Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)

By elyjindria

16M 459K 292K

(COMPLETED) Arken Zaviere is the definition of a perfect mayor, he was the savior of Caloocan City. Aside fro... More

note
Call Me Mayor
DISCLAIMER
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
LAST CHAPTER
NEXT
published on PSICOM!

Chapter Forty

345K 10.1K 7.6K
By elyjindria

"Iyan, tapos lumiko ka sa kaliwa," sabi ko saka itinuro ang daan kay Arken, agad naman niyang iniliko ang kotse sa kaliwa.

Kaunti na lang at makakarating na kami sa bahay namin dito sa Camsur. Hindi ko pa rin sinasabi kina Nanay na pupunta kami dahil gusto ko silang supresahin, mas magugulat lang sila dahil kasama ko si Arken. Sa totoo lang hindi ako sigurado kung matatanggap agad nina nanay si Arken, pero mapilit itong si Arken at gustong gusto sumama kaya hinayaan ko na lang.

"Mama Ayen, okay lang po ba talaga na sumama ako?"

Napatingin ako kay Arkia na nasa backseat katabi ni Vander na nakatingin lang sa bintana. Napangiti na lang ako at lumiyad para bahagyang kurutin ang pisngi niya. Twelve years old na si Arkia pero para sa 'kin baby pa rin siya.

"Oo naman, beh," nakangiting turan ko.

Natigilan ako nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong kinuha iyon mula sa bulsa ko. Napangiti na lang ako nang makitang si Wrena ang natawag, bigla ko tuloy naalala na hindi ko pa pala nasasabi sa kanya na buhay si Arken.

"Hello, Wrena."

"Kumusta ang biyahe niyo? Nandiyan ka na ba sa inyo?" tanong niya.

"Malapit na, bakit ka nga pala napatawag?"

"Wala lang, saan ba 'yang lugar niyo sa Camarines Sur? Para naman mapuntahan ko kayo paminsan-minsan," sabi na lang niya.

"Sa Pili, h'wag ka na ring mag-alala, sa Caloocan na kami titira ni Vander pagka-uwi namin galing Camsur," nakangiting tugon ko saka napatingin kay Arken na abala sa pagmamaneho. Hindi naman nakawala sa paningin ko ang maliit na ngiti sa labi niya.

"Wow! Buti naman at napagdesisyunan mong tumira sa Caloocan ulit. Pero alam mo ba? Ang daming kumakalat sa internet na nagmumulto raw si Mayor Arken, may nabasa nga ako sa facebook na cashier sa mall dito sa Sorsogon, sigurado raw siya na nag-grocery raw Mayor Arken noong nakaraan."

Nagpigil ako ng tawa sa sinabi ni Wrena. Nagtatakang napatingin naman sa 'kin si Arken. Umiling na lang ako at muling ibinaling ang atensyon kay Wrena.

"Hindi multo 'yon, buhay si Arken, kasama ko nga siya ngayon, e," natatawang sabi ko na lang.

Saglit na natahimik si Wrena sa kabilang linya. Bigla kong na-imagine ang hitsura niya ngayon, malamang nakaawang ang labi niya habang nanlalaki ang mga mata. Nawala rin kasi sa isip ko na sabihin kaagad sa kanya dahil inabala ko ang sarili ko kay Arken, sobra kong na-miss ang lalaking 'to, e.

"Tangina, Ayen. Alam kong hindi madali para sa 'yo ang lahat, kung ako rin ang nasa sitwasyon mo mababaliw rin ako. Magpatingin ka na sa doktor, Ayen. H'wag mong masamain, gusto ko lang na mapabuti ka dahil kaibigan kita," ma-dramang sambit nito. Natatawang napailing na lang ako at walang pasabi na pinatay ang tawag.

Kinuhanan ko ng litrato si Arken habang nagda-drive saka agad 'yong ni-send kay Wrena. Napahagikhik na lang ako habang hinihintay ang reply niya.

