Promises Etched in Poetry (Ar...

By aLeiatasyo

16K 856 1.6K

Being madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up every... More

Promises Etched in Poetry
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Unang Tula
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Ikalawang Tula
Chapter 21
Chapter 22
Ikatlong Tula
Chapter 23
Chapter 24
Ikaapat na Tula
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Ikalimang Tula
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Huling Tula
from aLeiatasyo

Chapter 17

264 18 76
By aLeiatasyo

Hindi ko inaasahan na totoo nga na maghihintay siya sa akin. Nakapalumbaba ako sa counter nang pumasok siya, magulo ang buhok at mukhang nakatulog siya.

"Nandito ka pa?" Napatayo ako nang makita siya.

Ibinulsa niya ang dalawa niyang kamay ay nagtatakang tumingin sa akin. "Oo naman. Sinabi ko naman na maghihintay ako, Trey..."

Pinipigilan ko ang antok ko habang nakaupo ako sa front seat ng sasakyan niya. Inabala ko ang sarili ko sa panonood sa kaniya na nagmamaneho. 

Ang kaliwang siko niya ay nakatukod sa may pintuan at pinaglalaruan niya ang labi niya. I-kiss ko yan, eh.

Napansin niya siguro ang paninitig ko kaya lumingon siya sa akin. 

"Ihahatid na kita sa inyo."

Umiling ako. "Huwag na... Katulad na lang ng dati."

Sinunod niya ako at lumiko siya sa may terminal pero wala nang kahit isang jeep sa paradahan. Gosh! Sobrang late na ba talaga at hindi ko na naabutan ang huling byahe? Pagod na pagod na rin siguro itong kasama ko.

Nakitang kong may naglaro na ngiti sa labi niya habang nagmamaniobra ng sasakyan pero sinamaan ko siya ng tingin kaya pinilit niya itong tanggalin.

"Okay, fine! Pero hanggang sa labas lang ng village!" sabi ko. Humagikgik siya at hindi na umangal sa gusto ko. "Yes, ma'am. Masusunod po."

Ibinaba niya ako kung saan din ako bumababa kapag jeep ang sinasakyan ko. Mula rito sa may gate ng village ay nilalakad ko hanggang sa bahay. 

"Bukas ulit?" pahabol na tanong ni Jiro bago ko sinarado ang pintuan. Nakahilig siya sa direksyon ko at ang kanang kamay ay nasa headrest ng kaninang unuupuan ko.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Hindi muna ako magtatrabaho bukas."

Tumango-tango siya, "That's good. Magpahinga ka na muna buong araw."

Hindi ko na siya sinagot pero narinig ko pa siyang sumigaw bago ko siya tuluyang binagsakan ng pinto ng sasakyan. "Chat chat, Trey!"

Masyado na akong pagod para magbukas pa ng computer at i-chat siya. Ang alam ko lang ay tumba na agad ako noong segundo na humiga ako sa kama.

Nasa eskwelahan ako kinabukasan, hindi naman talaga balak magpahinga. Nakapila ako sa finance office para makapagbayad ng entrance fee para sa second semester. Aasikasuhin ko na rin siguro ang scholarship ko at ang allowance na makukuha ko roon.

Marami-rami ang tao at medyo malayo ako sa pila dahil isa ang ngayon sa mga nakatalagang araw para sa enrollment ng grade level namin. Sa susunod na araw pa raw ang mga kaibigan ko dahil as usual, busy sila sa holidays at nasa ibang bansa nanaman ang iba.

Ang mga babaeng kasunod ko sa pila ay sabay-sabay na lumingon sa isang direksyon kaya napatingin na rin ako. 

Si Ashriel at Jiro!

Great! Kung sino ang hindi dapat makakita sa akin ngayon ay siya pang nandito. Agad akong nagtago at nakihalo sa maraming tao. 

Alam ni Jiro na nagpapahinga ako ngayon, tapos makikita niya ako dito! Sumilip akong minsan pa na agad kong pinagsisihan dahil nagtama ang tingin namin ni Ashriel.

