Chapter 23

41 3 0
                                    

Chapter 23

Halos isang linggo na ang nakaraan simula ng manligaw sa akin si Drake. Masaya ako sa nangyayari, hindi ako nagkamali na pinili ko kung anong nararamdaman ng puso ko para sa kanya. Kahit alam kong hindi sya perfect man para sa ibang nakakita, pero para sa akin perpekto sya. Tanggap ko kung ano man iyong nakaraan nya. Lahat naman nagbabago.

Kasalukuyan kaming nasa biyahe papuntang San Pablo Laguna, sa probinsya ng Lola Immavel namin. Ang Nanay ni Papa.

Sakay ako ngayon sa sasakyan ni Ate Samara na syang nag mamaneho, kasama ko sa sasakyan ay ang kapatid nito na si Marcus, si Mama naman ay nasa sasakyan nina Tito Marlon.

"Alam na ba ni Lola na nandito ka sa Pilipinas?" tanong ni Marcus na nasa passenger seat.

"Hindi pa, kaya pinakiusapan ko si Dad para sa dinner ngayon. I want to surprise her." ngumiti si Ate Samara na abala sa pagmamaneho. "Chanel?"

Napatingin ako sa rear view mirror upang tingnan si Ate Samara.

"Kailan mo balak sagutin si Drake? Binalita nya sa akin ang panliligaw nya sa'yo. I'm happy for you! Sabi na e, duda talaga ako sa inyong dalawa ni Drake." aniyang kinikilig.

Naalala ko iyong tinanong nya ako kung kamusta ang love life ko at sinabi kong wala. Tapos sinabi nya pa sa akin kung wala ba sa tatlo.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Mahirap talagang mag salita ng hindi tapos.

"Halos mag iisang linggo pa lang po ang nakakalipas Ate hindi pa naman po ako nag mamadaling maging kami."

"Tama 'yan. Nakikita ko namang mabuting bata si Drake, but for some reason mas magandang pag isipan nyo munang dalawa."

Ganon na nga ang ginagawa ko, gusto ko kapag sinagot ko na si Drake pareho na kaming handang pumasok sa relasyon. Hindi naman nag mamadali si Drake, he's willing to wait.

"Ang kapatid ko kaya kailan may ipapakilala sa akin?" sumipol si Ate Samara kaya napalingon sa kanya si Marcus.

"Ate, nag aaral pa ako. Hindi pa ako ready sa ganang relasyon."

"Aral in your face! Akala mo hindi ko nalalaman na palagi kang may dinadalang babae sa bahay natin?" singhal ni Ate Samara sa kanya. "Hindi hotel ang bahay natin. My gosh! Kapag hindi ka pa nag seryoso sa pag-ibig reretuhan kita."

"No stop!" angal ni Marcus. "I don't want commitment. I'm not fucking ready for serious relationship."

"Kailan pa? Kapag ayaw na ng mga babae sa'yo?"

"Darating tayo dyan, hayaan mo na lang muna ako sa ginagawa ko. Dito ako masaya."

"Eww so gross."

Bahagya akong natawa sa pag tatalo ng dalawa. Malaki ang tanda sa amin ni Ate Samara kaya talagang ginagalang ito ni Marcus. Takot sya kay Ate Samara dahil black belter ito sa taekwondo. Maraming talento si Ate Samara, hindi lamang sya basta maganda. Talagang ang ganda nya maraming maibubuga.

Matangkad, maputi, at chinita si Ate Samara. Mayroon syang magandang hugis ng katawan, biniyayaan din sya ng mayayamang dibdib. Kung tutuusin ay kaya siya nag aaral sa France dahil gusto nila Tito Marlon at Tita Sammy na maging modela si Ate Samara, hindi raw bagay sa kanya ang maging isang taga luto.

Walang wala si Marcus sa Ate nya, malayong malayo ang ugali ng dalawa, kaya nga napapaisip ako kung tunay bang kapatid ni Ate Samara si Marcus.

Nakarating na kami ng San Pablo Laguna, bumiyahe pa kami ng ilang minuto bago nakarating sa bahay ni Lola Immavel. Bumaba kami ng sasakyan at tumambad sa amin ang native na bahay ni Lola, halos nalipasan na ng panahon ang bahay ni Lola ngunit alagang alaga parin ito.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon