitan ay baka hindi ako pinakinggan ng iba.

Nanatili akong nakayuko sa pagitan nila. I can hear Tita's ragged breathing habang si Elron ay kalmado lang.

"Of course, Madame. I do not talk without thinking about my words. I'm sure what happened to your son was an accident." Sa tono ng pananalita niya ay sigurado akong magiging magkaibigan sila ni Ambrose.

"An accident that could have been prevented only if this stupid girl looked after him!"

Gusto kong sumagot... pero ang galit ko ay naging luha nalang. At ang galit na ito ay para sa sarili ko, wala nang iba. I am to blame and Elron doesn't need to defend me. Alam ko ang totoo.

"While you couldn't, because?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Elron kay Tita. A question I couldn't find the courage to ask.

Tita Ameliora couldn't seem to win the debate against Elron so she walked out. Umupo na si Elron sa tabi ko, may inaabot nang tubig.

"Thanks," Kinuha ko ang bottled water pero hindi ko iyon binuksan. Hindi ko alam kung makakayanan kong gumalaw para sa sarili ko habang agaw buhay ang pinsan ko doon.

Napahilamos ako sa mukha ko kakaisip kung ano nang kalagayan ni Amiel. Is he awake? Magiging maayos lang ba siya? I miss him so much already.

"You okay? Your aunt is pretty harsh."

I flashed a very tired smile. "Yeah. I'm used to it."

"Tsaka... thank you pala. I wouldn't have known what I'd do if hindi ikaw ang una kong hiningan ng tulong."

Tumango lang siya, sumandal sa upuan at pumikit. "No problem."

Nang lumabas ang doktor ay tila mas mabilis pa sa kidlat akong lumapit sa kaniya. "Kumusta po?"

"Are you the mother?" tanong ni doc na sasagutin ko sana ng oo pero pumasok na ulit si Tita.

"How's my son? Is he going to be okay?"

Mabigat na hininga ang pinakawalan ng doktor na nagpakaba sa akin, pero umusbong ang pag-asa ko nang ngumiti siya.

After so many hours of tending to my cousin, halata ko ang pagod niya.

May iilan siyang sinabi na teknikal, hindi ko maintindihan dahil ang hinihintay ko lang sa bibig niya ay sabihin na ayos lang ang pinsan ko.

"As of now, he's just asleep but is conscious. He's going to be fine but we still need to run a few more tests just to make sure."

That's all I needed to hear before I fell to my knees, then on to the cold floor. Patuloy ang pag-iyak ko roon at naramdaman ko na tumabi sa akin sa sahig si Elron.

"I told you he's going to be okay."

Sa sobrang ginawang naramdaman ko ay hindi ko napigilan na yakapin siya! Nakita ko ang gulat sa mata niya bago iyon pero naramdaman ko na yumakap din siya pabalik, pero hindi mahigpit. Sakto lang na nakadampi sa likuran ko ang kamay niya at alam kong nag-iingat siya.

"Sobrang thank you, ha? Thank you talaga! Super!" sabi ko nang kumalas ako sa yakap. "Don't mention it. Glad I could help."

Ilang sandali ang lumipas at may lumapit na nurse sa amin. Kalmado si Tita sa tabi ko.

"Ma'am? I just want to talk to you about the fees and the expected bill once the tests have been run." panimula ng nurse, at nanlaki ang mata ko sa laki ng babayaran namin.

Do we even have that much money? Ang alam ko lang, mayaman ang dad ni Amiel pero hindi ako sigurado kung sinusustentuhan ba siya nito. "Do you have money?" tanong ni Tita.

Agad akong tumango. Kahit papaano ay may ipon ako.

"Then pay for it. Since it is your fault," walang emosyong sabi niya. Hindi ako nagdalawang isip na pumayag dahil para kay Amiel naman iyon at alam ko... na kasalanan ko talaga. I'd willingly spend if it is for my cousin.

Just like that, all of my savings were gone.

But Amiel is okay.

"Is your cousin still in the hospital, Treya?" tanong ni Georgette, unang balik ko rito sa shop dahil ako ang nagbantay kay Amiel sa ospital. Halos dalawang linggo rin kami doon.

Tumango ako, "Oo, pero uuwi na mamaya... Sina Tita ko na raw ang bahalang mag-uwi sa kaniya."

"You must have been so scared! Sa ulo pamandin yata?" Nakaupo sila ngayon sa high stools sa harapan ko, nakaakbay siya kay Keann kaya medyo nakaangat ang balikat niya dahil mas matangkad ang lalaki. Bagay silang talaga kaya napangiti ako.