Wrenashi Mijares: OMG! Buhay talaga siya? Myghad, bakit naman kasi ni-broadcast niya sa buong Pilipinas na patay na siya tapos biglang susulpot na lang siya kung saan-saan? Sabihin mo riyan sa lalaking 'yan e ayusin na ang buhay niya. Nakakaloka kayo.

Natawa na lang ako sa reply niya. Nai-imagine ko na naman ang hitsura niya ngayon.

"Sige, kanan na lang tapos iyon na," sabi ko kay Arken saka itinuro ang daan sa bahay namin.

Medyo nahihirapan si Arken dahil may kasikipan ang lugar namin dito at lubak ang daan, pero hindi naman siya nagrereklamo. I-suggest ko nga sa kanya mamaya na ipaayos itong daan namin para good shot siya kina Nanay.

Joke lang.

"Nandito na tayo!" excited na sabi ko saka agad na lumabas ng kotse. Lumabas din naman agad si Arken at pinagbuksan ng pinto ang mga bata sa backseat, kinuha rin niya ang bag namin.

Agad kong hinawakan ang kamay nina Arkia at Vander. Napangiti ako nang makita ang pulang gate ng bahay namin. Malaki talaga ang pinagbago ng bahay namin simula nang makapagtapos sina John. Talagang pina-ayos nila ni Kuya Jomer ang bahay namin kaya malaki na ito ngayon at gawa na sa bato.

"Jonalyn."

Natigilan ako nang hawakan ni Arken ang braso ko nang akmang bubuksan ko na ang gate. Napakunot na lang ang noo ko at napatingin sa kanya.

"Bakit?" tanong ko.

"Do I look decent?" tanong niya saka inayos ang buhok niya na medyo magulo, bagay sa kanya ang gano'ng style ng buhok, palagi kasing nakataas ang buhok niya, ngayon ko lang siya nakitang nakabagsak ang buhok.

"Ang gwapo mo," nakangiting tugon ko saka dinampian ng halik ang pisngi niya. Tipid na ngumiti na lang siya sa sinabi ko, halatang kinakabahan siya. Parang kagabi lang ang tapang niya, e.

Binuksan ko na ang gate at agad na pumasok sa loob ng bahay. Napangiti ako nang bumungad sa 'kin ang amoy ng nilulutong pagkain na sa tingin ko ay pinangat, malamang si nanay ang nagluluto no'n.

Maluwag na ang bahay hindi tulad noon at tiles na ang sahig, may ikalawang palapag na rin ito at may nadagdag na kuwarto, buti na lang.

"Nay! Tay! Nandito na kami!"

Natawa ako nang mabilis na lumabas ng kusina si nanay, may hawak pa siyang sandok, sina Tatay naman at ang mga kapatid ko ay lumabas din mula sa mga silid nito. Linggo nga pala ngayon at malamang pahinga sa trabaho nina Kuya Jomer at John kaya sila nandito.

"Ikaw pala, Ayen! Bakit naman bigla ang pagpunta mo? Buti na lang marami akong niluto."

"Sino 'yang kasama mo?" Si Tatay naman ang nagtanong saka itinuro si Arken.

"Ayen, siya na ba si Vaughn?" nakangiting tanong ni Nanay at lumapit pa kay Arken.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at pinigilan na matawa nang mapakunot ang noo ni Arken saka napatingin sa 'kin.

"Parang nagbago yata ang mukha ni Vaughn, 'nay," sabi naman ni Kuya Jomer at lumapit sa amin saka sinuri ng tingin si Arken. Halos nakatingala sila kay Arken dahil di hamak na mas matangkad ito sa kanila. Hanggang labi lang yata sila ni Arken. Lahi talaga kami ng mga hindi katangkaran, kaya medyo maliit din ako, e.

"Hindi po siya si Vaughn, siya po si Arken, siya po ang--" agad na naputol ang sasabihin nang magsalita kaagad si Tatay.

"Bodyguard ka ba ni Vaughn?" tanong pa ni Tatay habang nakatitig kay Arken.

Wala namang reaksyon si Arken na tila wala lang sa kanya ang sinabi ni Tatay.

"Tay, hindi siya mukhang bodyguard, e, mas mukha siyang model ng brief," sabi naman ni John na prenteng naka-upo sa sofa habang nakain ng mais.