Ilang segundo lang ang nakalipas ay nasa harapan ko na ang dalawang matangkad na lalaki. Umiwas ako ng tingin at pumito, umaasang baka hindi pa nila ako nakikita. 

"Astraea..." seryosong sambit ni Jiro.

Ang kaninang maraming taong malapit sa akin ay nawala dahil nagsitabihan sila para bigyan ng daan ang dalawang 'to. Grabe naman! 

"Anong ginagawa mo dito?" Ako na ang naunang nagsungit sa kaniya. Hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon na pagalitan ako,  'no!

Nagtaas siya ng isang kilay at narinig kong natawa si Ashriel sa tabi niya. Umani ng iba't ibang reaksyon ang tawa na iyon. 

"Band practice pagkatapos ko mag-enroll. Ikaw ba? Akala ko nagpapahinga ka?" medyo malakas ang boses niya dahil sa tahimik na paligid. 

Hinigit ko ang palapulsuhan niya at lumipat kami sa lugar na wala masyadong tao.

Sumusunod lang si Ashriel na may pagkamangha sa mukhang hindi ko maintindihan. Kahit ganoon ay may sungit pa rin sa mukha. Hindi na yata iyon matatanggal.

"Hindi ko naman sinabi na magpapahinga ako ngayong araw. Break lang sa trabaho." paliwanag ko. Akala ko ay pagagalitan niya ako pero tumango lang siya. 

Oh? That's it? Ayos lang sa kaniya?

I mentally facepalmed myself. Syempre! I'm just his friend! Ano pa ba ang in-expect ko?

Nakita kong sumenyas si Ashriel sa kaniya, nagyayaya nang umalis. Tumingin si Jiro sa akin, "Tapos ka na ba?"

Umiling ako. "Nakapila pa ako."

Binalingan niya si Ashriel at may ibinulong dito. Tumango naman ang medyo mas matangkad na lalaki at may handshake silang ginawa bago umalis. Nanatili si Jiro sa harapan ko.

"May pupuntahan ba dapat kayo?"

"Oo. Susunod ako sa kaniya mamaya. Hintayin na kita matapos."

Heto nanaman siya. Paanong hindi ako aasa sa mga ginagawa niya kung ganito? Hindi naman ako sanay na sobrang atensyon ang binibigay sa akin! Maging si Nigel ay hindi naman ganito!

Naiilang ako sa tingin ng mga tao sa paligid namin, pero nabawasan na kumpara noong mga bago pa lang kaming magkakilala. Nasanay na ako dahil halos araw-araw ko naman siyang kasama at hindi na rin nakakagulat sa iba na magkasama kami.

Nang ako na ay sumama pa si Jiro sa akin na lumapit sa teller. Mahigpit kong hinawakan ang kulay puting envelope na naglalaman ng perang pambayad ko.

Ang tagal pinag-ipunan. Sa isang iglap, mawawala na. 

Binigay ko ang student number ko at pumirma ng iilang mga tinuro sa akin nung teller. Humugot ako ng malalim na hininga, kinukumbinsi ang sarili ko na para naman sa pag-aaral ko ang pera na iyon. Hindi ko dapat panghinayangan.

"Just wait for your student ledger of accounts to be updated in a short while." huling sabi sa akin. Nagpasalamat ako bago lumabas ng finance office, nakasunod sa akin si Jiro.

Tahimik kaming naglakad papunta sa parking lot at pinauna ko na siyang maglakad. May pinindot siyang remote at tumunog ang sasakyan niya sa malapit.

"Sa studio tayo, Trey... Or do you want to go home?" 

Isinuot ko ang seatbelt ko bago sumagot. "Sige. Wala naman akong ibang gagawin."

Hinintay kong magsimula ang engine ng sasakyan pero nagtaka ako nang hindi ito nabubuhay. Lumingon ako sa kaniya at nakitang nakatitig siya sa akin.

Inayos ko ang buhok ko at inilagay ang mga takas na hibla sa likod ng tainga ko. His stares are making me conscious!

"A-anong problema mo?" pilit kong pagsusungit sa kaniya.