I smiled wider, "I know. The doctor even said that we were so lucky."

"Ikaw lang mag-isa ang nagbantay doon, Trey?" si Keann naman ngayon ang nagtanong.

Sinabi ko na nandoon si Jiro at halos hindi rin umalis. Kung aalis man ay para kumuha lang ng gamit ko at gamit niya, maliban doon ay hindi niya ako iniwan.

Kahapon lang ako nagtagumpay sa pagpapauwi sa kaniya dahil sa couch lang siya natutulog at sa laki niya ba namang tao ay talagang hindi siya magiging komportable doon. At tsaka uuwi na rin naman si Amiel.

"He's one dedicated... friend,"

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Gette dahil alam kong isa sila sa mga nagbibigay ng malisya sa amin ni Jiro kahit wala naman talaga. At least, for him.

Nabaling ang atensyon namin sa mga maiingay na pumasok sa coffee shop, at hindi na ako nagulat na sila Jiro iyon. Kasama niya iyong mga kaibigan niyang babae, si Nikolai at 'yung nakababatang Alcazar.

Sa paninitig ko sa barkadahan nila na tila required ang pagiging gwapo o maganda ay hindi ko namalayan na nasa harap ko na si Kenjiro. "Keann just closed this, para solo namin. You should join."

Wala akong panahon para umangal dahil hinila niya na ako papunta doon, pero sa hintuturo ko lang siya nakahawak.

"Oh! Hi!" maligayang bati sa akin ni Ryna.

I smiled and waved at her, "Hello!"

Inalalayan ako ni Jiro na makaakyat sa mataas na upuan. Nakakailang nga dahil pinagtinginan kami ng lahat pero hindi man lang natinag ito! Inusog niya pa ng kaunti ang upuan ko nang mas malapit sa uupuan niya bago siya tuluyang umupo na rin.

May mahinang panunukso akong narinig mula sa isa niyang kaibigan kaya napatingin ako doon. Ngumiti ito na parang mapanloko pero baka ganoon lang talaga siya?

He extended his hand, "I'm Kaius. Kaius Samuel."

So that's his name! Ang alam ko lang ay kapatid siya ni Isaiah. Tinanggap ko ang kamay niya, "Astraea Salonga."

Ambang magsasalita pa sana ito pero nagsalita sa matigas na tono si Jiro. "No, Kaius."

Sa sinabing iyon ni Jiro ay mas lalong lumapad ang ngiti ni Kaius. Ngiti na parang walang matinong gagawin! Sobrang mapaglaro at sabi ng kuya niya mismo ay wala raw itong sineseryoso.

Nagulat ako nang mabilis na lumingon si Jiro sa kabubukas lang na pintuan. Lumawak ang ngiti niya nang makita ang kung sino ang pumasok at nang lumingon ako doon ay tama nga ang hinala ko.

"Omg! Nyx!" Ryna shouted and ran to hug their friend.

Parang gusto kong tumakbo bigla. I suddenly felt out of place as they all stood up to welcome the couple.

Nang makalapit na sila sa amin at nakita ko nang malapitan si Nyx ay doon ko natanto na sobrang ganda ng taste ni Jiro sa babae.

She looked like an angel. Sobrang hinhin niya sa pananalita, sa galaw, at pati ang bawat anggulo ng mukha niya ay tila mahinhin.

"Hi! You're Astraea, right?"

Nang ngumiti siya sa akin ay halos kamuhian ko ang sarili ko sa kaunting galit na naramdaman ko para sa kaniya sa ilang buwan na alam kong siya ang gusto ni Jiro. Hindi niya naman kasalanan na ganito siya kabait, kaganda...

Tumayo ako para magkaharap kami at narealize ko na mas matangkad ako sa kaniya. "Hi, Nyx."

Bumalik si Jiro sa tabi ko at malawak ang ngiti niyang kausap sina Ashriel at Nyx na nakaupo sa harapan namin. Si Seth nga ay halos ibaon na ang mukha sa leeg ni Nyx sa sobrang lapit nito.

Jiro faked a gagging noise, "Sa bahay niyo na gawin 'yan!"

Hindi natinag si Seth doon at baka hindi pa bibitaw kay Nyx kung hindi lang tumili nang bahagya ito at parang excited na may ipinakita sa amin. Flash drive iyon at may keychain na gitara.

Nagkatinginan sila ni Jiro and God knows how much I wanted to leave when I saw how his eyes glistened. "Is that what I think it is?"