Tumikhim na lang ako at hinawakan ang kamay ni Arken sa harapan nilang lahat. Napaatras sina Tatay at Kuya Jomer sa ginawa ko, nanlaki rin naman ang mata nina Nanay dahil sa ginawa ko.

"Hiwalay na po kami ni Vaughn, hindi ko naman po siya mahal, e. Ito pong katabi ko ay si Arken Zaviere, siya po ang boyfriend ko ngayon at ang totoong mahal ko... Siya rin po ang totoong tatay ni Vander," anunsyo ko saka alanganing ngumiti sa kanila.

Kitang kita ko kung paano nagbago ang emosyon nina Nanay, napakunot ang noo nila at agad na sumama ang tingin nila kay Arken.

"Aba, nakipaghiwalay ka kay Vaughn para sa walang hiyang 'yan na tatay ni Vander?! Aba naman, Jonalyn! Ano bang katangahan 'yan?!"

Napapitlag ako nang mapasigaw si Nanay sa galit, halos mamula rin ang mukha nito.

Napasinghap ako nang agad akong hinila ni Tatay palayo kay Arken. Kinuha rin naman sina Kuya Jomer si Vander palayo kay Arken.

"Aba, ginugulat mo naman kami, Ayen! Ngayon mo lang pinakilala sa 'min itong tatay ni Vander. Malay ba namin kung anong klaseng tao siya, baka hindi naman katiwa-tiwala ang lalaking 'yan! Nagawa niya nga kayong abandonahin ng apo ko, e!" asik ni Tatay saka dinuro-duro pa si Arken.

Nanatili namang tahimik si Arken, wala akong nakikitang galit o inis sa mga mata niya na para bang tinatanggap niya ang bawat salitang binibitiwan nina Tatay. Kung ibang tao siguro ang gumagawa no'n sa kanya ay baka nabaril na niya.

"Dati po siyang mayor ng Caloocan City."

Natahimik silang lahat sa sinabi ko, maski si John na kanina ay walang pakialam ay napatingin kay Arken.

"E, ano naman?! Mayor din naman si Vaughn! Saka inabandona niya kayo ni Vander noon, hindi ako makakapayag diyan sa lalaking 'yan," umiiling na sabi ni Nanay.

"Nay, hindi naman po niya kami inabandona ni Vander, h'wag niyo naman pong ganituhin ang lalaking mahal ko." Inalis ko ang pagkakahawak sa 'kin ni Tatay saka muling lumapit kay Arken at kumapit sa braso niya.

Napahilot si Tatay sa sentido niya at tila hindi pa rin sang-ayon sa relasyon ko kay Arken, si Kuya Jomer naman na kahit tahimik ay nahahalata ko rito na hindi rin siya boto kay Arken.

"Ma'am, Sir, If you will let me--"

Agad na pinutol ni Tatay ang sasabihin ni Arken.

"Magtagalog ka!" asik ni Tatay saka napahampas sa mesa.

Napalunok naman si Arken, naramdaman ko na nanlalamig ang kamay niya. Hindi rin nakawala sa paningin ko ang pawis na namumuo sa leeg at patilya niya. Ngayon ko lang yata nakitang kinabahan nang ganito si Arken.

"Sorry po. Gusto ko lang po sabihin na malinis po ang intensyon ko kay Jonalyn. Gagawin ko po ang lahat para patunayan 'yon sa inyo. Hindi po ako perpektong lalaki para sa anak niyo, marami po akong nagawang kasalanan sa kanya, pero mahal na mahal ko po talaga siya. Balak na po naming magpakasal kaya po sana ay bigyan niyo ako ng pagkakataon para patunayan sa inyo ang sinseridad ko."

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Arken, nanatili naman siyang nakatingin nang seryoso sa mga magulang ko. Pati si Arkia na katabi niya ay mukhang natigilan din.

Sana hindi dumugo ang ilong niya pagkatapos, ngayon ko lang yata siya narinig na nagsalita nang ganiyan ka-haba tapos tagalog.