Umiwas na siya ng tingin at hinawakan ang kambyo ng sasakyan, nagsimula nang magmaneho. 

Hindi na yata ako magsasawang panoorin siya tuwing ganito. 

His side profile is perfect. Ang panga niya ay nagiging prominente mula sa anggulo na 'to. Ganoon rin ang matangos niyang ilong. Naaaliw akong panoorin ang paggalaw ng mahaba niyang mga pilikmata bawat kukurap siya. 

Kita ko rin mula rito ang tatlong maliliit na nunal niya sa ilalim ng mata. The triangle.

Nawala ako sa iniisip ko nang tumigil siya sa pagmamaneho at nilingon ako nang may nakakalokong ngiti sa mukha. 

"Crush na crush ako, oh!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tsaka ko lang natanto na nandito na pala kami sa tapat ng building kung saan ang studio! "Kapal! Kapal talaga, Manzanares!"

"Binilisan ko na nga magdrive kasi pakiramdam ko matutunaw na ako anytime soon." humahalakhak siya. Hinampas ko ang braso niya nang buong lakas bago padarag na bumaba ng kotse. Malakas na tunog ang ginawa ng pagsarado ko sa pinto.

Narinig ko na din siyang lumabas doon at ang malakas niyang tawa.

Bwiset! Peste! Pang-asar!

Pulang pula na siguro ang mukha ko. Tuloy-tuloy akong naglakad dahil sa kahihiyan

Ambang pipigilan ako ng guard sa pagpasok dahil hindi naman ako empleyado o kliyente dito pero agad naman palang nakasunod sa akin si Jiro. Tumango lang ang guard sa kaniya. 

Tss. 

Hindi pa rin ako tumitigil sa paglalakad hanggang sa makapasok na ako sa elevator. Kakailanganin ko si Jiro para makarating sa floor nila kaya wala akong choice kundi makasabay siya rito.

"Hindi mo ako papansinin? Kanina lang, sobra ka kung makatingin."

Humalukipkip ako at tumingin sa kabilang direksyon. "Shut up... Jiro."

Natigil ang tawa niya at naramdaman ko ang kamay niya sa may braso ko. Dinungaw niya ang mukha kong nakaiwas sa kaniya pero mas lalo ko itong tinago.

Gusto kong magpalamon sa lupa! Ano na lang ang iniisip nito ngayon? Na patay na patay ako sa kaniya? Na gustong gusto ko siya?

Maaaring tama siya! Pero! "Hey," malambing ang boses niya. 

Nasa harapan ko na siya ngayon at hinuhuli ang tingin ko. 

"Mas gusto ko nang nakatitig ka sa akin kaysa hindi ka tumitingin, Trey."

Ngumuso ako, hindi sinasadya. 'Di ko pa rin siya matignan sa mata kahit pa pinagpantay niya na ang paningin namin. "Inaasar mo ako. Kaya wag na."

Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako, "Nakatitig lang naman ako sayo kasi..." kasi ang gwapo mo. Ang sarap sa mga mata na makita ka. 

"Kasi..." Hinihintay niya ang sagot ko.

"Kasi naiisip ko kung bakit may ganito kapangit na nilalang." sabi ko. Tinapangan ko na rin ang sarili ko at tumingin nang diretso sa mga mata niya.

Akala ko ay mao-offend siya sa sinabi ko pero may naglalaro pang ngiti sa labi niya. Nakayanan ko siyang tignan sa mata dahil nakatitig siya ngayon sa nakanguso kong labi.

"Alright... Lie all you want. We both know that isn't true."

Pigil ang hininga ko nang sinabi niya iyon nang sobrang lapit sa mga labi ko. Hindi ko man lang makuhang magbigay ng negative reaction sa mahangin na sinabi niya dahil nagbukas na ang elevator.

Umayos na sa pagkakatayo si Jiro at kaswal na nakipag-apir sa mga nandoon. Habang ako ay gulong gulo ang isip dahil sa ayos namin kanina!

