Accidentally Fall In Love (Lo...

By Emcentllain

3.3K 160 1

Chanel Marcell Lee, a girl who wants to see her father. Bata pa lamang ay iniwan na sya ng kanyang ama, kaya... More

Accidentally Fall In Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Epilogue
Note

Chapter 45

56 4 0
By Emcentllain

Chapter 45

"Alagaan mong mabuti ang sarili mo." si Papa habang nakasuot ng kulay puting damit.

Nangunot ang noo ko, malayo ito sa akin. Pinilit kong lumapit ngunit parang hindi ako umaalis sa pwesto ko.

"Aalis ka ba ulit?" tanong ko sa kanya. "Iiwan mo ba ulit kami ni Mama? Bakit kailangan mo pang umalis ulit?"

"Kasi kailangan na anak ko."

Umiling ako, naiiyak na.

"Papa, ang tagal kitang hinintay, ang tagal kong inasam na makasama ka at makausap ka. Bakit kung kailan nandito kana ay aalis kana ulit? Saan ka pupunta?"

"Sorry sa lahat ng mga kasalanan ko anak, sana mapatawad mo ako, sa pag alis ko, sa pag iwan ko sa inyo ng Mama mo."

Umiyak ako. "Papa! Nakakainis ka! Hindi ako kailanman nagalit sa'yo sa panahong inaantay kita, wala akong ibang inisip kundi ang makasama at muli kang makita. Pero bakit nyo ako pinag kaisahan lahat? Bakit mas pinili mong mag tago kesa ang magpakita sa akin?"

"Maraming rason anak ko, kaya gumising kana para malaman mo."

Nangunot ang noo ko.

"Gumising? Bakit Papa? Mukha ba akong nanaginip?"

"Anak? Mahal kita, walang araw na hindi kita inisip. Alagaan mong mabuti ang sarili mo, mananatili kayo sa puso ko."

Tumalikod na ito, naalarma ako kaya sumigaw ako at tinawag sya.

"Papa!" nagmamakaawa ang boses ko. "Huwag mo na ulit akong iwan, ayoko ng magkaroon pa muli ng mga katanungang kailanman ay hindi ko kayang itanong sa'yo. Papa! Pakiusap! Huwag kana umalis."

Ngunit parang wala syang naririnig dahil diretsyo lamang ang kanyang lakad. Tumakbo ako at hinabol sya, ngunit nadapa ako.

"Papa..." umiyak ako habang pinipilit syang tawagin ng boses kong namamaos na.

Nagising ako. Panay ang patak ng luha sa aking mata, mabilis akong bumangon. Napatingin ako sa paligid at napagtanto kong nasa silid ako ng hospital.

Anong gina-gawa ko dito? Nahimatay na naman ba ako?

Napatingin ako sa pumasok. Namataan ko si Mama, namamaga ang kanyang mga mata.

"Anak!" sigaw nya at mabilis na lumapit sa akin at yumakap. "Salamat at gising kana." aniya at umiyak sa balikat ko.

Nilingon ko ang sumunod na pumasok, natanaw ko si Ryan at Rj, namamaga din ang mata nila pareho.

"A-anong nangyayari?" tanong ko sa kanila. "S-si Papa? Nakausap ko si Papa, umalis sya ulit. Saan daw sya pupunta?" sunod-sunod na tanong ko.

"Nuna!" mabilis na tumakbo si Rj sa kama ko at umiyak ito.

"Bakit anong nangyari?"

Hindi ito sumagot, iyak lamang ang naging sagot nya. Maging si Mama na nasa gilid ko.

"Sagutin nyo ako, anong nangyari?" sabi ko na naiinis na. "Nasaan si Papa? Bakit sya umalis ulit huh? Ano hindi nya ba kayang magpaka ama sa akin? Aalis ulit sya at magtatago? Hindi ulit magpapakita ng halos ilang taon huh?"

"Chanel." Si Ryan at seryoso akong tiningnan. "Si Daddy..." tila nahihirapan itong mag salita.

"Ano? Bakit ba huh? Bakit sya umalis?"

Lumapit si Ryan sa akin at niyakap ako. Inilagay niya ang kanyang bibig sa aking tainga.

"Wala na si Daddy, Chanel."

Parang kulog ang naging bulong ni Ryan. Kumalas ito ng yakap at tiningnan ako, pumatak ang luha sa kanyang mata. Nanatili akong nakatingin sa kanya, pinoproseso ang sinabi nya.

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko dito at hinawakan sa kanyang braso.

Umiling ito at umiyak. "May sakit sa puso si Daddy, hindi nya na kinaya dahil lumalala na. Hindi naging successful ang operasyon–" hindi ko na ito pinatapos.

Mabilis akong bumaba ng kama.

"Nasaan sya?" nangangatal ang boses kong tanong sa kanya.

Sinabi nya sa akin kung saan nakaburol si Papa, mabilis akong lumabas ng kwarto. Hindi ko maiiyak ang bigat ng puso ko. Dahil pakiramdam ko ay nag sisinungaling lamang sila. Paanong wala na si Papa? Papaano mangyayari iyon!

Pumara ako ng taxi, nakasuot pa ako ng pang pasyenteng damit ngunit wala na akong pake. Sinabi ko ang address na pupuntahan namin ng taxi driver. Nangangatal ang kamay ko, kinakabahan ang puso ko.

Kausap ko pa si Papa kanina, kaya hindi sya maaaring mawala na lamang bigla.

Nang makarating kami sa isang church. Napansin ko na ang daming tao, at bulaklak na naroroon. May tarpaulin din doon ng mukha ni Papa, nanikip ang dibdib ko.

Marahan akong naglakad, kapansin pansin ang tingin ng mga taong naroroon.

Habang papalapit, ay pabigat nang pabigat ang nararamdaman ng puso ko. Umiling ako at pinipilit na sabihin sa sariling hindi ito totoo.

Hindi...

Hindi pwede...

Papa...

Bumuhos ang luha ko habang naglalakad sa gitna at tinatanaw ang kanyang kulay abong higaan.

"Pa..." hindi maituloy ng bibig ko ang pag tawag sa kanya.

"Chanel!" narinig ko ang tawag ni Marcus sa pangalan ko.

Nilapitan ako nito at hinawakan sa braso. Nilingon ko sya, nagmamakaawa ang aking mata.

"Marcus... sabihin mo... h-hindi ito totoo hindi ba?" tumawa ako na para bang nababaliw na.

"Chanel..." ang boses nya na malungkot ang syang lalong naging dahilan ng panghihina ko.

Umiling ako at nilingon ang coffin ni Papa.

"Hindi..." habag na ang bumalot sa dibdib ko.

"Chanel, huwag na muna. Hindi pa maganda ang kondisyon mo–"

"Bitaw!" sigaw ko dito at hinila ang kamay ko sa kanya. "Gusto kong makita si Papa! Gusto kong malaman kung sya ba talaga ang laman ng kabaong na 'yan!"

"Chan..." halong awa ang bumalot sa mga mata nya.

Nilingon ko muli ang coffin ni Papa at naglakad na papalapit roon. Nahirapan akong lumunok ng makita ang mukha nya roon.

Umiling ako paulit-ulit. "Papa!" sigaw ko at hinawakan ang kabaong nya. "Please... sabihin nyong hindi ito totoo!" umiyak ako. "Papa! Please..."

"Chanel..."

Hindi ko inintindi ang tawag ni Lola Immavel sa akin.

"Papa! Please gumising ka... parang awa mo na." hinaplos ko ang kabaong niya. "Papa..."

"Chanel, hija." Si Lola na hinawakan ang braso ko.

"Bakit... bakit mo ako iniwan... Bakit ka ulit umalis... bakit Papa! Bakit hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka!"

Halos magmakaawa na ang boses ko.

"Marami pa akong itatanong sa'yo. Inihahanda ko na ang sarili ko na makausap kayo ng maayos. P-pero... bakit kailangang humantong pa na makausap kita dito?"

Kung ano mang nararamdaman ko ngayon, iyon ay ang sakit na kailanman ay hindi ko na maaalis sa puso ko. Nakaramdam ako ng pagsisisi sa sarili ko, kung bakit hindi ko inalam noong una. Kung anong pinaka mismong rason nila. Ngayon alam ko na ang gustong ipabatid ni Ryan sa akin.

Hindi ko matanggap, na sa huling sandali ay dito ko sya makikita. Hindi ko halos nadama ang mga araw na nandyan sya. Mas inuna ko ang galit na mayroon ako sa puso ko. Mas inuna kong maawa sa sarili ko kesa malaman ang dahilan nila.

Kung bakit ganito kalupit ang mundo, ay hindi ko na maintindihan pa. Habang buhay kong dadalhin ang pagsisisi sa puso ko.

Na sana hindi ko inuna ang sarili ko...

Na sana nilaan ko ang oras ko sa kanya imbes na magalit...

Na sana inalam ko ang totoo...

"Kumain kana muna. Kanina pa walang laman ang tyan mo." si Marcus na may dalang pagkain sa akin.