Natahimik din naman sina Nanay. Napaismid na lang si Tatay at nagwalk-out saka nagtungo sa silid nito. Si Nanay naman ay napapailing na nagtungo na lang sa kusina. Si Kuya Jomer naman ay umupo na lang sa tabi ni John.

"Future brother-in-law, ngayon pa lang sasabihan na kita na papahirapan ka nina Tatay. Kung ako sa 'yo magba-back out na 'ko, hindi naman maganda si Ate Ayen, e. Mukha kang model ng brief, maraming maaakit sa 'yo at-- aray naman! Ang sakit, Ate Ayen!" reklamo ni John nang lapitan ko siya saka tinadyakan sa binti.

"Manahimik ka na nga lang diyan! May extrang kuwarto ba?" tanong ko na lang.

"Doon sa taas, kasya kayong apat do'n kasi may banig naman. Patulugin mo sa banig 'yang si mayor kuno," tila sarkastikong sabi ni Kuya Jomer.

Napabuntong hininga na lang ako at napailing saka niyaya sina Arken sa ikalawang palapag saka nagtungo sa magiging silid namin.

Inilapag ni Arken ang bag namin sa kama, sina Vander at Arkia naman ay agad na umupo ro'n.

"Arken." Lumapit ako kay Arken saka hinawakan ang kamay niya. Tipid na napangiti naman siya saka dinampian ng halik ang likod ng palad ko. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko.

"I'm fine, don't worry about me. I should face amd endure this to get their approval. They're your family, I respect them," sabi niya saka yumakap sa baywang ko at dinampian ng halik ang noo ko. 

Napangiti na lang ako at gumanti ng yakap sa kanya. Mas lalo ko lang siyang minamahal dahil nirerespeto niya ang pamilya ko.

WALANG KIBO sina Nanay habang nakain kami ng tanghalian. Si John lang ang salita nang salita at panay kuwento.

"Bata, ano'ng pangalan mo?" tanong ni John kay Arkia.

Uminom muna ng tubig si Arkia bago sinagot ang tanong ni John.

"Ako po si Arkia," sabi ni Arkia saka ngumiti sa kanila.

"Sino naman ang batang 'yan?" tanong ni Nanay habang pinupunasan ang baba ni Vander na may kanin.

"Anak ko po siya," magalang na sagot naman ni Arken.

Napatango na lang sina Nanay at Tatay.

"Walang kaso sa amin ang ganiyan, mukha namang mabait ang anak mo. Pero ikaw, wala pa rin kaming tiwala sa 'yo," masungit na sabi ni Nanay habang nakatingin kay Arken.

Hindi issue sa kanila kung may unang anak man si Arken dahil si Kuya Jomer ay anak ni Tatay sa una niyang asawa, pero ang turing sa kanya ni Nanay ay katulad lang din ng sa amin ni John. Ma-swerte rin talaga ako dahil mabait sila at bukas ang isip.

"Alam mo ba kung paano manligaw ang mga kalalakihan noon?"

Natigilan si Arken sa tanong ni Tatay saka umiling.

"Future brother-in-law, pagsisibakin ka nila ng kahoy, pag-iigibin at pagsasakahin. Kaya nga sinasabihan na kita kanina na tumakas ka na, e," natatawang sabi ni John habang nakain ng ubas.

"Ayos lang po sa 'kin, gagawin ko po lahat ng gusto niyo," magalang na sabi ni Arken.

Napabuntong hininga na lang ako at napailing. Sana lang talaga ay hindi siya makipaghiwalay sa 'kin dahil sa ipagagawa nina Tatay sa kanya.

NAPAKAGAT AKO sa pandesal na kinakain ko habang nakatitig kay Arken na abala sa pagsisibak ng kahoy.

Mainit na nga ang panahon, lalo pang umiinit dahil sa matipunong katawan niya na nakalantad. Simpleng short lang ang suot niya at wala siyang damit pang-itaas, nakasabit ang t-shirt niya sa batok niya at kumikislap ang pawisan niyang katawan sa araw. Parang gusto ko na lang tuloy siyang hilahin at dalhin sa kuwarto.