Nilingon ako nung isa nilang miyembro, si Isaiah, at iginiya sa akin ang couch. "Nandito ka pala... upo ka na muna. Kumain na ba kayo? What do you want to eat?"

Agad akong umiling, nahihiya. "Wag ka na mag-abala! Kumain naman ako kanina bago umalis sa bahay." sabi ko, hindi napigilan ang ngiti dahil sa bait ng lalaking nasa harap ko.

Nilingon ko ang nakakunot-noong si Jiro. "She'll have some baked mac. Iced tea."

Pinanlakihan ko siya ng mata para pigilan pero pinanlakihan niya rin ako ng mata pabalik. Aba!

Attitude!

"Alright. How about you?" si Isaiah. Sinabi ni Ashriel at Nikolai ang gusto nila, tapos ay may tinawagan si Isaiah gamit ang telepono rito sa studio. Ilang minuto lang ay dumating na ang mga iyon.

Nakaupo kaming lahat sa carpet habang kumakaing nakapaikot sa center table. Akala ko ba ay may practice sila? Kanina pa kami dito at parang wala naman silang balak.

"Tuloy ka?" tanong ni Nikolai. 

Siguro ay kay Ashriel dahil siya ang sumagot. "Yeah. Hindi ako mapakali dito."

"Lover boy." ngumisi si Kenjiro.

Lumapit ako nang kaunti sa kaniya sa gilid ko para bulungan, "Anong meron?" pero napalakas yata dahil napatingin si Isaiah.

Nilunok ni Jiro ang nginunguya bago sumagot. "Pupunta siya sa Maynila. Susundan si Nyx."

Oo nga pala. Ashriel and Nyx are a thing... pero ang huli kong balita sa kanila ay iyong issue na kasali iyong kaklase nitong si Seth. It must have been a misunderstanding. 

"Can't you just wait until she comes back? Baka masakal." komento ni Nikolai.

Nagkibit-balikat si Ashriel. "I thought about that... but I choose to go there."

"Anong gagawin mo doon?" Hindi ko na napigilan ang magtanong. 

"Meet her parents, hopefully. I don't want to advance without their permission."

Tumango-tango ako, sang-ayon sa sinabi niya.

Tahimik si Jiro sa tabi ko at naramdaman ko na humilig siya sa balikat ko. Hindi ko nakikita ang ekspresyon niya dahil sa ulo niyang nasa balikat ko. Inaantok na yata ito.

Naunang nagpaalam si Ashriel na umalis dahil baka matraffic pa siya papunta sa Maynila. Hindi na rin nagtagal at hinatid na ako ni Jiro, doon ulit sa tapat ng village namin dahil gusto niya.

Wala siya sa sarili nang magpaalam ako pero naiintindihan kong baka inaantok na lang talaga siya.

Noche buena na ngayon at abala ako sa pagtulong kay Amiel na buksan ang gabundok na mga regalo para sa kaniya sa ilalim ng dambuhalang Christmas tree. Ang high ceiling ng bahay ay talagang napakinabangan nito.

"Wow! A banana plushie!" excited na sabi ng pinsan ko. Napangiti ako dahil sa lahat ng nakukuha niyang regalo ay ganito ang reaksyon niya. Maliit man o malaki ay ipapakita niya na natutuwa siya rito.

Tulog na si Tita at Lola, at paniguradong bukas ay wala namang ganap kaya ayos lang na manatili muna kaming gising. Ganito naman bawat taon. Kakain lang nang tahimik, tapos babalik na ulit sa tulog.

Gusto ko ngang kunan ng litrato kaming dalawa ni Amiel dahil matching ang damit namin ngayon. Pajama set ito, sa akin ay kulay red na may mga pattern ni Santa habang ang kay Amiel ay green na puno ng mukha ng reindeer na si Rudolph.

Sunod ko na talagang pag-iipunan ang cellphone!

Mapula ang pisngi niya at sa sobrang chubby nito ay hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya ng mahigpit at halik-halikan sa pisngi. Tumatawa naman siya.

Hay! Baka next year ay big boy na siya masyado at mairita na sa akin. Huwag muna.

