Impius Academy 2: The Truism...

By Missloorh

178K 7K 4.9K

Wag niyo itong basahin hanggat di niyo nabasa ang book #1 ++++++++++ Warning: not edited so expect typos etc. More

Warning
Prologue
Chapter ♥ 1
Chapter ♥ 2
Chapter ♥ 3
Chapter ♥ 4
Chapter ♥ 5
Author's Note
Chapter ♥ 6
Chapter ♥ 7
Chapter ♥ 8
Chapter ♥ 9
Chapter ♥ 10
Chapter ♥ 11
Chapter ♥ 12
Chapter ♥ 13
Chapter ♥ 14
Chapter ♥ 15
Chapter ♥ 16
Chapter ♥ 17
Chapter ♥ 18
Chapter ♥ 19
Chapter ♥ 20
Chapter ♥ 21
Chapter ♥ 22
Chapter ♥ 23
Chapter ♥ 24
Chapter ♥ 25
Chapter ♥ 26
Chapter ♥ 27
Chapter ♥ 28
Chapter ♥ 29
Chapter ♥ 30
Chapter ♥ 32
Chapter ♥ 33
Chapter ♥ 34
Chapter ♥ 35
Chapter ♥ 36
Chapter ♥ 37
Chapter ♥ 38
Chapter ♥ 39
Chapter ♥ 40
Chapter ♥ 41
Chapter ♥ 42
Chapter ♥ 43
Chapter ♥ 44
Chapter ♥ 45
Chapter ♥ 46
Chapter ♥ 47
Chapter ♥ 48
Chapter ♥ 49
Chapter ♥ 50
Chapter ♥ 51
Chapter ♥ 52
Chapter ♥ 53
Chapter ♥ 54
Chapter ♥ 55
Chapter ♥ 56
Chapter ♥ 57
Chapter ♥ 58
Chapter ♥ 59
Chapter ♥ 60
Epilogue
Special Thank you
Must read
Special Chapter
MUST READ
New fantasy novel

Chapter ♥ 31

1.8K 65 37
By Missloorh

Blaire POV

Naalisto kami nang tinutukan nila kami ng kanilang mga pana. Nasa bente silang lahat. Ang tatangkad nila at ang puputi, pati na ang mga mahahaba nilang buhok. Para silang mga prinsipe dahil sa mga suot nila. Ang gaganda nilang mga lalaki kahit medyo mahaba ang kanilang mga tenga.

"Ce faci pe teritoriul nostru?" (Anong ginagawa niyo sa aming teritoryo?) awtoridad tanong ng isa.

Nangunot naman ang noo ng mga kasamahan ko.

"Anong sinasabi nila?" bulong tanong ni Aubrey sa akin. Nangunot naman ang noo ko. Ang ibig ba niyang sabihin ay hindi niya naintindihan ang lenguwahe ng mga kaharap namin ngayon? Kung ganun bakit naintindihan ko ang sinasabi nito?

"Ai răspuns dacă nu vrei să mori!" (Sumagot kayo kung ayaw niyong mamatay!) napaigtad naman ang ibang kasamahan ko nang sumigaw muli ang nagsasalita sa kanila.

"Nandito kami para sa isang misyon" seryosong tugon ko at napatingin naman sa akin ang mga kaibigan ko na nakakunot ang mga noo.

Nagkatinginan naman ang mga Elves at nilingon ako muli.

"Ce fel de misiune?" (Anong klaseng misyon?) seryosong tanong nito muli sa akin. Siguro ito ang leader nila dahil ito lang lagi ang nagsasalita. Pero bakit naintindihan nila ang sinasabi ko? Ang daya nun kung tutuusin.

"At bakit ko naman sasagutin ang tanong mo ginoo?" malamig kong balik tanong sa kanya. Hindi pwedeng basta basta ko nalang sasabihin ang pakay namin, lalong lalo na't ngayon ko lang sila nakasagupa. Mahirap magtitiwala ka agad dahil ang tiwala ay hindi basta basta maibibigay kung kani-kanino lang.

"Crezi că încă mai ai o alegere? Vă putem ucide dacă vrem să spunem mai întâi întreb" (Sa tingin mo ba binibini may mapagpipilian pa kayo? maaari namin kayong patayin kung gugustuhin namin kaya sabihin muna ang tinatanong ko) malamig tugon niya sa akin. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Maaaring kaya nilang gawin iyun, maaaring marami pa silang naninirahan dito. Ngunit anong lugar ang napapasukan namin? Huminga naman ako ng malalim bago nagsalita muli.

"Narito kami para sa diyamanteng bato" sagot ko sa tanong niya dahil totoong wala na akong mapagpipilian.