"Hoy, Ayen, ayusin mo nga 'yang hitsura mo. Mukha kang nagnanasa sa kanya," pananaway sa 'kin ni Nanay saka binatukan ako. Napanguso na lang ako at napahawak sa batok ko. Panira ng pantasya 'to si Nanay.

"Nay naman, e," ungot ko na lang saka muling sinubo ang pandesal.

"Nagta-trabaho ba nang maigi ang kasintahan mo?!"

Natigilan kami ni Nanay at napatingin kay Tatay na kalalabas lang ng bahay habang nagkakamot pa ng likod. Agad na hinanap ng mga mata niya si Arken na nagsisibak pa rin ng kahoy.

"Tay naman, e. H'wag niyo naman pong pagurin masyado si Arken, hindi naman na po tayo nagamit ng panggatong diba? Bakit niyo pa siya pinagsisibak ng kahoy?" tanong ko saka muling napatingin kay Arken.

"Bakit? Ipamimigay ko 'yan sa mga kapit-bahay na nangangailangan ng panggatong, h'wag ka ngang magreklamo riyan at hindi naman ikaw ang pinagsisibak ko!" singhal ni Tatay.

Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin kay Arken. Mukha namang sanay siya sa mabigat na gawain, pero mainit din kasi. Halata namang hindi siya sanay sa ganitong init at baka himatayin pa siya niyan.

"Hayaan mo na, sabi niya patutunayan niya na karapat-dapat siya para sa 'yo, hayaan mo siyang mahirapan," sikmat ni Nanay.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko habang pinagmamasdan si Arken, sana talaga ay h'wag siyang kaagad sumuko.

* * *

"Kuya Jomer, kausapin mo naman si Tatay. Hindi naman marunong magtanim ng palay si Arken, e," sabi ko habang nakatingin kay Arken na nasa initan na naman habang nagtatanim ng palay.

Kanina pa siya riyan, ngunit kahit na gaano siya pinapahirapan ni Tatay ay hindi ko siya narinig na nagreklamo kahit isang beses. Tatlong araw pa lang kami nina Arken dito sa Camsur at talagang mapapansin na medyo nangitim siya dahil sa mga pinapagawa ni Tatay sa kanya, ngunit hindi naman 'yon nakabawas sa ka-gwapuhan niya. Mas lalo ngang lumakas ang dating niya dahil doon.

"H'wag kang mag-inarte riyan, naturuan na siya ni Tatay saka marunong na siya," tugon naman ni Kuya Jomer at piningot ang tainga ko bago umalis at iniwan ako. Mukhang hindi na niya ma-take ang kanina ko pang pagrereklamo.

Napasimangot na lang ako habang nakatingin pa rin kay Arken mula rito sa may silong sa tabi ng palayan.

Pero ang issue ko talaga rito ay ang mga kababaihan mula sa di kalayuan na halos hubaran na si Arken ng tingin. Nag-grupo pa talaga sila habang nakatingin sa boyfriend ko. Parang gusto ko tuloy balutin ang matipunong katawan ni Arken na nakalantad sa mga kabaihan pati na rin ang guwapo niyang mukha.

Himdi na ako nakatiis. Kinuha ko ang timba na may lamang tubig at tabo saka umalis sa silong upang tawagin si Arken.

"Arken! Halika na rito, ayos na 'yan!" sigaw ko sa kanya.

"Saglit na lang 'to!" sagot naman niya saka muling ibinaling ang atensyon sa mga palay. Mukhang matatapos na nga siya.

Saglit lang ay natapos na rin siya at lumapit sa akin. Punong puno ng putik ang kamay, paa at katawan niya kaya hindi ko alam kung bakit pinag-iinteresan pa rin siya ng mga hitad doon sa gilid.

"Bubuhusan kita," sabi ko na lang at binuhusan ang paa at kamay niya ng tubig, sunod ang katawan niya.

Sinadya kong ihagod ang kamay ko sa abs niya saka tumingin sa mga babae mula sa di kalayuan saka ngumisi sa kanila.

Huh! Hanggang tingin lang kayo.