Last night na ni Papa, walang gabi na hindi ko sinisi ang sarili ko sa mga nangyari. Madaming panahon ang nag daan, ngunit inuna ko ang pride ko. Inuna ko ang sarili ko.

"Busog ako." sabi ko kay Marcus.

"Hindi matutuwa si Tito Lucas kung ganan ang gagawin mo."

Napaluha muli ako. "Marcus please... wala akong gana sa lahat." nilingon ko sya, umiiyak na ako.

"Chanel... may sakit ka din. Sa makalawa ay ooperahan kana, magpalakas ka. Kawawa si Tita Chaney kung pati ikaw ay iiwan sya."

Si Mama... tama... si Mama, si Mama ang may kasalanan nito. Sya ang may kagagawan ng lahat kung bakit hindi ko nakasama ng matagal si Papa. Si Mama... na hindi man lang sinabi sa akin ang totoo. Kasalanan nya 'to. Kung may kasalanan ko ay may mas kasalanan sya. Tinago niya sa akin ang totoo, kaya ko pinag sisisihan ito.

"Si Drake."

Natigilan ako ng marinig ang pangalan ni Drake sa likod ko. Nilingon ko iyon, namataan ko nga ito, kasama ang kanyang Lola Victoria at si... Brianna.

Nagawi ang kanyang mata sa pwesto namin, seryoso lamang ang reaksyon na ibinigay ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na pagkatapos ko syang ipagtabuyan dahil kay Brianna ay makikita ko syang kasama ito. Ibig sabihin lamang noon ay totoo, kasinungalingan lamang ang sinabi niya sa akin.

Napatingin ako sa tiyan ni Brianna, hindi pa iyon malaki. Mukhang natuloy na ang engagement party nila. Nanalo si Brianna, nag wagi sya sa pagkuha muli kay Drake. Sana masaya silang dalawa.

Inalis ko ang tingin sa kanila. Tumayo ako at lumabas sa pinto sa may gilid. Naghalo-halo na naman ang nararamdaman ko, ang sakit na pagkawala ni Papa, at ang lokohin ako ng taong mahal ko. Grabe sila, grabe sila magsinungaling sa akin.

Napatingin ako sa kalangitan na sinasakop na ngayon ng kadiliman. Bakit po kayo ganito sa akin? Bakit inaalisan nyo ako ng karapatang mag mahal at mahalin? Bakit nyo po ako pinapahirapan ng ganito. Kailanman ay naging mabuting tao ako, ngunit bakit kay sama naman ng kapalit ng pagiging mabuti ko.

Naramdaman ko ang daloy ng luha sa aking pisngi, pinawi ko iyon gamit ang kamay ko.

"Chanel."

Natigilan ako, ibinaba ko ng tingin ang aking mata at nilingon ang likod ko. Si Drake, malungkot ang mga mata nyang nakatingin sa akin, tiningnan ko ang likod niya at hinanap ko si Brianna.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

Lumapit ito kaya bahagya akong napa atras. Nagulat na lamang ako sa sunod niyang ginawa, hinila niya ako at dinala sa kanyang bisig.

"Sinabi ko noon, palagi lamang akong nandito."

Gusto kong kumawala sa mga yakap nya, ngunit nakaramdam ako ng pagiging kalmado sa mga bisig niya. Hinayaan ko ang sarili kong mayakap muli sya. Dahil sa oras na ito, wala akong ibang inisip kundi ang mapawi kahit kaunti ang hapdi sa aking dibdib.

"Bakit..." gumaralgal ang boses ko kaya siniksik kong mabuti ang ulo ko sa kanyang dibdib.

"Bakit ganito na lamang kakalma ang pakiramdam ko sa mga yakap mo." sabi ko habang nakasiksik sa kanyang dibdib.

Hindi ito sumagot, hinaplos nito ang buhok ko.

"Ang sakit na Drake..." umiyak ako sa kanya.

"Just cry, baby... I won't leave you." aniya sa isang malalim na boses.

Hinayaan ko ang sarili kong ibuhos sa kanya lahat ng sakit. Ilang minuto akong nakayakap sa kanya habang umiiyak. Nang kumalma ang pakiramdam ko ay doon ko lamang napagtantong mali na ang nangyayari.

Lumayo ako dito, ang kaninang kalmadong pakiramdam ay napalitan muli ng galit. Kita ko sa mga mata nya ang gulat sa pagbabago ng ekspresyon ko.

Nilagpasan ko na ito, ngunit bago pa ako makalayo ay hinawakan ako nito sa kamay.

Natigilan ako. Hindi ko sya nilingon, nanatili lamang din syang nakatayo habang hawak ang kamay ko.

"I love you." aniya. "Say that you love me, gusto ko lamang magkaroon ng pag-asa."

Napakagat ako sa ibabang labi, pinipigilan muli ang luha.

Kinalas ko ang kamay kong hawak niya, ngunit hindi ako umalis, nanatili lamang akong ganoon ang pwesto.

"Huwag ka nang umasa pa. Niloko mo na ako, huwag mo sanang gawin iyan kay Brianna."

Suminghap ito, tila pagod sya.

"Walang namamagitan sa amin ni Brianna."

"Tama na Drake, we're done. Already done. Tama na ang kalokohan. Pagod na pagod na ako sa mga nangyayari sa buhay ko, at kung sasali ka pa, baka mabaliw na ako." pagkasabi ko noon ay naglakad na ako muli papasok sa church.

Gusto ko na lamang isipin na isa itong panaginip na gusto ko ng putulin pa, kung may hihilingin man akong alaala na masaya, iyon iyong kasama ko si Papa. Ang mga araw kung saan nakakatanggap ako ng regalo kada uuwi sya. At muli kong sasabihin sa kanya na huwag nya kaming iiwan ni Mama.

Papaulit-ulitin ko iyon, hanggang sa mapagod syang marinig ang salitang iyon at hindi na kami iwan pa ni Mama. Wala akong ibang hiniling sa buhay ko kundi muli syang makita. At ang makitang inihahatid ko sya sa huling hantungan nya, ay kailanman hindi ko pinangarap, kailanman ay hindi ko hiniling.

Kung pagbibigyan man ako ng isa pang pagkakataong itama ang lahat, iyon ay ang huwag ng magalit kay Papa noong mga panahong nalaman ko ang lahat. Sana nanatili na lamang ako sa tabi niya.

"Ako si Chanel Marcell Lee, isa itong malaking karangalan para sa akin na tumayo sa harapan nyong lahat at makapag salita bilang valedictorian ng ating klase sa pagtatapos." tumikhim ako at tiningnan ang lahat ng kapwa ko estudyante na nandito sa graduation ceremony.

Apat na araw na simula ng mailibing si Papa, puno parin ng galit at pagsisisi ang puso ko. Puno ng hinagpis at sakit. Ito ang pangatlong tungtong ko sa stage na wala ang Ama ko, at isa iyon sa gustong gusto kong maranasan, ngunit kailanman ay hindi ko na mararansan pa.

"Nais kong magpasalamat sa mga guro at sa mga magulang, na syang naging dahilan kung bakit kaming lahat ay naririto at isa-isang tumatanggap ng diploma. Marahil maraming naging pagsubok ang syang dumaan bago tayo umabot sa araw na ito."

Madami... madami nga ang pagsubok. Isa na ako sa nakaranas noon.

"Gusto kong magpasalamat sa inyo, my fellow classmates, my fellow schoolmates. Dahil talagang nag sumikap kayo upang makarating at mahawakan ang diploma nyo."

Tumingin ako sa paligid, natanaw ko si Mama na naroon kasama si Tita Sammy at Tito Marlon. Naguhitan ng galit muli ang puso ko. Hindi ako masayang makita sya na naririto, sinisisi ko ang sarili ko pero may sinisisi ko sya.

Tinanggalan nya ako ng karapatang makita at makasama si Papa. Kung mayroon man akong sisisihin sa lahat ay sya iyon. Sobrang humahanga ako sa kanya, sa pagiging matatag nya, ngunit hindi pala dapat kahangaan ang katulad niya.

Napuno ng galit ang puso ko, at kailanman ay hindi iyon mapapawi. Ang makita ang mukha nya ang syang nagpapaalala sa akin ng lahat ng pagsisisi ko, ang makita ang taong nag tago sa akin ng katotohanan, ang syang kailanman ay ayoko ng makita pa.

Galit ako sa kanya, galit na galit ako sa kanya.

Napaluha ako, naibaba ko ang mikropono at tumingin sa mga teachers na nasa stage kasama ko, yumuko ako at humingi ng tawad bago bumaba ng hagdan at tumakbo papaalis sa lugar na iyon.

Lumabas ako ng university namin at pumara ng taxi. Dala ang diploma at ang medalyo ay nagtungo ako sa puntod ni Papa.

Naupo ako sa puntod niya at inilagay ang diploma ko at ang medalyo ko roon.