Hindi man natapos ni Amiel buksan ang lahat ng regalo nang humikab na siya. Binuhat ko siya at nakatulog naman siya agad sa balikat ko. Bukas ng umaga ko nalang ililigpit ang mga gift wrappers na nagkalat.

Dahil pasko naman at ayaw ko mapag-isa ay sa kwarto ko muna pinatulog ang pinsan. Inayos ko ang higaan ko at hiniga siya doon, naglagay rin ako ng dalawang pahabang unan sa magkabilang gilid niya para hindi siya mawala sa pwesto.

"Merry Christmas, baby..." bulong ko sa pinsan ko na hindi na masyadong baby. Pinagmasdan ko siya doon at napadasal ako na sana'y bumagal ang paglaki niya. I love taking care of him so, so much.

Naiwan kong nakabukas ang computer ko at napalapit ako doon nang makitang may incoming video call. Si Kenjiro.

Nanginginig ang mga daliri kong sinagot 'yon. Nabuhayan ang puso ko sa pagkabasa ng pangalan niya... lalo na noong tumambad sa malaki kong screen ang mukha niya.

Magulo ang buhok niya at humihikab pa.

"Wow, bagong gising?" panunuya ko.

Tumawa siya, "Merry Christmas, Astraea ko!"

"Merry Christmas..."

"Nasaan ang regalo ko?" patanong niyang sabi.

Naglaho ang ngiti ko sa labi. Sa katunayan, I got him a gift. 

Drum sticks iyon na nakuha ko sa murang halaga pero naghanap ako ng pwedeng magcustomize noon, ipinalagay ko ang pangalan niya. 

Iyon nga lang, noong araw na ibibigay ko sa kaniya iyon ay ipinagyabang niya sa akin iyong drum sticks na regalo sa kaniya ng kaibigan niya. Si Nyx Lyrica.

Kumpara sa regalo ko ay halatang de kalidad ang ginamit na kahoy sa paggawa noon at pareho pa talaga kami ng ideya sa pagpapacustomize. 

"Wala! Sapat nang regalo iyong pinagbigyan kita na maging kaibigan ako."

Ngumiti siya at nawala nanaman ang mga mata niya. "Right, right. Thank you..."

"Ako, may gift sa'yo." 

Nagtaas ako ng kilay, "Ano?"

Mula sa sincere na ngiti ay biglang nag-iba ang ngiti niya. Parang may masamang binabalak ang lalaking ito.

Nawala siya saglit sa camera at halos tatlong minuto akong nakatitig lang sa loob bahay niya. Hindi ko maiwasang mapansin kung gaano kaganda ang interiors noon. Kulay blue, gray at white ang kulay sa loob. It screams of youth and masculinity.

"Astraea Lekha, dis wan por yu!"

Halos mapatili ako nang bigla siyang lumitaw sa screen, may suot na Christmas tree costume. 

"What the hell!" mahina kong sabi. Pigil na pigil ang halakhak ko dahil magigising ang pinsan ko. 

Kumembot-kembot si Kenjiro sa tapat ng camera pero limitado ang galaw niya dahil sa costume na hindi kita ang kamay niya. Ang tanging kita lang ay ang mukha niyang nakalitaw sa bilog na butas noong costume at ang paa niyang may suot na striped socks.

"Bwisit ka!"

Tumatawa lang rin siya. Ako naman ay napasandal na sa upuan ko at napahawak na sa tiyan dahil hindi ko na talaga mapigilan. Nakita kong napakislot si Amiel sa pagkakatulog pero hindi naman nagising.

Nakakainis naman 'to! Masyado akong pinapasaya!

Nang matapos si Jiro sa trip niya ay pawis na pawis na siya. "Iyon yung gift ko. Next year... ulit..." hinihingal niyang sabi.

This memory is enough to last me a lifetime, Jiro.

Lumipas na rin ang bagong taon pero busy ang lahat maging si Jiro noong 

mga panahon na iyon kaya tulad ng dati ay si Amiel rin ang kasama kong nanood ng mga magagarbong fireworks sa labas.

Pagbalik sa eskwela ay panay ang rinig ko ng mga reklamo na bitin raw ang bakasyon at gusto pa nila ng mas maraming oras para makapagcelebrate kasama ang pamilya. Ako naman ay walang reklamo. At least, ngayon ay magagawa na ako.

"Proofread, Trey." tipid na sabi sa akin ni Nigel at inabot sa akin ang isang kulay puting folder. Tinanggap ko iyon at binuksan para makitang mga tula pala iyon.

Alright... Tignan natin.

Kung dati ay bored na bored ako sa pagbabasa ng mga tula na tungkol sa pag-ibig, ngayon ay tila may humihila sa akin na patuloy silang basahin.

Iyong mga paru-paro sa tiyan.

Iyong mga gabing hindi makatulog sa pag-iisip.

Iyong lumulutang na pakiramdam.

Kahit ang mga kirot sa puso.

Sa bawat tulang nababasa ko ay isang pangalan lang ang sinisigaw ng puso't utak ko. Bawat salitang naihahambing sa pagmamahal ay siya ang naiisip ko. 

Lahat ng ito... kahit hindi naman... ay parang para sa kaniya.

Kenjiro. 

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero ang mga paa ko ay nagkusang tumayo at naglakad papunta sa hindi ko alam kung saan. Ang naiisip ko lang ngayon ay ang makita siya.

Si Kenjiro... mahal ko siya.

Ngayon ko lang nasigurado. Ngayon ko lang aaminin. Gusto ko na siyang makita at sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko para magkaalaman na. 

I want this out of my system.

Sasabihin ko sa kaniya ang nararamdaman ko, ayos lang kung hindi siya ganoon sa akin... pero hindi naman masamang hilingin na sana... sana... 

Parang sasabog ang puso ko nang nakitang magkakasalubong kami ni Jiro. Papalapit na siya sa akin. Pumikit ako, naghahanap ng lakas ng loob. Alam kong titigil siya rito sa harap ko at sana, pagdilat ko ay kakayanin kong sabihin ang mga salitang matagal ko nang kinikimkim.

Nakilala ng ilong ko ang pamilyar niyang amoy.

Isa, dalawa, tatlo... Huminga ako nang malalim at pinakawalan ito.

Pero wala siya sa harapan ko. Tangina. Wala siya pagkamulat ko.

Agad akong lumingon sa likuran ko at nakitang nilagpasan niya ako. Mabilis ang lakad niya at hindi pinapansin ang mga bumabati sa kaniya.

Kahit ako, hindi niya nagawang pansinin?

Bakit? Hindi niya ba ako nakita? Dahil ba hindi ko siya tinawag? 

Hahabulin ko sana siya nang lumitaw si Keann, may pag-aalala sa mukha at mukhang nagmamadali. Wala na sa paningin ko si Jiro.

"Keann!" tawag ko sa hinihingal na lalaki. 

Tumigil siya sa pagtakbo, lumilingon sa paligid. "Si Jiro?"

"Anong nangyari?"

"Basta, basta... Kailangan ko siyang sundan."

"Alam ko yata kung saan siya nagpunta. Ako na."

Napatingin siya sa akin, hindi sigurado sa gagawin. Tumango ako para bigyan siya ng kasiguraduhan. Nag thumbs up naman siya at nakita kong imbes na bumalik sa building nila ay lumiko siya papunta sa canteen. 

Tumakbo ako palabas ng school at nagtungo sa lugar na alam kong tatakbuhan ni Jiro. Hindi ako pwedeng magkamali. I really, really want to see him right now.

Gusto kong malaman ang bumabagabag sa kaniya... at gusto ko ring malaman niya ang akin. Kapag ba sinabi ko, sasaya siya?

Pagdating ko sa studio ay hinarang ako ng mga guard. Ramdam kong malapit nang mamulikat ang mga paa ko.

"Kuya... sa floor ng IGNITION lang. Kilala nila ako, please..."

