Promises Etched in Poetry (Ar...

By aLeiatasyo

15K 762 1.6K

Being madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up every... More

Promises Etched in Poetry
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Unang Tula
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Ikalawang Tula
Chapter 22
Ikatlong Tula
Chapter 23
Chapter 24
Ikaapat na Tula
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Ikalimang Tula
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Huling Tula
from aLeiatasyo

Chapter 21

247 15 29
By aLeiatasyo

Kinaumagahan ay napamura ako nang maramdaman ang matinding sakit ng ulo. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko habang nakasabunot sa buhok. 

"Apo? Kain na tayo," rinig kong sabi ni Lola pagkatapos ng sunod-sunod na pagkatok. 

"Opo! Susunod na po!" Sigaw ko para marinig pero dahil sa lakas nito ay ako rin ang nasaktan dahil sa ulo ko. Gosh! What the hell?

Pinilit ko ang sarili kong makatayo at tinago ang pagkalukot ng mukha dahil sa pag-inda ng sakit ng pakiramdam ko. Grabeng pasasalamat ko na lang nang makitang may sabaw roon.

Agad ko itong hinigop pagkahain sa harapan ko at guminhawa naman ang pakiramdam ko kahit kaunti. Pagkatapos kumain ay nagsearch ako ng pain reliever sa computer at buti naman ay mayroon kami noon dito.

Buong araw ay nanatili lang ako sa kwarto ko at itinulog ang nararamdaman. Lumalabas lang ako kapag tinatawag para kumain. 

Napahinga ako nang malalim nang gumabi na at maayos na ang pakiramdam ko. 

Hindi ko alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko kay Kenjiro matapos ang nangyari. Sobrang linaw ng mukha niyang puno ng pagsusumamo sa alaala ko habang ang ibang pangyayari ay magulo na. Ang mga mata niyang tila nagmamakaawa sa akin ay hindi ko yata mauunawaan kailanman.

Nakakalito. May Nyx na siya, 'di ba? Bakit ganito pa rin siya sa akin? Bakit pilit niyang pinaparamdam sa akin na hindi lang ako kaibigan? 

He's cruel. Gusto ko na lang kalimutan ang nararamdaman ko para sa kaniya dahil sayang ang pagkakaibigan pero dahil sa ginagawa niya ay nagiging imposible ang gusto ko!

Pilit akong ngumiti na parang walang nangyari noong nakaraang araw sa pagitan naming dalawa. "Sinabi ko naman na ayaw kong magpapicture..." pagsisinungaling ko.

Gusto ko. Graduation picture, once in a lifetime lang akong magtatapos ng high school! Syempre ay gusto ko pero wala akong pera pambayad nito.

"Wala namang mawawala, Trey... I'll pay for it! Gift mo na sa akin," sabi niya na hindi ko maintindihan. Siya ang magbabayad pero regalo ko raw sa kaniya. 

Hindi siya kasing sigla kumpara sa mga normal na araw at alam kong dahil iyon sa tensyon sa pagitan naming dalawa matapos ang nangyari. Parang nag-iingat siya na may masabi o magawa siyang hindi ko magustuhan.

Tapos na ang pictorial nina Jiro at hindi ko alam kung bakit nandito pa siya. Matikas siyang nakatayo sa harapan ko habang suot ang dress shirt na ngayon ay nakakalas na ang unang dalawang butones at nakaluwag na ang necktie. 

"Wala ba kayong lakad ng barkada mo ngayon?" tanong ko. Kadalasan kasi kapag ganito ay palagi silang may naka-set na gala o kahit anong ganap. Kahit walang okasyon pala ay mayroon sila. Palibhasa ay mapera silang lahat kaya hindi inaalala kung saan man pupunta.

Umiling siya. "Meron sila."

"Hindi ka sasama." 

Umiling lang siya ulit. Tinulak ko siyang bahagya sa gilid para tignan ang tumawag sa akin at nakita kong ako na ang sasalang sa pictorial. Isinuot ko na ang kulay pula at yellow na toga. Umupo ako sa stool sa harapan at may background sa likuran ko. Hinawakan ko ang graduation cap sa harapan ko.