Tumango si Nyx at tahimik pero maliksing nagpasama kay Keann sa may staff area. Nagtataka kaming lahat ng naiwan doon maliban kay Ashriel na umiinom lang ng inorder niyang iced coffee.

"Is something wrong?" Dinudungaw na pala ni Jiro ang mukha ko. I faked a smile and nodded.

Sobrang babait naman nilang magkakaibigan sa akin at sinasali talaga ako sa usapan pero hindi ako komportable simula noong dumating si Nyx. May umuusbong na inggit sa puso ko na alam kong sobrang mali. Sobrang hindi tama...

Kinamumuhian ko ang lahat ng mga inggitera kaya hindi ako makapaniwala na isa na yata ako sa kanila. I hate what I'm slowly becoming.

"See, I can't wake up, I'm living a nightmare
That keeps playing over again"

Nang tumugtog ang kanta at binalot nito ang buong coffee shop ay maliit na ngiti ni Ashriel ang nakita ko. He looked so proud.

"Locked in a room, so hung up on you
And you're cool just being friends"

Bumalik na si Nyx at Keann, malawak ang ngiti ni Nyx habang tinitignan kami, pabalik-balik sa bawat isa. Mas pinagtuonan ko ng pansin ang kanta at napatingin ako agad kay Jiro nang marealize na siya ang kumakanta!

Napaatras ako nang paglingon ko ay nakatitig siya sa akin at halos nasa ulo ko na pala ang ilong niya. Kung hindi lang nagsimula ang pakiramdam na pinipiga ang puso ko ay baka itinulak ko siya palayo.

"Hot Chelle Rae, nice." tumatango-tango si Seth habang sinasabi iyon kay Jiro.

"Left on the sidelines, stuck at a red light
Waiting for my time,"

"Wow! Memories!" sabi ni Keann at nagsitawanan silang lahat maliban kay Nyx na nahiya at kay Ashriel na hindi yata na-gets ang joke. It's an inside joke within their circle, kaya hindi ko talaga iyon alam.

Jiro also did not laugh, but I felt him stiffen.

"And I can't see why don't you love me?
Touch me, tell me I'm your everything
The air you breathe
Why don't you love me, baby?"

The words... he sang them with soul. And every syllable of it described what I felt towards him. What I've always wanted to tell him.

"What is that about? Memories I do not know of?" kuryosong tanong ni Ashriel.

Si Kaius ang nagsalita, "Kenjiro sang that for Lyrica months ago, pare."

Oh, fuck.

Kawawa ka naman, Astraea.

Nagreact ang iba na may halong panunuya kay Jiro na hindi pa rin gumagalaw sa tabi ko at ayaw ko rin siyang tignan.

Tumango lang si Ashriel at sa tingin ko ay wala lang sa kaniya iyon. Maybe that is how secure he is in their relationship. Lucky him.

I felt him draw circles on the small of my back pero inalis ko iyon. Fuck that, Jiro. Do not be fucking clingy with me while I'm... once again, falling apart.

"See, I'm just too scared to tell you the truth
'Cause my heart it can't take anymore
Broken and bruised, longing for you
And I don't know what I'm waiting for"

It's now Nyx Lyrica's voice at tuluyan na akong hindi makagalaw. Natatakot ako na kung gumalaw ako ay makikita ng lahat kung gaano ako nasasaktan sa kasalukuyan. I do not want them to feel uncomfortable.

Ang saya nilang lahat.

"Buti pala may ganito?" tanong ni Elyza.

"Kasali kasi sa requirements ito to enroll sa music school, and I immediately thought of Jiro! His voice fits the song so well."

Tumango silang lahat. "Iyon nga lang, dedicated talaga para sa'yo itong kanta." pang-aasar ni Kaius kay Nyx.

"It's not. Kaius." seryosong sita ni Jiro. Tumaas ang mga balahibo ko dahil sa sobrang lamig ng tono niya.

"It's killing me so
Why don't you love me, baby?
Open up your heart tonight
'Cause I could be all that you need"

They sang in chorus and I couldn't start explaining how beautiful they sound together. Gosh! Hindi ko man lang alam na magaling kumanta si Jiro. Ang dami ko pang hindi alam, habang sila, may common interest pa.

"Why don't you love me?"

Nagpalakpakan silang lahat hanggang sa natapos ang kanta.

Nang hindi ko na kinaya, "Excuse me." pagpapaalam ko bago ako tumakbo papalabas, kaso bago ko nagawa iyon ay natabig ko ang inumin at natapunan si Nyx.