"Pumunta po kayo doon sa clerk, ma'am. Mag-iwan po kayo ng I.D." sabi ni kuyang guard sa akin, naaawa pa yata sa lagay ko.

Kinapa ko ang harapan ng blouse ko kung saan nakasabit ang I.D. ko pero wala iyon doon. 

"Shit," napamura ako sa ilalim ng hininga ko. Ngayon ko pa talaga napiling iwanan ang bag ko sa opisina! Ang galing!

Tumakbo ako ulit pabalik sa school para kunin ang I.D. ko. Magtatanong palang si Ryone ay mabilis na akong lumabas ulit. Umiika-ika na nga ako dahil sa sakit ng paa ko. 

This will be worth it, paalala ko sa sarili ko. Makita ko lang siya, makapag-usap lang kami, alam kong magiging worth it lahat ng ito.

Pagkatapos ng ilang mga pagtitipa at swipe ng clerk sa I.D. ko ay hinayaan na nila akong makaakyat. Akala siguro nila ay isa akong desperadang fangirl.

Siguro, oo. Pero sa isa lang.

Bumukas ang elevator at agad kong nilibot ang paningin ko para mahagilap siya sa malawak na floor. May narinig ako na mga boses sa isa sa mga pribadong room kung saan madalas na nagrerelax sila. 

"I'll get hurt." boses ng babae iyon.

"Of course, you would be... and I wouldn't want that."

Hindi ako pwedeng magkamali. Si Kenjiro iyon. Sino ang kasama niya?

Bawat hakbang ko ay magaan, sinisigurado kong walang ingay. Mahina ang boses nila at hindi ko masyadong maintindihan, pero sa hindi malamang dahilan ay nanlulumo ako.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto roon.

Ang panlulumo ay pagmamaliit sa naramdaman kong pagkapunit ng puso ko nang maabutang magkayakap si Kenjiro at Nyx Lyrica doon. Napahugot ako ng malalim na hininga, dahilan para takpan ko ang bibig ko. 

Isa-isang bumagsak ang mga luha ko. Ang sakit ng paa ko. Ang sakit ng puso ko... hindi ko alam na posible palang sasakit nang pisikal ang dibdib kapag ganito.

Matagal ang naging yakapan nila. 

Nakikita ko mula rito ang luhang lumandas mula sa mata ni Kenjiro. Ang higpit ng pagkakahagkan niya kay Lyrica ay sa panaginip ko lang mararanasan. 

While he held her, I was holding on to the doorknob for dear life. Sa sobrang panghihina ay napaluhod ako, tahimik pa rin ang mga hikbi at hindi na makahinga sa pagpipigil ng tunog mula rito.

Ang sakit! Ang sakit sakit pala nito. Masakit. Ayaw ko ng ganito... masakit. Paulit-ulit na litanya ko sa utak ang salitang sakit, dahil wala nang ibang maisip na salita ang utak ko para sa nararamdaman.

The pain is beyond my comprehension. Nakakabulag.

Hindi ko sila hinintay na matapos. Tumakbo na ako palabas, hindi inalintana ang mga matang mapanghusga. Wala akong pinagkaiba sa mga tagahanga niya.

Ang sabi ko... pare-pareho ang turing niya sa lahat ng mga kaibigan niya.

Mali. Maling mali ako roon... dahil palaging mayroong isang naiiba.

Sa kasong ito, si Nyx Lyrica.

Hindi ko lubos akalain na ang unang tulang isusulat ko tungkol sa pag-ibig ay kuwento kung paano ako nasira nito.

Continue Reading

You'll Also Like

12K 319 44
La Pampanga Series #1 Savannah Kinsley Diaz was only a little girl when she made a promise to herself: to stay loyal and faithful to her partner. Her...
4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
310K 14.2K 64
Lies and broken promises, temporary feelings and ruined relationships. Kelsey's view of love was long tainted after being a product of a broken famil...
44.4K 2.1K 40
WEST AVENUE SERIES #3 (COMPLETE) Kalila Rafaella Go, SHU Lioness' libero is born in a family that wasn't that well off so she sweats blood to be acce...