Glamir Series: BRANDON (BoyxB...

By every1lovesnat

24.6K 2K 229

I met a man who looked at me with respect, I met a man with manners and He love me for who and what am I-desp... More

GLAMIR SERIES 1
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Author's Note

Chapter 22

485 48 6
By every1lovesnat

Glamir Series 1: BRANDON

Hindi rin nag-tagal ang pamamalagi namin sa bahay ni Lolo dahil napag-desisyunan nila Papa na doon muna kaming tatlo sa bahay nila.

Hindi naman kami umangal dahil gusto ko rin naman silang makasama araw-araw, lalo pa't mas makaka-tulong 'yon sa pag-bubuntis ko.

Kasalukuyan kaming nag-iimpake ng mga gamit na dadalhin namin, hindi naman kasi pwedeng dalhin namin lahat lalo na 'yung mga hindi naman talaga namin kailangan.

"Primo, dumalaw ka sa'kin lagi ha, mami-miss kita sa pag-lipat mo." Malungkot na wika ni Ate Amy.

"Ate, hindi naman malayo 'yon. Tsaka isang sakay lang 'yon mula sa bayan kaya pwede niyo rin akong dalawin." Ani ko bago yumakap.

"Beshy, kapag dadalaw ka dalhan mo lagi ako ng masasarap na pagkain ha, 'yung masasarap." Pag-ulit ni Wendy.

Nandito sila ni Ate Amy nang malaman na lilipat na ako sa bahay nila Papa, kahit papaano ay nakapag-paalam na rin ako sa mga taong tumulong sa'kin at sumuporta.

"At ikaw naman," Humarap ito kay Tim na katulong ko sa pag-tutupi ng damit. "kahit saglit palang tayong magka-kilala alam kong mabait ka, basta akin ang isa sa kambal ha." Natawa nalang kami sa sinabi nito.

"Wala naman akong gusto sa kambal, kahit sayo pa silang dalawa." ani Tim.

"Nasaan pala si Brandon? bakit wala rito?" Tanong ni Ate Amy sa gitna ng pag-ligpit namin.

"Pumunta po sa bahay nila, nag-paalam sa Papa niya." Sagot ko.

Maaga kasi kaming gumising para ayusin ang mga gamit na dadalhin, si Brandon ay umuwi muna sa kanila para kuhanin ang ilan niyang gamit nag-sabi rin ito na mag-papaalam sa Papa niya.

Alam ko may parte sa Papa niya na mami-miss si Brandon, pero sinabi ko rin sa sariling hindi ko sasayangin ang tiwalang ibinigay niya saakin, mamahalin ko si Brandon kung paano niya mahalin ito. Tsaka dadalaw rin naman kami kapag may oras.

Natapos na namin lahat ng bagahe nang dumating si Brandon, may bitbit itong isang malaking bag sa balikat niya.

"Naka-ayos naba ang lahat? nakita ko ang kambal sila raw ang susundo saatin." Ani Brandon.

Mabilis naman ang naging pag-kilos ni Wendy ng marinig ang sinabi ni Brandon, tumitili itong lumabas ng pintuan.

"Ingay talaga!"

Tinulungan kami ni Brandon sa pag-bitbit ng gamit kahit na meron siyang bag na bitbit, pag-labas namin ay nakita namin ang kambal. Si Wendy ay halos idikit ang sarili kay Vistro, habang si Victor naman ay naka-ngiti lang at naka-tingin sa'min.

"Bye Primo, Tim." Yumakap sa'min si Ate Amy. "Mag-ingat kayo palagi." Dagdag niya habang yakap kaming dalawa.

Ayokong maging emosyonal kaya ngumiti ako kay Ate Amy at niyakap ito pabalik. Nang maka-bitaw ay muling kinuha ni Brandon ang ilang gamit para ipasok sa likod ng Van, pero this time ay katulong na ang kambal.

"Pwede ba akong sumama sa pag-hatid? gusto ko lang maka-sama si Vistro." Malanding sabi ni Wendy.

"Sino naman mag-hahatid sa'yo pauwi?" Tanong ni Vistro kaya napa-simangot ang Babae.

Inalalayan kaming sumakay ni Brandon at sa huling sandali bago umalis ay nag-paalam ulit ako.

"Kumain na ba kayo? gusto niyo mag-drive thru muna?" Alok ni Victor na siyang nag-mamaneho.

"Hindi na salamat, okay na 'yung ginawa niyong pag-sundo sa'min." Si Tim ang sumagot.

Sumang-ayon nalang kami dahil kumain na rin naman kami bago umalis ng bahay.

Naging matagal ang biyahe dahil nakaroon pa ng aksidente sa daanan, Nag-palit ng pwesto ang kambal at si Vistro naman ang nag-drive para makapag-pahinga si Victor.

Nasa likod kami ni Brandon magkatabi, sa harapan naman namin ay si Tim na mag-isa.

Naki-chismis pa si Victor sa kung anong nangyari dahil ang tagal na namin na stranded sa traffic.

Maya-maya pa ay pumasok ito at tumabi kay Tim.

"Hindi niyo 'ko gagawing driver, bakit iniwan niyo ako dito sa harap?"

Hindi pa man nakapag-salita si Victor ay mabilis na umangal si Vistro. Kanina kasi katabi niya si Victor, tapos ng pumasok ulit ay sa harap na namin ito umupo.

"Matatagalan pa 'yung traffic matutulog muna ako dito, patayin mo muna ang makina sayang gas." Wika ng kambal.

Pinabayaan nalang namin sila na mag-away. Ang mahalaga kasama at katabi ko si Brandon, pabor pa sa'min ang traffic dahil mas matagal ko siyang makaka-sama.

Gaya ni Victor ay natulog na din kami ni Brandon, yakap ko siya at nasa dibdib niya ang ulo ko pinakinggan ko ang bawat kabog nito na parang iisa lang ang sinasabi.

Ang pangalan ko.

Na-alipungatan ako dahil sa pag-alog ng sasakyan, dumilat ako at nakitang nag-uumpisa na ulit ang biyahe. Mainit na at lagpas alas-dose na ng tanghali. Ganon katagal ang inabot ng traffic.

Nakita ko sa harap ang tulog parin na si Tim at Victor, naka-sandal sa balikat ni Victor ang ulo ni Tim habang ang kamay ni Victor ay nasa likod ni Tim.

They look like a couple who are tired from the trip, it's nice to see them.

Halos hapon na ng maka-rating kami sa bahay ni Papa, sinalubong kami ng pag-aalala.

"Bakit ngayon lang kayo? kanina pa kayong umaga umalis di'ba?" Alalang tanong ni Papa nang maka-baba kami.

"May aksidente po kasing nangyari malapit sa bayan kaya natagalan kami. Hindi naman po kami nasaktan." Paliwanag ko.

Niyakap ako ni Papa bago tulungan sila Brandon sa pag-baba ng ilang gamit.

Dumating din si Ismael pero walang ginawa kun'di ang asarin ako na lagi niyang ginagawa.

"Pumanget ka lalo, tapos sooner or later tataba ka pa." Pang-aasar nito pero inirapan ko lang siya, hindi ko ito pinansin kaya nainis ito.

"Snobber nito, hindi naman maganda." Dagdag niya kaya gumanti na ako dito, mabilis kong hinampas ang braso at sinabunutan. Tumawa lang ito sa ginawa ko.

Kahit ilang beses kong hindi pansinin ang pang-aasar niya marami parin itong sinasabi na ikaka-inis mo, kaya minsan kapag inasar niya ako mas pinipili ko nalang siyang gantihan dahil doon din naman ang punta nu'n.

"Tama na 'yan, pumasok na kayo sa loob, naka-handa na ang mga pagkain doon." Saway ni Papa kay Ismael.

Tinignan ko muna sila kung tapos na silang ibaba ang ilang gamit, nakita kong tinutulungan ni Victor si Tim at si Brandon ay katulong si Papa.

Bag lang ang bitbit namin ni Tim nang pumasok kami, Nilapag lang namin ito saglit sa sala bago dumiretso sa kusina.

Pag-punta namin sa kusina ay nakita ko si Hansel.

Lowkey nanaman siguro silang nag-landian ni Ismael. Bakit ayaw pa kasi aminin ng dalawang 'to ang relasyon nila.

"Hi Hansel." Bati ko rito, ngumiti lang ito sa'min bago bumalik sa ginagawa.

Sabay-sabay kaming nag-dasal bago mag-umpisa kumain. Sobrang daming pagkain ang pinaluto ni Papa dahil hindi lang naman daw ako ang kakain dahil pati ang bata sa tiyan ko.

Umayos ako ng upo at masayang pinagmamasdan ang pamilya at mga kaibigan ko na magkakasama sa hapag-kainan. Ang kwentuhan at tawanan ay nagbibigay buhay sa paligid, at ramdam ang init ng pagmamahalan sa bawat ngiti at kwento. Isang simpleng sandali ng saya na nagpapaligaya sa puso ko.

Dahil hapon na nga kami nakarating ay hindi na namin natuloy ang planong pag-pasyal dahil mag-didilim na at pagod kami sa biyahe.

Hiwalay ang kwarto namin ni Brandon kay Tim kaya nalungkot ako, parang mas gusto ko pa kasama si Tim kesa sa boyfriend ko.

"Ayaw mo ba ako kasama? bakit mas gusto mo katabi si Tim sa pag-tulog? mag-katabi lang naman ang kwarto niyo ah." Maktol ni Brandon.

"Nag-sawa nako sa'yo Brandon, mabantot kana katulad ni Ismael." Biro ko sa kaniya.

Mabilis ang naging pagkilos nito at dinambahan ako sa kama, pumaibabaw ito sa'kin at pinaulanan ako ng mga halik.

"Tama na Brandon, nakikiliti ako."

Hindi parin ito tumigil sa pag-halik kaya gumanti naman ako, kinilit ko ang kaniyang tagiliran na mabilis nag-pahina sa kaniya, tumatawa itong bumagsak sa tabi ko.

"Akala mo hindi ko alam ang kahinaan mo."

Pinagpatuloy ako ang pakilita sa kaniya na mas lalong nagpakawala ng mga tawa niya. Sobrang sarap pakingan ng bawat tawa niya, parang musika na nag-bibigay saya sa puso ko, mas lalo tuloy akong nahuhulog sa kaniya.

Nagulat nalang ako nang mahuli ang kamay ko at mabilis na ipinag-palit ang pwesto namin. Siya naman ngayon ang naka-patong sa'kin.

Tinignan ako nito sa mata.

"Alam mo ang kahinaan ko, bukod sa kiliti?" Napa-lunok ako dahil sa titig na ipinupukol nito sa'kin.

Maloko itong naka-ngiti sa'kin kaya umiling ako kasabay ang muling pag-lunok ng laway.

Ghad! Sobrang gwapo ni Brando mula sa angulo niya. Ang malim niyang mga mata na nakatitig sa'kin, ang matangos nitong ilong at mapupulang mga labi na unti-unti papalapit sa'kin.

"Ikaw, ikaw ang kahinaan ko."

Bulong nito na siyang nag-painit sa pisngi ko, naging mabilis din ang pag-tibok ng puso ko.

Dahan-dahan lumapit ang mukha niya sa'kin at nilapatan ako ng isang halik.

"Alam mo rin ang kahinaan ko?" Tanong ko rito ng maka-recover sa ginawa niya.

Malako akong ngumiti ng umiling ito sa'kin, nanatili siyang naka-patong sa'kin.

"Ang junior mo."

Natawa ako sa sinagot. Muling inulan ni Brandon ng halik ang mukha ko pababa sa leeg.

Masaya naming hinaharot ang isa't-isa nang may kumatok sa pintuan, mabilis naman kaming tumigil at pinuksan ito.

"Tim?"

Bitbit nito ang gamit ng makita ko, nag-tataka akong lumabas at nagulat ako ng makita si Victor sa gilid nito.

"Mag-tatanan kayo?" Tanong ni Brandon ng maka-lapit ito.

Mabilis namula ang mukha ni Tim kaya napa-ngiti ako.

"May condo kasi si Victor na h-hindi na nagagamit, k-kaya nag-decide akong doon muna mag-stay." Utal na wika ni Tim.

"Bakit? ayaw mo ba dito? malaki ang bahay ni Papa kaya h'wag mong alalahanin ang pag-tira mo." Umakbay sa'kin si Brandon matapos nun.

"Sige papayag na nga akong mag-kasama kayo sa kwarto, h'wag mo lang iwan si Primo." Tila napilitang saad ni Brandon.

"No, hindi naman 'to about sa mga sinabi niyo, gusto ko lang talaga na..." Hindi niya matuloy ang sasabihin.

Nag-aantay ako ng sunod niyang sasabihin nang mag-salita si Victor.

"Mag-tatanan nga kami, mag-papaalam lang siya."

Gaya ng kapatid ay diretso ito sa pag-sasalita at hindi iniisip ang magiging reaksyon ng iba. napaka-prangka.

"Ano ba 'yang sinasabi mo Victor," Humarap ito sa'kin "Hindi totoo 'yang sinabi niya, gusto ko lang talaga muna lumayo-layo at hanapin ang sarili." Paliwanag nito.

Hindi ko gusto ang pag-alis niya pero naiintindihan ko na meron din itong pinagdadaanan kahit na hindi niya sabihin ay nararamdaman ko.

Sa gabing iyon, umalis ang isa sa mga naging parte ng buhay ko. Umalis ang kaibigan ko pero walang pait at sakit sa puso ko.

Masaya ako sa pag-alis niya dahil umaasa ako na sa pag-balik niya ay nakita na niya ang sagot sa mga tanong sa isip niya.

I will miss you Tim, I will remember the happy memories I have, I will never forget our memories, until the end Timothy.

Continue Reading

You'll Also Like

The Actor's Play By xix

General Fiction

9.4K 525 35
Well I was once seen as the villain not until I met the evil. I thought I was evil for blocking someone's happiness but someone is more evil than me...
4.7K 233 43
Istorya sa Musika Serye (NEW) #1: COMPLETED Inspired from December Avenue's Dahan BLURB: "Pinky promise?" "Pinky promise." Bata pa lang...
53.4K 3K 53
(Back Series #1) [BxB] Status: Completed Clayn Sarmiento, the in denial and androgynous gay is very popular in boys. Mens flocked at his inbox becaus...
25.7M 472K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...