Nakaayos rin ako ngayon dahil may pinadala si Jiro na hair and makeup artist dito kani-kanina lang. Sabi niya ay iyon din ang sa mga kaibigan niya pero I doubt it.

Is this his way of making up to me? Naaawa ba siya sa akin kaya ganito?

Ngumiti ako sa harap ng camera at pinigilan ang pagkurap nang isang flash ang bumulag sa mga mata ko. Pagkatapos akong kuhanan ay pumikit agad ako.

Nang tapos na ay tatayo na sana ako pero nagsalita ang photographer, "Creative shot pa, miss."

Natigil ako at ambang tatanggihan iyon dahil hindi naman ako nakapaghanda pero biglang lumapit si Kenjiro sa akin. Nagulat ako nang sumama siya sa akin doon sa harapan ng camera. 

"What are you doing?" bulong ko na may riin pero nandoon na siya sa likuran ko habang nakaupo pa rin ako sa mataas na stool. Nakuha ko ang gusto niyang mangyari pero hindi pa rin ako makapaniwala.

Inayos niya ang kurbata niya at ibinalik ang isang butones sa damit na kanina ay nakaalis. Nakatingala pa rin ako sa kaniya. Iniabot na rin sa kaniya ang isa pang toga kaya pareho na kami ng suot ngayon. 

Ibinaba niya ang tingin niya sa akin at nagtaas ng kilay, "Come on, Trey. I waited for this."

Waited for this my ass! Ang sabihin niya, may kasama na sa creative shot ang talagang gusto niyang makasama kaya ako nalang.

Nanghingi siya ng isa pang stool sa mga kaklase kong nakikiusisa at unahan naman ang mga ito sa pagbibigay sa kaniya. "Bakit hindi ka nalang tumayo?"

"Magmumukha kang maliit masyado." 

Nakuha niya pa talagang tumawa! Kung hindi lang nagmamadali ang staff ay baka inaway ko pa ito! 

Humarap na lamang akong muli sa camera at ngumiti. Ang unang shot ay pormal lang, nakangiti kami at sobrang magkalapit ang mga upuan. Tulad ko ay hawak niya rin ang graduation cap.

Nang pangalawa na ay may inabot siya sa akin na papel na nakalaminate, tinignan ko ito at may print na 'My Editor-in-CHIEF'. Naramdaman ko ang paglukob ng init sa puso ko sa pagtingin ko roon pero nagbilang na ang photographer kaya iniharap ko ito sa camera at muling ngumiti.

Ang kinaibahan, naramdaman ko ang yakap ni Kenjiro mula sa likod at ang hininga niya sa may pisngi ko. Pagkatapos ay agad akong tumayo para kumalas sa kapit niya sa akin dahil parang hindi na ako makahinga. 

Naririnig ko ang reaksyon ng mga kaklase ko at ang mahihinang paghagikgik ng iba. Hindi namin sila pinapansin. Mamaya na lang nila ako asarin kapag wala na ang asungot na ito!

"Umalis ka na dyan!" sabi ko sa kaniya na nakaupo pa rin doon.

"Yes, chief!" natatawa niyang sambit. Iyon ba ang ibig sabihin ng mga naka-all caps na letra rito sa papel na ito? Hinampas ko ang ulo niya gamit iyon. 

Sinangga niya ang braso niya kaya hindi siya tinamaan. Sa halip ay nakuha niya pa ang kamay ko at hinawakan iyon. Iginiya niya ako palabas at nakita kong nagdidilim na pala. Hapon na rin kasi nagsimula ang schedule ng mga pictorial sa strand namin habang bandang tanghali naman ang kila Jiro.

Kung kanina sa loob ay mapaglaro pa ang awra niya, ngayon ay nawala na iyon at napalitan ng kaseryosohan. Tahimik kaming naglalakad na magkatabi habang magkahawak kamay. Sa tuwing babawiin ko ang kamay ko ay mas lalo niya itong hihigpitan kaya hindi ko na lang sinubukan ulit.