"Hey, what are you doing?" natatawang tanong ni Arken saka hinawakan ang kamay ko. Napaismid na lang ako.

"Bakit kasi kailangang nakahubad ka pa? Gusto ko ng dumukot ng mata kanina pa," naiinis na sabi ko saka napapadyak sa sahig.

Natawa na lang si Arken saka yumakap sa baywang ko. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko nang dampian niya ng halik ang tungki ng ilong ko saka ang labi ko.

"I love you," anas niya saka ngumiti sa 'kin. Napangiti na lang din ako at yumakap sa batok niya.

"Hoy! Tigilan niyo ang paghaharutan diyan! May ipapagawa pa ako sa 'yo, Arken!"

Natigilan kaming pareho nang marinig ang boses ni Tatay mula sa silong. Kumalas si Arken sa pagkakayakap sa 'kin saka muling dinampian ng halik ang labi ko.

"Mamaya na lang, may ipapagawa pa sa 'kin si Tatay," nakangising sabi niya.

Napailing na lang ako nang agad siyang tumakbo papalapit kay Tatay.

Hanga ako sa haba ng pasensya ni Arken sa pamilya ko. Parang dati lang siya ang tipo ng tao na mamamaril kaagad may makaapak lang ng sapatos niya.

Ang laki talaga ng ipinagbago ni Arken, nakaka-proud dahil pakiramdam ko isa ako sa dahilan ng pagbabago niyang 'yan.

* * *

"Magrelax ka muna, Arken. Ngayon ka lang pinayagan nina Tatay na makapagrelax," sabi ko na lang saka yumakap sa braso niya.

Naiwan sina Vander at Arkia sa bahay at malamang nilalaro sila nina John at Nanay, natuwa na rin kasi sila kay Arkia dahil mabait at pala-dasal. Hindi lang nila alam kung gaano kasama ang ugali ni Arkia dati. Natawa na lang ako nang muli kong maalala 'yon.

"Arken, tagay!" Inabutan ni tatay ng alak si Arken. Nag-aalangang tinanggap naman 'yon ni Arken.

May party-party-han na nagaganap dito sa malaking court malapit sa sakahan, birthday kasi ng mayaman naming kapit-bahay na si Aling Rose kaya halos buong barangay ay inimbitahan nito.

"Sige na, inumin mo na 'yan at alam kong napagod ko sa mga pinagawa ko sa 'yo nang limang araw," halos pupungas-pungas ng sabi ni Tatay. Medyo marami na kasing nainom si Tatay, mamaya lang ay susunduin na siya ni Nanay panigurado.

"Siya ba ang magiging manugang mo? Aba, kay gandang lalaki naman," kantyaw ni Mang Raul.

"Oo, siya ang mapapangasawa ni Ayen. Guwapo talaga 'yan kaya guwapo rin ang apo ko! Dati rin 'yang mayor ng Caloocan at masipag pa, kaya botong boto ako sa lalaking 'yan, talagang mahal na mahal niya ang anak ko," sabi ni Tatay habang napapapikit na dahil sa kalasingan.

Natawa na lang ako sa sinabi ni Tatay, nagiging honest talaga siya kapag nalalasing.

"Did you hear that?" bulong ni Arken sa 'kin. Ang laki ng ngiti niya na para bang nanalo siya sa lotto. Napangiti na lang din ako at tumango. Masaya ako para sa kanya, ang mga sinabi ni Tatay ang nagsilbing reward sa ilang araw niyang pagpapakahirap.

Mahigit isang oras na rin ang nakalipas, hindi nakakatanggi si Arken sa mga tagay sa kanya ni Tatay, napansin ko rin na tinatamaan na siya dahil namumula na nang kaunti ang leeg at pisngi niya.

"Hoy, Renato Macarios! Halika na sa bahay at lasing ka na!"

Tama nga ang hinala ko at dumating na si Nanay upang sunduin si Tatay. Nakayuko na rin kasi si Tatay sa mesa dahil sa sobrang kalasingan.

Natatawang napailing na lang ako habang hinahabol sina Nanay ng tingin hanggang sa makalabas sila sa court.