"Și ce vei face cu stânca?" (At ano naman ang gagawin niyo sa bato?) naagaw lahat ng atensyon namin nang may nagsalita. Kaya agad akong naglibot ng tingin ngunit wala akong nakita. Nangunot ang noo ko nang nagsiyukuan ang mga Elves.

Lumingon ako sa likod at nahugot ko ang aking hininga nang nakasalubong ko ang mapang-akit na mukha. Nakayuko siya sa akin kaya medyo naabot ito ng kunti. Napaka perpekto ng mukha niya. Kulay olandes ang kanyang mga kilay pati na ang mga pilik-mata, matangos ang ilog at mapupula ang mga labi. Umiigting din ang kanyang panga kagaya ni Four. Mahaba din ang mga tenga nito.

Napalunok ako nang ngumisi ito sa akin. Siya ang tipong isang ngisi lang ay manlupaypay na ang buo mong pagkatao.

Nabalik ako sa reyalidad nang may humila sa akin. Tiningnan ko naman kung sino ito at napakagat nalang ako ng iibang labi dahil sa mukha ni Four na parang papatay na ng wala sa oras.

"Nu simți că se va apropia din nou dacă nu doriți să experimentați cât de greu este în iad." (Wag na wag kang magkakamaling lapitan siya muli kung ayaw mong maranasan kung gaano kahirap ang nasa impyerno) napaawang naman ang aking bibig dahil sa pagbabanta ni Four. Nakakapagsalita siya ng lenguwahe ng mga Elves? Kung ganun ay naintindihan niya ang mga sinabi ng isang Elves kanina ngunit bakit hindi siya nagsasalita?

"Nu-ți face griji că nu l-aș lua, dar nu poți să mă admira la frumusețea ei frumoasă" (Wag kang mag-alala, di ko agawin siya sayo ngunit di mo maalis sa akin ang humanga sa taglay niyang ganda) napabaling naman ako muli sa binatilyong nakaharap ko kanina dahil sa sinabi nito. Nasilayan ko naman ang mapang-asar niyang ngisi kay Four at naramdaman ko namang bumigat ang tensyon sa pamamagitan nilang dalawa.

"Tumigil na kayo" seryosong saway ko sa kanila.

"Maaari ka bang magpakilala at sabihin kung saan kami?" kinalma ko ang sarili habang tinatanong ang mga iyun at maitiim nakatingin sa binatilyong Elves na nakaharap ko kanina. Ngumiti naman ito at halos tumalon naman aking puso dahil dun.

Narinig ko naman ang mga tikhim ng mga kaibigan kong babae. Naramdaman kong may pumisil naman sa aking beywang kaya tiningnan ko ito. Ang kamay ito ni Four kaya umarte naman akong walang naramdaman sa ngiti ng kaharap namin ngayon. Mahirap na baka ang niyebeng bundok na ito ay mapapalitan ng mga apoy.

"Eu sunt Azlan Elvevrous, prințul Împărăției Elveris și sunteți aici pe teritoriul împărăției noastre" (Ako si Azlan Elvevrous, prinsepe ng mga taga Elveris kingdom at oo andito kayo sa teritoryo ng kaharian namin) taas noong tugon niya sa tanong ko at napataas naman ang aking kilay. Kaya pala nagsiyukuan nalang ang ibang Elves kanina.

"Kung ganun Prince of Elveris kingdom, maari naba kaming tutuloy sa aming misyon?" kalmado kong tanong at ngumiti naman ako ng peke. Tumango tango siya bago nagsalita.

"Răspunde la întrebarea mea Tinere Young, ce ajungi la piatră?" (Sagutin mo muna ang tanong ko magandang binibini, anong gagawin niyo sa bato?) seryoso niyang tanong at napabuga naman ako ng hangin. Gwapo nga pero mahangin at makulit naman.

"Kaylangan namin iyun para patibayin ang Barrier ng Impius academy" seryosong saad ko at tumango-tango naman siya muli.

"Hmmmmm Vă invit să petreceți prima noapte în regatul nostru, dublul și pericolul, continuați călătoria dvs. la muntele din Antartic. Multe creaturi relevante trăiesc aici și pot fi unul dintre voi să vă poată merge" (Hmmmmm maaari ko bang imbitahan kayong magpapalipas muna ng gabi sa aming kaharian, mag takipsilim na at delikadong tutuloy pa kayo sa inyong paglalakbay patungong pundok ng Antartic. Maraming mga masasamang nilalang ang naninirahan dito at maaaring isa sa inyo ay masawi) suhestiyon naman niya at napaisip naman ako dun. Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko.

"Ano sinabi?" tanong ni Scarllet.