"Anong... problema mo?" tanong ko, kinailangan kong humugot ng hininga sa kalagitnaan dahil sa pagkabog ng puso ko. Ang sarap sarap sa pakiramdam ng ganito... na kasama siya habang dinarama ang pag-ihip ng hangin habang papalubog ang gabi.

"Pag-usapan natin. Yung nangyari noong isang gabi." napapaos ang boses niya. Tumigil siya sa paglalakad kaya ako rin. Hinarap niya ako.

Naalala ko ang nangyari noong gabing iyon. Ang sakit sa mata niya noong pinili kong sumama kay Ambrose... "What happened?"

Nakita ko kung paano siya hindi agad nakapag-react sa sinabi ko. "Do you not remember?"

Pilit akong tumawa, "No, not really! Sobrang sakit nga ng ulo ko pagkagising k--"

"Then, why did you do it? Bakit ka naglasing? Bakit ka umiiyak?"

Nanlaki ang mata ko sa huli niyang sinabi. "Sinabi ba iyan ni Alejo sa'yo?"

"It doesn't matter."

"Hindi ba pwedeng uminom nang walang dahilan? Na gusto ko lang ng experience? Come on, walang nakakaexcite sa buong buhay ko! Iyon na ata ang pinaka-extreme na nagawa ko." tumatawa kong sabi kahit pa ang lala na ng kabang nararamdaman ko. Seryoso ang mga mata niyang nakatitig sa mga mata ko na kinailangan kong umiwas ng tingin dahil sa intensidad na dala nito.

"Pwede... pero hindi ka ganoon." sabi niya. 

Hindi ako nakasagot. 

"Did someone hurt you, Trey? May nagugustuhan ka ba? Brokenhearted ba, Trey? Or is it because of home? What is bothering you? Please, I want to know..."

Hindi ko narinig ang iba niyang sinabi at ang mga nauna lang na tanong ang tumatak sa isipan ko. Halos gusto kong magwala dahil nakuha niya pa talagang itanong iyon! Which part of it is not fucking obvious to him?

Kasi kung ako ang makakakita sa sarili ko, agad kong mahuhulaan na patay na patay ako sa lalaking nasa harapan ko! What's stopping him from realizing it is beyond me!

"No. Jiro, wala lang talaga."

Umiling siya at nakita ko nanaman ang nakakalitong pagdaan ng sakit at poot sa mga mata niya. Muli niya akong hinawakan nang masuyo sa siko ko, "Hindi, Trey, eh... Si Ambrose, siya nanaman iyong kasama mo sa oras na iyon... na pwede namang ako na lang."

Napasinghap ako sa sinabi niya. "So this is about your insecurity about Ambrose? Nandito ka sa harapan ko ngayon dahil ayaw mo na malamangan ka ulit ni Ambrose like he did with your bestfriend?"

"The hell I care about him, Trey! You assured me once, and that was enough! Naniniwala ako sa mga sinasabi mo kaya I know better now. So, this is not about that!" I sensed restrain from his voice na para bang ginagawa niya ang lahat para hindi na taasan pa ang boses.

"Then what is it about?"

Pumikit siya at huminga nang malalim. "Iyon na nga, Trey... That I can be the one you'd tell your problems to... kasi pwede naman ako, eh. Ako nalang..." sabi niya, lubos na malumanay na ang boses ngayon.

Sarkastiko akong tumawa. "Hindi ka pwede nung mga oras na iyon, Jiro. You were in Manila. You were with someone else."

"She neede-" pagsisimula niya sa paliwanag pero itinaas ko ang kamay ko para pigilan siya. I do not want to hear it. Ayaw ko nang mag-away pa kami dahil lang dito. 

Magkaibigan na lang nga kami, sisirain ko pa ba iyon? Ang natitira kong koneksyon sa kaniya. Kahit ito man lang sana, hindi masira.

Niyaya ko nalang siya kumain ng tapsilog sa malapit lang sa school namin, pagkatapos ay ihinatid niya na ako. Hindi ko namalayang nakatulog ako sa byahe pauwi dahil sa pagod. Maliban kasi sa official shoot ay nagkuhanan ng maraming litrato ang mga kaklase ko.