"Arken, tayo, hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko sa kanya saka hinaplos ang buhok niya. Nakayuko na rin siya at tila lasing na.

Napasinghap ako nang biglang tumayo si Arken, agad din naman akong tumayo upang alalayan siya sa braso nang muntik na siyang matumba, mukhang lasing na lasing na talaga siya.

"M-makinig kayo! This is Jonalyn Macarios, we'll get married and have a lot of children! You are all invited! You, you and you!"

Napapikit ako nang mariin dahil sa kahihiyan nang sumigaw si Arken. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mahihiya sa ginagawa niya ngayon.

Naghiyawan naman ang mga tao sa court, buti na lang talaga at lasing na rin ang mga tao rito.

"She's so beautiful and kind and perfect, she's my angel...my angel!" Napahagalpak pa siya ng tawa kaya tumawa rin ang mga tao. Napakamot na lang ako sa batok ko, kailangan na talaga naming umuwi.

Hindi ko alam na ganito pala kasama malasing si Arken, nagiging honest din siya at nawawalan ng kahihiyan.

Agad kong sinabit ang braso niya sa balikat ko at inalalayan siya palabas ng court. Buti na lang at kaunting lakad lang ang bahay namin mula sa court.

Hirap na hirap ako hanggang sa makarating kami sa bahay dahil hindi biro ang bigat nitong si Arken.

"Jonalyn, m-mahal na mahal kita... one hundred percent, ay hindi, one million percent, ay hindi, one billion percent... Ay hindi--" agad kong pinutol ang sasabihin niya.

"Oo na, sige na. Mahal na mahal mo na 'ko, tumahimik ka na at baka magising pa sina kuya sa 'yo," bulong ko na lang.

Nakarating na kami sa kwarto, dahan dahan ko siyang inihiga sa banig dahil nasa kama sina Vander at Arkia na tulog na tulog na. Napabuntong hininga na lang ako at pinunasan ng basang towel ang mukha at braso niya pagkatapos ay kinumutan ko siya saka humiga sa tabi niya. Sa kanya muna ako tatabi ngayon.

"Jonalyn," bulong ni Arken habang nakapikit. Pulang pula pa rin ang mukha niya dahil sa kalasingan.

"Hmm?"

"I love you so much," usal pa niya saka yumakap sa 'kin. Napangiti na lang ako at yumakap din sa kanya.

"I love you too," tugon ko naman saka dinampian ng halik ang labi niya kahit na amoy alak siya.

Bahagya niyang idinilat ang mga mata saka may kinuha sa bulsa niya. Napasinghap ako nang kuminang ang bagay na iyon dahil sa sinag ng buwan mula sa bintana.

"A-Arken..."

"Will you marry this drunk man, Jonalyn?" tanong niya saka muling napapapikit, mukhang antok na antok na talaga siya.

Napangiti na lang ako kasabay ng pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Agad siyang nanlabo sa paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadyang kumawala. Napag-uusapan naman namin ang tungkol sa pagpapakasal, pero naluluha pa rin ako dahil sa tuwa.

"O-oo naman, magpapakasal ako sa 'yo, Arken."

Kinuha ni Arken ang kamay ko at isinuot sa daliri ko ang singsing. Napangiti siya saka tinitigan ang kamay ko na may singsing, simple lang ang singsing at walang bato ngunit iyon talaga ang tipo ko.

"I love you so damn much, Jonalyn."

Napangiti na lang ako at yumakap sa kanya saka sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

Nag-propose siya sa 'kin ng lasing. Kakaiba talaga.

Continue Reading

You'll Also Like

25.4K 203 12
Rafael Avila lost everything after his crippling downfall. Needing some time to build himself again, Rafael accepted a friend's offer to join a cruis...
809K 13.5K 32
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
9.2K 289 29
[FORSAKEN SERIES #2] Status: On Going Maureen feel in love with his longtime boy best friend. She was about to tell him the truth but Aristotle, his...
5.7M 112K 63
Have you ever thought that someone who's so used to a luxurious lifestyle, smokes, party's a lot, and doesn't take girls seriously, would ever give u...