"Oh my!" reaksyon ng mga kaibigan niya habang si Nyx ay ngumiti lang sa akin. Napatingin ako kay Jiro at pinilit ko ang sarili ko na isiping may galit at panghuhusga ang mga mata niya dahil sa nagawa ko.

Syempre, si Nyx ito.

"I-I'm so sorry!" sabi ko habang tinutulungan si Nyx na punasan ang damit niya pero naunahan na ako ni Ashriel. Humarang siya sa pagitan namin at halos ang malapad na likod lang ni Seth ang nakikita ko. Kulay puti ang bestida ni Nyx kaya tinatakpan siya ni Ashriel, but I felt so fucking bad.

"It's okay! Don't worry!"

Tangina! Hindi ko kailangan ng bait ngayon!

"Get mad at me, please..."

"Ha? No, really! Ayos lang, Trey..." mahinhin na sabi nito habang nakakapit sa balikat ni Seth na tinutulungan siyang magpunas.

"Nyx, sige na! Magalit ka nalang sa akin!" pahisterya kong sabi.

Magalit ka para may karapatan din akong magalit sa iyo! Papatayin ako ng konsensya ko! Iyong ngiti mo, hindi ko kailangan! I do not need any more nightmares!

Hinila ako ni Jiro kasabay ng paglayo nina Nyx sa akin. Ang mga mata ng kaibigan nila ay nagtatanong na at parang pinapakiusapan ni Nyx si Seth na bitawan siya kausapin muna ako dahil sa inaasal ko.

Hindi ko naman sinasadya pero sobra ang konsensya na nararamdaman ko habang nagpapatianod sa hila ni Jiro.

Pagkalabas ko ay tumama ang malakas na hangin sa mukha ko, pati ang kalangitan ay sinasalamin ang bagyo sa loob ko.

Napahawak ako sa dalawa kong tuhod habang isa-isang tumulo ang luha ko.

"Trey, what's happening?"

Ang dibdib ko ay parang pinupunit at literal na nararamdaman ko ang sakit na dala nito. Huminga ako nang malalim bago tumayo nang diretso at matapang na hinarap si Kenjiro.

It's now or fucking never.

"Mahal kita." I declared.

Nanlaki ang mata niya pero agad niyang nabawi ang pagkagulat. Kuminang ang mga mata niya at nakita ko ang multo ng ngiti sa mga labi niya.

"Mahal din kita!" parang frustrated na sabi niya.

Ako naman ngayon ang natigil. Akala ko, sa unang beses na maririnig ko iyon mula sa kaniya ay tatalon ako sa tuwa. Pero ngayon, parang tinutusok lang nang paulit ang ulit ang puso ko na parang gusto ako nitong patayin sa sobrang sakit.

Humakbang siya papalapit sa akin at masuyong inaabot ang mga kamay ko pero ang paglapit niya ay siya ring paghakbang ko papalayo. Paulit-ulit akong umiling habang nagpplay sa utak ko ang huli niyang sinabi.

"Mahal na mahal kita, Trey..."

Ngayon ay wala nang tuwa sa mukha niya nang matanto niya na hindi ko siya hahayaan na makalapit sa akin. Not anymore.

"No, no... You don't get to say that to me, Jiro." I said every word with conviction as anger is boiling within me.

Kakakita ko lang kung paano lumiwanag ang mata niya nang dumating sina Nyx! Iyong kanta na inalay niya para kay Nyx! Iyong ngiti niya para kay Nyx! Tapos sasabihin niya sakin ito?

Did he just fucking realize na hindi talaga pwede kaya sa akin naman?

"Why not?"

"Kasi pinipili mo lang ako ngayon dahil hindi pwede iyong isa!"

"What? No—"

"Buong buhay ko, hindi ko naramdaman ni minsan ang pakiramdam na mapili! My parents... my own family couldn't even choose to stay!"

His eyes were pleading. Naabot niya ang mga siko ko at gusto kong bawiin iyon pero malakas siyang masyado. "Don't struggle, please. Masasaktan ka sa hawak ko..." sabi niya na hindi ko pinansin.

"Kinailangan kong ibigay ang lahat ko, kinailangan kong ubusin ang sarili ko para man lang masali sa pagpipilian! I never had the privilege to be chosen by anyone without me having to do anything to have it..."

Sinabi ko ang lahat ng iyon nang nakatitig sa mga mata niya na tila nagmamakaawa. Sakit ang nakikita ko roon na parang sinasalamin ang kaluluwa ko na siguro'y sira-sira sa oras na ito.