Pagdilat ko ay nagulat nalang ako na nasa tapat na kami ng bahay ko! "Bakit hindi mo ako ginising? Sanang sa gate nalang!" nagpapanic kong sabi sa takot na baka nakita na ni Tita Ameliora. 

Tumingin siya sa akin, seryoso pero malambing ang mga mata. "I didn't want to wake you up... Thirty minutes na tayong nandito sa harap ng bahay niyo."

Unbelievable! "Pwede naman akong gisingin!" sabi ko pero bumungtong hininga nalang sa huli dahil nandito na kami at wala na akong magagawa.

Kinalas ko na ang seatbelt ko at binuksan ang pinto para makababa, "Goodnight, Ji."

"Goodnight."

Una kong tiningnan ang garahe at laking pasasalamat ko nang wala pa si Tita! Pagbukas ko naman ng pintuan ay si Lola ang nakaabang sa akin! Muntikan pa akong makapagmura sa harapan niya dahil sa gulat.

"Sino ang kasama mo, Astraea Lekha?" tanong nito at kinabahan ako nang marinig ang buong pangalan ko, pero pagtingin ko sa kaniya ay may naglalarong ngiti sa kaniyang labi.

Tumingin ako sa likuran ko kung saan tanaw mula sa malaking screen door ang sa labas, at nandoon pa ang sasakyan ni Jiro. Alis na! 

"Uh... kaibigan ko po. Nakatulog po kasi ako sa byahe."

"Lalaki?"

"Opo." Sa sagot kong ito ay may panunuya sa ngiti ni Lola at ang mga mata niya ay mapang-asar. Hindi ako nagsalita dahil baka mas lumala lang ang paghihinala niya sa akin.

Tumalikod siya papunta sa kusina, "Maghahanda ako ng merienda. Papasukin mo muna. Hindi pa naman siya umaalis." utos niya.

Nanlaki ang mata ko, "Lola! Wag na po!"

"No, Astraea! Bisita mo iyon! Nakakahiya. Bilang pasasalamat na sa paghatid niya sa iyo."

Sa tono niya ay alam ko agad na hindi na ako pwedeng umapela. Kumakalampag ang puso ko sa aking dibdib habang bumalik ako sa labas at kinatok ang bintana ni Jiro. 

"Bakit hindi ka pa umaalis?" 

Tinaasan niya ako ng kilay at may inosente pagtataka sa mata. How adorable! 

"Hindi ka pa naman tuluyang nakakapasok, eh."

Huminga ako nang malalim at pumikit bago sinabi sakanya na pinapapasok muna siya ni Lola sa loob. Tumango lang siya, bumaba ng sasakyan at ni-lock iyon na para bang natural lang na papasok siya sa bahay! Samantalang ako ay halos hindi na makahinga!

Gosh, nakapagligpit ba ako kagabi? Baka magulo sa living room! 

Inunahan ko siya sa paglalakad pero hinila niya ang kamay ko. Iginiya niya ako sa may tabi niya para sabay kaming maglakad. Naramdaman kong namamawis ang kamay niya at malamig ito.

"Are you not feeling well?" concerned kong tanong. Umiling lang siya. Pagpasok namin ay si Amiel na naglalaro sa carpet ang tumambad sa amin. 

Nilingon ako ni Jiro, "Is this Amiel?"

Lumapad ang ngiti ko dahil nakakatuwa na magkikita na sila! Sa lahat ng kuwento ko tungkol kay Amiel ay si Jiro ang palaging nakaririnig noon. 

Bago pa man ako makalapit ay humarap sa amin si Amiel. "A...te!" sigaw niya at gamit ang mumunting mga legs ay tinakbo ang distansya sa pagitan namin. Binitiwan ni Jiro ang kamay ko at ako naman ay lumuhod para salubungin ng yakap ang pinsan.

Inamoy ko ang buhok niya at paulit-ulit na hinalikan ang matabang pisngi. "Hello, baby! How was your day? Were you a good boy to Lola?"