"Papa... graduate na po ako." suminghap ako pinipigilan ang pagpatak ng luha. "Sana man lang inabutan nyo 'to. Sana kahit isang beses man lang Pa, nakita nyo akong tumungtong sa stage." hinaplos ko ang lapida niya. "Masyadong madamot sa atin ang mundo Papa, umalis ka ulit at kailanman ay hindi na babalik." umiyak na ako ng tuluyan.

Kasabay noon ang pagbuhos ng malakas na ulan. Hindi ko inalintana ang lamig ng patak ng ulan. Hinayaan ko ang sarili ko sa ulanan, dahil habang pumapatak ang ulan, pumapatak din ang luha sa aking mga mata.

Niyakap ko ang tuhod ko, at doon ay umiiyak, damang dama ko ang lamig ng bawat pagpatak ng butil ng tubig sa aking katawan. Mas niyakap ko pa ang tuhod ko ng maramdaman ang hampas ng hangin.

Maya-maya lamang ay natigilan ako ng mawala ang ulan sa katawan ko. Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang isang payong, nilingon ko ang likod ko. Nag tama ang mga mata namin ni Drake.

Naupo ito. Iniangat niya ang kanyang kaliwanag kamay at pinunasan ang pisngi ko.

"Magkakasakit ka sa ginagawa mo." May kinuha ito na kung ano sa kanyang bulsa.

Panyo iyon at ipinunas sa pisngi ko.

"D-drake..." humihikbi ako.

"Hmm?"

"B-bakit ka nandito? Papaano mo nalaman na nandito ako?"

"Hindi na mahalaga 'yon. Halika na, masyado ng malakas ang ulan. Basang basa kana."

Hinawakan ako nito sa kamay ngunit umiling ako at binawi iyon sa kanya.

"Hindi ako sasama sa'yo. Ayoko, dito lang ako. Kay Papa lang ako."

"Chanel, please. Magkakasakit ka–"

"Umalis kana. Hindi kita kailangan," pagtataboy ko sa kanya.

"Chanel–"

"Sabing hindi kita kailangan!" Sigaw ko sa kanya na kinagulat nya. "Ayoko sa'yo manloloko ka! Huwag mo ngang ipakita sa akin na nag-aalala ka!"

"But I really worried–"

"No fuck! Leave!" Muli kong putol sa kanya. "Please." Pagmamakaawa ko. "Just give me space."

Lumunok ito, bahagyang nag igting ang kanyang panga at hirap na tumango. Kinuha nya ang kamay ko, nagulat ako doon ngunit agad nyang inilagay ang hawakan ng payong doon.

"Take care. I'll wait for you." Aniya bago tumayo at naglakad sa ulanan.

Pinagmasdan ko sya habang unti-unti na syang nababasa ng ulan. Gusto ko syang habulin, gusto ko syang yakapin. Dahil pakiramdam ko, sa tuwing nandyan sya, ay kampante ang puso ko, kampante ang nararamdaman ko. Damang-dama ko kung papaano nya pagaanin ang loob ko.

Ngunit paano? Paano ko gagawin iyon kung pinalayo ko na sya? Papaano ko pa gagawin iyon, gayong nag tatalo na ang puso't isip ko sa mga nangyayari.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Para na akong mababaliw, gusto ko munang makapag pahinga sa sakit na 'to.

Ang sakit na nararamdaman ng puso ko ang syang papatay sa akin. Ang masaktan ng paulit-ulit ay hindi ko na kinaya pa, ubos na ubos na ang enerhiya na mayroon ako. Gusto ko ng makapag pa opera at umalis na sa lugar na 'to. Kahit pansamantala ko lamang akong mawala, at muling bumalik ang saya na meron ako, kahit madama ko lang ulit iyon, ay babalik din ako.

Babalik ako, gusto ko lang kalimutan muna ang masasakit na pangyayaring 'to. Gusto kong ipahinga ang puso at isipan ko. Gusto kong muling makita ang sarili kong masaya, masaya sa mga bagay na meron ako.

Continue Reading

You'll Also Like

76.8K 799 1
Ung feeling na crush mo DATI ung humahabol sayo ngayon! ♥
731K 29.4K 46
WATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawa...
Heaven By wacky

Teen Fiction

34.2K 603 22
Ang plano ni Seven na pumasok sa johnson Academy ay para maibalik ang kanyang Ex-Girlfriend sa piling nito. Pero ang kanyang plano ay biglang nagbago...
158K 1.8K 60
COMPLETE NA PO By Cupcake_Chase Nag-aaral si Aly sa isang university. Isang araw, nagkakilala si Aly at si Jack. No romance in first chapter...