"Gusto niyo bang magpalipas muna ng gabi sa kaharian nila?" tanong ko sa kanila gamit ang telepathy at nakita ko naman kung paano sila na gulat.

"Wow! Blaire, ikaw to? Unbelievable! Nakasara ang pagiisip ko tapos napasok mo parin? Kyaahh idol na talaga kita" tili naman ni Lucy gamit ang telepathy kaya napairap nalang ako.

"You're awesome Blaire but anyway, payag ako dun hehehehe ang gawpo niya shit" tugon naman ni Sophie gamit din ang telepathy. Di kami makakapagusap lahat dahil ako lang naman ang nakakapasok sa mga isipan nila, kung nakabukas lahat ang kanilang isipan ay maaaring makakapagusap kaming lahat gamit ang telepathy. Nakita kong ang iba ay tumango lang.

Hinarap ko muli si Azlan.

"Payag kami" saad ko at ngumiti naman ito muli.

"Dacă da, și vă puteți răsfăța în ei înșiși în împărăția noastră și pentru a vă odihni" (kung ganun tayo na't maipakilala niyo ang mga sarili sa loob ng aming kaharian at makapagpahinga narin) wika niya at nauna na itong naglakad kaya sumunod nalang kami sa kanya. Samantalang ang ibang Elves ay nasa likod lang din namin, siguro'y mga kawal ang mga ito.

Malayo layo din ang nilalakaran namin bago kami nakarating sa tulay. Ito daw ang tulay papunta sa tarangkahan ng kanilang kaharian. Nagpatuloy kami sa paglalakad at napawang ang aking bibig dahil sa ganda ng tanawin mula sa aming nilalakaran ngayon. Napakagandang tingnan ang mga punong kulay puti dahil sa mga niyebe. May mga kulay puting ibon na nagliliparan at mga paru-parong puti din. Ang mas nakakaagaw sa akin ng atensyon ay ang mga pulang bulaklak na parang kulay dugo iyun sa mga niyebe, nagkalat sila sa buong paligid.

"Wow!" naagaw naman ang aking atensyon kay Aubrey dahil sa bulalas niya. Nakita kong nakaawang ang kanyang bibig habang nakatingala kaya napatingin narin ako sa tinitingnan niya.

Namangha ako sa aking nakikita dahil sa kaharap namin ngayon na palasyong gawa sa yelo. Kumikinang pa ito dahil may mga diyamante ding nakapalamuti sa iilang sulok. Nasa tarangkahan palang kami ngunit kitang-kita na namin ang kabuuhan ng palasyo nila na napalibutan ng mataas na pader. Bumakas naman ang tarangkahan na gawa sa matigas na metal ngunit silver din ang kulay nito. Sa taas ng tarangkahan na ito ay may mga nakabantay na Elves at may hawak silang tig iisang pana. Lahat ng kulay ng mga mahahaba nilang buhok ay puti.

"Ang ganda" komento ni Lucy sa pagpasok namin at tama siya sa sinabi niya. Mas namangha ako dahil sa paligid na halos nalang mga bulaklak, may mga atip na kasi dito kaya hindi masyadong napapatakan ng mga niyebe. May mga paru-paro na ding may ibat ibang mga kulay. 

May water falls sa kabilang bahagi at may mga bantay din sa bawat paligid. Pataas ang pagkagawa ng palasyong ito, may mga yelong hagdanan sa mga gilid nito papuntang pinakatuktok.

Umakyat kami sa yelong hagdanan at nagpaiwan nadin ang mga nakasunod saming kawal. Makikita mo mula sa hagdanan na ito ang lugar ng nasasakupan ng kahariang ito. May mga pintuan naman sa baba at base sa tantiya ko ay papasok iyun sa mga selda, hindi naman pwedeng sa itaas ang mga selda. Bawat palasyo ay dapat may mga seldang malalagyan ng mga taong nagkakasala. Malaki ang palasyo na ito. Pumasok kami sa isang pintuan at bumungad naman sa amin ang malaking espasyo ng silid tanggapan. Gawa sa yelo parin ang bahaging ito at may mga upuan na kulay puti na may telang nakabalot na parang gawa sa buhok ng oso. May iilang bantay ding nakatayo.

"Urmați-mă" (Sumunod kayo sa akin) saad ni Azlan at umakyat pa siya sa yelong hagdanan dito sa loob kaya nagkatinginan naman kaming magkakaibigan. Dami namang hagdanan ng palasyong ito.

Wala kaming nagawa at sumunod nalang din kami.

@Missloorh

Anyway, yang lenguwaheng gamit ng mga Elves ay Romanian pala yan mga bebs!

Hope you like it! Lovelots!

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...