"Yes." Lumayo na siya sa akin at tumingala sa lalaking nasa likuran ko. 

Ganoon rin ang ginawa ko at nakita ko si Jiro na hindi nakagalaw mula sa kinatatayuan niya kanina. Hindi ko alam kung para saan ang gulat sa mata niya pero agad din iyon nawala nang marealize na nasa kaniya na ang atensyon namin.

Tinuro siya ni Amiel, habang nakatingin sa akin. Nagtatanong ang mga mata. 

Binuhat ko siya at iniharap kay Jiro. "This is Amiel. Amiel, this is my friend, Jiro."

Sinubukang bigkasin ni Amiel ang pangalan niya pero nabubulol pa siya sa letter R. Sa katunayan ay maagang nagsalita si Amiel at bihira lang daw iyon sa mga batang nasa edad niya. Maging ang doktor niya ay nagulat.

"You can call me kuya." nakangiting sabi ni Jiro.

Halos mawala ako sa balanse nang biglang inabot ni Amiel si Jiro at nagpabuhat rito. Kinuha naman siya agad ni Jiro nang walang kahirap-hirap. Inilagay niya ito sa kaliwang braso niya at hindi man lang kinailangan ang isa pa. 

"Do you like him already?" tanong ko sa pinsan. Naaalala ko kasi noong nangingilala pa si Amiel ay talagang walang ibang pwedeng bumuhat sa kaniya maliban sa amin nina Tita at Lola dahil umiiyak siya. Walang tigil.

Hindi sumagot si Amiel at ipinatong niya lang ang chin niya sa balikat ni Jiro kaya naitago na ang mukha sa akin. Nakita kong bahagyang nanlaki ang mata ni Jiro sa inakto ng pinsan ko, pero lumingon siya agad sa akin nang may malawak na ngiti. 

"He likes me, Trey. Paano ba yan?" 

I rolled my eyes. "Ang yabang! Mas mahal ako niyan, 'no!"

"Oh, nandyan na pala." sabi ni Lola na kagagaling sa kusina. Masiglang masigla siya ngayong araw kumpara sa ibang araw na sakitin siya. 

Agad lumapit si Kenjiro kay Lola para magmano. Humagikgik si Lola, "Kahawig mo ang buhat mong bata. Kung hindi ko kayo kilala ni Astraea ko ay iisipin kong pamilya kayo!"

Hindi ko alam kung paanong tawang tawa si Jiro sa sinabi ni Lola habang ako ay ibinabaon ang mukha ko sa mga kamay ko dahil sa kahihiyan! Hindi naman nanliligaw ito sa akin at mas lalong hindi niya ako gusto kaya nakakaita! Baka akalain niya...

"Your grandmother likes me too." bulong ni Jiro sa akin habang nandito kami sa family room kung saan ang higanteng Christmas tree, halos kamukha rin ng living room namin sa may bukana. Nasa double seater couch kami kaya magkadikit kami. 

Ang laki naman ng area na ito ay may mga naglalakihan pang couch pero pinili niyang sumiksik dito. Nasa mga kwarto na nila si Lola at Amiel habang si Tita ay nagpaalam na hindi raw makakauwi hanggang mamaya. Solo namin ang buong lugar at ang dim lights ay nakapagpapakalma sa akin.

"So?" pagtataray ko.

Hinigop niya ang hot chocolate na inihanda ni Lola bago muling humarap sa akin at sa mababang boses sumagot, "Ikaw na lang ang kulang."

Continue Reading

You'll Also Like

18.6K 1.3K 38
Nyx Lyrica couldn't find ways to express herself. She found herself desperate to be heard, slowly overflowing with bottled up emotions but still coul...
87.9K 2.7K 49
Sonia Coraline Tio is all business. Whatever she sets her mind into, she does with finesse. For her, there's no room for failure. She was born an ach...
255K 6K 45
Umbrella Garceron was unaware of her selfishness during her juvenility. She was too young to understand it, was her excuse, that's why she kept on do...