"You do not know that, Kenjiro... Hindi mo alam kung gaano ko kagusto na piliin mo ako ngayon! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na lumingon ka sa akin!"

"You do not know that..." humihikbi kong sabi.

"Then, why are you doing this?"

"Because this is not how I pictured it to be, Jiro."

"Hindi ko gusto na piliin mo ako sa ganitong paraan! Ayaw ko... ayaw ko na pupunta ka lang sa akin kasi hindi mo siya makuha..."

With that, he enveloped me in his embrace. Gamit ang natitirang lakas ko ay marahan kong sinusuntok ang likuran niya.

"What can I do Trey? Kailan mo ba ako paniniwalaan? Sabihin mo sa akin..." sobrang rahan ng boses niya at nababasag ito.

Naramdaman kong nababasa ang balikat ko dahil sa mga luha niya. Nararamdaman ko din sa yakap namin ang mga hikbing pinakakawalan niya at hindi ko maintindihan kung para sa akin ba iyon o kay Lyrica.

"Paniwalaan mo ako, Trey... What can I do? I'd do everything. Fuck. Please... Please..."

Nanghina ang yakap niya kaya kumalas na ako at buong lakas ko siyang tinulak. Nabigla ako nang natinag siya doon at napahakbang palikod.

Pinalis ko ang luha ko at muli siyang tinanong, "Mahal mo ba?" Alam niya agad kung sino ang tinutukoy ko.

"Yes—"

Pagkasabi niya noon ay humikbi akong muli.

"Because she is my friend! She is a friend, Astraea! You were never just a friend to me and I made sure you knew that!"

Umiling ako, he made me feel like it but he never told me. "I hate that I couldn't bring myself to believe you right now."

"Baby, please... Please... Makinig ka naman sa akin...

Nanghina ako sa tinawag niya sa akin pero kinaya ko ang panlalambot ng mga tuhod ko dahil hindi pa ako tapos.

"I... I am so fucking insecure, Kenjiro! Hindi ko alam kung bakit 'to nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung kakayanin ko! Hindi ko alam kung makakalimutan ko iyong mga araw na pinili mo siya kaysa sa akin!"

"I-I'm so sorry, baby... I did all those because I saw her as my friend," He kept on explaining but I do not have the heart to listen. Gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko sa ngayon, sa sobrang tagal ko silang sinarili. "Forgive me, Trey... and let's be happy together,"

"It's not that simple! It hurt me! It hurt me so bad! Masakit na masakit! Ayaw ko na siyang maranasan ulit because the pain would kill me! It would kill anyone who experiences it, Jiro."

Ako mismo ay naririnig kung gaano ako kadesperada at ka-immature pakinggan pero hindi ko na kayang itago!

"Please, stop crying..." bulong niya.

"Hindi ako paladasal na tao pero bawat araw nalang, pinagdarasal ko na sana maalis na yung sakit na nararamdaman ko. Na gagawin ko lahat lahat basta magmanhid na ako!"

He continued crying in front of me. His one hand is clenched into a fist at iyon ang ginagamit niyang pantakip sa labi niyang walang tigil sa paghikbi. Gustong gusto ko siyang daluhan, yakapin, at punasan ang mga luha niya pero ang utak ko ang nangingibabaw ngayon sa puso.

"I'm so sorry... I'm sorry, Trey..."

Ambang yayakapin niya ulit ako pero tinulak ko siya, at muli siyang napaatras.

"I hurt you... I had no idea I hurt you this much."

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon.

"I hurt myself, Kenjiro. It was me who fell in love with you... I loved you so, so much and it hurt me just the same."

Unti-unti na akong umatras kahit anong pilit niyang paglapit. "...and now, I'm asking you to leave me alone." I finally said before I walked away. Away from the love of my life.

That was the last time I saw him. Broken and drowning in his own tears.

Habang itinatatak ko sa isip ko ang bawat guhit sa mukha mo ay ipapangako ko... mamamatay rin ang mga paruparo sa tiyan ko't malilimutan ang pangalan mo.

Continue Reading

You'll Also Like

255K 6K 45
Umbrella Garceron was unaware of her selfishness during her juvenility. She was too young to understand it, was her excuse, that's why she kept on do...
1M 32.8K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.1K 103 42
Sometimes, the best memories can be created by a simple coincidence... unexpected eye contact, small smile, a mistake.... and everything can suddenly...
10.6K 400 48
Art Series #1: Pleasuring Stain Zonnique knows how to value smallest thing in life, even the ones that people considered as useless things. Broken v...